Dulot na rin ng modernong panahon, may dalawang paraan na ng pagi-existsa mundo: una masasabi mong ikaw ay nabubuhay sa real world at pangalawa ay ang pagiging totoo o pagpapanggap ng panibagong pagkatao sa virtual world. Ano na nga ba ang naging epekto ng social media sa ating buhay? Totoo nga bang ‘walang basagan ng trip’ sa virtual world? Gaano ba dapat kababaw o kalalim ang paggamit natin sa iba’t ibang social media tulad ng facebook, twitter, instagram at sangkatutak pang iba?
Noong hindi pa masyadong uso ang mga ‘eklat’ na yan hehe, texting ang ‘boom na boom’ dati. Kaya nga naglipana noon ang maraming text clan na nagpapasabog ng gm (group message) sa inbox mo. At aminado naman ako na nakiuso rin at naki-clankung kani-kanino, pero di ako sumusulpot sa mga EB (eyeball) dahil nakakatakot din lalo pa’t di mo naman personal na kakilala ang mga ‘pipol’ na iyong nakakatext sa clan. So, ganyan lang kasimple dati, kaya nga tayo nabansagan na ‘texting capital of the world.’
At sa mabilis na pag-usad ng panahon, para bang walang saysay ang buhay mo kung hindi ka makagagawa kahit isa man lang na account mula sa maraming pagpipiliang social media. Para bang putol ang buhay mo kapag di mo ito naitawid sa virtual na mundo. Naunang sumikat ang friendster, hanggang sa ‘binukbok’ na ang mga testimonials nito at pinalitan na ng palasak at parang IDmong facebook, kasabay ng pagsulpot pa ng ‘many-to-mention’ pang iba. At sa lahat nang yun, dalawa lang ang meron ako- facebook at blogspot. (maisingit lang ang sarili lols)
Kaya di na rin nakapagtataka kung ngayon ay binansagan na rin tayong ‘social networking capital of the world.’ Tayo pa ba ang papatalo sa padamihan ng facebook o twitter account? Tayo pa ba ang papahuli sa pagpapa-trend ng kung anu-anong mga hash tag? Syempre hindi! Hilig ata ng mga noypi ang magpa-trending! Kaso, ‘eh ano?’ kung tayo na nga ang ‘social networking capital’ ng mundo, nagdulot ba ito ng positibong pagbabago? Ewan ko. Parang tulad lang yan ng economic growth na pinagmamalaki natin (o nila?), nakikita sa numero pero hindi sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Totoo na walang basagan ng trip. Yung wala akong magagawa kung umaapaw na ng pagmumukha ng iba ang news feed ko haha, akalain mo yun nag-facebook pa ako pero ikaw at ikaw lang ang napagmamasdan ko tuwing mag-oopen ako ng aking account lols! (Bakit di ko i-unfriend? Dahil parte na yun ng katotohanan ng buhay haha.)
Na mas pipiliin ko na lang na mag-offlinelagi sa chat (pwera na lang kung may kailangan talaga akong i-chat) dahil annoying naman talaga yung icha-chat ka tapus ang ending ‘pa-like’ naman po nito ‘tenkz!’ haha. Ano na ba ang gamit ng chat ngayon? Para sa sapilitang pagpapalike? Yung di mo alam nai-add ka na pala sa mga facebook group na mahahalay, at ang batayan ng pagkakaibigan ngayon ay kapag ni-likeninyo ang post ng isa’t isa hanggang parehas ninyong pasabugin ng sariling mga notification sabay print-screen at sharelols!
Yung pati ba naman simpleng ‘gudmorning XD’ ay ipo-post mo pa, for what reason? Hehe. At yung ibabalita mo pa sa buong mamamayan ng facebookna ‘wag na kayong magpapahiram ng rice cooker kung ibabalik din naman ng sira’ (with tag dun sa mga pipol concerned), bakit di mo na lang i-pm? Or i-text? Lols.
Ilan lang yan sa mga na-obserbahan kong paraan ng paggamit sa facebook. Lahat naman ata tayo ay guilty sa ganyan. Marami na sa ngayon ang naghahanap ng instant gratification mula sa paramihan ng friends sa facebook (as if real friends mo sila), paramihan ng like, makapagpa-trending man lang ng hash tag kahit nonsense kung minsan, yung gawing chat ang pagko-commentwith bastusang ‘i-kwento mo sa pagong’ at ‘tanong mo sa buwan’ na mga tugon sa komento. Isipin mo na lang kung ang lahat ng ito ay naitawid na rin sa real world, matino pa kaya nating makakausap ang isa’t isa? At sa tingin ko ay nangyayari na nga rin ito, lalo na sa mga kabataan (tulad ko hehe).
So, hanggang sa ganitong level na lang ba natin gagamitin ang iba’t ibang social media? Eto na ba ang ibig sabihin ng pagiging ‘social networking capital of the world’? Applicable pa rin ba ang rule na walang-basagan-ng-trip? Hanggang kailan natin pagkakatuwaan ang mga ginagawa ng mga internet bashers? Pati na rin yung mga nambu-bully? Hangga’t trending ba ay okay pa rin?
Alam kong marami pa tayong magagawa. At hindi naman maikakaila na kaya nating gawin iyon. Wag puro ‘selfie’, that is ‘so makasarili’. Marami na ang nagpasimula for a change, tara na baguhin natin ang takbo ng buhay sa social media! (parang campaign lang lols).