Ang larawan ay galing kay Stevevhan.
Ang sabe, kapag na-nominate ka, mag-share ng 7 RANDOM FACTS ABOUT YOURSELF… ang naisip kong ibahagi ay ang aking mga ‘kwentong firsts’…
1. First time kong makakita ng PERSIMMON sa totoong buhay. LOL.
Jan. 16 – Sabado, sa may palengke malapit sa simbahan ng Quiapo. Sa sobrang pagka-ignorante ko sa prutas na katabi ng lemon na di ko mawari kung ano, di ko napigilan tanungin si kuyang nagtitinda;
Kumuha ako ng isa at pinsil-pisil…
“Kuya, ano po ito?”, tanong ko…
“Persimmon!”, sagot niya (na may tingin ng pagtataka)…
“Ah, yung ginagamit ni Jang Geum sa pagluluto!”, dugtong ko.
At habang naglalakad kami palayo sa kanya, na-feel kong buti pa si kuya alam ang persimmon, ako sa buong buhay ko, ngayong 2016 lang ako nakakita ng persimmon hahaha.
2. Unang beses ko lang din na nagsimba sa Quiapo Church noong sabado…at unang simba rin ngayong taon.
3. Na ako ang dahilan (pero parang hindi rin naman) kung bakit ginagabi kami ng uwi tuwing sabado nila Eldie at Neri (mga klasmeyt ko) matapos ang klase…
…dahil ayokong sumakay kapag sobrang sikip ng tren sa LRT… dapat masikip lang, hindi sobrang sikip, kaya lagi kaming nag-i-skip ng train (at nangangarap na may maluwag na treng darating). At unang beses ko lang din nakitang medyo nainis si Eldie dahil kahapon nung papasakay na kami sa isang tren ay pinigilan ko silang dalawa, lahat ng kasabay namin sa pila ay nakasakay naman, kaming 3 lang ang hindi dahil sa akin hahaha.
4. Na noong Dec. 16, 2015 Biyernes – unang beses ko lang din pumunta sa isang resto bar.
Na kahit pa alas-diyes na ng gabi, at may ipapasang reaction paper bukas, itinigil ko ang paggawa para puntahan ang mga nag-aya kong mga kaibigan sa trabaho. Ok lang din naman, kumain lang kami at kaunting inom. Dun ko lang din na-realize na malalaking tao talaga ang mga bouncer lol.
5. October 31, 2015 Sabado – una akong nagsuot ng contact lens.
Inabot pa ng 30 minuto yung ophthalmologist para lang ituro sa akin ang tamang paglagay at pag-alis ng contact lens. At habang suot ko yun papauwi dun ko nasabing “What a wonderful world!” Hahaha. Ganun pala ang feeling kapag malinaw ang mata from all angles.
6. January 9 Sabado – una kong kinasuyaan ang paborito kong POTATO chips.
Yun ay dahil bumili ako ng isang malaking size ng potato chips. Mga 6 na servings ang katumbas, at inubos ko lahat… ang ending umay na umay ako dahil tubig lang ang pinang-tandem ko hahaha, tapus plain pa yung pinili kong flavor. Hanggang ngayon at sa mga darating pang araw, ayoko muna ng potato chips.
7. At ang unang award na aking natanggap para sa taong ito ay galing kay Mr. Tripster… kaya ako gumawa ng ganito. Salamat!
x-o-x-o-x
Dahil dyan, mag-tag daw ako ng 15 pang mga bloggers. At sila ay ang mga sumusunod: (gusto ko sanang i-tag pabalik si Mr. Tripster hehehe)…
1. Overthinker Palaboy ng Afterthoughts
2. Stevevhan ng Artistic World
3. Limarx214 ng Blog, Poetry and Notion
4. Citybuoy ng City Songs
5. Diane ng Diane Wants to Write
6. Fiel-kun ng Fiel-Kun's Thoughts
7. Simon ng It Started Out with a Text
8. Jonathan ng Metaphorically Speaking
9. AnonymousBeki ng Mga Chika ni AnonymousBeki
10. Nyabachoi ng Mga Kwento ni Nyabachoi
11. Yccos ng Mimingthoughts
12. Rix ng PsychoRix
13. kalansaycollector ng Skeletons in my Closet
14. Christian ng I Remember When I was Young
15. Hi! I am Lili! Ng Thinking Out Loud
Lakas maka-Miss U ng listahang 15! Sino ang mako-Colombia? Abangan.