Ika-08 ng Marso, 2014
Sabado, 11:27 ng umaga
Habang naliligo kagabi bago matulog, bigla ko na lang naalala sa gitna ng paliligo ko yung naging usapan namin ng isa sa mga co-teacher ko sa jeep dalawang taon na ang nakalipas… very timely ang memorya ko di ba hahaha, di ko alam bakit sa ganung tagpo ko pa yun naalala… siguro kasi Marso na… at unti-unti na nanunuot sa akin ang mga gawain tuwing dumarating ang nakakapikon na buwan na ‘to hahaha.
Habang nasa jeep kami nun pauwi, sabi niya bakit ko daw binagsak si Frank, ano daw bang malay ko kung siya ang susunod na Presidente. Tandang-tanda ko pa ang sinabi ko noon sa kanya, “Eh baka hindi siya maging Presidente kung di ko siya ibabagsak!”… at nagtawanan na lang kami lols.
Sa apat na taon ko ng pagtuturo… palagay ko mas nagkaroon na ako ngayon ng puso na nakauunawa di lamang sa propesyong pinasukan ko kundi pati na rin sa kalagayan ng mga estudyante ko. Dati, di ako nagdadalawang isip sa pagbibigay ng bagsak na grado, hindi dahil sa naniniwala akong bobo yung bata na yun, hindiko tanggap ang ganung konsepto. Natatandaan ko kasi yung nabanggit sa amin nung instructor namin sa psychology, sabi niya, iba-iba ang paraan ng pagkatuto… ang ilan ay mas pinipiling matuto ‘the hard ways’ dahil hindi sila nakukuntento sa mga payo o paalala lang… kaya ang pagbibgay ko ng bagsak na marka ay para ipaalam sa estudyanteng yun na kulang pa ang kanyang ginagawa… na kailangan niyang matuto‘the hard way’… na ngayon na bagsak siya ay wala na siyang ibang patutunguhan kundi pataasin ang kanyang marka.
Dati yun… di na ngayon.
Ngayon, nakakaawang magbagsak ng estudyante. Di rin naman karangalanang ibagsak sila, at hindi rin naman naging ganun ang pananaw ko. Pwerana lang sa mga super kapal ng mukha na di naman talaga nagsisikap mag-aral na nagagawa pang mag-cutting na animo’y kaytataas ng mga scores na puro pagpapaganda, pag-aayos ng buhok at pagdutdot sa cellphone ang inaatupag!!!hahaha. Kapag pasok sa ganitong kategorya ang estudyante mo… may karapatan ba silang pumasa?!!! Nasaan ang katarungan?!!! Lols.
Naaawa ako hindi sa mga estudyanteng ipinagwawalang bahala ang kanilang pag-aaral. Naaawa ako sa kanilang mga magulango sino mang nagsasakripisyo para makatapos sila ng pag-aaral. Kung ang mga tamad na estudyante ay parang mga karakter lang sa isang ‘play’ na maaaring palitan ano mang oras ng mga nais makapag-aral, mas naging makabuluhan pa siguro ang panantili nila sa eskwelahan.
Pero, ang katotohanan- iba’t ibang uri ng bata ang makikilala sa mo sa paaralan. Hindi mo makukuha ang hinihingi mong mga karakter sa kanila. Marami sa kanila ay perfectly imperfect (tulad ko) na marahil kaya kami nasa loob ng paaralang ito ay upang sabay-sabay na lumago bilang mga indibidwal… mga taong magdudulot ng pagbabago… sa aming sarili at pati na rin sa iba.
Marami na ang nagbago sa takbo ng paaralan ngayon at ito ay batay lamang sa apat na taon ko ng pagtuturo, maaaring hindi ito totoo sa iba, maaaring isolated case rin ang obserbasyon kong ito. Di ko inasahan na ang eskwelahan pala ay magiging ‘showbiz’ din. Nung nag-aaral pa ako, laging ipinapaalala sa amin ng aming guro na respetuhin at tratuhin ng maayos ang lahat ng aming mga guro, maging mabait man o masungit. Kaya ganun na lang din ang naging respeto ko sa mga naging guro ko, lalo na sa mga masusungit na sa iilang tagpo ay nakakikitaan ko rin ng kalambutan ng puso (tao rin pala sila hahaha).
Ngayon, hindi mo na ito makikita o maaaring bihira mo na itong makita. Pinipili na ng mga estudyante ang kanilang mga rerespetuhin at pakikitunguhan ng maayos. Di dahil ang mga gurong ito’y di dapat irespeto, ito’y dahil maaaring hindi lang nila ‘type’ o ka-‘good vibes’ ang mga gurong ito. Showbiz na showbiz kung ‘plastikin’ ng mga estudyante ngayon ang kanilang mga guro. Mabait kung may kailangan, umaangil kung mapagsabihan o mapagalitan na para rin naman sa kanilang ikabubuti. Personal kong ikinalulungkot ang mga bagay na ito. Gayong alam kong sa bawat puso ng sino mang guro ay kabutihan at positibong pagbabago lamang ang hinahangad nila para sa kanilang mga mag-aaral.
Kung ito man ay maituturing mong social skills… mukhang mahirap atang makita ang katotohanan sa hinaharap, at baka puro pagbabalatkayo na lang ang iyong masasaksihan.
Kapag nakakakita ako ng ganung tagpo, kulang nalang madurog ang aking puso.
Ngunit sabi nga, baka hindi pa umuusbongang mga naitanim naming binhi. Malay mo nga naman, paglipas ng panahon ay hindi na rin tulad ng kahapon.
Sabi nga ng isang child prodigy programmer na si Santiago Gonzalez, “Learning should be as essential as eating.” Sana nga ganoon. Pero, mukhang literal na pagkain lang ang mahalaga sa ngayon.
Ang isang pinanghahawakan ko na lang na pag-asa ay ang kanilang mga natatanging husay at talento. Na kahit sila ay pasaway o makukulit sa klase, kung nakikita mo namang ang batang ito’y may talent sa pagsulat, pagguhit, pakanta, pagsayaw at husay sa paglalaro ng sports, mas gumagaaan ang aking kalooban. Kasi naniniwalapa rin akong baka nga ‘bata’ pa lang sila ngayon, baka nga ‘immature’ pa ang kanilang attitude sa ngayon.
Kung kaya ko lang silang ilagay kung saan sila dapat pumaroon, marahil ginawa ko na iyon. Pero may sarilisilang buhay. At kailangan mong hayaan na sila ang pumili kung saan o ano mang landas ang nais nilang tahakin. Bitbit ang lahat ng kanilang natutunan mula sa paaralan pati na rin ang kanilang mga natatanging kakayahan, umaasa ako sa magandang kapalaran na kanilang kahihinatnan.
Totoo nga… ang paaralan ay diisang perpektong lugar. Maging mga guro ay dirin perpekto. Dahil ito ang totoo. Matuto tayong mabuhay sa katotohanan at hindi sa isang ideyal na lugar na wala kahit sino man ang naninirahan. Minsan, isang araw magugulat ka na lang na lahat ng nakita mong mabuti at hindi maganda ay magdudulot din pala ng kakaibang resulta, higit pa sa iyong inaasahan. Surprise!ika nga.
Masaya akong naging guro sa loob ng apat na taon. Masaya hindi dahil puro kasiyahan lang ang naramdaman ko. Masaya ako kasi nagkaroon ako ng pagkakataon na ma-frustrate, mainis, mabigo, magalit kasabay ng pag-ngiti, pagtawa at di pagbitiw na umasa. Kaya hanggang sa muli nating pagkikita!
_JEPbuendia
12:44 ng hapon
P.S.
Teka, mabalik nga pala tayo kay Frank. Ayun, hanggang ngayon ay di pa rin naman siya Presidente ng ating bansa at baka malayo namang mangyari yun hahaha. Pero, sa kabila ng pagbibigay ko sa kanya ng bagsak na grado (isang quarter lang naman yun, noong third year pa siya) minsan ay nasasalubong ko pa rin naman siya sa labas ng eskwelahan. Malaya na niya ngayong napapahaba ang kanyang buhok with blonde color dahil siya ngayon ay nag-aaral na sa kolehiyo kumukuha ng kurso na may kinalaman sa computer na kinahihiligan din naman niya noong siya’y nasa high school pa. Nakangiti at laging bumabati tuwing magkakasalubong kami. Wala akong naramdamang bigat ng loob sa kanya… magaan ko siyang nakikita bilang siya.