Quantcast
Channel: KORTA BISTANG TIBOBOS
Viewing all articles
Browse latest Browse all 374

"sopas na punong-puno ng magic..."

$
0
0

Ika-15 ng Nobyembre, 2014
Sabado, 7:06 ng gabi


            Para sa semestre na ito, sa kolehiyong ito ko inilagak ang haggardkong pagkatao –



            Bukod sa promotion at salary increasena dahilan kung bakit kailangan pang mag-aral ang isang tulad ko sa graduate school… ang personal ko talagang rason ay ang mga sumusunod;

            - ma-experience ang ma-haggardsa byahe;
            - makakita at makasalamuha ang iba pang mga specimen ng tao;
            - makipag-super friends sa mga ‘random pipol’;
            - maramdaman muli ang pagiging estudyante at ang pagkatuto;
            - maglakbay sa usok at polusyon ng lungsod;
            - maigala ang pisikal kong anyo; at
            - para may maikwento tuwing haggard day ng sabado. Lol.

            Ni wala pa sa hinagap ko kung ano pa ba ang dapat kong ipakasiguro sa isip ko. Sabi ko… ito muna sa ngayon.

            Sa klasrum na ito –



…nakasama / nakita / klasmeyt ko ang isang rakistang grupo. Bongga. Akala ko talaga college student lang din ako. Parang first day high! May ‘punk group’, may ‘nerd group’, may ‘young and fresh’ at ‘tulala and haggard’ na ako hahaha.  Dito ko rin nakilala si Denise na napaka-taklesang babae…. pero at least totoo. Bukod sa kanya, kasabay kong kumain ng sopas na punong-puno ng ‘magic’ sila Eldie at Neri(mga kaklase ko noon sa aming pamantasan, at klasmeyt ko ulit sa isang subject sa kolehiyong pinapasukan namin ngayon).

            At dahil first day pa lang, maaga rin namang na-dismiss ang mga klase. Kaya minsan, tambay mode ako sa hallway / corridor



…habang naghihintay na may mag-aya / sasabay na kumain.

            Nakakairita tumambay sa hallway. Lakaran ng lakaran ang mga tao! (Malamang?) Kaya sa sobrang inip ko, nag-selfie na lang muna ako sa isang medyo malabo (o may halong dungis hahaha)na salamin sa banyo –



            … at dahil haggard na may lagnat, ganyan lang ang kinaya. Pasensya na. Hahaha.

            Pagkatapos ng klase, habang naghihintay ng jeep



            … gusto ko na manalangin na sana ay umpisa na ito ng pagbabago. Bagong experience. Bagong mundo.

            Bago umuwi dumaan muna ako sa BookSale. Gusto ko sanang bilhin ang libro na ito –



            …kaso naisip ko, tatapusin ko muna yung mga naunang nabili ko.

            Matapos ang ilang libot, napagdesisyunan ko na ring umuwi. Yun nga lang, magpapadikdik at magpapapitpit muna ako sa LRT



            …mukhang kaunti ang mga tao, pero pagsakay ng tren, dedma na siksikan at init… at lagkit! Lol.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 374

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan