Quantcast
Channel: KORTA BISTANG TIBOBOS
Viewing all articles
Browse latest Browse all 374

OST ng buhay mo

$
0
0

                Nag-download ako ng mga soundtrack ng ilang pelikula; ang mga iyon kasi ang nagbibigay ng buhay at ‘tama’ sa mga makabagbag-damdaming eksena sa pelikula. Minsan naisip ko, bakit sa totoong buhay walang background music na ipini-play, halimbawa habang nakasakay sa bus at nag-eemote sa may bintana, o kaya naman biglang may upbeat music na maririnig kapag masaya ka! Di ba ang ‘amazing’ ng buhay kung may ‘official soundtrack’ din ang bawat eksena ng life? Laging merong award-winning moments!

                Pero, pano nga pala yun… kapag masaya ba ako, at nag-play ang masayang background music ko, maririnig din ng iba? Paano kung malungkot yung iba? O yung katabi ko? Siguro para hindi nakakalito o agaw eksena ang mga background music natin sa buhay, kanya-kanyang tunog na lang sa kani-kaniyang isip! Lol. O kaya kung parehas kayo ng nararanasan, pwede na ring parehas kayo ng OST ng kaibigan mo o ng kahit sino pang kasama mo sa parehas na tagpo / pakiramdam / eksena.

                Ang na-download kong mga soundtrack ay ang mga sumusunod:

                KissBreakdown (Michael Brook) mula sa The Perks of Being a Wall flower
                Asleep(The Smiths) mula sa The Perks of Being a Wallflower
                GoodbyeSavannah (Deborah Lurie) mula sa Dear John
                SeeYou Soon Then (Deborah Lurie) mula sa Dear John
     I Kept Writing (Deborah Lurie) mula sa Dear John
   The Moon (The Swell Season) mula sa Dear John
    Final Letter (Deborah Lurie) mula sa Dear John
    The Barn (Deborah Lurie) mula sa Dear John
                Paperweightmula sa Dear John
                FirstDate mula sa Dear John
                ThemeOST ng Rabbit Hole

                …karamihan sa mga ito ay mula sa Dear John. Ito lang kasi yung isa sa mga pelikula na feeling ko ang mga soundtracks ay pwede na rin sa ibang emote ng buhay; minsan pakikinggan ko lang para makapag-relax, minsan minumuni-muni ang ilang eksena sa pelikula, pero madalas ay yung may mapakinggan lang na mellow sa tenga.

                Kung ang buhay ay tunay ngang mala-pelikula, ano ang OST ng buhay mo?




Viewing all articles
Browse latest Browse all 374

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan