Ika-12 ng Abril, 2014
Sabado, 8:11 ng gabi
Unti-unti kong inimpake ang mga gamit ko mula sa faculty. Bale, naka-tatlong hakot ako. Di ko naman kasi pwedeng gawin ng isang hakutan lang… kasi magmumukha akong mangangalakal lols. Kaya paunti-unti ko lang yung ginawa… hanggang nung biyernes nga ang huling paghahakot ko. Sabi ko, ilalagay ko ang mga gamit ko sa kahon, pero, kung saan ko ito nilapag, naroon pa rin sila hanggang ngayon hehehe. Mukhang tambakan na ang aking kwarto.
Nitong nakaraang linggo, (to be honest hahaha), hindi ko maramdaman kung bakit nagsisimula nang magdrama ang isang co-teacher na maiiwan namin sa school. Hindi sa dahil hindi siya sincere, hindi ko lang maramdaman pa (ako ang may problema hahaha)… siguro kasi alam kong may mga araw pa naman na magkikita kami.
Pero nung biyernes, nung huling hakot ko (bitbit ang dalawang paper bag na siksik sa gamit), dun ko naramdaman ang lungkot. Habang tinutunton ko ang daan palabas ng gate ng school, para bang biglang sumulpot sa isip ko ang lahat ng alaala. Yung pinigilan ko na lang na maalala at maramdaman ang lahat ng mga istoryang nabuo mula nang ako ay unang dumating sa paaralang iyon.
Ganun pala. Ngayon ko palang naiintindihan ang nararamdaman nung isa kong co-teacher. Malungkot nga pala ang maiwanan… at malungkot din naman ang lumisan.
Kaya pag-uwi ko nung Friday, nilapag ko lang sa sahig yung dalawang paper bag na dala ko at natulog na ako. Napakadaming kwento kasi ang nagbabalik sa loob ko… kaya tinulugan ko na lang, tutal inaantok na rin naman ako.
x-o-x-o-x
Hindi ko alam kung mabuti ba akong kaibigan hahaha. Hindi ko alam kung kapag ba lagi kang present sa mga event ng mga friends mo ay ‘good’ ka na as a friend. Minsan kasi ayoko na magkikita lang for bonding. Hindi naman sa hindi ko sila nami-miss… pero alam mo yung pakiramdam na ‘fresh’ pa rin naman ang mga pinagsamahan niyo sa isip at puso ko, kaya parang pakiramdam ko okay lang kahit di muna kami magkita-kita sa ngayon. O baka ako lang ang ganun lols.
Yung isa ko pa kasing circle of friends na mga guro din ay nag-aaya for bonding. Yung tinext na ako at nag-missed call pa (or di ko lang talaga nasagot lols), tapus wala man lang akong reply hahaha. Sabi ko naman sa kanila, pag wala akong reply, that means‘NO’… kasi kung gusto ko namang sumama, nanginginig pa ako sa pag-textng “YES! SAMA AKO!” pero madalas kapag nag-aaya itong grupo ng kaibigan ko ay hindi ako sumasama. I don’t know why. May isang beses nga na parang na-badtripna ata sila sa akin kasi ang hirap ko daw ayain, which is true hahaha. Hindi ko rin talaga alam. Kapag di ko feel… hirap akong makumbinsi ang sarili ko.
Kaya baka nagtatampo na sila. Kasi itong current group ang lagi kong kasama. Masaya kasi ako kapag kasama ko sila. Saka hindi mahirap mag-aya dahil pare-parehas naman kami ng mga ‘sked’kumbaga. Alam namin kung kailan may pera sa wala hahaha, alam namin kung saan pupunta kung ‘ito’ lang ang budget, alam namin kung saan magpi-fit ang lahat para ‘everyone is happy’. Alam namin na kung hindi man pwede ang isa ay dapat namin intindihin at hindi yun nangangahulugan ng ‘nagkalimutan na’. Ito marahil ang kaibahan.
x-o-x-o-x
Hindi ko lang din alam kung ako lang din ba ang ganito o ano ba hahaha. Yung kapag tumitingin ako ng mga larawan sa facebook… nabababawan ako. Siguro kasi dati, lalo na nung ‘de-film’pa ang mga camera, napaka preciousng bawat ‘shot’. Yung bilang na bilang lang talaga, walang dapat sayangin. Kaya mga precious momentslang talaga ang dapat makunan… na kapag napa-develop mo na ang larawan at inilagay mo na ito sa photo album, kahit isang picture lang, o kahit iilang shots lang nung happening na yun, isang buong istorya, sari-saring emosyon na ang iyong matutunghayan at mararamdaman.
Eh ngayon kasi, dahil digital na, kapag panget ang ‘kuha’ pwedeng i-delete at ulitin. Kahit ilang kuha pwede. Kahit gaano karami. I-share sa fb at kahit saan pang social media. Patok pag maraming likes. Da best din kapag nai-share pa. Ganun na ngayon. Ang biglang pagtingin ay kasingbilis na rin ng biglang ‘click’.
Ewan ko lang. Siguro napaka-arte ko para hanapin pa ang saysay, kwento o kabuluhan sa mga larawang nakikita ko. Wala lang. Nagpapaka-deep lang siguro ako… Pasensya lols.
x-o-x-o-x
Gumising ako na ako lang mag-isa dito sa bahay. Naalala ko ginising ako sandali ng nanay ko kagabi. Nung oras na yun, dumating na ata yung sundo nila papunta sa Cavite. Hindi ako sumama kasi ayokong makita ang mga mahaharot kong pamangkin. Ayoko ng maiingay at magugulong mga bata hahaha. Kaya pinili ko na lang maiwan. Hanggang ngayon ako lang din ang nandito. Bukas pa ata sila uuwi. At ano pa bang bago, sana’y na ako sa ganitong eksena. Enjoy pa nga ako mag-isa hehehe.
Ang sarap kapag tahimik dito sa bahay. Yung nagiging madrama ang liwanag ng araw na sumasabay sa payapang paligid. Na habang naliligo ako, naririnig ko yung lagaslas ng tubig, nakaka-relax.
Ganito lang ang buhay ko ngayong sabado. Nanunuod. Nagbabasa. Nakikinig. Nagkakape. Kakain. Matutulog. Mag-iisip. Magku-kwento. Masaya na ako.
x-o-x-o-x
#MgaKwentoSaTagAraw