PANGUNGULILA
Paano ko kamumuhian,
Itong tanawing lagi nating pinagmamasdan.
Na siya rin pa lang babawi,
Sa pagmamahal na kaytagal kong minithi.
Paano ko malilimutan,
Matagal nating pinagsamahan.
Kailanma’y di ka na maibabalik,
Kahit pa sa dagat ako’y humalik.
x-o-x-o-x
Ang larawan ay mula sa "The Many Faces of Love: Yahoo's Picture of the Day".
Ang larawan ay kuha ni Donnie Tzaneva.
x-o-x-o-x
#shorTULA
#EmotePaRinSaPebrero