Ika-11 ng Nobyembre, 2014
Martes, 7:41 ng gabi
Di man tayo magkakilala,
Pero…
Parehas naman tayong naka-DepEd uniform (kahit di tayo galing sa iisang eskwelahan)…
Pareho ding naghahanap / nagkakalkal ng mga clearbooksa iisang istante…
Sa likod natin (sa kabilang istante), meron namang taga-NBS na nag-aayos / naglalagak ng mga folder…
Nakasukbit naman ang backpack ko…
Haggard lookpa rin naman ako…
Ang hindi ko lang ma-gets…
Sa akin ka pa rin nagtanong ng –
“Ay, meron pa kayang ibang kulay nito?”
(habang hawak mo ang clearbook)
Natulala ako…
Gusto ko sana sabihin na –
“Hindi nga? Mukha ba akong taga-NBS? May bag ako sa likod oh, mamimili rin ako tulad mo…
Naka-uniform din tulad sa’yo. Ano, seryoso ka ba sa tanong mo?”
Pero,
Wala na lang akong binanggit.
Mas nanaig ang pagka-shock ko sa tanong mo.
Lol.