Quantcast
Channel: KORTA BISTANG TIBOBOS
Viewing all articles
Browse latest Browse all 374

Mahal Ko Na Rin Ang DUBAI...

$
0
0

Ika-04 ng Abril, 2014
Biyernes, 8:42 ng gabi

            Halos kauuwi ko lang at katatapos lang kumain. Sobrang nakaka-dehydrateang init kanina sa rehearsal namin ng graduation. Di ko alam kung mapipiga ko pa ba ang sarili ko na magkwento lols. Pero pipilitin ko.

            Kaninang umaga, sobrang bagot ako sa faculty. Yung hinihintay ko kasing mga gawain ay di pa dumarating. Yung nakakainis at nakakainip na wala kang ginagawa sa kabila ng halos lahat ng nakapaligid sa iyo ay mayroong pinagkakaabalahan, parang nakakahiya naman di ba hehehe.

            Yung nasusuya na ako sa mga pinakikinggan kong musika, kasi alam ko na pag-uwi ko mamayang gabi ay pakikinggan ko na naman sila. Nakapagbasa na rin ako ng mga bagong blogpost ng mga bloggersna sinusubaybayan ko, na halos minu-minuto ko na nga niri-refresh yung dashboard ng blog ko para lang makita ko kung may nakapag-post na ba ng bago. Kaso wala.

            Kaya naisipan ko na lang na panuorin ang isa na namang docu na na-downloadko kahapon. Ang title ay “Dubai: The Greatest City on Earth”. Talaga pa lang nakamamangha ang Dubai! Isipin mo na lang na ang isang lugar na dati ay puro disyerto lamang, ngayon ay isa na sa pinakamodernong syudad sa mundo na may pinakamatataas na istruktura. Grabe ang kaalaman nila sa engineering!Talagang pinag-aralan nila ang lahat – mula sa kung paano magagawan ng pundasyon ang mga nagsisitaasang gusali, kung paano magkakaroon ng water supply ang lugar sa kabila na ito nga ay isang disyerto, at ang mga materyales na ginagamit na kayang tumagal sa matinding kondisyon ng panahon. Kahanga-hanga! Nakakabilib!

            Hindi ko tuloy maiwasang maisip na sana ganun din ka-detalyado ang mga pagpaplano natin sa pagtataguyod ng isang lungsod. Kaya nakakainis na pinapangarap ko na ngayon na mapunta sa Dubai! Grabe, gusto kong pumunta sa Dubai, ngayon na!Hahahaha.

            Nadagdagan na tuloy ang lugar na gusto kong mapuntahan. Dati talaga solidong Germany lang ang gusto kong mapuntahan. Kaya ko naman gustong mapunta sa Germany kasi hinahangaan ko kung paano nila binibigyan ng halaga ang ‘science research’ sa kanilang bansa. Yun bang naging parte na ito ng kanilang pag-unlad. Napakadami nilang research institute doon, na hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ako ng chancena maging parte man lang ng isang research team sa bansang yun. Grabe! Pagpasensyahan na ang pagiging ambisyoso ko hahaha. Kasi dito sa atin, hindi naman masyadong research oriented ang ating bansa, Yung para bang nakakaasar na lagi na lang mga natutuklasan mula sa ibang bansa ang ating ibinabalita. Nasaan na ang sarili nating mga research o pag-aaral? Para saan pa ang mga thesis sa M.A. at Doctoral? Hanggang sa pang-akademiko na lang ba natin gagamitin ang ating nalalaman sa research?

x-o-x-o-x

            Bukas na ang graduation. Kaybilis ng panahon. Nakatutuwang isipin na yung mga naging estudyante ko noong OJT / Practice Teaching ay ga-graduate na rin sa college. Grabe, isipin mo yun, kung maghahanap ako ngayon ng bagong trabaho maaari ko pa silang maging katunggali bilang aplikante kapag nagkataon hahaha. Ang weird ng feeling, dati estudyante mo, ngayon katrabaho mo na lols. Tapus yung mga naging estudyante ko naman ngayon sa high school ay magsisipagtapos na rin, mga 3 o apat na taon pa, pwede na rin kaming maging magkatrabaho hahaha, bale bata pa rin naman ako nun, mga 28 years old.

            Hay…Kaybilis talagang lumipas ng panahon!


x-o-x-o-x

#MgaKwentoSaTagAraw


Viewing all articles
Browse latest Browse all 374

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan