Quantcast
Channel: KORTA BISTANG TIBOBOS
Viewing all articles
Browse latest Browse all 374

mibf, bbw, at iba pang chuwariwap ng layf

$
0
0


            Sa Manila International Book Fair (MIBF) ko talaga gusto magpunta. Kaso, mga tatlong taon ata ako nag-attempt na makapunta pero hindi natuloy. Yung hanggang tingin na lang ako sa Instagram ng mga nabili nilang libro, tapus makikita ko yung ilang libro na nabili nila ay yun din ang gusto ko. Ilan sa mga dahilan kung bakit hindi ako natutuloy sa MIBF: una, walang kasama, ang lungkot naman mangalkal ng books mag-isa; pangalawa, madalas sa buwan ng September ang MIBF, may panahon noon na pupunta sana ako kaso maulan, kaya di rin ako nakaalis; pangatlo, budget, na kung pupunta lang din ako, dapat may nakalaan na budget para sulit! Tapus, ayun na nga… after how many attempts na walang natupad, tinabangan na ako sa kagustuhan kong makapunta sa MIBF.

            Naalala ko, tinarget ko rin pala na mapuntahan yung mga warehouse sale dati tulad ng sa Anvil Publishing House. Kaso, ayun… negative pa rin. Dahil – una, ang layo, tutuntunin talaga yung warehouse nila, paano kung may aso papunta roon eh di nakagat pa ako (kahit di ako yummy, maaari pa rin akong makagat ng aso di ba); pangalawa, mainit daw dun sa warehouse, bilang taong pawisin, baka hindi ako makapag-focus sa pagpili ng books at baka gustuhin ko na lang magpahangin sa labas; pangatlo, wala pa ring kasama; pang-apat, budget pa rin, ang gastos sa pamasahe, pagkain at sa libro. Pero, laking hinayang ko kasi kaabang-abang din talaga yung mga librong inililimbag ng Anvil (madalas akong makabili ng mga anvil books kapag may sale sa NBS).

            Hanggang sa nakita at nabasa ko sa fb ang tungkol sa Big Bad Wolf (BBW). Una akong nakapunta sa Big Bad Wolf noong February 2019, and for a first timer, nakaka-amaze din naman talaga ang dami ng books na nandun! Nakapunta ako kasi may kasama na ako, hahaha! Si Olan; mahilig din kasi yun sa books, pero tiyak ko mas masipag siyang magbasa kaysa sa akin, hoarder lang talaga ako at patalon-talon na reader like a grasshopper.

            Ano bang masasabi ko sa unang pagpunta ko sa BBW… Well, nakakalunod / nakakalula sa dami ng books! Kung pwede ko lang i-add to cart lahat ng gusto ko kaya lang iisipin ko na may mga books nga ako pero maglalakad naman ako pauwi mula sa World Trade Center, so hindi pwede. Wala naman ako masyadong maraming oras araw-araw para magbasa. Seasonal reader ako eh (if meron mang ganun), yung kapag nasipagan ko talagang magbasa, nagha-hibernate lang ako sa bahay, lalo na kapag bakasyon or maulan ang panahon tapus walang pasok. Saya!

            Apat na libro ang nabili ko noong BBW 2019. Masaya na ako dun kasi dalawa sa listahan ng mga hina-hunting kong books ang na-tick off the list! Tapus yung dalawa ay interesting din naman, lahat ay mula sa science and technology section, na hanggang ngayon yung apat na yun, mga dalawang beses ko pa lang nabuklat. Hell…

            May ilang bagay lang akong napansin mula sa pagpunta sa isang book fair tulad nga ng BBW. Minsan, di ko maiwasang isipin na yung pagdalo sa mga ganitong ganap ay parang reflection ng estado ng pamumuhay (?) ewan ko kung meron pa bang mas appropriate na term na gamitin pero dahil wala naman akong maisip na iba, yun na lang muna. Sumasalamin sa estado ng pamumuhay kasi una, sino bang pupunta sa world trade center para lang bumili ng books? Syempre yung may budget. Yung may pera. Like bakit ka naman pupunta sa malayo para lang bumili ng books? Na kung ako lang din yung walang budget, natural lang na mas unahin ko na muna yung mga basic necessities ko sa araw-araw. Medyo nanibago rin ako sa unang pagpunta ko roon, o baka di lang ako sanay, like you know there are many pipz there talking in English like hella, and conyo; eh dito sa aming street di naman kami nag-iingles eh, sa school lang. Ewan ko kung anong perception meron ako, hahaha!

            Siguro, naalala ko lang yung kabataan ko. Halimbawa kung may BBW na nung mga bata pa kami, hindi naman din siguro mag-i-effort sila mudra at pudra na makapunta roon at ibili kami ng books. At saka naisip ko lang kung gaano ka-privileged yung nakita kong mga bata roon na malayang nakahahawak, nakapipili, at nakabibili ng kung ano mang books na gusto nilang bilhin (at i-display sa bahay, char). Hindi tulad ng mga bata rito sa amin. Naisip ko, kung may exposure lang din ang mga bata dito sa street namin sa mga libro, sa pagbabasa ng libro, yung malaya ring nakapipili at nakabibili ng libro, baka may mini-library na ang bawat kapitbahay namin di ba, at di na siguro sila laging nagvi-videoke kasi busy sila sa pagbabasa, taray. At yung mga students ko, like ilan sa kanilang pamilya ang naglalaan or may kakayahang makapaglaan ng budget pambili ng libro at magpunta sa mga book fair? Ayun. Tapus iisipin ko na lang na, siguro hindi ito para sa lahat at the moment (parang ako noong bata pa ako), pero baka naman in the near future eh magagawa rin or mabibili rin nila ang gusto nila (like me today, or parang hindi pa rin sa case ko eh, hahaha). Anyway.

            Pangalawang pagpunta ko sa BBW nito lang Feb 14, 2020. Sa puntong ito, alam ko na ang aking mga expectations. Di na rin ako nanibago sa mga inglisan sa paligid, like hello I’m one of them na, it’s viral, I mean it’s veerus you know, charot! Feeling ko tuloy, kung ano ang ginagamit mong wika ay status symbol na rin (?). Like who will use english / taglish ba sa street / labasan namin para makipagkwentuhan o tsismisan? Baka mabato ng bote or mahampas ng kahoy yan dito sa amin. How I wish marinig ko sila Aling Sally at Aling Gina na nagtatalakan ng ingles sa umaga, hahaha! Wala, natanong ko lang sa sarili ko - bakit hindi tayo magtagalog? Saka bakit pag mayaman, nag-iingles? Like anong meron? Ano ang ibig sabihin ng pagkakaibang ito? Ayoko naman isipin na ang pag-iingles ay para lang sa mga may kaya, dahil di naman talaga. Pero may ganung chuwariwap ang buhay eh, na di ko rin masyadong gets.

            Sa huli, mare-realize ko na lang na may mga target market din ang bawat ganap sa mundong ito. At hindi lahat ay totoong accessible para sa lahat lalo na kung wala kang pera. At ang pananalita, di ko alam, marami akong tanong tungkol dito eh. Tulad ng nakababawas ba ng patriotism (?) ang paggamit ng ingles or taglish ng mga mayayaman nating kababayan? Or bakit may ganitong klaseng hati sa lipunan (kung meron man ah). Or bakit karamihan sa mayayaman ay nag-iingles? Or kapag mayaman ka ba required mag-ingles? At marami pang iba.

            Sa taon na ito, nakabili pala ako ng anim na libro (yes, yabang, last year apat, ngayon anim, boo!). Nakakatuwa lang dahil puro naman non-fiction reference books ang nabili ko, interesting para sa akin ang psychology at philosophy. Sana marami pang magsipag sa pagbabasa, magmahal sa libro, magkaroon ng access sa mga libro, mga ganaps na keri puntahan ng kahit na sino, ano man ang estado sa buhay; sana hindi magkaroon ng social divide dahil sa paggamit or ginagamit na wika (or baka ako lang nag-iisip na meron hahaha, kawawa naman ang perception ko ng reyalidad).

Ayun. Hanggang dito na lang muna ako.




Viewing all articles
Browse latest Browse all 374

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan