Mga Usapang ‘Half-Half’
Tandang-tanda ko pa noong nasa elementarya pa ako, kapag napag-uusapan naming magkaka-klase ang tungkol sa kung anong lahi meron sa aming mga sarili o pamilya, para bang hindi mo pwedeng sabihin na isandaang porsyento na ikaw ay Pinoy! Dapat meron kang ibang ‘blood line’ ika nga, para astig at sosyal lols. Mas magandang lahi mas bida, parang mga ‘aso’ lang…
Ang pinaka talamak na sagot sa aming magkaka-klase ay ang pagiging ‘half chinese’, at dapat may pruweba para maniwala sila sayo. Halimbawa, gagawin mong mapungay ang iyong mga mata para naman makita nila na ikaw nga ay singkit (kahit di naman talaga lols) o kaya dapat ay makabanggit ka ng ilang mga salita para mapatunayan mo na ikaw ay may dugong ‘banyaga’, o kaya naman, kung hindi talaga lumabas sa ‘itsura’ mo ang lahing ibinibida mo, dapat kahit picture man lang ng iyong lolo o lola ay may maipakita ka para kapanipaniwala.
Nakakatawa at nakakainsulto din minsan ang mga ganitong ‘eksena’. Yung kitang kita at dinig na dinig naman na mukha at puntong Pilipino ka eh pilit mo pa ring pinagmumukha ang iyong sarili na ‘imported’ lols.
Kaya minsan, kapag may umpukan ng usapan tungkol sa mga ‘lahi issues’, medyo walk out na ako sa mga ganyang usapan, dahil panigurado walang katapusan ang mga ‘pabida lines’ at ‘show your proof’ ang magiging tema ng kanilang ‘dream lofty breed’…
Ang Bisaya Accent
Hindi ko alam kung bakit parang napaka ‘big deal’ ng pagkakaroon ng accent sa tuwing ikaw ay mag-iingles. Sabihin na natin na marahil sa mga call center agents ay kailangan nila ito para maintindihan sila ng kanilang mga kliyente, pero sa mga usapan tulad halimbawa sa paaralan, sa pananaw ko dapat nating tanggapin kung ano man ang ‘punto’ ng dila ng iba, kaysa naman nagpupumilit tayo na magpaka-British o Australian accent na ang sakit mong tignan kapag nagsasalita dahil hindi lang dila mo kundi buong mukha na ang naghihirap sayo lols.
Bakit naman ang ilang mga Europeans, kaytigas nga ng kanilang punto eh, pero di naman tayo nagre-react, hangang-hanga pa nga tayo eh as if pagkaganda at pagkagaling nilang bumigkas ng mga salita. Kahit pa nga mga Indians na parang ‘chinop-chop’ na Ingles ang punto ay tanggap pa rin ng sanlibutan, tapus kapag ‘bisaya accent’ kung makatawa ang iba ay wagas lols.
x-o-x-o-x
On a personal note…
· Adik pa rin ako sa panunuod ng ‘Fifty People,One Question’ sa youtube. Nakakatuwa kasi panuorin ang iba’t ibang sagot ng mga ‘random people’ sa iisang tanong. Dun ko mas nare-realize at naa-appreciate ang pagkakaiba-iba natin bilang mga ‘indibidwal’ na malayang nabubuhay dito sa mundo.
· Sana, ma-feature din ako dun lols!
jepbuendia
07202013