Ika-18 ng Oktubre, 2014
Sabado, 4:32 ng hapon
Isang grading period ko pa lang sila nakasalamuha, natuturuan at kinabubwisitan hehehe. At hindi naman siguro makatarungan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam ang aking pangalan o kahit pa ang tamang spellingnito.
Matapos mangalay ng kamay ko kaka-check ng kanilang periodical test, natawa na lang ako sa sari-saring bersyon ng aking name. Narito –
1. Jep Buendia– Oo, ito ang nakalagay na panglan sa masking tape ko kaya siguro ito rin ang naisulat ng batang ito. Pero nakapa-close naman namin para gamitin niya ang Jep Buendia.
2. Sir Bindiya– Parang binastos naman yung apelyido ko. Nasaan ang hustisya! Lols.
3. Sir Guendia– Lokohan na ito.
4. Sir Gwendia Abuen– Aba, ako nga ba talaga ang teacher ng batang ito?
5. Mr. Buendiya– malapit na maging Buwaya.
6. Sir Jeff– eto, close na close kami nito, Sir Jeff lang talaga.
7. Sir Buen Dia– tama na sana eh, may space pa.
8. Sir Vuendia– sosyal, V as in victory.
9. Mr. Bendiya– bastusan na talaga hahaha.
10. Sir Guindia– hindi ko na ito maatim.
Ang sampung bersyon na yan ng aking panglan ay nanggaling lamang sa 2 out of 5 sections na hawak ko. Hindi ko na hinanapan pa ng ibang bersyon ang natitirang tatlong pangkat, dahil mukhang hahaba pa ang listahan.
Sige… sa umpisa ng 3rd quarter, pagkatapos ng sembreak na ito, magpapakilala ulit ko.
Mabigyan nga ng plus 5 ang lahat ng tumama sa pangalan ko… in their dreams!