Noong martes, nabanggit sa akin ni Storm (presidente ng klase) na may gustong lumipat sa aming section. Ang sabi ko, kung sino man sya wag na hahaha. Pinayuhan ko na, bago mangyari iyon ay kelangan muna kausapin ng student na yun ang kanyang adviser, year-level chairman at ang beis-officer. Ipinaliwanag ko na hindi basta-basta ang paglipat ng section, lalo na kung ang rason lang ay para makasama yung gusto nyang maging kaklase (hindi mapapayagan kung hindi naman mabigat ang dahlian ang ibig kong sabihin). Sa personal kong preference, ayoko na may madagdag pa sa section na hawak ko dahil nag-aayus na ako ng listahan at mga school forms dahil gusto ko sana ma-finalized na ang lahat, pero kung aapruban naman ng nasa ‘higher-itaas’ anu naman ang magagawa ko (at saka kung makabubuti naman sa bata, why not). Ehem.
Papalabas na ako ng room, lumapit si Robles para kunin ang kanyang chip sa recitation at nagsabi sa akin ng “Sir pwede ba lumipat ng section?” Sa loob ko alam kong nakikisabat na naman ang batang ito dahil narinig nya ang naging usapan namin ni Storm. Tinanong ko na lang siya ng “Bakit?”Ang sabi niya – “Sir, ang higpit eh(raw sa section namin), lahat na lang napapansin, tapus isusulat ka pa sa mahiwagang notebook (yung anecdotal ang tinutukoy niya).” Muntik na akong matawa, nginitian ko na lang tapus ay sinabihan ko ang buong klase na maaari na silang mag-recess. Sa isip ko, “okay ah, affected sila” kaya mas lalong hindi ako titigil sa pagdisiplina hanggat hindi nagtitino ang mga makukulit na bata.