Quantcast
Channel: KORTA BISTANG TIBOBOS
Viewing all articles
Browse latest Browse all 374

Mahal Ko Rin ang Eggpie

$
0
0
Ika-01 ng Abril, 2014
Martes, 7:48 ng gabi

            Napakainit kanina… yung tipong lahat na lang ng likido mo sa katawan ay maaari na mag-evaporate. Dagdag pa sa sakit ng ulo ay ang maya’t maya mong pagpasok at paglabas sa faculty na ‘de aircon’. Nga pala, di magtatagal, di na rin ako mapupunta sa isang pamilyar na lugar.

            Posible pa lang pakinggan mo ng paulit-ulit… at paulit-ulit ulit… ang iilang kanta na di mo naman mabigyan ng isang rasyonal na dahilan kung bakit mo ginagawa yun. Ang alam mo lang, minsan nakakaantok silang pakinggan, na kahit patugtugin mo sila ng ilang beses ay parang wala lang… o kaya naman naiintindihanmo lang talaga marahil kung tungkol saan ang kanta.

            Di naman ako tulad ng neighborhood namin na rak-en-rolkung magpatugtog… tulad ng pagkanta nila ng walang humpay sa videoke lalo na kung merong okasyon. Oh di ba pag sinabing okasyon dapat minsan lang? Pero dito sa amin ang okasyon ay kasingkahulugan ng mga pangyayaring ‘always’lols.

            Brave (Sara Bareilles). Cover ng di ko kilala kung sino
Let Her Go (Passenger). Birdy cover
            Six Degrees of Separation. The Script
            Stay (Rihanna). The Script cover
            We Can’t Stop (Miley Cyrus). Bastille cover

            Yan yung limang kanta na ipinagsisiksikan ko sa eardrums ko. Ipinanghehele para makatulog.

            Di ako masyadong kumakain pag gabi. Kahit pa gaano kasarap, kahit pa bagong luto ang pagkain… singlamig ng bahaw na kanin ang kagustuhan kong kumain. Naisip ko yung batang nag-aabot ng kapirasong papel tuwing nakasakay ako ng jeep, ang nakasulat –

            “Ate/Kuya kahit kaunting barya lang po, pambili ng pagkain. Salamat po.”

            Ang totoo di ko binigyan ang bata ng pera. Sa murang edad niyang yun, obviousnaman na hindi siya ang nagsulat nun… sulat matanda… dikit dikit pa… naisip ko napakapabaya naman ng mga magulang nitong batang ‘to, hinayaan nilang manlimos sa kalsada ang anak nila. Di ko maiwasang maitanong kung bakit pa sila nag-anak?...

            Speaking of jeep… nauntog ako sa handle o hawakan ng jeep kanina hahaha. Di ko kasi namalayan na mababa lang pala yung bubong ng jeep kaya para akong may stiff neck kanina… kailangan kong umanggulo ng kaunti dahil sasadsad ang ulo ko sa bubong ng jeep kung magmamatuwid pa ako sa pag-upo… alam na… iba na may ‘height’lols.

            Akala ko may tatawa sa pagkakauntog ko kanina… buti na lang wala. Takang-taka naman ako kasi yung mga kasama ko sa jeeptuwid na tuwid ang pagkakaupo, para akong na wow mali… bakit ako lang ang nahirapan, gusto ko na ngang bumaba eh kaso nakabayad na ako hahaha. Kaya pagbaba ko ng jeep… nangalay na yung leeg ko.

            Nakita ko ang isang nanay kasama ang isang batang babae nung paakyat ako sa overpass. Parehas silang madungis… nanlilimos din sa mga tao. May dala akong eggpie nun, pero sa di ko malamang dahilan ay di ko nagawang abutan siya ng eggpie

            Paano ba ang pakiramdam ng magutom? Yung walang makain? Yan ang gusto kong maranasan kahit saglit lang. Nung mga nakaraang araw, ganun yung ginagawa ko. Di ako kumakain. Pero iba pa rin pala yung walang-wala kang makain sa pinili mo lang na kumalam ang iyong sikmura dahil di ka kumain.

            Hinding-hindi ko mailalagay ang sarili ko sa sitwasyon nila. Hindi ganun kadali. Ganun pala.

            Kaya hindi mo masasabing nauunawaan mo ang isang tao. Hinding-hindi mo s’ya mauunawaan… ng lubos… tulad ng iyong inaakala.

            Nga pala… siguro bukod sa hopia, mahal ko rin ang eggpiehahaha.

            8:36 ng gabi… inakyat ako ng nanay ko sa kwarto… “Hindi ka ba kakain?”tanong niya. Sabi ko, “Hindi. Busog pa ako.”Nagsinungaling ako hahaha. Marahil kung may Earth Hour dapat meron ding “Hungry Night” yung minsan damayan mo naman, kahit isang gabi lang, ang ilang nagtitiis na matulog dahil wala silang makain. Yan ang gagawin ko ngayon. Gusto kong maunawaan ang pakiramdam na yun.

            Pero pag di ko na kinaya… may chocolate naman akong binili… pwede na yun lols.

            Napakaganda ng mga mata mo. Higit pa sa pisikal at literal na eyeball ang nakikita ko hahaha. Pakiramdam ko sa likod ng iyong mga mata ay isang uniberso… na ikaw lang ang nakakikita… at isa lang ako sa nakatatanaw. Gustong-gusto ko ang ganung mga mata. Tumatagos sa kawalan. Gustong-gusto kong tumitig sa ganung mga mata. Sing-init ng araw ang nadarama. Ang saya…


x-o-x-o-x

#MgaKwentoSaTagAraw


Viewing all articles
Browse latest Browse all 374

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan