Ika-22 ng Nobyembre, 2014
Sabado, 7:43 ng gabi
Unang semestre. Ikalawang sabado.
Habang papunta sa eskwela, naisipan kong kunan ang daan na ito –
…masaya maglakad dito kapag umaga. Kala mo holiday. Halos walang mga tao at sasakyan. Natuwa lang akong kunan ang kalyeng ito, kasi napakaliwanag sa dulo. Papasikat na kasi ang araw. Di tulad nung nakaraang sabado na makulimlim at medyo maulan ang panahon. Kaya kanina feelingko, ito na ang daan patungong langit. Lol.
Pangalawang pagdu-dokumento sa haggard kong pagkatao. Sa parehong salamin at banyo –
…medyo scary mag-cr dito. Laging nakasara ang ilaw, parang kwarto ko na itong cr sa ground floor, laging ako ang tagabukas at tagapatay ng ilaw. Di tulad ng mga banyo sa ibang palapag, kahit kailan ni wala pa akong nakasabay dito. Siguro ni-reserve ang cr na ito para sa akin hahaha. O baka hindi lang pinapagamit, lagi kasing freshkumpara sa ibang cr, kaya dito ako nawiwili pumunta para umihi at magpanggap na fresh.
Unang karinderyang kinainan ko para magtanghalian –
…kasama sila Denise, Neri, Eldie at Dranreb(wala sila sa larawan hahaha). Di ko akalain kahit paano may makakasama naman pala ako. Mukha pa naman akong tanga ‘pag mag-isa.
Sa ikatlo at huling klase ko ay wala na akong kakilala. Kaya kailangan mag-effortna chumika. Ayun may naka-chikahan naman na isa. Buti na lang… di na ako magmu-mukhang ewan.
Pag-uwi, bumili ako ng planner mula sa Papemelroti–
…dinalawa ko na ang bili. Nahiya naman sa ako cashier. May planner pa akong nalalaman, eh lahat naman ng naibigay at nabili ko sa Papemelrotiay itinatago ko lang naman. Ganda kasi ng mga design!