Quantcast
Channel: KORTA BISTANG TIBOBOS
Viewing all articles
Browse latest Browse all 374

Bizarre World...

$
0
0

Ika-03 ng Abril, 2014
Huwebes, 6:47 ng gabi

            Kagigising ko lang. Napasobra ang idlip ko dahil sa init sa maghapon. Naalala ko, kailangan ko magkwento. Pumasok lang ako saglit sa banyo, pagtingin ko sa salamin namumungay pa ang aking mga mata… at ang mukha ko… ‘wow-so-oily’hahaha. Kaunting ayos… tapos balik sa kwarto… binuksan ang netbuk at ‘presto!’ ano na naman kaya ang aking makukwento?

            Nakasuot ako ng puting t-shirt kanina. Tamang-tama sa matinding init. Pasado alas-dos ako lumabas ng school, tirik pa rin ang araw. Nagliliwananag ako sa suot kong damit… feeling ko napaka-dalisay kong tao habang naglalakad ako para makaabang ng jeep lols.

            Di ko sinuot ang aking salamin sa maghapon. Naisip ko kasi yung disenyo ng suot kong puting t-shirtmukha ng aso na naka-shades na may nakasulat na salitang ‘spectacle’. Baka sabihin kasi nila ‘redundant’ ako sa disenyo ng damit hahaha. Kaya pinangatawanan ko, tutal mas nakakakita naman ako kapag sobrang maliwanag ang araw hahaha.

            Pero hindi… kailangan ko i-justify ang di ko pagsusuot ng salamin. Uhm… kasi masakit sa mata kapag nakasalamin ka habang tirik ang araw… at saka nakakapawis sa bandang may ilalim ng mata… at magmumukha na namang lubog ang mga mata ko sa pagsusuot ko ng salamin. Yan, pwede na ang mga rason na yan.

            Pagsakay ko ng jeep, may dalawang ‘emo’ na lalaking kabataan akong nakasabay. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng sasakyan. Sila ay magkaharapan. May pinag-uusapan. Naririnig ko pero ayokong makinig, kasi di naman ako maka-relate.

            May mga sumakay pa kaya napausog ako papalapit dun sa isa. Napansin ko ang kanilang mga kuko sa paa. Nahagip ko lang ng tingin ng di naman sadya. Naisip ko, kapag ba ‘emo’ ay marami ring patay na kuko? Ibinaling ko na lang sa iba ang aking tingin… mukhang kapwa naman nila di nahalata ang aking napansin.

            Biglang huminto ang sinasakyan kong jeep. May papasalubong sa amin na karo at isang mahabang linya ng mga tao. Parang ‘premonition’ lang ang nangyari sa akin.

            Sumilip ako sa may bintana. Naririnig ko ang isang malungkot na kanta. Inaabangan ko ang mga mukha ng mga naka-linyang tao. Nakaputi rin sila tulad ko. Gaano ba kasakit ang maghatid ng isa sa mga mahal mo sa huling hantungan nito? Naisip ko, kahit kailan di ko pa ito nararanasan. At parang hindi ko matatanggap ang ganitong tagpo sa aking buhay.

            May mga babaeng lumuluha habang marahan silang lumalakad. Napakainit sa daan nung mga oras na yun. Pero hindi man lang sila naka-payong. Siguro, ganun na lamang ang kanilang pighati. Matindi pa sa naraaramdaman nilang init.

x-o-x-o-x

            Pag-uwi ko sa bahay pinanuod ko yung dalawang documentaryabout ‘porn addiction’ na na-download ko habang nag-uubos ng oras sa school. Muli ay uulitin ko, ang pinanuod ko ay ‘docu about porn addiction’ at hindi mismo ‘porn’hahaha.

            Ang title ng isa ay ‘BBC Documentary – The Science of Porn’ at yung isa naman ay ‘BBC Documentary – The Dark Side of Pornography’.

            Akala ko naman ay ipaliliwanang nito kung bakit may mga taong nagiging ‘addict’sa panunuod ng mga pornograpiya, ang mga ‘epekto’ nito at kung paano ‘malulunasan’ang pagkalulon sa ganitong sitwasyon.

            Pero nabigo lang ako kasi hindi ang mga nabanggit ko ang naging focus nito. Parang mali naman yung mga title na nakita ko… parang iba yung pamagat sa mismong content nito.

            Dahil dun sa ‘BBC Documentary – The Science of Porn’, ang tinalakay ay ang buhay ni ‘Lolo Ferrari’– siya pala yung babae na may pinakamalaking hinaharap sa mundo (di ko alam kung paano ko sasabihin lols), sa katunayan napabilang pa pala siya sa Guinness Book of World Records. Binanggit dun ung paano ang naging takbo ng kanyang buhay, ang pagkasabak niya sa mundo ng pornograpiya, ang pagka-addict niya sa pagpapa-opera at ang lagim o misteryo ng kanyang pagkamatay.

            Dun naman sa ‘BBC Documentary – The Dark Side of Pornography’, ang tinalakay naman ay ang industriya ng pornograpiya sa Estados Unidos. Nakalimutan ko yung lugar na tinatawag nilang ‘porntown’– dahil sa lugar na ito may pinakamaraming isinu-shoot na mga eksena na parang sa pelikula, ganun. Binanggit lang dun kung paano nagambala ang ganuong uri ng industriya dahil sa paglaganap ng HIV.

            Samakatuwid, nauwi sa wala ang pag-download ko sa mga docu na ito dahil di ko naman nito nasagot ang mga target questions ko, naks!

            Parang ang ‘weird’ talaga na sa mundong ito ay may industriya ng pornograpiya. Ano naman kaya ang nagtutulak sa isang tao na gustong pumasok o sa mga taong naging parte na nito? Anong mabigat na dahilan ang meron sila? Pera? Kahirapan? Karangyaan? Kasikatan?

x-o-x-o-x

            Napakadaling malason ng isip ng mga kabataan ngayon. Ngayong panahon na para bang lahat na lang ay mayroon na silang ‘access’ saan man o ano man ang gusto nilang makita o mapanuod. Basta may internet, maaring malulon sa mga gawaing liko.

            Kaya mahalaga ang pagiging bukas ang isip at pagiging responsable sa lahat ng ating mga aksyon.


x-o-x-o-x

#MgaKwentoSaTagAraw


Viewing all articles
Browse latest Browse all 374

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan