I WONDER. Ano kaya ang pag-uusapan nila Pastor Apollo Quiboloy at ni Vissarion kung sakaling mag-meet silang dalawa?... Papatotohanan o papasubalian ba nila ang isa?...
Si Pastor Apollo Carreon Quiboloy ay ang founder at leader ng Kingdom of Jesus Christ na kinikilala ang sarili bilang ang Appointed Son of God. Taga Davao, Pilipinas.
Si Sergey Anatolyevitch Torop o mas kilala bilang si Vissarion ay ang founder at leader naman ng Church of the Last Testament, siya naman umano ang reincarnation ni Hesus.Taga Siberia, Russia.
Parehong mabigat na titulo ang kini-claim nila para sa kanilang mga sarili. Magkapareho ba sila ng ‘Diyos’ na pinagsisilbihan? O iisa rin bang ‘Diyos’ ang nag-appoint or nag-reincarnate sa kanila?
Nakamamangha kung paano sila nagkaroon ng mga tagasunod. Ano bang meron? Ano bang espesyal sa kanila? Bakit sila? Hindi ba’t ang ilang mga disipulo at santo ay dati rin namang masasamang tao, kung gayun, bakit hindi ang pinakamasasama o pinakamabuting tao ngayon sa mundo? Halimbawa, pwede namang isa sa mga lider ng Abu Sayyaf sa Mindanao, o ilang mga teroristang ISIS. O kaya naman ay ang Santo Papa ng Vatican o kaya ay si Cardinal Tagle o iba pang mga religious leaders.
At dapat ba ay isa lang? Hindi ba pwedeng marami?
Hindi ko naman pwedeng sabihin na baka hindi nakapag-isip ang mga taong umanib sa kanila, mahirap din magparatang ng brainwash. Ano ba naman ang alam ko sa kabutihang dulot ng kanilang ‘church’ sa kanilang mga kaanib, o kung may alam man ako, hindi ko pa rin naman mauunawaan nang lubos.
Ilang libong taon na ang lumipas, may isang Messiah ang isinilang sa bayan ng Bethlehem, Israel. Posible kaya na nung panahon na iyon, ay meron ding kinikilalang Messiah sa lupain ng Pilipinas (o kung ano pa man ang katawagan sa bansa natin noon)? Hindi kaya nag-fail lang ang mga ‘unang tao’ sa pagtatala ng kasaysayan nito na dapat sana ngayon ay naisalibro na maaaring naipamahagi sana natin at naituro sa maraming parte ng mundo.
Hmmm...