Quantcast
Channel: KORTA BISTANG TIBOBOS
Viewing all 374 articles
Browse latest View live

Anong Drama ng Bangs Mo?

$
0
0


Sumasakit ba talaga ang 'bangs'?

Maraming bagay ang masakit sa bangs (kung meron man) gawin tulad ng mga sumusunod:

1. Pagko-compute ng grades.
Kahit may excel na para mapabilis ang pag-compute ng grades, masakit pa rin ito sa bangs. Ang hirap atang mag-record at mag-encode ng mga numbers. Nakaka-high na puro numbers ang makikita mo; ang sakit sa brain at sa mata :)

Tapus, kailangan mo pang i-analyze kung bakit bumaba o kung bakit may requirement na hindi napasa ang bata etc... (hanggang ma-haggard)

2. Pagbabasa ng mga Reaction Paper
Best in reading talaga kapag nagpagawa ka ng ganyan sa mga students. Nakakabulag sa mata :) Ok naman yung iba kasi computerized, madaling basahin. Yung iba kaydaling lukutin dahil kayhirap basahin lol. *joke lang* Syempre 'pag di mabasa, no choice, babasahin mo pa rin... *hanggang maduling*

Masarap namang basahin yung mga gawa nung bata eh... basta ba gawa talaga nila. Ang nakaka-insulto lang ay yung papasahan ka ng hindi makatarungang 'copy-paste' *ka-badtrip* Yung tipong pag binasa mo ay patalun-talon ang ideya ng mga paragraph... 'anyare? tagpi-tagping mga ideya? Nasasayang lang tuloy yung 'effort' ko. *humihingi ng simpatya lol*

3. Mahirap gumawa sa bahay kasi:
-wala akong enough space; 'pag gumagawa kasi ako gusto ko sakop ko ang lahat :)
-tapus nariyan pa yung pamangkin ko na laging gustong makipag-kulitan
-nakakainis na ako ay busy samantalang ang ibang members of the family ay hapi-hapi mode lang, syempre nakakatuksong maki-join :)
-tapus, lagi na lang nasa isip ko na hindi dapat maging ganito ang buhay ko lol :)

Ilan lang yan na para sa akin ay masakit na sa maikli kong bangs :)
Kaw? Anong drama ng bangs mo?

Ngiti :)

$
0
0




I know how it feels to get out of the house na sobrang bigat ng nararamdaman, because you are so preoccupied by many things tulad ng problema. (taglish mode...)

I've been through that point... many times in my life. Kaya nga nung medyo naka-move na ako, nangako ako sa sarili na di na mauulit yun, maaaring mangyari pa rin, but this time, I'll make it sure, na kahit ano pa man yan, I can handle all of it!

Kaya whenever I walk out from the house, I always wear a 'smile' as if sobrang ganda ng magiging araw ko, kahit alam kong at the end of the day ay 'haggardness' pa rin ang ending... pero ganun talaga kaya 'smile' na lang.

Lahat naman kasi ng tao ay may dinadalang problema... ika nga eh, kanya-kanyang paraan lang yan on how you carry your problems :)

I believe na yung smile can be a source of inspiration, kaya di ko na yun pinagdadamot pa :) Akalain mo yun simpleng ngiti lang nakakapagpagaan na ng loob ng iba.

Kaya ugaliin natin ang pag-ngiti :) Malay mo, 'sang buhay bawat araw ang nababago mo.

*parang pang-commercial lang ng toothpaste*

Buhay, Misteryo at ang Paalala ni Mam Aning

$
0
0


Sa anong paraan mo ba gustong gamitin ang buhay mo?

Nakakatuwang isipin na maaring maging makabuluhan ang buhay mo sa pamamagitan ng pagtulong sa iba.

Hindi lang puro pagyaman o pagkamkam ng mga materyal na bagay. Lagi akong naniniwala na higit pa dun ang dahilan kung bakit tayo narito at nabubuhay.

Hindi naman perpekto ang buhay ko... kahit ako ay di rin perpekto. Pero ang sarap maramdaman na sa kabila ng 'imperfections' mo ay nakapagbibigay ka pa rin ng tulong o inspirasyon para sa iba, yun lang eh parang napakasaya na. Yung tipong, di bale na kung 'wasted' ang buhay mo, at least baka sa ibang tao matupad ang mga hinahangad mo, baka 'oks' na rin yun :) At least yung mga sumunod sayong nabuhay ay di naging tulad mo :)

Kaya sa tuwing iisipin ko kung ano ba ang pwede ko pang gawin sa buhay na 'to, minsan sumasagi rin sa isip ko kung ano pa ba ang pwede kong magawa sa buhay ng iba? Sa ganung paraan, naiiwasan ko ang maging makasarili o yung mag-focus masyado sa sarili. Totoo pala na kung ano ang ibinibigay mo sa mundong 'to ay ganun din ang babalik sayo.

I am Mr. Mysterious...

Di ko alam kung ok lang ba na i-share ko yung blog ko sa marami ko pang mga kaibigan at kakilala. Iilan lang kasi, sa tingin ko, ang tunay na nakakakilala sa akin *yung deep inside me* :)

Itong blog kasi na 'to ay isa sa mga bagay na tumulong sa akin para mas makilala ang sarili, kaya naisip ko baka pag nabasa nila ang mga sinusulat ko, malaki ang chance na mas makikilala pa nila ako ng lubusan.

I'm not very vocal sa mga taong di ko pa talaga close or kapalagayan ng husto, kaya pag may iba akong kakilala na nakikitang masaya akong nakikipag-usap sa mga kaibigan ko, nagtataka yung iba, ganun daw pala ako at kahit ako ay nagtataka rin kung bakit di nila nakikita ang pagiging masiyahn at 'artistahin' ko lol :)

On the other hand, iniisip ko rin na wag na lang. 'Cause I know time will come, they'll see me as a 'rising star' hahaha :)

"Araw-araw tayong nakikibaka..." sabi ni Ma'am Aning

Isa yan sa mga linyang di ko makakalimutan mula sa history instructor namin nung college. Sabi niya ang pakikibakang tinutukoy niya ay ang sa ating sarili.

Iniisip ko na marahil tama nga sila tungkol sa akin, pero lahat naman tayo ay may 'mysterious effect' ang buhay... na kung hindi tutuklasin kung ano pa ang nasa loob ng iyong sarili ay mananatili na lamang itong misteryo. Kaya dapat nating mapagwagian ang bawat pakikibaka sa ating kalooban higit pa sa labas na mundong ating ginagalawan.

Nagpapaka-deep na naman ako sa araw na ito.

x-o-x-o-x

Anong ganap sa buhay ko today?

Kaninang umaga, naghatid ako ng mga retreat letters para sa mga students bago pa dumating ang kanilang bus, syempre may kasabwat akong isa. Kahit medyo nakakapagod magsulat, sa katunayan nga ay di ko naman nagawan lahat, pinilit ko pa rin gumawa. Sayang kasi yung pagkakataon na masabi mo kung anong mabuti ang meron sa kanilang sarili, nang sa ganun ay di puro kamalian ang kanilang nakikita. Dahil hangga't may naniniwala sa iyong kakayahan at pagkatao ay napakalaking tulong na yon para sa paglago niya.

Nakakatawa lang na nag-ala 'ninja move' pa ako kanina para di mapansin ng marami, ang sarap ng feeling parang spy lang with disguise pa dahil 'pambahay mode' lang itsura ko kanina lol :)

Ayun lang. Salamat sa araw na to, nakapag-post din :)

TENthings: Kamusta na Me?

$
0
0


1. Yung ginigising pa rin ako ng nanay ko para pumasok, kahit malaki na ako at kaya ko naman na gawin yun mag-isa :)

2. Yung makapag-kape sa umaga at makapag-almusal bago umalis ng bahay...

3. Yung may babati sayo paglabas ng bahay kahit di mo naman sila ka-close or kakilala :) na dala lang siguro ng uniform na suot ko :)

4. Yung nakakasalubong mo yung mga dati mong students habang papasok sa school na isisigaw pa yung pangalan mo sa daan, mapansin mo lang sila...

5. Yung maggu-good morning sayo ang lahat ng makakasalubong mo papunta sa faculty...

6. Yung makakita ng maraming smiles :)

7. Yung dumadampi sayo yung sikat ng araw sa umaga habang papunta ka sa room sa third floor...

8. Yung makipag-kwentuhan at makipag-tawanan kahit maraming gawain...

9. Ang foodtrip after class :)

10. At ang matulog ng mahimbing kahit pagod.

...sampu lang yan sa mga bagay that I appreciate sa araw-araw na buhay.
...yan yung di naiintindihan ng iba, kung bakit nandun pa rin ako.
...yan yung di nila nakikita dahil di materyal na bagay.
...yan yung di mababayaran at di masusukat.

kaya, kung kakamustahin niyo man ako, wag mo sanang sabihin na napag-iwanan na ako
oo, wala pa akong ipantatapat sa kinikita niyo
baka nga mas maganda na ang kinalalagyan niyo ngayon, masaya ako para sa inyo :)

iba lang talaga yung pinili ko...
malay mo pag nagsawa na rin ako sa mga bagay na 'to
baka tahakin ko na rin ang landas niyo
at maikukumpara ko na rin ang sarili ko tulad ng ginagawa niyo...

pero sa ngayon...
bigyan niyo muna ako ng oras,
di talaga to nakakayaman... nakakapagpabago lang ng buhay :)

My New Year's Resolution: Malapit na kasi ang Dec.21 :)

$
0
0


Unang araw ng Disyembre, kaya gumawa ako ng new year's resolution. Baka kasi matupad yung end of the world ng Mayan calendar sa Dec. 21, at least looking forward pa rin ako sa new year :)

1. Bawasan na ang pagiging 'tulala creature'.
-feeling ko kasi sa pagiging tulala ko lang nararamdaman na tunay pa rin akong tao :) na pwede naman akong tumigil kahit sandali sa mga pinagkakaabalahan kong anek-anek... yun nga lang minsan napapasobra nagiging 'tulala forever' :)

2. Be brave.
-maging matapang kasi sabi nga ni Steve Jobs, kung takot kang mabigo, you'll not go very far in this life... I have my visions naman kung saan ako pupunta at kung ano ang mga bagay na gusto kong gawin, siguro masyado ko lang kino-consider yung mga palagay ng 'iba'... eh sila yun eh, di naman ako yun, so be brave to take your own steps sa buhay...


3. Follow your heart, dreams and intuition.
-sa ganitong paraan magagawa ko kung anong gusto ko, ganun talaga ang life eh... di sa lahat ng oras ay mapupunta ka sa piniling daan ng marami, minsan kailangan mong gumawa ng sarili mong daan, and you should let your heart, dreams and intuition lead your way :)

4. Be Open.
-in other words, ibulalas ang sarili sa lahat, pati kaluluwa lol...on a serious note, siguro naisip ko lang, maging bukas pa sana ang aking isip at puso (meron ako naks!) sa marami pang bagay.

5. Mag-exercise.
-gusto ko naman ma-xp na gumalaw galaw, yung pagpawisan, kasi baka lumaki yung tiyan ko hehe :) tumaba na daw ako kahit pa'no, pero ayoko naman ng sobra, saka for health reasons na rin, diabetic pa naman ang pamilya namin tsk'

6. Maging mas positibo pang nilalang.
-optimistic ang tingin sa 'kin ng mga kakilala ko, pero syempre behind that mind set, medyo may pagka-nega kasi ako :) kaya lagi kong pinupunan ang sarili ko ng mga positive vibes at effective naman kasi in that way mas nagiging resilient ako anuman ang mangyari sa 'kin, good or bad ika nga eh win-win pa rin dapat :)

7. Mag-plano at gamitin ng tama ang oras.
-sabi nga eh, 'if you fail to plan, you plan to fail'... at ayoko na masayang ang oras ko thinking about the past, about other people na wala rin namang concern sa 'kin, worrying etc.

8. Maging mature.
-maging young at heart pa rin naman, but I have to act my age and do my responsibilities well (bata pa naman ako I'm just 23 lol) minsan kasi ang sarap lang maging 'pbb teens' haha, pero hindi yung landi factor, yung tipong bata ka pa at walang masyadong alalahanin sa life... sarap :)

9. Pataasin ang EQ :)
-marami akong friends at mabubuting tao na nakasalamuha sa aking buhay, and I want them to feel, more than for them to know, na na-appreciate at thankful ako na nakilala ko sila, personal man or not (with tears of joy)... masarap lang talaga yung feeling na naging connected yung buhay mo sa marami pa... parang pwede ka na rin mabuhay magpakailanman :) at dahil diyan ipagpapatuloy ko yan.

10. Take life as it is... give and get the most out of it :)

-sampu lang yan sa mga nailista ko, alam kong marami pa akong dapat baguhin at pagyamanin sa sarili... I know soon, makakamit ko rin ang 'best version' ng aking sarili (may ganun ba talaga? lol)...

I hope I'm OK...

$
0
0



Ewan ko, bigla ko na lang ‘to naramdaman ngayon. Yung feeling na para bang may ‘kulang’… yung tipong kahit magawa ko ang mga bagay na sa tingin ko’y nararapat kong gawin ay di pa rin yun sapat para maintindihan ko kung ano yung ‘kulang’ na kailangan kong punan sa lalong madaling panahon.

Iniisip ko kung ito ba yung ‘lovelife’ na halos wala nang lugar sa buhay ko na ‘to. O kaya naman ay yung mga karanasan na sa tingin ko ay magpapatatag pa nang husto sa akin. Hindi ko talaga lubos na maintindihan pa sa ngayon…

Kanina, I caught myself looking into the fb pictures ng isang klasmeyt nung elem, kasama niya yung girlfriend niya sa picture. Sweet at mukhang masaya sila…nainggit lang ako, buti pa sya meron. Then I asked myself, anu nga ba ang ibig sabihin na matagpuan mo na yung iyong ‘better half’? Ano ba yung pakiramdam ng para bang may kahati ka sa lungkot at saya ng buhay… Gaano ba kasaya yung feeling na may nagmamahal sayo? Na may tatanggap sayo no matter what and who you are… Gusto ko rin yun maramdaman. Sana hindi pa huli…

And I do not know why… I pity myself about what’s happening in our family right now… all the while I thought okay lang yung family namin, pero hindi pala. There are so many things that we have to surpass. And I hope we can… and be together again. Ngayon ko lang naintindihan how it feels to come from a broken family… well di naman kami totally broken, but we are already experiencing a piece of it. And yes, it’s quite hard.

Kanina rin ay family day. I was very happy to see the parents together with their beloved children. And I just whispered to myself na sana lahat ng pamilya ay ganito kasaya at magkakasama tulad ng nakikita ko. It would be painful, I know, for a child na mamulat agad sa katotohanang di buo ang kanyang pamilya… eh hindi naman lahat ng bata ay ‘strong’ in a way that they can be resilient in whatever na mangyari sa kanilang buhay, some are weak, kailangan nila ng gabay at kasama.

And so I ask God… will there be a chance for me to figure out all the things in my life? Minsan, naisip ko, gusto ko munang mamuhay mag-isa, maybe because I really need more space to grow… so I can be able to handle my life on my own.

Lumilipas ang oras. And I don’t want to be dictated by its phase. I want my own time. I want to take my time living my life.

Ang Sarap :)

$
0
0


Mahirap talaga minsan pagsabayin yung mga bagay na gusto mong gawin sa mga dapat mong gawin :) Bakit ba kasi minsan, di sila magkaparehas?

Napakadaming tao sa mundo, mga 7 billion na ata tayo, 7 bilyon ding mga pangarap, pwede bang lahat yun ay matupad?

Tatlong taon na akong graduate sa kolehiyo, sa'n ba talaga ako tutungo? haha :)

Sabi ng nanay ko, 'always chase your dreams', sosyal pero in-english ko lang talaga :) Minsan nakakainip maghintay... nakakapagod din mag-effort... may mga down moments, pero ganun siguro talaga, kapag may gusto kang matupad kailangan paghirapan.

Sabi nung lolo na katabi ko sa bus, ilan taon na daw ba ako? syempre nagpabata ako lol. Sabi niya sa tanda ko daw bang iyon ay masaya ako... tapus napaisip ako, natulala ako sa salamin ng bintana. Dinedma ko na yung mga kasunod na kwento niya etc...

Tulad ko ay yung babaeng nasakyan ko sa trike, pinipilit maging matapang. Mura siya ng mura habang papaalis sa mga kasama niya sa pilahan... sa isip ko, marahil ginagawa niya yun kasi siya lang yung nag-iisang babae dun, para siguro di siya kaya-kayanin. Tinanong ko kung ganun ba siya katapang... sabi niya, kailangan kasi yun. Siguro nga, kailangan ko rin yun.

Sa tuwing bibili ako ng tinapay dun sa bakery, hindi na yung dating tindera ang nagbebenta sa amin kahit nandun naman siya, yung may-ari na haha. Bilang binesfriend namin yung tindera, lagi may dagdag yun kapag bibili kami, eh nakahalata ang amo, baka nga naman malugi...

Nahihiya pa rin ako magtapon ng basura, tulad ng balat ng kendi o stick ng barbecue, kahit makalat naman yung lugar. Sa tuwing gagawin ko kasi yun, naaalala ko yung mukha nung mga matatandang guro ko sa elem, baka magalit sila haha :) Tandang-tanda ko pa lagi nilang sinasabi with facial expression "wag kayong magtatapon kung saan-saan, kahit balat lang ng kendi, isilid nyo yan sa inyong bulsa"... napaka-masunurin kong bata :)

Sabi nung kaibigan ko, masyado daw akong nabubuhay sa nakaraan. Dapat daw mag-move on, itapon ang mga basura ng kahapon, bakit daw ba kasi yun ay pinanghahawakan ko. Simulan ko daw pulutin kung anong nasa harapan ko at bumuo ng kung ano mula dito. Tapus, ibinaba ko yung telepono, sabi ko na lowbat... reply sya ng "k"... eh wala naman kasing nalolow bat na landline haha...

Eh anung meron sa mga kwentong 'to?

Wala.

Gusto ko lang iparating na nagpapasalamat ako sa taon na ito, dahil sa blog na 'to. Dito pwede kahit ano. Yung ganitong tipo ng 'freedom' na wala masyado sa kinalalagyan ko. Malay ko ba na kahit pa'no tatagal din pala ang dating trip lang na ito...

Ang sarap :)

Ang Mahaba kong Note...

$
0
0


Di na talaga mapipigilan ang pagsapit ng 2013! Nakaka-pressure yung katamaran ko kasi pagkatapos ng mga 'celebration mode' back to work na naman, tsk! Hinihintay na naman ako ng mga minamahal kong papel na kailangan kong saksakin ng pulang ballpen :) ang class record at ang pagpa-plano para sa buhay ko at sa iba hehe.

Nakakatuwang magbasa ng mga post ng ibang bloggers ngayon. Very thankful sila sa mga nangyari sa kanilang buhay. Naisip ko nga eh, gagawa rin ba ako? Eh ang pinaka highlight ata ng buhay ko ay yung nangyaring baha :) Yun ang isa sa pinakamahirap na eksenang ginawa ko sa teleserye ng buhay na 'to hehe, one take lang yun ah, 'yoko na maulit eh.

Kung meron man isang bagay na na-enjoy ko talaga ngayong taon, bukod sa pasasalamat ko sa aking pamilya at mga kaibigan etc, ito na siguro yung napadpad ako dito sa blogosphere. Yung pagbo-blog. Ito yung isang bagay na nitong taon lang talaga nangyari sa life ko... and I have learned a lot.

Sabi ng ibang bloggers, parang 'baby' daw ang ating mga blog, na sa paglipas ng taon ay nakikita nating naggo-grow. Sa akin naman, yung blog ko marahil yung nagsisilbing paraan ko para ma-express yung mga bagay na hindi ko naman 'nakekeri' sa mga personal na usapan. More of being a 'listener' kasi ako as a person, sa mga super close at kapalagayan ko ng loob lang ako nakikipag-usap ng todo.

Sinunod ko lang yung isang payo na nabasa ko sa internet, ang sabi eh kapag feeling 'confuse' o naguguluhan ka, subukan mong magsulat. At malaki nga yung naitulong nun para makapag-reflect ako at makapag-move on sa mga bagay na nakiki-agaw ng 'space and time' sa buhay ko haha. Dati ko na naman yung ginagawa, pero iba kasi dito sa blogosphere. Sa personal journal ko kasi, wala namang mag-iiwan ng comment or suggestion dun, unless ipangalandakan ko yung notebook na pinagsusulatan ko sa bahay namin or sa mga dakilang neighborhood ko para may mapag-tsismisan sila :) Dito, nakakataba ng puso, yung kapag nasa 'senti-mode' ka, may mag-iiwan ng comment sa post mo, napakalaking bagay... ni hindi mo na nga sila kaanu-ano at hindi rin kilala ng personal. Ang galing lang! Dito ko naranasan na kahit di ako masyadong lumalabas, feeling 'connected' pa rin ako sa buhay ng iba. Pero syempre, alam ko na iba pa rin talaga ang makipag-socialize sa labas ng mundong 'to.

Malaki ang pagtingin ko sa mga taong mahilig o magaling magsulat. Hindi ko alam kung bakit, basta ganun yung nararamdaman ko. Di rin kasi madali na magpahayag ng kung ano ang nasa isip o nararamdaman mo, o yung makalikha ng isang kwento, tula etc... kasi feeling ko bawat malilikha mo bilang manunulat (propesyonal man o hindi) ay parte na ng pagiging ikaw... extension ng ating mga sarili ika nga. At dahil dun, dumating ako sa punto na ayoko na talagang magsulat or magkwento ng anu man haha, contradicting lang, kasi naisip ko baka di ko naman nabibigyan ng 'justice' yung ginagawa kong ito. Pero heto, still trying... hard lol.

Ang OA lang ng pag-appreciate ko sa blogging. Pero ganun talaga eh. Para akong nakahanap ng bagong paraan para kahit pa'no ay makita ko ang buhay on a different angle.

Marami akong hinahangaang bloggers ngayon. And in one way or another, I would also want to have the same effect on others... yung kahit papano eh maging source din ng 'inspiration'... I think, importante yun sa isang tao. Mabuhay ng may positibong pananaw. Yun lang kasi ang masi-share ko sa ngayon :) kasi mahal ang talent fee ko, napaka-precious ng time ko for EB events lol at nasa ilalim pa rin ng lupa ang mga kayamanan ko! :)

Nitong 2012, I have created a theme para sa buhay ko haha, ang 'arti' ko lang, may theme pang nalalaman :) Sabi ko nun bago mag 2012, gusto kong lumikha ng 'difference' sa life ko. I told myself, kailangan magawa ko yun kahit maliliit na pagbabago lang sa isang araw. And I believe, kahit pa'no, kasi mahirap talaga, nagawa ko naman. Natuto ako na ipakita at ipamuhay, kahit di mapanindigan palagi, yung mga bagay na pinaniniwalaan ko. Na kaya kong umalis sa mga 'stereotypical' na ideya. Yung matutong makinig sa sarili. Yung kumilos nang hindi masyadong natatakot sa sasabihin ng iba. Yung kahit pa'no ay maintindihan din ang iba, the same way na pag-intindi ko sa sarili. Oo, itong taon na 'to, napaka-emotero kong tao :) kaya natutunan ko na ring tawanan ang sarili ko lol :)

At sa darating na 2013, ang theme ko naman ay "chasing dreams" :)

Oo, inaamin ko na naging duwag ako sa pagtupad sa mga pangarap ko. Natakot talaga akong mabigo, kasi parang hindi yun ang inaasahan nila sa akin. Pero ngayon, 'wapakels' na ako, I will now chase my dreams! Pinagbigyan ko na sila, ako naman :)

Natatandaan ko noong college, napaka-bless ko sa pag-aaral. Di naman ako super talino, pero naipapasa ko yung mga subjects ko noon kahit stressful. Yung nakikita ko yung ibang classmates ko na sobrang worried or naiiyak pa nga sa mga grades nila, tapus ako parang 'cool' lang. Naisip ko nun na ibagsak yung ibang subjects ko, kasi feeling ko sa sobrang blessed ko baka di ko na alam ang pakiramdam ng mabigo. Dun siguro ako nagsimulang maging duwag. And because of that, little did I know, I have also failed sa ibang bagay. It took me time to realiize those things kasi mahirap din masaktan. Pero ganun talaga ang buhay, you may not have it all at once.

Dumating ako sa point na gusto ko talaga ma-determine kung ano talaga ang gusto ko. Yung makisabay ba o gumawa ng sariling daan. At mas pipiliin ko yung huli.

Maraming bagay ang hindi ko makokontrol sa darating na taon, kaya I wish upon a star talaga haha :) All is well na lang!

Siguro darating din yung araw na di na ako makukulong sa mundo kong 'to, pero sa ngayon, sige lang, pagsasawaan ko na 'to!

Ito na siguro ang pinakamahaba kong kwento.

God bless sa lahat! :)

Bilang Mayaman, Kinuha naming Guest si PSY! (feat. Lagoon)

$
0
0


"Lagoon"
-jepbuendia-

Sabi nung tatay ko, kapag nalulungkot ako, pumunta lang ako dun sa lagoon. Dun niya ako madalas dalhin nung bata pa ako. Tahimik yung lugar na ‘yon, malaya kang makakapag-isip. Nung huling punta nya dun, di na siya bumalik. Di na siya nagpakita. Bigla na lang syang nawala.

Pumupunta pa rin ako sa lagoon. Kapag naaalala ko siya, pumupunta ako dun. Magpapalipas lang ng oras sandali. Lagi kong pinagmamasadan yung tubig sa lagoon, yun lang eh nakakapagpakalma na sa akin. Malinaw, saka malinis.

Mula nung di na niya kami binalikan, ako na yung umako sa pangangailangan ng pamilya. Maaga akong nagtrabaho. Nakakapagod. Ganun pala ang magtrabaho. Mahirap pa lang kumita ng pera. Mahirap pala yung suportahan ang pangangailangan ng pamilya.

Nagalit ako sa kanya kasi bigla na lang niya kami iniwan. Sa pagkakaalam ko maayos naman ang kanyang trabaho, kaya niya naman kaming bigyan ng sustento. Ewan ko ba kung anung nangyari sa kanya.

Kanina mula sa trabaho, dumeretso ako dito sa lagoon. Ganun pa rin ang tubig. Malinaw, saka malinis. Hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan kung bakit niya kami iniwan. Ang alam ko lang, kapag nandito ako, pakiramdam ko kasama ko siya. Nandito ako kasi may problema ako. Ang sabi naman niya kapag malungkot ako pumunta lang ako dito.

Malamig pala ang tubig. Lalo na kapag palubog na ang araw. Namumula noon ang kulay ng langit. Unti-unti kong inilubog ang sarili. Nararamdaman ko yung lamig, papaakyakt sa aking bibig. Hanggang sa ang mga mata ko'y wala nang makita. Ang huli kong nasilayan ay ang kulay pulang araw. Hinayaan ko na matangay ako ng tubig. Bahala na kung mapunta man ako sa malalim…

Hindi nga siguro ganun kadali ang buhay. Hindi nga rin siguro ganun katatag ang aking tatay. Alam ko na kung bakit dito siya nagpupunta. Alam ko na ngayon kung nasaan siya...

x-o-x-o-x

PS: Nakapanuod ako ng isang documentary mga 2 oras bago sumapit yung bagong taon. Ang pamagat eh "The Secret of Life in Japan". Totoo pala na mataas ang bilang ng mga taong nagsu-suicide sa bansang 'yon. Marahil sa taas na rin ng demand ng pamumuhay dun. Akala ko nung una kung anong secret yung tatalakayin sa video yun pala tungkol yun sa mga japanese na di na kinaya ang 'pressure' ng buhay, halimbawa nagpapakamatay sila kapag di nagiging successful ang kanilang business. Para sa kanila, mas mabuti nang tapusin ang buhay nang may natitirang dangal kaysa danasin pa nila ang sobrang pagkabigo at pagkapahiya.

Naisip ko mabuti na lang ang mga Pilipino ay masasayahing tao. Kahit medyo mabigat ang problema o hagupitin man ng bagyo, tuloy pa rin ang buhay, makakangiti pa rin paglaon.

x-o-x-o-x

Kamusta naman ang Bagong Taon?


Sa sobrang yaman nga pla ng 'community' namin, ay nakeri naming i-guest si PSY dito sa aming lugar :)

Korek! Si PSY talaga! Walang halong biro. Mula hapon ng Dec. 31 hanggang ngayong Jan.01 nagko-concert pa rin siya dito sa lugar namin!!! Paulit-ulit na "oppa gangnam style" lol

Di pa ba sapat na mahigit 1 billion hits na s'ya sa YouTube? Kailangan talaga paulit-ulit patugtugin ang kantang yon. Da best talaga kasi iba-ibang version pa- original, pang-christmas, remix, pang-disco, pang-pirated na tumatalon, mashup, techno, kulang na lang yung acoustic version din.

At napaka-romantic din ng aming new year. 6 seconds bago mag 12 midnight nag-brown out dito sa lugar namin! Lights out talaga, kaya no choice 'candle light' mode kami lol. First time ko mag-new year ng brownout! Mga 1:30am bumalik na yung kuryente kaya tuloy ang putukan at concert ni PSY featuring ryzza chacha and pusong bato.

Hapi New Year! Napahaba ulit ang note ko.

O Life! O buhay! Kaylupit mong Tunay :)

$
0
0
Ito na talaga
ang tunay na first day high.
Nakaka-high kasi super kahaggard.
Naulit na naman ang sumpa,
lumabas ako sa bahay ng 'fresh'
after ng school ako'y isa nang 'rotten flesh'.

O life! O buhay!
Why mo ako pinahihirapan?
Why are you so lupit?
Eh ako naman ay so bait :)

Di ko na ma-take ang haggardness!
Gusto ko nang bumalik sa pagiging freshness :)

Ang pagtuturo ay walang katapusan,
pag-uwi sa bahay,
mga ginagawa'y pang-eskwelahan.

Give me a break! Leche flan!
Di ako super human...

Sometimes, I tawa to myself,
bangag to da max pero project pa rin ang face :)
Minsan, I caught myself tulala,
so pre-occupied of too many things in life.

I dunno where to start,
buti sana if bayad kami 24 hours!

O life! O buhay!
One sheet of paper!
Kaylupit mong tunay :)

Totoo ba FB?

$
0
0
Ito ay galing sa facebook :)
share-share din lol

Minsan nakaka-pressure ang buhay. Di ko malaman if kaya ko ba o hindi or whatever. Pero kapag naiisip ko na minsan lang ang mga pagkakataon, parang dapat lang i-grab ang lahat ng opportunities... yun nga lang tingin ko dapat pa ring pag-isipan. Hay, nakakalito, basta move on lang ng move on!

Sabi naman ng mambobolang application sa facebook eh ako daw ay isang compassionate soul at excellent sa maraming bagay :) at nagpapadala naman ako dun para pang-good vibes lang :)

Pag ganitong mga buwan sa school na malapit nang matapos ang academic year, bumubuhos  ng mga gawain at deadlines, nakakairita haha :) lalo pa na graduating class ang hawak ko... yung masasayang moments napapalitan ng pagka-busy! Panabla ko na lang ang pagtawa at pag-ngiti :)

...Inhale! ...Exhale!

Kaya mo yan jep! Konting sipag at tiyaga lang!
Makakatapos din! Nakakagigil haha :)

Pag natapos talaga ang mga moments at events na ito magwawala ako ng TODO!!!

Magpapa-gulong gulong ako sa kalsada!
Pipitikin ko lahat ng makakasalubong ko!
Sisigaw at magtatatalon na parang new year! :)

O siya, bawal magkasakit.
Disadvantage lang sa 'kin yung pagiging tulala creature ko, kailangan ko ata mag-evolve.
Minsan napakaikli ng atensyon ko, napakadali kong mainip.

Para akong nakikipag-karera sa oras. Nagiging stressful na marinig ko yung 'tik-tak' ng orasan, ayaw tumigil, nakakairita haha :) Di talaga ako mananalo against time.

Kailangan kong ma-control ang stress at pressure, I need to meditate all the time lol :)

Lucky Me! 100 :)

$
0
0


Anyare sa'yo Jep?

...Eto na naman yung mga tagpo ng buhay na bawal magpahinga. Pagtatayo ako ng table, lalabas ako sa faculty deretso sa classroom. Pagbalik ko naman sa table nakabungad ang mga papel at forms na sarap ipa-raffle lol :) Ang sarap talaga ihagis-hagis sa ere ang mga papel na yan, walang katapusan! :)

Hindi naman at wala naman ako sigurong bahid ng pagiging reklamador haha. Love na love ko nga ang ginagawa ko  eh :)

Anong mga bagay ang nami-miss mo sa ngayon?

...Nung unang taon ko ng pagtuturo, naiiyak talaga ako kapag sobrang pagod na hehe. Ganun talaga ang fighting mechanism ko sa pagod- ang lumuha lol. Yung tipong paghiga ko sa kama, unti-unti na lang umaagos ang mala-perlas na patak ng aking luha :) Yun ang naging paraan ng aking katawan para maibsan ang pagod (abnormal?).

Na-miss ko na ang tagpong yon. Ngayon kasi laway na lang ang tumutulo sa akin kapag natutulog haha :) Medyo tumatag na ang aking sikmura sa pagod factor na yan. Minsan nga mas masarap pang matulog ng pagod para mahimbing ang tulog... magpakailanman :) May mga moment din na pagkagising ko naka-uniform pa din ako hehe, yun naman eh kapag to the highest level na ang pagiging haggard, yung tipong mahihimatay ka na lang sa kama!

...Pero nami-miss ko talaga ang kumain kasabay ni mama. Minsan kasi gabi na ako nakakauwi kaya sa labas na ako kumakain. Parang nakakatampo lang sa side ng mama ko na nag-effort s'yang magluto at hintayin akong umuwi tapus wala rin pala siyang makakasabay sa pagkain. Eh mas gabi pa kung umuwi ang tatay at kapatid ko. Kaya minsan kahit 'sogbu' na ako, kumakain pa rin ako basta't alam kong nagluto siya. Resulta? Ayun masuka-suka sa dami ng nakakain ko pag gabi lol :)

Kaya naniniwala ako sa Lucky Me! Dapat talagang bigyan ng halaga ang sabay-sabay na pagkain ng isang pamilya.

Ika-100th post mo ngayon di ba?

...Oo nga eh, akalain mo yon. Ngayon pa lang ang ika 'sandaang post ko :) Hangad ko ang susunod pang isandaan :)

'Kaw? Anung nami-miss mo ngayon sa buhay?

Paalam 3500c

$
0
0
Sino na ang bago mong friend ngayon?

... Wala na pala si 3500c. Natapos na ang kanyang paghihirap sa mga kamay ko hehe. Apat na taon din ang kanyang itinagal sa akin. Di ko talaga siya kahit kailanman tinangkang palitan dahil kung anong meron siya ay 'swak' lang sa mga demand ko sa buhay :) Pero ngayon ikinalulungkot kong 'waley' na siya.

Nung minsang na-lowbat ang bestfriend ko ay di na siya naisalba ng charger. Na-comatose na :) Ayaw na mag-open, di na maayos ang tunog at mabagal na rin, kaya madalas mablanko ang kanyang screen. Kaya yun.

... Wala na akong maihahagis sa umaga tuwing nag-aalarm.
... Wala nang malalaglag sa hagdan or kahit sa daan.
... Wala na akong paliliparin sa ere at di naman sa lahat ng oras ay masasalo. 
... Wala nang magtyatyaga sa mukha ko para kunan ng larawan.
... Wala na akong pakikinggan na mp3 o papanuoran ng mga na-record na moments ng aking buhay.
... Wala na akong pang-save ng mga random thoughts or minute ng meetings na ginagawa ko sa kanyang 'notes' feature.
... Wala na rin yung 'calendar' na pinupuno ko ng mga events na pinapa-alarm ko yearly para maalala ko na ngayong araw pala nangyari yung masayang event na yun.
... Wala na ang mga larong batman and superman, captain america, pacman, fantasy warrior 2, snake, sudoku at canal control. Wala nang libangan kapag bored sa buhay.
... Wala na ang kanyang 2megapixel camera na pinagtyagaan ko :) kahit slow motion kumuha.

... Wala na ang bestfriend ko na pinakamagatal kong nakasama sa buhay. Dun pa naman naka-save ang speech ni Steve Jobs at Miriam Defensor Santiago na pinakikinggan ko bilang source of inspiration hehe. Yung mga kanta ng hillsong at starfield. Yung mga naka-save na inspiring quotes at marami pang 'ek-ek' ng buhay. Naging 'extension' talaga yun ng aking sarili.

So, sino na nga ang naging kapalit niya?

... Kinailangan ko siyang palitan, dahil sa ngayon ay mahirap mabuhay ng walang cellphone. Nag-SAMSUNG na ako :) yun nga lang ang samsung na ito ay walang 'galaxy' walang letter 'x' or 'y' at lalo namang walang 'tablet' o 'stylus man lang. At hindi rin touchscreen lol :)

<------- ayan siya :)

haha, sosyal di ba?

Kahit walang wifi si nokia 3500c, nakakapag-internet pa rin naman ako dun basta may load :) pero itong samsung na 'to. total disconnection sa cyberspace haha.

Ang meron siya na wala si nokia 3500c ay ang kanyang maliwanag na 'torch light' haha, and the rest are obsolete!
Pero matagal ang battery nito, once a week lang i-charge.

Napaka-basic ng cellphone ko ngayon, level-DOWN haha. Pang text and call lang talaga. Di ko na yan binili, actually pinaglumaan yan ni mudra, pinamana niya sa akin nung malaman niyang nawala na ang aking bestfriend phone.

Si mudra at si pudra ay naka-QWERTY phone, yung kapatid ko naman naka smartphone na samsung, at ako? Ayan ang lagay ko ngayon lol :)

Naawa pa nga si mudra kay nokia 3500c nung makita niya yung huling condition nito. Wala na yung parang bakal na nakapalibot sa harapan, natanggal kakahagis at kakabagsak ko, at di na rin maisara yung likod dahil sa lobo niyang battery lol, pinalitan ko naman yung battery pero suko na talaga siya.

Parang di ko pa rin kasundo si 'samsung basic phone' na yan. Di ako agad nagigising sa kanyang alarm, dahil apat na taon akong nasanay sa 'papaya mp3' tone ng alarm ni 3500c.
Parang di rin siya pwedeng maihagis or malaglag man lang dahil baka wala pang 'sang buwan ay bawian na siya ng life lol :)

Uhm, anu kaya ang bibilhin kong cellphone? Di pa rin ako makapag-decide kasi yung gusto ko ay yung tatagal din tulad ni 3500c. Namimi-miss ko na ang bestfriend phone ko, di ako bibili ng bago hangga't di ako nakaka-move on :) (weh? o wala ka lang pera pambili? haha)

Basta, sa mundong 'to na puro na touchscreen o smartphones ang uso, di ko pa rin malilimutan ang bawat pagdampi ng dalliri ko sa keypad ni nokia 3500c :) R.I.P.!

maBUHOK na usapan

$
0
0


Bilang isang nagpapanggap na mabuting mag-aaral, mula elem hanggang hiskul ay di ko talaga pinakialaman ang hairstyle ko. Wag daw magpapa-layered ng buhok o kahit anu pang patusok or pang-adik na hairstyle lol. Bilang kasapi ng natatanging seksyon, dapat daw kami'y maging mga modelo... (weh?)... at ako na nauto ng mahabang panahon ay naging sunud-sunuran, no choice eh, baka katkatan ang hair ko ng adviser namin eh di mas lalong pangit... so clean cut as always *saklap*

Hanggang sa tumuntong na ako sa kolehiyo, na-excite ako ng lubusan, eto na, pwede na ang long hair, colored at kahit anu pang hairstyle! Pero leche flan, educ pala ang kinuha kong course :( Sabi ng mga prof namin dapat pa rin kami maging modelo... (weh talaga? hehe)... bilang mga susunod na guro. So hanggang layered hairstyle na lang at bawal ang mga patusok or mahabang bangs, dahil yung ibang prof namin ay di nagbibigay ng exam kapag long hair ka *saklap ulit*

Kaya sabi ko sa sarili ko, sige na, pagbibigyan ko na to, anyway, pag nagtrabaho na ako pwede na talaga!

Hanggang sa ayun, pagdating sa trabaho, teacher nga pala ako, di pa rin pwede tsk' model pa rin ang peg! Pero sa unang taon lang yun. Habang tumatagal, tumitibay na rin ang loob na sumuway haha :) Yung buhok na dati'y napakaayus ng suklay, eto na unti-unti nang nagugulo na di na sinusuklay, kamay-kamay lang lol. Hanggang sa naiipon na sa gitna at tumatayo na... tapus charan! para-paraan din. Tapus may time pa na nagpahaba ng kaunti na mukha na akong ewan, hinihintay ko lang na sitahin ako na nangyari din naman hehe, hanggang sa naka-jimmy neutron na :)

Mula nung tinataas ko na ang buhok ko, 'jimmy' na ang naging tawag sa akin ng ilang co-teacher ko :) Bilang si jimmy daw at ako ay parehas inclined sa science at parehas kaming may mala-'ice cream' na buhok :) Nung una, di naman ako napapansin ng kataas-taasan, pero syempre alam mo na, makikita at makikita pa rin ang nakataas kong buhok;

Anung mga eksena ito?

... Nung teachers' day, nagbigay ng message ang school director namin. Umapila siya sa mga guro at mga nangangasiwa ng disiplina na gabayan mabuti ang mga mag-aaral at isa sa natukoy ay ang buhok ng mga bata na para daw may mga palong etc... at hetong mga mababait kong friendship na teachers ay sabay-sabay pang tumingin sa akin, napansin tuloy ako. Gusto ko sanang sabihin na "uy! mga bata daw hindi teacher!" Pero wala na, strike 1 na ako lol :)

... At habang may kainan nun sa faculty, napadaan naman ang spiritual director namin, at kahit nakatalikod na ako sa kanya, kita pa rin pala ang tulis ng buhok ko, ayun napansin ulit ang hairdo, maaari daw bang ibaba namin ang aming hair' (buti dalawa kami nun haha). Pero strike 2 pa rin ako tsk'

... Tapus nung nag-aayos naman kami para sa batch picture ng graduating class, bilang mga pasaway pa rin ang ibang mga students namin, napansin ng academic coordinator ang ayos ng buhok ng mga pa-cool na students; sabi niya "bakit ba yang mga buhok ng kalalakihan ay parang may mga palong pa din?" sabay lingon sa akin derecho sa buhok ko, so may-i-smile na lang me haha. Lakad-lakad din para malayo sa eksena :)

... At ang pinaka recent ay ngayong araw lang :) Nagkaroon ng meeting ang hiskul faculty again with school director. Sakto nasa unahan pa man din ako nakaupo, kaya pagkalingon niya sa akin sumenyas ang kanyang mga kamay referring to my hair na medyo nataas daw ata, this time napabanat talaga ako ng ''hindi po, na-fly away lang po yan'', na sinundan ng tawanan. Kaya nung matapos ang meeting hindi na 'jimmy' ang tawag sa akin.... 'fly away' na lol. Bigla ako napaisip, 'signos' na ba 'to? Baka ma-fly away na ako sa school hehe :)

But for the record, di naman consistent na ganun ang aking buhok... madalas lang talaga ganun :) Pag alam ko namang mahaba na ang hair ko, isinusuklay ko na yun ng maayos na mala-sakristan. Ewan ko nga ba kung bakit lagi ako tinatanong ng mga students if nag-sakristan daw ba ako? Pwede namang hindi di ba... kasi hindi talaga :)

So bukas... anu kaya ang magiging hairdo ko? Medyo mainit na ngayon ang mga ganung buhok hehe. Sa buhok lang naman ako medyo pumapalag kasi di ako nakaranas ng "hair freedom" sa buong buhay ko lol :)

HANUNA?

$
0
0
WAZZUP JEP?

  • Masyado na naman akong nadadala ng ka-busyhan ng true to life story :) Kaya heto, di na halos makapag-post.
  • Sabi ko pa naman sasali ako sa Bagsik ng Panitik ni Bino, pero kulang na ang aking oras para makapag-isip at gumawa ng maikling kwento.
  • Hindi ko alam if nagpapasaway ba talaga ako o sadyang nag-eexplore lang ako ngayon. Ang gulo.
  • Hindi pa ako nakuntento sa mala-jimmy neutron kong buhok, ayan nagpakulay pa ako :) Hindi ko talaga alam kung gusto ko bang mang-inis dahil kung makasita ako ng student na may colored hair ay wagas, tapos ako rin pala whew!
  • Anu kaya ang kahihinatnan ko bukas sa mga nakatataas? Lagot na!
  • At bakit ba ako nagiging pasaway? Sawa na ba akong maging mabait...
  • Sabi ko I would like to welcome the idea of taking risks, pero mukhang ibang risks ang hanap ko tsk'
  • Bakit ba parang gingulo ko ang medyo maayos kong buhay?
Nalilito ako. Basta, eto na ako eh.

HANUNA ulit?

$
0
0

  • Nakaka-haggard at nakaka-stress na ang mga nagdaang araw.
  • Ang sakit na ng kamay ko kakasulat. Ang hirap pa naman i-push ang sarili ko na gawin ang isang bagay na meron namang ibang paraan para magawa yun ng mas mahusay at mabilis. Naiinis ako. Sila kaya gumawa!!! Malapit nang ma-injured ang kamay ko, kaliwete pa man din ako, di madaling magsulat sa kaliwa!!! Wahh! Super angal na talaga ako... baka nauubos lang talaga ang patience ko this time. Tao lang.
  • Nararamdaman ko na lumalabas na naman ang mga bones ko sa dami ng ginagawa :) Sobrang kinakain na ng trabaho ang mga oras ko. Tsk! Super extended na ang work, parang wala ring uwian at weekends. Feeling ko kahit gano kadalas pa kong kumain, wala rin... kasi nga nakakapagod ang mga moments ng buhay ngayon.
  • Gusto ko na ng bakasyon. Gusto ko umabsent.
  • Napaka unfair ng life ngayon.
  • Napag-iisipan ka ng mali na di mo naman talaga ginawa. Eh pa'no kung ako naman ang mapag-isip ng mali sa kapwa? sige nga... pero di ko pa rin gagawin... di ako papares sa kanila.
  • Minsan parang gusto mo na lang din gumaya sa iba para mapadali ang buhay, kahit mali. Pero di pwede, kailangan manindigan kahit mahirap tsk'
  • Umiikli na naman ang pasensya ko, ang bilis kong magalit at di na ako masyadong nakakapag-isip nang mabuti.
  • Nakakairita ang mga taong nagpaplastikan sa harapan mo. Sarap nilang sampal-sampalin hehe. Di ako naniniwala na kaya lang sila nagmumukhang okay sa isa't isa ay dahil sa professionalism, na alam mo naman na pagtalikod nila sa isa't isa ay naglalabasan ang kanilang mga kulay at kapwa nila nililibak ang mga sarili. Nakakatawa silang panuorin. Parang sa teleserye lang :) Magtigil ang mga plastik!


Tinatawagan ko ang aking mga masisipag na ninuno, ang mga guardian angel ko at ang positive energy ng mundong ito, help me!!! I need to rejuvenate :) Kung anu-ano na ang iniinom ko- kape, sting, pineapple juice pati yung libreng vitamin C ay papatulan ko na rin. Matapos lang ang week na ito... whew!

(1/5). Pagka-miss sa blog, semana santa, mga pari at ang nakabuburyong na buhay.

$
0
0

Ika-28 ng Marso, 2013
Huwebes, 10:18 ng umaga

            Nami-miss ko na ang blog ko. Iniisip ko kung meron pa bang bumibisita dun, o kung meron bang bagong komento na di ko pa nabibigyan ng reply. O kung meron bang nagtanong kung kamusta na ako, kung bakit na di na ako nagpo-post, o kung wala talagang nakapansin sa lahat ng mga nabanggit ko J.

            Nakakapanibago talaga kapag wala kang internet ngayon sa bahay. Masyado na akong nasanay na laging naka-online at kung saan saan napupunta. Binago na talaga ng teknolohiya ang takbo ng ating mga buhay. Ngayon di mo na kailangan pang lumabas para lang makipag-socialize, dahil pwede mo naman gawin yun basta naka-online ka.

            Sawa na ako na i-save na lang ang mga naisusulat ko sa netbook. Ewan ko pero parang nakagawian ko na rin talaga na kahit paano ay ibahagi kung ano man ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Siguro, iniisip ko na para sa pagtanda ko at sana’y uso pa rin ang blogging sa panahon na yun, ay meron pa rin akong mababalikan na mga kwento tungkol sa buhay ko.

            Malaki na rin talaga ang naitulong ng pampalipas oras na pagsusulat. Maraming bagay ang mas naiintindihan ko kapag sinusulat ko. Kaya, nitong holy week, araw-araw akong nakakapagsulat ng tungkol sa kahit na anong nangyari o naiisip ko sa mga oras na yun. Pakiramdam ko lang, parang lagi kong kausap ang sarili kapag nagsusulat. Pwede na rin ang ganun, dahil wala rin naman talaga akong makausap dito sa bahay kahit pa nandito ang nanay, tatay at kapatid ko. Lahat kami may sari-sariling mundo.

            Ramdam ko lang na holy week dahil sa mga palabas sa tv na puro patungkol kay Kristo o anu pa mang programa na may kinalaman sa Diyos. Pero kung wala ang tv… baka di ko rin mapansin na holy week na pala. Hindi naman kasi talaga kami yung pamilya na sarado-katoliko. Katoliko kami pero mahina ang pundasyon namin sa pagsunod sa mga tradisyon o mga relihiyosong gawain. Para bang nasanay na ako, mula pagkabata, na ang holy week ay pinapanuod ko lang sa tv. Ganun lang. Ni hindi ko pa naranasan ang pabasa, visita iglesia… nasabi ko na ‘to dati, pero inuulit ko na namang banggitin, siguro kasi paulit-ulit din naman ang nangyayari tuwing holy week. Bakit ba kasi tuwing semana santa lang nagkakaroon ng mga ganitong palabas sa tv, bakit hindi araw-araw? Ang dating tuloy sa akin eh ang pagiging mabuti at pagninilay tungkol sa kabutihan at pagmamahal ng Diyos ay ginagawa lamang sa naitakdang panahon o oras, matapos nun ay pwede na ulit manumbalik ang lahat sa dati nilang buhay.

            Di na katulad dati ang pagtingin ko ngayon sa mga pari, pero nandun pa rin ang paggalang ko sa kanila. Nung bata pa ako napakataas ng tingin ko sa mga pari, na para bang isinugo talaga sila ng langit para maghasik ng kabutihan at turuan ang lahat ng mabuting pag-uugali. Yung pakiramdam na tuwing makikita ko sila, para bang di sila dumaan sa pagkabata kaya para silang walang bahid kasalanan. Pero ngayon, ang ibang mga pari ay di ko na maikakaila mula sa mga normal na tao. Katulad din naman pala natin sila. Siguro di ako patas sa pag-iisip ko ng ganito, pero di naman ako tumitingin lang sa mga nakikita ko. Hindi ako magkakaganito kung wala naman akong naoobserbahan o nakikita mula sa mga sariling mata ko. Sinasabi ko ‘to hindi para manghusga. Sino ba ako.

            Hindi ako tiyak kung kaya ba nilang bumaba sa kinalalagyan nila para mas magabayan pa ang mas marami tungkol sa pananampalataya. Para bang ang pagiging pari ngayon ay wala na ring ipinagkaiba sa mga posisyong iniluluklok natin sa gobyerno. Ang buong simbahan ay para bang isang uri na rin ng pulitika. Inilalagay din nila ang kanilang mga sarili sa pedestal. Kaya nga parang di sila maabot ng mga karaniwan. Masyado na nilang itinaas ang mga sarili na para bang ka-level na nila ang Diyos. Hindi na sila marunong lumapit.

            Hindi ako kontra sa simbahan. Kailangan ko rin sila bilang parte ng lipunang kinalalagyan ko. Naghahanap lang siguro ako ng mas marami pang pruweba na magpapatunay na mali ang aking sinasabi base sa limitado kong karanasan. Baka meron pa akong di nasisilayan na mas mabuti ukol sa kanila. Baka naging limitado lang talaga ang aking pagtingin. Iba ang pambabatikos sa paglalahad lamang ng kung anu ang nasa loob ko. Ang ginawa ko ay ang huli, kaya wala akong anu mang motibo sa mga inilahad ko. Ipinaliwanag ko lang dahil ayokong magpanggap na mabuti… at ayoko rin ng may kaaway J.

            Tinitipid ko ang pagbasa ng ‘The Perks of being a Wallflower’. Yun yung libro na ini-enjoy kong basahin ngayon na ayokong matapos, kahit pa alam ko na kung anu-ano ang mangyayari pati na ang ending dahil mas nauna ko pang napanuod ang pelikula kaysa basahin ang libro. Mas mahusay nga sa libro, dahil mas detalyado ang takbo ng kwento. Hindi ko naman talaga binili ang librong yun, e-book lang ang aking binabasa. Three hundred plus ata ang libro na yun, di ko pa mabili dahil pulubi pa ako sa mga oras na to J.

            Natatakot ako na baka hindi ko magawa lahat ng nais ko sa buhay. Ayokong isipin na pera lang ang kailangan ko para lang magawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin. Nalulungkot ako na baka dumating yung araw na sa isip at imahinasyon ko na lang mangyari ang lahat… hindi sa realidad na parte ng buhay. Sa mga panahon na nakakulong lang ako dito sa kwarto, pakiramdam ko mas lumiliit ang tsansa ko na maisakatuparaan ang lahat. Pero malakas pa rin ang paniniwala ko na baka bukas at sa mga darating pang araw, ang bawat paghakbang ko sa labas ay ilalapit ako papunta sa hinahangad kong landas.

4:09 ng hapon

            Wala akong ginawa maghapon kundi maglaro sa cellphone hanggang sa ma-lowbat na ‘to. Tapus balik ulit sa netbook at magsusulat ng kung anu-ano. Buryong na buryong na ako dito sa kwarto. Nandito naman ang tatay at kapatid ko pero di ko magawang makipag-usap sa kanila. Iniisip ko nga kung kailan ba mapupuno ng kwentuhan ang bahay na ‘to ng kaming tatlo lang. Pag wala ang nanay ko wala nang nag-uusap dito sa bahay. Nakakaloko lang. Di ko man lang narinig kahit isang beses ang boses ko ngayon. Kundi pa ako kakanta ng kahit ano sa CR, aakalain ko na pipi na talaga ako. Kung di pa nakabukas ang tv, wala ka talagang maririnig na kahit ano dito sa bahay. Katahimikan lang…

            Naiinggit ako sa mga napapanuod ko sa mga pelikula. Minsan, gusto ko talaga yung set-up ng pamilya sa ibang bansa tulad ng sa America. Napaka-straight forward ng kanilang pag-uusap, at nasasabi nila yun ng walang pag-aalinlangan. Naisip ko sana ganun na lang din kami. Pero pelikula yun eh… at hindi kami artista… uhm ako lang pala ang artistahin sa amin J, may maibanat lang.

            Ilang araw na akong di humahalakhak ng malakas tulad ng nagagawa ko sa faculty kapag kasama ko ang aking mga kaibigan. Ilang araw na din akong di nakkikipag-kwentuhan. Ang weird. Naisip ko na lang, di bale, semana santa naman. Baka ito na ang aking penitensya.

            Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis. O kung dapat ko bang ipaalam kay mama na di ko nagugustuhan ang ganitong saradong linya ng komunikasyon sa aming bahay. Pero kahit ano pa ang aking sabihin, mahirap na ‘tong mabago. Ganito na kami pinalaki. Ganito na talaga ang aming pamilya. Di naman yun miserable para sa kin. Nasanay na rin naman ako. Kuntento na ako sa ganito.

            Kahit itambay ko pa ang pagmumukha ko sa bintana, pakiramdam ko wala pa ring makikipag-usap sa akin. Maaatim ko bang makipag-tsismisan sa mga tao dito sa amin. Syempre hindi. Napaka-weird naman ng kinalalagyan ko. Di ko alam kung pano ako nakakatagal ng ganito. Para lang may magawa, pati yung mga libro na binili ko dati ay pinagtyagaan ko nang basahin. Yun yung mga libro na di ko ipinagpatuloy na basahin kasi akala ko ‘corny’ at baka di lang ako matawa… siguro sa sobrang pagka-bored ay pumatok na rin sa akin ang mga banat ng librong yun, ang mahirap lang, kailangan ko pa ring gawin ang pagtawa ng tahimik, ngiti-ngiti lang… haynaku… malapit na akong masiraan dito. Daig ko pa preso. Daig ko pa nasa seminary. Daig ko pa kumbento. Konti na lang, monastery na tong bahay namin…

(2/5). Ang pagsulat ni Charlie, pagpako sa krus, ang pag-iisip ng Diyos at ang wakas ng mundo.

$
0
0


Ika-29 ng Marso, 2013
Biyernes, 3:15 ng hapon

            Tulad ni Charlie ng ‘da perks’, gusto ko rin sanang magsulat. Kaso, di ko rin alam kung tungkol saan ang isusulat ko. Parang napaka-selfish naman kung ang isusulat ko ay ang tungkol lamang sa sarili kong mga kuwento. Di rin naman siguro ako kasing talentado ng mga manunulat tulad nina Matute at Joaquin. Gusto ko sanang malaman kung pa’no at kung saan ba kumukuha ng inspirasyon ang mga manunulat, sa kanila bang mga sarili? Mula sa ibang tao? Sa paligid? Mga karanasan ng mga piling tao? O kaya mga tagpo sa buhay ng iba?

            Marami pang tanong tulad ng isinisilang ba ang isang manunulat? Lahat ba ay maaaring magsulat? May mga kwalipikasyon ba para matawag kang isang tunay na manunulat? O pwede bang sumulat na lang ako ng ganito kalaya?

            Lahat naman ng mga naitanong ko ay alam ko na rin ang kasagutan. Naghahanap lang siguro ako ng iba pang mga ideya na galing sa iba.

Change topic…

            Sa mga oras na ito ay abala ang kapatid at tatay ko sa panunuod ng Passion of the Christ. Mga ilang beses ko na ring napanuod yun, pati na yung ilang mga kahindik-hindik na eksena tulad ng paghagupit kay Kristo ng latigo at saka yung ipinapako na siya sa krus. Madalas kasing gamitin yun tuwing recollection. Totoong nakakaiyak ang mga eksenang yun. Pero, parang kahit ilang beses namang mapanuod yun ng mga tao di pa rin naman sila tuluyang magpapakabanal. Makararamdam lang sila ng sakit at awa habang pinapanuod yun, pero tulad ng sa pagwawakas ng pinapanuod mong pelikula, ganun din naman ang epekto nito sa iba.. pag tapus na, wala na… hanggang dun na lang talaga.

            Iniisip ko lang, bakit kaya di ako isinilang sa mga panahong nangyayari yun? Sadya ba talagang itinakda akong mabuhay sa panahong ito? Yung mga kaluluwa kaya ng mga may kinalaman sa pagpapahirap at pagpapako kay Kristo sa krus ay nasa impiyerno nang lahat? Kasi, pa’no kung di nila ginawa yun, eh di ibig sabihin di rin maiaalay ng Ama ang kaisa-isa niyang anak para maipakita ang lubos na pagmamahal niya sa atin at para mailigtas tayo mula sa ating mga pagkakasala.

            Bakit kaya di naramdaman at nalaman ng mga taong yun na si Kristo na pala ang ipinagsisigawan nilang ipako sa krus. Nabigo ba ang Diyos na ipakilala ang kanyang sarili? O baka naman talagang sarado lamang ang puso at isipan ng mga tao noon kaya di nila iyon napagtanto. At kung ang mga pangyayaring iyon ay naisulat ng mga propeta, kung di man ako nagkakamali, anu kaya ang ginagawa ng mga Pilipino sa mga panahong iyon? O sabihin na nating hindi pa Pilipinas ang lupain kung nasaan ako ngayon, anu kaya ang pinagkakaabalahan ng ibang tao sa ibang parte ng mundo? Nalaman din kaya nila na napako na sa krus ang Anak ng Diyos, muling nabuhay at umakyat sa langit? Nung nangyari ba ang mga bagay na yun ay kumalat ba ang balitang iyon sa buong mundo?

            Sabi nga ni Miriam, mahirap arukin ang isipan ng Diyos. Dahil kung naiintindihan natin ang Kanyang pag-iisip eh di hindi na Siya kaiba sa atin dahil naabot natin ang kanyang kaisipan, kapag nangyari yun, eh di hindi na siya Diyos, kaisa na lamang natin Siya. Kung gayun nga, bakit may mga tao na kung maka-explain ng mga nakasulat sa Bibliya eh kala mo sila ang nagsulat ng mga naitala doon. Na para bang alam nilang lubos ang lahat ng nangyari kahit wala naman sila nung nangyari ang mga yon. Bakit ba ganun na lang ang pagpapanggap nila na maging mabuti gayong alam naman nila sa sila rin ay pwede pa ring magkamali.

            Nahihiwagaan akong lubos tungkol sa relihiyon at maka-Diyos na usapan. Dahil nga wala pa ni isa sa atin ang tunay na nakausap o nakadaupang palad ang Diyos, isa siyang malaking misteryo para sa akin. Pakiramdam ko, napakasarap gumising sa bawat panibagong umaga na may malaking katanungan tungkol sa Kanya. Di naman mali ang magtanong, di naman yun nangangahulugan ng pagsuway o walang pakundangang pagkuwestyun. Dahil kahit ano naman ang gawin ko. Siya ay mananatili pa ring Diyos, at ako ay mananatili pa ring tao na naghahanap ng mga kasagutan tungkol sa kanyang hiwaga.

            Naisip ko nga eh kung mauulit pa ba ang pagpako kay Kristo sa krus? O kung magkakaroon ba ng kahalintulad na pangyayari sa modernong panahon. Ang mundo kung ikukumpara nung mga panahong iyon ay mas naging makasalanan na sa tingin ko. Magkakaroon ba ulit ng pagsasalba para masagip tayong mga makasalanan?

            Inaamin ko na minsan, iniisip ko na sana sa panahon ko mangyari ang wakas ng mundo. Nakakakilabot nga lang, pero gusto kong masaksihan kung paano tayo huhusgahan ng nasa taas. Para ba tayong mga basura na pipiliin isa-isa para ihiwalay ang mga bulok sa hindi? Tuluyan bang impyerno kaagad ang kahihinatnan ng mga makasalanan? Maliligtas din ba ang mga taong walang relihiyon at walang pinaniniwalaan? Kasi paano kung ang isang tao ay walang relihiyon at di naniniwala sa Diyos pero namuhay naman siyang matuwid? Mas masahol pa ba yun sa mga nagsasabing sila’y kaanib ng isang relihiyong sila lamang ang maliligtas, sinasabing naniniwala sa Diyos pero baluktot naman ang pamumuhay? Parehas ba silang mapaparusahan o pareho pa ring tatanggpin dahil sa lubos Niyang pagmamahal?

            Hindi lubos na naiintindihan ng tao ang tungkol sa kanyang buhay. Kaya ipinapagpatuloy na lang niya anu man ang nakagawian. Susunod na lang siya sa mga nakagawian ng marami, kung sabagay, kung katulad ng marami ang iyong ginagawa, aakalain mo na rin itong tama.

(3/5). Pagbabasa ng 'Da Perks', panunuod ng Convergence, ang sirang keyboard at ang buhay na 'no internet'.

$
0
0

Ika-30 ng Marso, 2013
Sabado, 12:07 ng tanghali

            Ang init. Katatapos ko lang kumain.

            Nasa ikaapat na bahagi na ako ng ‘The Perks of being a Wallflower’. Pakiramdam ko kahit pa’no pang pagtitipid sa pagbabasa ang gawin ko ay matatapos ko pa rin ng mabilis ang libro na yun. Pinapatagal ko talaga para maalala ko rin ng matagal-tagal ang kwento. Ewan ko kung bakit trip na trip ko yung takbo ng kuwento. Siguro nga kasi nakaka-relate ako kay Charlie. O baka ‘feelingero’ lang talaga ako.

            Nagugustuhan ko na ulit ang panonood ng ‘Convergence’. Bukod sa panunuod ng ‘press conference’ sa channel 04, isa yun sa mga dati ko pang pinapanuod na ngayon ko na lang ulit nagagawang panuorin… o sabihin na nating ma-appreciate muli. Si Nikki pa rin naman ang host, tapus kasama na niya si Charlie ba yun o Charles, nalito ako, di ko pa ma-check dahil wala namang internet dito, at saka yung si Kyle. Nakakatuwa si Nikki, parang mali ata yung pagkakaalala ko sa pangalan niya, basta yung babaeng host, bukod sa pagiging host ng Convergence, isa rin syang instructor ng English sa college- sa New Era University, at graduate ng UP. Si Charles naman (o Charlie ewan) basta yung isang lalaking host na mas maliit, isa ring prof sa college, photography naman ang kanyang tinuturo, at masscom graduate. Pero yung si Kyle, ang alam ko lang dati ata s’yang dj sa radio, tapus di ko nasubaybayan yung segment tungkol sa kanya. Siguro nagbanyo ako nun or kumain J. Naastigan lang ako sa mga ganung ka-busy mga tao. Saka, well-rounded (makagamit lang ng ganun haha) sila as a person. Ang sarap sigurong maging katulad nila. Nagtatrabaho pero enjoy pa rin. Pero mas masaya pa rin ang maging tulad ko J (pambawas lang ng insecurity lol). Wala lang, natutuwa lang ako sa mga taong ganun. Naalala ko tuloy yung isang co-teacher ko na aalis na, akala ko nung una, ay ganun-ganun na lang siya, pero wag ka, nangungulekta yun ng mga lisensya Jregistered nurse, licensed teacher, pasado rin ata siya sa midwifery at civil service. At ngayong bakasyon, sabi niya ay mag-eenrol siya sa TESDA para matuto ulit. Natuwa ako sa kanya. Kitang-kita ko ang pagkauhaw niya sa kaalaman. Siguro nga totoo na kapag marami kang alam, mas malalaman mong mas marami ka pang di alam (parang ganun, di ko kasi ma-recall yung English eh).

            Bukod sa nakakainis mag-type ng tagalog sa netbook dahil kung makapag-correct ng mga tagalog words ay wagas, kahit di naman dapat itama, nakakadagdag pa sa perwisyo ang keyboard ng netbook ko na ‘to. Laging ‘double A’ ang nangyayari tuwing pipindutin ko ang ‘A key’, sa halip na dirediretso lang sana ako sa pagtipa sa keyboard, binabalikan ko pa tuloy ang ilan sa mga letter A. Sa tingin ko nasira ko na yung ilang keys sa keyboard kakalaro dito J. Kung may internet lang sana, eh di normal pa siguro yung keyboard.

            Kamusta ba ang semana santa?

            Heto ayos lang. Tuald nga ng dati, di naman ako nakaranas ng kahit na anong seremonya o kung anu mang tradisyon na sinusunod tuwing dumarating ang panahon na ito. Pero, sa isang banda, maipagpapasalamat ko rin na wala kaming internet ngayon sa bahay, at hinihintay ko na ang lunes para makasagap ng wifi sa faculty J. May mga magandang naidulot din ang pagkawala ng internet. Una, mas na-enjoy ko ang isang linggong tambay sa bahay sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsusulat ng kung anek anek sa buhay. Nabubuklat ko na yung mga libro na binili ko dati na isinantabi ko na lang nang walang pakundangan. Mas na-appreciate ko na ang mga libro ko ngayon.

            Tuwing bakasyon, tamad talaga akong bumalik sa faculty. Pero dahil kailangan ko ng wifi parang sinsipag na akong mamalagi at manirahan sa faculty haha.

            Pero ang pinaka ‘da best’ talagang solusyon ay sana matapos na ang bahay namin para makabalik na ako sa aming lungga at ma-enjoy ulit ang buhay na hatid ng wi-fi. Giniba yung bahay namin para maging mas maayos, ayokong gamitin yung term na ‘renovation’ kasi parang pang mayaman eh di naman kami ganun J, ang di ko lang maintindihan ay kung bakit sa paglipas ng ilang linggo na pinapagawa namin ang bahay ay mukha pa rin siyang ‘giba’…

            Makatulog na nga lang…

(4/5). Panis na kanin, pagtatapos ng 'Da Perks', pagsisimba at ang mga misa sa tv.

$
0
0

Ika-31 ng Marso, 2013
Linggo, 12:19 ng tanghali

            Di pa ako kumakain. Sabi kasi ng tatay ko, napanis daw yung sinaing kong kanin kagabi. Ayoko na magsaing ulit. Nagluto ako ng kanin para sa aming tatlo, pero ako lang ata ang kumain kagabi, ayun dahil sa init ng panahon, mas marami ang nasayang kaysa nakain. Kaya mamayang hapon na lang siguro ako kakain.

            Katatapos ko lang basahin ang ‘The Perks of being a Wallflower’. Tinapos ko na yung huling part ng libro para maisunod ko naman yung ‘The Alchemist’.

            Kahit alam ko na kung paano matatapos ang kuwento ng ‘da perks’ siniguro ko lang na makukuha ko ang mga detalye ng istorya sa libro.

            Sa isip ko, parang alam ko na kung bakit nakaka-‘relate’ ako kay Charlie. Sabihin na natin na tulad ng buwan, isang mukha lang nito ang nakikita natin sa gabi, yung parte lang na nagbibigay liwanag sa atin… yun lang ang ating nakikita. Yung ‘dark side’ ng buwan, dahil di naman ito umiikot sa axis, sana tama ako, yun ang di natin nakikita… at lahat tayo ay may ganung parte sa buhay… yung ‘dark side’ natin na di nakikita ng lahat.

            O kaya sabihin na natin na lahat naman tayo, kahit pa si Charlie na isang karakter lang sa libro, ay may nakaraan na maaaring hanggang ngayon ay di natin maintindihan o matanggap kung bakit yun nangyari. Ganun lang. O sa mas madramang paraan ay yung ‘nakaraan’ na ayaw na nating maalala pero parang multo na bumabalik-balik sa atin.

            Di naman kasing sama nung kay Charlie yung sa akin. Ayoko ding isipin na tulad yun sa kanya. At sa tingin ko di naman ako aabot sa punto, tulad niya, na madadala sa ospital at kakailanganin pa ng psychiatrist. Naiintindihan ko na yun ngayon, sana nga.

            Sabi nga eh, di natin mapipili kung saan tayo nanggaling pero may pagkakataon tayo para marating kung saan man natin gustong mapunta mula sa ating pinanggalingan… basta parang ganyan… di ko na naman ma-recall yung English version J.

            Dahil natapos ko na ang ‘da perks’ at halos tapus na rin ang semana santa dahil ngayon ay pasko ng pagkabuhay, pakiramdam ko bukas babalik na ulit sa normal ang lahat. Pupunta ako ng faculty para mag-report sa school at makisagap ng wifi. Excited na ako sa internet.

            Linggo ngayon pero di ako nakapagsimba. Ewan ko ba kung bakit di na ako nakakapagsimba. Dati ako pa ang nag-aaya sa nanay ko tuwing linggo para magsimba kami, pero ngayon sya na ang nag-aaya sa akin at ako na ang madalas tumanggi.

            Nagising ako kanina dahil sa naririnig kong misa… sa tv. Tuwing linggo, inuubos ata ng tatay ko ang mga misa sa tv. Pag tapus na ang misa sa isang istasyon, ililipat niya yun sa ibang channel na may misa pa. Laging ganun. Pero di rin naman siya pupunta sa simbahan tulad ko. Pwera na lang kung aayain siya ng nanay ko. Pero ngayon, alam kong di siya makakapagsimba, dahil sa lunes o martes pa ata uuwi ang nanay ko galing sa probinsya.

            Ayoko talaga kapag nag-uusap sila sa cellphone. Di ko alam kung nag-aaway ba sila o ano. Laging nakataas ang boses nilang dalawa. Kahit sino pa ang nasa bahay, si mama o si papa, basta kausap nila ang isa’t isa sa cellphone, parang laging may diskusyon, parang nag-aaway. Basta, ewan ko kung ganun lang  talaga sila.

            Nagugutom na ako. Walang nagluto dahil wala nga si mama dito. Baka mauwi na lang to sa pancit canton dahil nasira yung kanin. Kahit ano pa yan oks lang.

            Ang init. Videoke mode na naman ang butihin naming kapitbahay. Buti pa sila.
Viewing all 374 articles
Browse latest View live