11 February 2020 (Tuesday)
Ngayong araw, napag-desisyonan kong magre-resign. Masyado na nagiging predictable ang routine ng aking buhay; umaabot sa punto na alam ko na kung ano specifically ang mangyayari sa bawat oras. Parang ang lahat ng bagay ay lumilipas na lang. Walang nang element of surprise, o kahit na katiting na layunin para magpatuloy pa.
Naisip kong mag-resign kasi gusto ko naman na magkaroon ng ibang trabaho; o kaya magkaroon ng iba pang pananaw sa mundo. Bagong workplace o environment, ganun. Wala lang… dinadama ko lang ang aking pag-iisa; dinadama ko lang ang pagiging burned-out ko or kung ano man ito.
Gusto kong magbasa. Gusto kong ma-enjoy ang sikat ng araw. Gusto kong maglakad-lakad man lang kung saan. Ano ba ang silbi ng lahat ng kaabalahan natin sa mundo? Para ba ma-stress? Para makatanggap ng validation? Hindi naman siguro tayo ipinanganak para lang sa mga bagay na ito.
- - - - - - -
Isa lang ito sa mga kadugyutan ko, charot. Sampung taon na ako nagtuturo. Kaya mula nang pumasok ang taong 2020, inumpisahan ko na ang pagtatara kada pagtatapos ng araw ko sa eskwela; mananatili ba ko o magre-resign na? Ang chaka ko lang, kasi takot akong ilista ito sa papel; dahil natatakot ako na kapag mas marami ang sagot kong “mag-resign” eh baka tuluyan ko ngang gawin. Naaalala ko yung mga linggo na 3 out 5 ay ginugusto ko na talagang mag-resign. Pero heto, nandito pa rin naman ako. (06 April 2020 / Monday 3:23 PM)