Nung makalawa, nakita ko yung makapal na novel na binabasa nya, papalapit na s’ya sa mga dulong pahina (sa tingin ko mga ilang araw din ang ginugol nya mula nung umpisahan n’ya itong basahin). Kinabukasan, halos iilang pahina na lang. Tapus ngayon, may bago na naman s’yang hawak na makapal na novel book… Bakit may mga taong ang bilis magbasa? Bakit ako hindi ganun hahaha.
Na-observe ko lang na hindi ako ‘stick to one’ kung magbasa ng libro. Pupulot ng isa… tyatyagain basahin ng 2 sunod na araw (swerte na kung dere-derecho pero madalang ang ganun). Hindi pa man din nakakatapus, iniisip ko na yung susunod na gusto kong basahin (lalo na kung may bahagi na parang napagod o na-bored akong basahin). Magbabasa muna ng iba, saka na lang ulit babalikan; kung hindi ganun ang mangyari ay naiiwan ko na.
Natatandaan ko, may isang libro na hindi naman ganuon kakapal (koleksyon ng mga maiikling kwento) ang natapus ko sa loob ng isang sem (na actually ay inumpisahan ko nang basahin noon pa, pero naiwan ko sa ere). Kapag sabado, sa tuwing bibyahe ay yun ang hawak ko sa jeep bago makarating ng lrt. Ayun, natapus ko naman kahit kada sabado ko lang s’ya nahahawakan.
2016.06.03 (Fri, 6:24 PM)