Ika-04 ng Nobyembre, 2014
Martes, 5:12 ng hapon
Himala!
Wala akong inabutang sermon kay mudra sa kanyang pagbabalik sa bahay. Dati, lahat ng hindi namin naligpit o nalinisan ay ina-identify niya isa-isa. Ngayon wala… as in zero. Di naman kami naglinis ng bahay at di rin naman nagligpit ng mga gamit… ‘for the first time in forever’ wala kaming narinig na sermon mula sa kanya.
Pagdating ko kaninang hapon masyado siyang abala kakahanap ng mga cd’s na pang-videoke, alam na daw niya kung paano ikokonek ang tv sa aming dvd player. Nagpaturo daw siya sa isang mall nung siya ay nasa probinsya. Mula kasi nung napalitan ang tv, hindi na nila malaman kung anu-ano ang mga ikakabit. Hindi na rin naman ako nag-effort na makialam pa kasi sila lang naman ang gumagamit ng tv dito. Hehehe.
Kaya ‘birit-biritdin kapag may time’ itong si mudra. Okay na rin, at least payapa ang tenga ko mula sa mga sermon niya.
Kapag ang buhay ay nagbuhos ng maraming gawain, magpapak ka na lang ng BreadStix at Eggnog!
…at isang bote ng Cobra (yung Cobra Fit para lasang apple).