Diagnostic test ng mga bagets. Kaya habang wala pa akong maisip na gagawin (kahit meron) ay ito muna… type-type.
Kung bakit ba kasi ang hirap paniwalaan ng mga pasaway na estudyante. Tulad ni Amiel… kinailangan ko pang pasamahin kay Lorie Mae (bise-presidente ng klase) para masiguro ko na sa clinic talaga ang punta. Sa kasawiang palad, sarado pa nung unang punta nila… buti na lang itong si Zurbano ay nakapagbigay ng isang pirasong paracetamol; na-amaze pa ang lahat dahil isang bugkos na plastic ng mga gamot ang dala niya, ang sabe meron daw kasi siyang ubo at sipon.
Naisip ko, sana hindi naman malaking kabawasan yung isang paracetamol na nabigay niya, kasi mukhang binili pa mula sa reseta yung mga gamot niya. Sa susunod, kailangan ko na rin sigurong magbaon ng paracetamol para sa kanila, kung sakaling hindi agad makakuha sa clinic.
Speaking of baon… nagbaon ako ng acetone! Kahapon ay sinabihan ko ang klase (partikular na ang mga babae) na magbabaon ako ng acetone para mga kuko nilang may kyutiks. Good thing, ngayong araw ay wala nang mga pinta ang kuko nila. Sayang tuloy ang dala kong acetone hahaha.
Late ang presidente ng klase na si Storm (na-traffic daw kasi siya sa may ginagawang daan). At mas lalong late naman si Pineda, hindi raw kasi siya ginising ng nanay niya. Pinagsabihan ko si Pineda na malaki na siya at di na niya kailangan pa ng taga-gising. Hindi ko lang tiyak kung binibeybi ba talaga siya ng kanyang ina; noon kasi ay naging estudyante ko na rin si Pineda sa isang back subject nya… at oo, hinahatid pa sya noon ng nanay niya.
8:15 pa lang… mamayang 8:40 pa ang recess.
2016.06.23 (Thu, 7:55 AM)
Sa klasrum.