Ika-25 ng Disyembre, 2014
Huwebes, 1:50 ng madaling araw
Achievementngayong taon nila papa at mama na makatapos ng simbang gabi. Samantalang ako, never ko pa talaga nagawa yun. Hindi ko matandaan kung anong araw o petsa, pero isang umaga ay may ipinakitang papel sa akin si mudra, sabi niya –
“Uy! Tignan mo…,” binubuklat niya ang nakatuping bond paper, ipinapakita sa akin habang nagtitimpla ako ng kape.
“…nililista ko yung mga misa,” yung mararamdaman mo na ‘feeling proud’ si mudra hahaha.
“Nye!” yan lang ang nasabi ko.
“Wala lang!” dugtong niya, sabay tawa na lang kaming dalawa hahaha. Feeling ko kasi nagmamabait na naman ang nanay ko lols. (Pero mabait naman talaga, at syempre nanay ko yun hehehe).
Sa aking parte naman, achievement ko na ngayon lang ako naghanda ng regalo para sa mga pamangkin ko. Makalipas ang maraming taon hahaha.
Nagising lang talaga ako kasi dumadagundong pa rin ang videoke ng matatag naming neighbor…
At para kunwari ay may part 2 na ang nakaraan taon kong ‘My Krismas Istori’.
Maligayang Pasko!
Ano naman ang ‘krismas istori’ mo?