Minsan ay naitanong mo sa akin kung ano ang nais kong isulat…
…ang sagot kong pabibo – “gusto kong magsulat tungkol sa love; ang ma-inlove at masaktan dahil sa love.” Hindi ko na matandaan ng buo ang naging tugon mo sa sagot ko; basta ang naalala ko, ayaw mo ata akong magsulat patungkol sa love, lalo na yung huli (yung masaktan). Sa wari ko, ayos lang naman di ko naman ata yun mararamdaman.
Di nga talaga maganda ang magsalita ng tapus… di naman naging tayo… pero bakit nasasaktan ako! Hahaha!
Sabi ni Berto at Ulo kay Portia – “ang landi ng soul mo!” Iisipin ko na lang din na minsan naglandi rin ang soul ko. Charot.