Ika-29 ng Nobyembre, 2014
Sabado, 8:23 ng gabi
Isa sa pangarap kong gawin / trabaho ay ang maging isang researcher. Kahit nakadudugo sa pag-iisip ang research, hindi ko alam kung bakit trip ko pa rin ito. Parang ang saya lang kasi na marunong ka mag-research. Marami kang malalaman. Marami kang matututunan. Kaya nga, hinahangaan ko ang mga mahuhusay na researchersa kanilang napiling field; pati na rin yung mga nagtuturo ng paggawa ng isang matino at magaling na research. Sa tingin ko, bukod sa nakayayaman ito ng isip, nakapagpapalago rin ito ng pagtingin mo sa buhay at sa mundo (wow? lol).
Kaya sa mga mahuhusay sa research… turuan niyo naman ako! Hehehe.
Mukhang malabo na ring mangyari yung pinapangarap ko na maging part ng isang research teamna napapadpad kung saan-saang lugar para sa isinasagawa nilang pag-aaral… hay naku… dream lofty dreams.
Kanina, kasama ko si Neri sa library–
Kailangan naming humanap ng mga research na may kinalaman sa aming field of specialization, kaya mala-ukay-ukay kaming naghagilap ng mga thesis / research. Kahit nung nasa kolehiyo pa ako, ipinagtataka ko talaga kung papaanong napakaraming research na ang naisasagawa o naisa-submit sa mga unibersidad sa buong Pilipinas pero bakit di pa rin umuunlad ang iba’t ibang larangan tulad halimbawa ng sa edukasyon? Hindi ba’t ang pagri-research ay isinasagawa para makatuklas ng bago o makahanap ng solusyon, pero asan na? Hindi ko alam kung hindi lang ako updated o baka hindi lang din ako na-informed lol.
Sa tuwing nakakakita ako ng tambak ng mga research sa isang silid aklatan –
![]() |
Busy si Neri (nakaputi) sa paghahanap... eh ako? Lol. |
…hindi ko maiwasang tanungin ang aking sarili… ang mga research ba na ito ay ginawa para sa ikabubuti at ikayayabong ng ating kaalaman, o sadyang ginawa lang sa ngalan ng ‘partial requirement’ sa kursong iyong kinuha? Nasasayangan kasi ako sa mga papel at na nai-hard bound pa lol.
Di ko rin maiwasang ma-frustrate kapag may gagawing research. Bukod sa alam kong marami pa akong dapat na matutunan, ay gustong-gusto ko talaga na makagawa ng isang maayos at may husay. Kung may panahon lang. Kung may budget lang. Kung may mentorlang at ako ang protégé lol. Puro na lang ‘kung’.
Sa parehas na paraan, nakaka-frustratedin kung paano nakadudugyot ng pagkatao at nakaluluray ng katawang lupa ang pagsakay sa LRT! Parang isang panaginip na di mo gugustuhin –
![]() |
Blurred. hehehe. |
Nga pala, hindi ako nakapag-haggard-selfie ngayong araw sa peyborit kong fresh na cr sa ground floor. Naka-lock na ito. Natuklasan na ata nila na ako lang ang walang habas na gumagamit ng cr na iyon na para lamang sa mga guests / staff! Hay naku. Lol.