Okt. 29, Sabado – sa LRT, sa di ko na matandaang istasyon, sumakay ang isang grupo ng mga kabataan na mga maiingay. Masikip na nga, maingay pa. Pinag-uusapan nila ang kung ‘anek-anek’ na output na kailangan nilang ipasa. Sa tantiya ko, kung hindi sila mga estudyante sa kolehiyo, mga senior high school students sila. Sila ay nasa bandang kanan ko nakatipon, sa dulo malapit sa pintuan ng tren (Pinto pa rin ba ang tamang term kapag tren? Feeling ko may iba pang tawag dito hahaha).
Sa kaliwa, bandang likuran, isang maliit na grupo naman ng kabataang kalalakihan. Mga mukha o may lahing chinese ang iba, mahihinuhang sila ay mga estudyante ng isang private school. Malinis at mayaman tignan, pero hindi ko naman sinasabi na madumi at mahirap tignan yung naunang grupo lol. Napaka-judgmental. Pinag-uusapan ng maliit na grupong ito ang tungkol sa outer space, ang nebula, ang black hole, ang pagkakatuklas sa isang planeta na kahalintulad daw ng Earth; at tinatanung ng isa sa kanila kung ano ang mangyayari kung sakaling higupin ang isang bagay ng black hole, o kung posible bang mabuhay sa planetang natuklasan na kahalintulad daw ng Earth. Sa dinami-rami ng pag-uusapan, ang mga bagay na iyon pa talaga. Kung may mga konkreto lang din akong sagot eh di sana ay nakisabat ako hahaha. Pero, tanung ko rin ang mga katanungan nila. At pareho lang din kami ng mga sagot; mga hinuhang sagot batay sa kakaunting nalalaman.
Sa dami ng ‘ganap’ sa buhay ngayon (mga makatotohanang pagkaabala sa buhay at pagkatulala kung minsan), lumipas na ang halos dalawang buwan na walang update sa blog kong ito. At bago man lang matapos ang buwan ng Oktubre, at least nakapag-post ako ng isa. Achievement na! Lol.
Ito na ang una at huli kong entry para sa buwan ng Oktubre.