Quantcast
Channel: KORTA BISTANG TIBOBOS
Viewing all articles
Browse latest Browse all 374

"... ganyan talaga sa hapon.

$
0
0


2018 06 06 (Wed, 8:49 PM)

               Kaninang umaga, nag-text ako kila Eldie at Neri. Ang sabi ko, ang unfair naman ata ng environment… kasi, naligo naman ako, nagsabon at naghilod pa nga tapus paglabas ko puro trak ang kasabay ko sa daan na namamahagi ng alikabok at usok, so balewala rin ang pagligo di ba.

               Ang sabi ni Neri, ganyan talaga sa hapon. Okay.

               Nakakapagod ang araw na ito. Kakaiba talaga ang Wednesday, parang taun-taon, miyerkules ang pinakapuno kong sked. Pero okay lang naman, mas gusto ko pa ngang marami ang klase kasi parang mabilis lang ang oras. Pero masaya rin ang medyo maluwag na break, marami ring magagawa or minsan tulala.

               Hmmm… mukhang kailangan kong mag-adjust sa planning at strategy. Di ko pwedeng isabay ang pagpaplano ng aralin ng nangungunang section sa mga hetero. Pero, dahil nga hawak ko sila, mas una kong pinaplano ang flow ng lesson sa kanilang kakayahan tapus akala ko kakayanin din ng iba, minsan kaya pero kanina nag-adjust ako.

               Nakakatuwa naman ang mga officers ko. Hindi sila umuwi kanina nang may kalat sa room, kahit yung mga katiting na kalat ay pinupulot nila. O baka kasi sakto lang na nadaanan ko ang room namin kaninang uwian lol. Tuwing uwian din ay pinare-report ko ang presidente ng klase sa kung ano ang nangyari sa loob ng klasrum sa maghapon: kung may napagalitan ba, may labas ba ng labas, may na-late ba ng pasok, may nag-cutting o nagharutan sa loob ng room, so far, matapos ang ikatlong araw, wala pa naman.

               Sana maayos na ang master list namin. Mahirap kasi na may bigla na lang darating sa advisory class ko, syempre hindi yun napangaralan nung mga unang araw ng pasukan kaya kailangang i-orient ko pa siya para lang maging maaalam kung paaano siya dapat gumalaw sa loob ng klase ko or else… hahaha.

               Ramdam ko ang pagod today. At di rin ako nakakain kanina, alanganin kasi ang break. At saka nakalimutan kong magbaon ng kahit biskwit man lang. Kaya ayun.

               Babawi ako bukas. Dapat laging bagong kain at energized ang peg.

               Iisipin ko na naman yung mga alikabok na sasalubungin ko pagpasok ng school bukas, ginagawa kasi yung kalsada. Ibalot ko na lang kaya yung sarili ko at ipahatid sa school hahaha. Di naman pwedeng mag-kotse dahil wala naman akong car, di rin pwede mag-taxi or mag-grab dahil trike lang naman talaga ang sasakyan. So sana, lumamig na lang ang panahon. Oks na yun.




Viewing all articles
Browse latest Browse all 374

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan