![]() |
2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM |
![]() |
2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM |
![]() |
2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM |
![]() |
2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM |
![]() |
2018 01 06 | Sabado, 5:02 PM |
![]() |
2018 01 06 | Sabado, 5:03 PM |
![]() |
2018 01 06 | Sabado, 5:03 PM |
o-O-o
2018 01 06 (Sabado)
Dumaan sa Quiapo Church kasama si Neri (sayang di nakasunod si Eldie, may iskedyul kasi siya sa dentista, pero nakapag-hapunan naman kami kasama siya).
Pagkadating sa Quiapo, pinahawak ko muna kay Neri yung 80 pesos na science magazine na nabili ko sa Booksale. Luminga-linga sa paligid at panakaw na kumuha ng mga larawan. Nakaka-excite. Nakakabusog sa mata ang maraming tao at pangyayari sa paligid. May adrenalin rush yung moment na titignan kung anu-ano ang rumehistro sa camera; ang sarap ng feeling pag may captured story (kahit pa di naman ganuon kabangis ang mga kuha).
Nakaka-intimidate... yung ginagawa ko para sa iba (kasi iniisip ko baka ayaw naman ng iba na makunan sila). Nakaka-insecure... yung mga photographer na nandun na may de kalidad talagang camera (at umaaksyon pa para sa anggulo) eh ako camera phone lang, sila yung payuko-yuko o minsan may pagluhod pa sa ground, o pagbali-bali ng leeg na hindi ko naman magaya eh kasi wala naman talaga akong alam sa photography hahaha! So, steady lang. Shot-shot. Ganun.
2017 01 09 (Martes)
Ngayong taon, di ko pa rin na-witness ng harapan, ng sarili kong mga mata ang Traslacion. Nag-aya ako, pero malabo rin silang makapunta. 'Singlabo nung pag-uwi ko, tinamad na rin akong umalis kasi ang init tapus antok na antok ako pagkatapus ng klase... sa madaling sabi, nakatulog ako.
Pampalubag-loob na lang, na at least nakapag-Quiapo ako bago ang Traslacion, at saka nakabisita sa "Panata" na exhibit ng National Museum (Anthropology, sa may 4th floor).
So, hoping na lang ulit next year.