Quantcast
Channel: KORTA BISTANG TIBOBOS
Viewing all 374 articles
Browse latest View live

(5/5). Isang maagang kuwento, ang mahapding papaya soap, at isang mahabang araw.

$
0
0

Ika-01 ng Abril, 2013
Lunes, 6:15 ng umaga

            Kagigising ko lang ngayon. Yung tipong nanlilimahid pa sa mantika yung mukha ko pero eto muna yung inuna kong gawin pagkagising J.

            Dalawang bagay lang ang dahilan, una yung bumuo sa araw ko kahit kagigising ko pa lang, pangalawa yung parang sisira ng araw ko eh kagigising ko nga lang.

            Naging maganda ang panimula ng araw ko dahil sa maliwanag na bintana na katabi ng aking higaan, sarap ng feeling kapag nakikita mong unti-unting nagliliwanag ang langit. Tapus yung weirdong poster na di ko alam kung payaso ba yun na nakangiti na nakadikit sa pinto. At nung nanghiram ako ng cellphone ng tatay ko, nakita ko sa sent items ang “ANLI 30”J. Hindi ko balak na pagtawanan ang tatay ko na ganun pala siya mag-register ng unlitxt service, ewan ko lang kung meron ba talagang ganun, baka ako naman ang mali. Wala lang, natuwa lang ako nung makita ko yun, nakitext kasi ako sa kanya, buti nga siya laging may load eh, samantalang ako napakadalang.

            Yung mga nabanggit ko, ok na sanang panimula para makangiti ako buong araw.

            Hanggang sa ayun, may nagbabadyang sumira sa mga plano ko. Sabihin na natin na yung gagawin ko ngayong araw ay personal na interes na gusto ko talagang ginagawa, samantalang yung sa kanya ay may kinalaman sa trabaho. Pero kailangan naming gawin yun gamit ang isang bagay, una-una lang sa paggamit ika nga. Ewan ko lang pero mahirap para sa akin na laging mawala o di magamit yung isang bagay na personal ko ngang gamit. Ayokong pag-isipan ng pagiging madamot kasi sa kabilang banda ayoko rin ng konsepto ng abusado. So, ayun. Lilipas din to. Siguro di ko lang maatim na may mga piling panahon na nga lang para magamit ko yun ng lubusan pero di ko pa makuha ang lahat ng oras para dun, na sa kabilang banda ay ayoko namang panghinayangan lalo na’t alam mo namang makatutulong ka rin naman sa iba… ang malungkot lang ay ang matapos ang itinakdang panahon sa araw na yun na di ko nagagawa yung gusto ko, yun lang marahil ang ayoko, dapat ‘fair share’.

            O sya, kailangan ko nang kumain, maligo at mag-ayos ng gamit. Iisa lang ang banyo, 3 kaming gagamit, kailangan nandun na ako before 8:00AM… eh pasado ala-sais na ng umaga.

            Kwento na lang later J.




Ika-02 ng Abril, 2013
Martes, 2:30 ng hapon

            Katatapos ko lang maligo. Mabuti naman at medyo makulimlim kaya medyo malamig na rin. Di tulad dati na paglabas ko ng banyo ay tumatagaktak na naman ang pawis ko. Ang hapdi sa balat ng ginagamit kong papaya soap… ‘tiis pagpapaputi’ ang tawag dito J.

            Dapat kagabi ay ikukwento ko na ang kabuuan ng nangyari kahapon, pero sa kasamaang palad di na kinaya ng utak at mga daliri ko ang pagtipa sa keyboard. Yung kahapon na simpleng pagrereport lang sana sa faculty ay naging ‘super haggard’ at nakaka-dehydrate na araw!

            Di ko naman alam na at least 6:30 AM ay dapat na pala kaming magreport sa faculty para mapirmahan ang mga ‘long forms’. Eh nung mga oras na yun kahapon ay katatapos ko lang magtype ng paunang kuwento. Sakto, pagka-shutdown ko sa netbook ay may tumawag sa akin dahil kailangan na ang pirma ko (parang executive lang) at mahuhuli na sila sa dapat nilang puntahan. Kaya kumaripas na lang ako ng paligo kumuha ng kahit anung madampot na damit, nagtsinelas at lumipad patungo sa school- wet look mode. At pagdating ko dun, symepre alam mong medyo ‘bad mood’ na ang ilan sa mga kasama mo dahil kanina ka pa nila inaantay at kanina pa sila dapat nakaalis. Nagtext naman pala sila bago ang araw na yun, di nga lang sa number ko… kaya wala talaga akong alam.

            Nung matapos na ang ‘pirmahan session’ kaunting kwento muna sa ilan sa mga maaagang kaguruan na nandun, tapus nun umuwi na rin ako. Kumain at naligo ulit, kasi nga di ako satisfied sa mabilisang paligo. Biglang may nagtext na kailangan kaming sumunod sa isang malayong lugar dahil bukod pala sa aming pirma ay kailangan din ang aming presensya. This time, nag-ayos na ako ng mas matino at fly away ulit papuntang school para makisabay papunta sa malayong lugar na yun. Nakakaloko talaga ang araw kahapon.

            At dahil kahapon ay unang araw matapos ang semana santa, malamang salubungin namin ang lahat ng papauwi na galing probinsya at mga ginagawang kalsada pa ang kailangan naming tahakin. Kulang na lang ay mag-marathon na kami sa sobrang traffic, di na talaga kami umuusad. Halos 2 oras na kaming paunti-unti lang ang daloy. Nakakagutom, nakaka-stress at nakakapagod na byahe. At dahil nauubos na ang aming oras at mukhang di na kami aabot, napilitan kaming lakarin ang kahabaan ng kalsada habang tirik ang araw at bumubuga ng maiitim na usok ang mga sasakyan… yun ang nakaka-haggard. Sayang naman ang epekto ng mahapdi kong papaya soap J.

            Ang mas nakakapanghinayang pa matapos ang buong araw naming paghihintay ay di naman pala kami kailangan pang pumunta dun… nanlumo lang kaming lahat. Yun dapat sanang inilagi ko na lang sa faculty para maksagap ng wifi ay di ko na nagawa. Nasayang ang isang araw na pagkakataon para lumibot sa mundo ng internet L, lalo pa’t wala kaming internet ngayon sa bahay. Gayunpaman, isa pa rin yung adventure na nakakaasar at pwede na ring di makalimutan.

            Ngayong araw ay wala kaming report sa school dahil sa kung anong idiniklera na ewan. Kaya bukas na lang ulit ang pagkakataon ko para makapag-internet… sana ok na. J

ROOMMATE

$
0
0

“ROOMMATE”
-jepbuendia-

            Kinailangan kong manirahan sa mala-dorm na apartment na ito mula nung mag-aral ako ng kolehiyo. Mas malapit sa eskwelahan, mas okay yun para sa akin, menos din yun sa gastos. Kaya nga pinilit ko sila tita at kanyang asawa na nagpapa-aral sa akin dito sa Maynila na hayaan nila akong magrenta ng matutuluyan para di ako masyadong mahirapan, at saka nahihiya rin ako na makihalubilo sa kanilang pamilya, mas lalo ko lang nami-miss sila mama.

            Kakaiba ang apartment building na ito. Mala-dormitoryo para sa mga estudyante ang itsura. Iba-iba rin ang laki ng mga kwarto, depende kung ilan ang kayang ilagak nito o depende sa kakayahang magbayad ng uupa. Halimbawa, kung may pambayad ka, pwede mong upahan ang isang buong kwarto para sa iyo, kung hindi naman, maaari kang makisalo sa iba, parang bedspacer, hati-hati na lang kayo sa bayad ng upa.

            Naisip ko, dahil pinag-aaral lang naman ako ng aking tita, kailangan kong magtipid, ngunit gusto ko sana ng sariling matutuluyan kahit maliit lang. Tinanong ako ng landlord kung anu daw ba ang gusto ko, dahil ilang kwarto na lang naman daw ang bakante. Hiniling ko sa kanya ang isang maliit na kwarto, hangga’t maaari kasi ayokong may makasamang iba. Sabi naman niya ay meron pang isang kwarto sa may third floor, sa pinakadulo ng pasilyo. Pandalawahan nga lang yun dagdag pa niya. Mabuti na lang yung nauna sa akin dun ay payag din namang magkaroon ng kasalo sa kwarto. Gustuhin ko man ang mag-isa, wala na akong mahahanap na iba, wala na akong iba pang mapupuntahan. Ito na ang pinakamalapit na lugar sa pinapasukan kong eskwelahan. Tumango na lamang ako sa landlord, kinuha ko na ang susi at pumunta na ako sa bago kong tutuluyan.

            Maliit lang talaga ang kwartong ito, mga ilang dipa lang ang laki, parihaba ang hugis. Pagbukas mo ng pintuan, bubungad agad sa iyo ang isang double deck na kama, dun ako sa taas na bahagi natutulog, sa baba naman yung kasama ko. Sa kanan, mula sa pagkakatayo sa pintuan ay isang maliit na lamesa kung saan pwede akong mag-aral at paghainan ng pagkain kung meron mang dapat pagsaluhan. Halimbawa, kung napagkasunduan namin ng kasama ko na magluto para sa aming dalawa o kung may namamahagi ng kanilang handa tuwing may birthday o kung anu mang okasyon kahit pa tulad lang ng inuman. Sa dulong kanan na bahagi ng parihabang kwarto na ito, dun mo makikita ang kaisa-isang bintana ng kwarto, dun na rin namin naisipang maglagay ng mga kasangkapan na pangluto para mabilis makasingaw ang init sa tuwing magluluto ang isa sa amin. Ang kagandahan lang sa kwartong ito ay may sarili itong banyo. Kaya di ko kailangan pang lumabas ng pasilyo para lang maligo at bawas din sa abala sa pakikisama at paghihintay sa mga gumagamit ng communal na cr.

            Iba’t ibang uri ng tao ang nasa building na ito. Kaya hinalintulad ko ito sa dorm dahil marami ring estudyante tulad ko ang pansamantalang namamalagi rito. Yung iba mga barkadang magkakasama, meron ding tulad ko na kailangang mamuhay mag-isa. May mga maliliit ding pamilya na ilang taon na rin dito naninirahan. O kaya’y mga magkakasama sa trabaho tulad ng isang grupo ng mga call center agents na nangungupahan sa isa sa malalaking kwarto. Meron ding mga nagtatrabaho sa construction at pati na rin mga security guard, pamilyado ang iba sa kanila, na lingguhan kung umuwi sa kanilang naiwang pamilya.

            Ang kasama ko sa kwartong ito ay si Mang Victor. Isa siyang security guard sa isa sa mga unibersidad. Sabi niya mas pinili niya ang magrenta ng matutuluyan kaysa naman daw umuwi siya sa kanyang pamilya sa Bulacan araw-araw. Saka bawal daw ang ma-late sa kanilang trabaho kaya mas pinili niya dito, mas malapit at mas tipid sa pamasahe. Sinabi ko sa kanya na halos parehas lang kami ng dahilan kung bakit din ako narito.

            Sa umaga ay walang naiiwan sa aming kwarto, kaya madalas lang itong naka-kandado. Halos buong araw akong nasa eskwelahan at gabi na kung umuwi, ganun din naman si Mang Victor, sa umaga kasi ang kanyang duty at gabi na rin siya kung umuwi.

            Kahit pa ‘roommate’ kami ni Mang Victor, kanya-kanya kami sa lahat ng bagay. Di namin pinakikialaman ang isa’t isa. Tulad halimbawa ng paggising sa umaga, kahit alam namin na pareho kaming kailangan pumasok ng maaga, hindi namin gigisingin kung sakaling masyadong napahimbing ang tulog ng isa. Ayaw na rin niyang intindihin kung kumain na daw ba ako sa tuwing uuwi ako sa gabi, kaya lagi ko daw siguruhin na naka-kain na ako bago pa umuwi dahil siya ay laging sa labas na lang kumakain para pagpapahinga na lang ang kanyang aatupagin pagbalik. Sinabi ko sa kanya na wala siyang dapat alalahanin sa akin. Sanay na rin naman akong asikasuhin ang sarili.

            Hindi nagkukwento ang matandang ito tungkol sa kanyang buhay. Minsan, kapag nababagot na ako sa pag-aaral, nakikipagkuwentuhan muna ako sa kanya. Madalas, siya ang nagtatanong ng kung anu-ano tungkol sa akin, ang aking pag-aaral, ang pamilyang kinabibilangan ko pati na rin ang mga pangarap ko sa buhay. Pero kapag siya na ang aking tinatanong, di niya ito direktang sinasagot. Ang mga kuwento tungkol sa mga nakakasalamuha niyang estudyante araw-araw ang ibinabahagi niya sa akin, yun lang at wala nang tungkol sa personal niyang buhay.

            Tuwing linggo, ako lamang ang narito dahil lingguhan kung umuwi si Mang Victor sa kanyang pamilya sa Bulacan. Laging may bitbit na pasalubong itong si Mang Victor tuwing siya ay uuwi. Sinisiguro niya na nakapamili siya ng groceries para sa kanyang pamilya at may kasama pang mga laruan at ilang matatamis na pagkain na para marahil sa kanyang mga anak. Sa isip ko, wala mang nabanggit si Mang Victor ukol sa kanyang pamilya, isa siyang mabuting ama. Makikita mo na bakas sa kanyang mga ngiti ang kasiyahan tuwing darating ang araw ng Linggo. Marahil dahil sa muli niyang masisilayan ang kanyang mahal na asawa at mga anak. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit paulit-ulit niyang binabanggit na mapalad ang aking mga magulang dahil ako ang kanilang anak at kapag nasabi niya na yun ay saka niya isasara ang pinto at aalis. Laging ganun ang kanyang sinasabi tuwing makakauwi siya ng Bulacan.

            “Daniel, napakapalad ng iyong mga magulang dahil ikaw ang kanilang anak…” yan ang madalas niyang sinasabi sa akin.

            Tuwing lunes ng umaga, ako lang ang nagigising mag-isa sa kwartong ito. Dumideretso na si Mang Victor sa trabaho mula sa Bulacan, at sa gabi na lang ulit kami nagkikita. Kung anung saya ng ngiti ang masisilayan mo tuwing siya ay aalis pabalik sa kanyang pamilya, kabaligtaran naman nito ang makikita mo pag-uwi niya tuwing Lunes ng gabi. Naisip ko, marahil malungkot lamang siya na isang linggo na naman ang kailangang lumipas bago ang muling pagkikita nila ng kanyang pamilya, o kaya ay pagod sa mahabang byahe at sa trabaho. Pero laging ganuon, nakakapagduda ang laging pagbabalik niya na akala mo’y walang mabuting naidulot ang pagkikita nila ng kanyang mga mahal sa buhay. Ako nga na isang beses lang isang buwan kung makadalaw kila tita at sa kanyang pamilya ay parang sapat na yun para maging masaya ako sa susunod na buwan kahit pa di ko sariling pamilya ang aking nasisilayan. Ang ganung mga kilos ni Mang Victor ay naging isang malaking palaisipan sa akin.

            Tulad nga ng sabi ko, kahit pa ‘roommate’ kami ni Mang Victor ay di namin masyadong pinakikialaman ang bawat isa. Naging okay na rin ang ganun para makapag-focus ako sa pag-aaral at tulad nga ng sinabi niya ay ayaw niya rin naman akong idagdag pa sa kanyang mga iisipin.

            Sabado. Pasado alas-otso na ng gabi pero wala pa ako sa aking tinutuluyan. Inaasahan kong aabutan kong abala si Mang Victor sa pag-aayos ng kanyang mga bibitbitin pauwi sa Bulacan kinabukasan. Naisip ko na dumaan sa convenience store para bumili na rin ng ilang matatamis na pagkain para idagdag sa iuuwing pasalubong ni Mang Victor sa kanyang mga anak. Masaya ako na para bang di na rin iba sa akin ang pamilya ni Mang Victor dahil alam kong mapalad din sila tulad ng madalas niyang sabihin sa akin, dahil alam ko na isa siyang mabuting ama.

            Nung narating ko na ang apartment building, hindi ko alam kung bakit parang napakabigat ng aking mga paa paakyat sa third floor. Bukas naman ang mga ilaw sa pasilyo pero ako ay nangingilabot pa rin. Medyo mainit ang panahon pero pinagpapawisan ako ng malamig. Hindi ko na lang masyadong inintindi ang mga nararamdaman ko. Naglakad na ako patungo sa inuupahang kwarto.

            Pagbukas ko ng pinto, napansin kong walang kahit na anong pinamili ang nakakalat sa higaan ni Mang Victor na kanyang inilalagay sa isang kahon tulad ng kanyang nakagawian. Wala rin yung bag na lalagyan ng kanyang mga inimpakeng damit. Malinis ang kanyang kama. Walang kahit na anong gamit.

            Tanging lagaslas lang ng tubig sa banyo ang aking naririnig. Sa isip ko, baka ginabi rin ng uwi si Mang Victor at nagpasyang maligo muna bago bumili ng mga iuuwing pasalubong. Naupo muna akong saglit dahil sa biglang panghihina ng aking mga tuhod. Inilagay ko muna sa ibabaw ng lamesa ang aking pinamili. Napansin ko na wala doon ang kanyang baril na lagi naman niyang iniiwan sa lamesa. Bigla na lang akong nakaramdam ng matinding kaba.

Dali-dali akong nagtungo sa banyo, nang buksan ko ang pinto kasamang umaagos ng tubig ang kanyang dugo. Sa kaliwang kamay ay ang kanyang baril. Humingi ako ng tulong sa mga kalapit na kwarto, binuhat namin ang lupaypay at duguang katawan ni Mang Victor. Alam kong kahit umabot pa kami sa ospital ay mukhang di na namin siya maaagapan…

            Di ko lubos na naiintindihan kung bakit niya yun nagawa. Ang alam ko lang, naniniwala pa rin akong isa siyang mabuting ama.

Hapag-Kainan

$
0
0

“HAPAG KAINAN”
-jepbuendia-

            Kung nakapagsasalita lamang itong aming hapag-kainan, marahil di sapat ang isang maghapon para sa lahat ng nasaksihan nitong mga tagpo. Ang mga selebrasyon, tawanan, kwentuhan, galit, pangaral pati na mga pagbubunyag at marami pang iba, lahat ng mga ito ay  nangyari dito sa aming munting hapag.

            Bilang isang ina, maligaya ako na napagsisilbihan ko ang aking pamilya. Ang araw-araw na pagluluto at paghahain sa kanila ay naging parte na ng aking buhay.

            Isang pahabang lamesa itong aming hapag. May tig-isang upuan sa magkabilang panulukan, at tig-tatlo naman sa gilid. Naging saksi ako kung paanong unti-tunting napupuno itong aming hapag ng mga umuupo’t kumakain sa paglipas ng panahon. Dati ay ang aking asawa lamang ang nakaupo sa panulukan at ako naman sa kanyang kanan. Hindi nagtagal mayroon na akong katabi sa aking kanan na nadagdagan pa muli ng isa. Makalipas ang ilang panahon, ang kabilang gilid na may tatlong upuan ay mayroon na ring gumagamit. Nagbunga ang pagmamahalan namin ng limang makakasalo sa pagkain.

            Malaki ang kaibahan ng mga tagpong aking nasaksihan sa bawat paglipas ng panahon. Dati’y kailangan ko pang iabot o di kaya’y ilagay mismo sa kanilang mga pinggan ang ulam at kanin. Na habang kumakain, di lamang sarili kong pinggan ang binibigyan ko ng pansin, nariyang kailangan ko pa silang subuan para lang maubos nila ang kanilang kinakain. Simple lang noon ang mga usapan, mga usapin sa gusto nilang laruan, ang pagbili ng kendi pati na ang pagpapaalam para makapaligo sa ulan. Simple lamang noon ang  mga kasalo namin sa hapag. Ang pagkabasag ng baso o kahit pa ng pinggan ay naiintindihan ko pa dahil sadya lamang silang makukulit. Ang makalat na pagkain at ang mga tunog ng kutsara at tinidor sa pinggan habang kumakain, ang malulutong na tawanan at minsang pagkakapikunan, lahat ng mga iyon ay malinaw kong nakita’t narinig. Masaya ang panahon na iyon.

            Ilang taon pa ang lumipas, unti-unti na ring nagbabago ang lahat. Ngayon ay kaya na nilang umabot ng sariling pagkain, nabawasan na rin ang mga tunog ng kutsara at tinidor sa pinggan, medyo naging seryoso na rin ang mga usapan. Ang pag-uusap ukol sa pag-ibig, ang pangangaral at mga kwento ng kanilang karanasan sa eskwela, ang kanilang mga kaibigan at ang paglalahad ng kanilang mga pangarap, lahat ng mga ito ay malinaw kong narinig. Sa tagpong ito, nahaluan na rin ng pagkabigo at luha ang aming pagsasalo. Ang pagkabasag ng pinggan ay di na nangangahulugan ng kapabayaan dahil sa kalikutan, ang pagkabasag na iyon ay tanda ng matinding pagkadismaya at galit. Ang pag-alis sa upuan ay di na nangangahulugan ng paglalaro’t paghahabulan, ang pag-alis sa upuan ang naging tanda ng poot at pagtatampo. Anu’t ano pa man ang mga nangyari, ang pagluha sa harap ng hapag-kainan ay di laging nangangahulugan ng kalungkutan, minsan ito ay tanda ng pagpapatawad at pagkakaunawaan. Masaya pa rin ako sa panahon na ito. Ito ang mga paunang hakbang nila tungo sa pakikipagsapalaran. Ito ay tanda ng kanilang paglaki.

            Kung paano ko nasaksihan na ang bawat isa ay natutong umupo at makisalo sa hapag, ganun din naman ang kanilang pagkawala. Ang una kong nakatabi sa aking kanan ay ang siyang una ring nawala bilang pagsunod sa kanyang mga pangarap. Mula sa pito ay anim na lamang kaming nagsasalo. Hindi nagtagal, ako na lamang mag-isa ang nakaupo sa isang gilid. Gayunpaman, patuloy pa rin ang aking ginagawang paghahain. Masaya pa rin akong nakikita sa aking harapan ang tatlo pa sa lima naming kasalo sa hapag-kainan pati na rin ang aking mahal na asawa. Bagamat alam ko, na darating ang panahon, silang tatlo ay kailangan ding lumisan.

            Unti-unting nababawasan ang mga plato, baso, kutsara at tinidor na kailangan kong ihanda tuwing kakain. Hanggang sa tig-dalawa na lamang ng mga nabanggit ang inilalagay ko sa aming hapag. Pinili ko pa ring maging masaya sa piling ng aking asawa.

            Mas nangibabaw ang saya kaysa lungkot kahit pa dalawa na lamang kami ngayon na nagsasalo. Alam namin, na ganito ang mangyayari. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang laya upang sundan at tuparin ang kanilang mga pangarap. Alam namin, na darating din ang panahon na sila’y magbabalik.

            Kasabay ng paglipas ng maraming taon ay ang maraming pagbabago. Naging marupok na ang mga paa ng aming hapag dahil sa katagalan. Ang dating malakas naming pangangatawan ay humina na rin. Kung pa’no namin nasaksihan ang kanilang paglago’t paglakas ay kabaligtaran naman ang inihatid nito sa amin.

            Ang pinakamasayang araw na aking nasaksihan ay ang kanilang pagbabalik. Nung araw na yun hindi lamang lima ang bumalik sa amin. Muli akong nakarinig ng mga tawanan, walang humpay na kwentuhan, pagbabatian at nasilayan ko ang mas maraming mga ngiti. Masaya kami na sila’y muling nagbalik.

Panunuod ng pelikula, pangungumusta at ang public school.

$
0
0

Ika-13 ng Abril, 2013
Sabado, 5:25 ng hapon

            Ito na naman yung isa sa mga tagpo sa buhay na wala kang maka-usap kundi ang sarili. Kaya ito, dating gawi, buksan ang netbook para magtype at kausapin ang sarili.

            Sabihin na natin na nung isang linggo ay kuntento na ako na araw-araw nakakaalis sa bahay sa loob ng lima o anim na araw. Tapus ngayon, nakakulong na naman ako sa bahay mga dalawa o tatlong araw na.

            Na-miss ko na talaga ang internet, kasi kahit wala ka sa labas pwede kang makipag-usap sa mga kaibigan at kakilala mo sa facebook, maki-update. Pero ngayon, gusto ko na lang isipin na baka ito yung mga oras na binibigay sa akin para ilaan sa sarili. Kunwari na lang self-interview…

‘Anung pinagkakaabalahan mo ngayon?’

            Inuubos ko ang aking oras sa maghapon sa pakikinig nang paulit-ulit na mga music video. Bale, mga cover songs ang madalas kong pakinggan. Karamihan Boyce Avenue at minsan kahit na yung medyo OA na si Tyler Ward. Pati na rin yung iba na di naman masyadong kilala. Mukha na akong cover songs ngayon, ewan ko ba kung bakit mas pinipili ko yun kaysa mga original songs. Siguro kasi nagustuhan ko lang yung ideya na pwede pa lang kantahin yung kanta na yun sa ganung paraan na minsan nga eh mas maganda pa kaysa original version. Pero di lahat ng cover songs ay maganda. Yung iba sobrang binago na nawala na yung ‘ganda’ ng kanta. Naging OA o sobra sa pagkaka-revive.

            O kaya, manuod ng mga pelikula, mga short films na animated, at documentaries. Basta kahit na ano na pwedeng kumuha ng atensyon ko at wag lang mabagot sa maghapon. Bale kung anu-ano nang mga pelikula ang napanuod ko tulad ng wirdong ‘Maniacs Scream of Field’, yung pambatang ‘Ice Age 3 and 4’, yung dramatikong love story na ‘Doremifasolatido’, yung korni ang ending na ‘The Extinction: GMO Chronicles’, yung nakakasuka na ‘Chromeskull 2’ at marami pang iba. May mga inuulit lang din akong panuorin tulad thai movie na ‘First Love’, ‘Slumdog Millionaire’ pati na ‘Avengers’. Pag paulit-ulit mo palang napapanuod ang mga pelikula ay mas naiintindihan mo sila, lalo na yung mga naka-subtitle lang. Mahirap atang manuod habang nagbabasa. Tulad ng isa sa mga paborito kong cartoon na ‘Detective Conan’. Nakakuha ako ng kopya ng kumpletong episodes (sana nga), yun nga lang sa japanese ito naka-dubbed, pero ok lang may subtitle naman.

‘Kamusta na ang mga college friends mo?’

            Ewan ko lang kung yung dalawa ko bang kaklase na nakakabasa ng blog na to ay nagagawang pang dumalaw dito. Di ko na rin sila ma-chat o mai-message sa fb dahil nga sa kawalan namin ng net. Di ko na rin sila sinasadyang i-text. Minsan mag-gm ng quotes, paalala lang na buhay pa ako J. Minsan nga lang yung iba ay magre-reply pa ng ‘Cnu to?’, kaya ibig sabihin may ilan sa kanila na kung hindi nagpalit ng cellphone o sim ay talagang kinalimutan na at minabuti na lang na burahin ang number ko, kung sabagay eh di naman ako madalas mag-text.
            Sa tingin ko lang, kung mababasa lang nila ang blog ko, ito na lang yung least na paraan para malaman nila kung ano na bang lagay ko kahit na di na ako magkwento.

            Nalulungkot ako sa kaklase ko na namatayan ng kapatid. Kung hindi ako nagkakamali yun yung kapatid niya na may espesyal na condition. Sana man lang naipahatid ko ang pakikiramay ko sa kanila.

            Kahit yung close kong kaibigan na madalas tumawag sa amin sa landline, na ngayon ay di na niya magawa dahil wala kaming telepono, ay di ko na rin masyadong nabibigyang pansin. Siguro kasi gusto ko munang magpakalayo-layo. Tatlong taon pa lang naman ang nakalilipas mula ng kami ay magsipagtapos. Ayoko lang na paulit-ulit naming pagkwentuhan ang nakaraan dahil pakiramdam ko mas mahihirapan lang akong mag-move on. Namimiss ko sila. Pero alam ko naman na darating din ang panahon na magkikita-kita kaming muli. Kaya sa ngayon, hahayaan ko munang magkanya-kanya. Basta.

            Natutuwa ako sa ibang kaklase ko na patuloy na nangungumusta. Pasensya na, kung di ko sila narereplyan sa text.

‘Bakit di ka pa nag-aapply sa public?’

            Marami na akong kaklase pati na rin dating mga co-teachers ang nagtuturo na ngayon sa public school. Bale, 3 taon na akong  nasa private school. Kaya heto ngayon, nga-nga tuwing bakasyon. Walang pasok. Walang sahod.

            Di ko nga rin alam kung bakit narito pa ako sa private school na ‘to. Pakiramdam ko kasi meron pa akong ‘unfinished business’. At saka nitong nakalipas lang na school year ko naramdaman ang maraming pagbabago. May mga nagawa ako nitong school year na noong unang dalawang taon ko sa pagtuturo ay di ko naman ginagawa. Sabihin na natin na baka ito yung ‘growth’ na tinatawag nila. Parang gusto ko munang ma-experience at i-enjoy ang mga nangyayari. Malay mo, kapag nagpa-rank na ako sa public eh makatulong ito sa akin (sana nga).

            Mga 55% lang siguro last school year ang pagnanais kong umalis. Una, dahil siguro di pa ganun kabuo ang loob ko. Pakiramdam ko may kulang pa. Pero ngayon, kinakabahan ako dahil kapag nagawa ko ng maayus ang mga plano at expectations ko sa darating na school year, feeling ko ready na ako mga 95% or more, aalis na talaga ako. Dahil baka yung ibang ‘growth’ na hinahanap ko ay nasa public school na o baka sa ibang work naman. Sana lang umayon ang lahat.

            Naiinis lang din ako sa ‘palakasan system’ na meron sa ranking para makapasok ka sa public school. Marami na akong natunghayan na mga kuwento ng mga co-teachers o mga kaibigan ko na nagpa-rank na pero nabigo. Saksi din ako kung pa’no ito kinakagat ng iba. Bakit nga naman hindi, kung iyon ang mabilis na paraan.

            Hindi naman sa napaka-fair kong tao. Pero kung ‘palakasan’ ang labanan eh di para saan pa yung ranking system di ba? Kahit pala mas mataas ang nakuha mong rank sa iba, eh dahil sa siya ang may kapit, siya ang pasok sa banga. Kaloko.
            Isa rin siguro yan sa mga kinatakot ko. Pa’no kung magpa-rank ako ‘all by myself’? Yung walang ‘kapit system’, walang ‘sipsip to impress mode’ at kahit na anong ‘recommendation from the above’? Tatalab kaya ako?

            Kaya, nais kong siguruhin na bago ako sumabak sa may ‘dungis’ na sistema, dapat ay handa at buo na ang loob ko para sa ano mang mangyayari.

            Tulad nga ng sabi ko, hindi naman sa napaka-fair kong tao, pero sana ibinibigay natin ang dapat sa mga nararapat.

            Kaya sa tingin ko ang mga darating na araw ay preparasyon para sa lahat ng mangyayari. Sana maraming surprises.

KALIWETE

$
0
0

Ika-21 ng Abril, 2013
Linggo, 10:59 ng gabi

‘Ano ang pinanuod mo ngayong gabi?’

            Katatapos ko lang panuorin ang isang lumang documentary, na walang copyright kaya di ko alam kung anung taon ito pinalabas, na tumatalakay sa pagiging ‘left-handed’ ng isang tao.

            Matagal na akong nagtatanong at napapaisip kung bakit o paano nagiging kaliwete ang isang tao. Gusto kong makakuha ng mas komprehensibong sagot bukod sa madaling i-rason na ang kanang bahagi ng utak ay naging dominante kaya nagiging kaliwete ang isang tao.

            Kung babalikan ang nakalipas, mabuti na lang at hindi ako nabuhay noong mga panahong ang pagiging isang ‘kaliwete’ ay katumbas ng pagiging isang ‘kriminal’. Ito yung mga panahon na masyado pang makitid ang pang-unawa ng mga tao kaya’t ganun na lang ka-negatibo ang pagtingin at pagtrato nila sa mga tulad kong kaliwete.

            Gusto ko sanang ipaliwanag yung tungkol sa napanuod ko, kaso parang sasakit ang utak ko pag ipinaliwanag ko pa ang maraming ideya na binigay nun sa akin, lalo na’t English yun haha. Pero inaantok na kasi ako kaya di ko maiayos nang mabuti ang kung ano man na nasa pagkakaintindi ko (alibi).

‘Bakit ka naman curious tungkol sa left-handedness?’

            Siguro parang naging espesyal lang sa akin ang ganitong kondisyon dahil nga sa isa rin akong kaliwete. Baka umaasa lang ako na mapabilang sa mga kaliweteng biniyayaan ng galing tulad ni Leonardo Da Vinci at marami pang iba.

            Yung naiisip mo na astig pala maging kaliwete dahil parang may kung anong characteristic ka na marami ang wala, dahil nga sa karamihan ng populasyon ay ‘right handed’.

            Sabi nila, at ayon sa mga napanuod ko, karaniwan ay may taglay na ‘talino’ ang mga taong left-handed. Maaaring sila ay creative, magaling sa math lalo na sa geometry dahil nga mataas ang kanilang spatial intelligence, may bentahe sa sports at marami pang iba.

            In other words, isa lang akong ‘ambisyosong’nilalang na umaasang nagtatagalay din ng kahit alin sa mga kakayahang nabanggit tungkol sa mga kaliwete hehe.

‘Anu-ano ang iyong mga kwento sa pagiging kaliwete?’

            Alam ko, lalo na noong mga nakalipas na panahon, ay pinagbabawalan ang mga left-handed na gamitin ang kanilang kaliwang kamay tulad halimbawa sa pagsusulat kaya mabuti na lang talaga ay hindi ako umabot sa mga panahong iyon. Pero sa isang banda mahirap din maging kaliwete sa mundo na puro right handed. Halimbawa;
            1. Natatandaan ko na noong tinuturuan pa ako ng nanay ko na magsulat, pilit niya akong pinapagamit ng kanang kamay. Pero dahil mas komportable ako sa kaliwang kamay, lagi ko siyang sinusuway, hehe. Kapag di na siya nakatingin inililipat ko na yung matabang itim na lapis mula sa kanan papunta sa kaliwa at pag natapos ko na isulat yung pangalan ko ibinabalik ko na ulit ang lapis sa kanan.

            2. Nung grade 1 ako, lagi akong ‘shunga’ sa pagtukoy sa kaliwa at kanan. Akala ko kasi noon ‘kanan’ ang tawag sa kamay na ginagamit mo sa pagsusulat at ‘kaliwa’naman yung isa na di ginagamit sa pagsulat. Kaya minsan, parang may drill kami noon, iniutos ng teacher namin na itaas ang aming kanang kamay. Confident pa ako sa tinaas kong kamay na kaliwa at laking pagtataka ko kung bakit ako lang ata yung naiiba, kaya nakigaya na lang ako, pero litong-lito talaga ako nung mga oras na yun.

            3. Kahit sa pagsabi ng direksyon, madalas din akong malito. Nahihirapan ako, kahit ngayon na malaki na ako, na tukuyin kung alin ang kanan sa kaliwa. Kaya kapag nakasakay ako sa trike at itatanong ng driver kung saan liliko, itinuturo ko na lang yung daan kaysa sabihin kung sa kaliwa o sa kanan ba.

            4. Sa buong buhay ko sa eskwelahan, never ako naka-experience ng ‘left-armed chair’. Hindi naman kasi ako nag-aral sa private school na pwedeng mag-request ng left-armed chair. Kaya buong buhay akong nangangawit tuwing magsusulat habang yung mga kaklase ko ay relax na relax lang mga mga kamay. Sila na ang may patungan ng siko habang nagsusulat habang yung akin ay nakalutang lang sa ere. Kaya madalas akong naka-de-kwatro nung estudyante pa ako, na parang naging mannerism ko na rin ngayon, kasi sa ganuong posisyon ko lang maipapatong ang siko ko sa aking mga binti para di ako agad mangalay sa pagsulat.

            5. Kapag naman kumakain, kasabay halimbawa ang mga kaklase o kahit pa mga kasama ko sa trabaho ngayon, madalas akong maupo sa panulukan o sa pinaka-kaliwang bahagi. Doon lang kasi ako walang makakasanggang kamay habang kumakain.

            Sa tingin ko, itong lima lang naman ang madalas kong ma-encounter noon hanggang ngayon. Marahil yung ibang experiences ko bilang isang left-handed ay di naman na ganun kahirap.

            Yung iba ay tulad lang ng kalituhan sa paggamit ng computer mouse kasi kanang kamay ang dapat gamitin pero nasanay na rin naman ako. Sinubukan kong kaliwa ang gamitin kaso mas sumasakit lang ulo ko. Nakakalito yung orientation.

            Isa pa sa mahirap kong matutunan ay yung pagtugtog ng gitara. Gustuhin ko man, pero nalilito talaga ako kung kaliwa ba o kanang kamay ang gagamitin ko. Kasi parang mapipilitan akong mag-kanan dahil right-handed yung magtuturo sa akin at ginawa naman talaga yung gitara para sa right-handed people. Kaya, madalang kong subukan mag-gitara.

            Bukod dun, feeling ko isa akong espesyal hehe. (child?)

Anung Meron sa Tag-Ulan?

$
0
0
Ika-27 ng Mayo, 2013
Lunes, 5:37 ng hapon

                Iniisip ko ngayon na sana ay meron man lang akong kapalitan ng messages sa email. I think in that way, mas magiging mas makabuluhan ang mga bagay na naiisip ko at nadi-discuss, sa ganuong paraan may kapalitan ako ng mga ideya, hindi katulad nito na ako lang. Yun nga lang, kung gagawin ko ang bagay na iyon, dapat akong makapili ng isang tao (o pwedeng mas marami pa) na mapagkakatiwalaan ko nang lubos. I hope, sooner or later ay meron.

Panahon na naman ng tag-ulan…

                Sa mga panahong ito, mas gugustuhin ko na lang na alalahanin ang magagandang ‘moment’ tuwing tag-ulan. Napakalungkot naman kung aalalahanin ko pa rin yung malulungkot na sandali tulad ng baha, pagkawala ng kuryente, ang walang makain dahil di ka makalabas dahil dagat na ang kapaligiran, ang mahabang pila sa jeep tuwing uuwi ako noong nag-aaral pa ako sa college, ang napakamahal na pamasahe at bilihin at marami pang iba.

                Ito lang naman ang gusto ko sa tag-ulan…

1. Syempre, hindi naman ako humihiling ng mala-bagyong ulan, yung sapat lang. Yung tipong kailangan mo talagang magpayong dahil mababasa ka kung wala ka nito sa iyong paglabas, pero hindi naman yung bumabalikwas na ang payong mo sa lakas ng hangin at ng ulan. Yung ganung mga moment ay napaka-dramatic para sa akin. Emote-emote lang din ang dating.

2. Gusto ko rin yung ideya na kung may sama ka man ng loob, maari kang umiyak kasabay ng ulan nang sa gayon ay di nila makikita ang pagpatak ng iyong luha. Parang ang smart ng ideyang yun di ba haha.

3. Pag bumubuhos din ang ulan, ito yung mga tagpong di ko alam kung bakit trip ko ang pakikinig ng kahit na anong music. Dagdag pa dito, para bang mas naiintindihan ko ang nais ipahiwatig ng bawat kanta, ‘relate na relate’ lang ang dating.

4. Masarap ding uminom ng kape. Yung sinisinghot mo pa yung usok ng kape dahil sa sobrang init nito.

5. At yung tipong natatakot ka sa tubig tuwing maliligo sa madaling araw bago pumasok sa trabaho/eskwela kasi sobrang lamig ng tubig. Na ayoko namang mag-init ng tubig dahil pag maligamgam ang tubig na pinapaligo ko feeling ko ay may malala akong sakit, kaya kahit mala-yelo ang lamig ng tubig, ‘tiis-tiis’ na lang din.

6. Yung masarap maglakad sa daan kahit maputik. Masaya na ako na maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin. Pakiramdam ko kaunti lang ang polusyon sa kapaligiran kapag maulan, kaya nakaka-fresh lang ang effect.

7. Na tuwing tag-ulan ay gumaganda ang mukha mo. Mala-rosy chicks! Sana lagi na lang tag-ulan at malamig ang panahon para instant pampasara ng pores lol. Di tulad kapag tag-init, bukas na bukas na nga ang pores sa mukha, tag-ani din ng dumi at acne lol.

8. Para bang napakabagal ng oras tuwing umuulan. Kaya mas nagkakaroon ako ng time para mag-isip at makapagmuni-muni. Yung tipong, kaytagal mo nang tulala pero 5 minutes pa lang pala ang nakalipas.
9. Yung dramatic scene na bumubuhos ang ulan sa salamin mong bintana tapus pu-pwesto ka dun para kunwari mala-MTV o kaya ay isang eksena sa pelikula. Panunuorin ang nangyayari sa labas at umaasa na sana bukas isa ka na rin sa masasaya at kuntentong tao sa mundong ito lols.

10. Na bago ka matulog, para kang hinihele ng patak ng ulan sa mga yerong bubungan pati na sa mga dahon ng mga puno’t halaman.

                Maraming tagpo ang hindi ko ipagpapalit tuwing umuulan. Kahit pa badtrip ako tuwing nagbabaha dito sa aming lugar at na-wash out yung mga gamit ko noong nakaraang bagyo! Ang tag-ulan ay isang panahon tulad ng summer na masarap ding balik-balikan.



-jepbuendia

6:17 ng gabi

Lutang-Lutang

$
0
0
Ika-28 ng Mayo, 2013
Martes, 4:15 ng hapon

                Nasisikipan na ako sa mundong ginagalawan ko ngayon. Para bang kasing liit na lamang ng faculty ang ginagalawan kong espasyo. Pakiramdam ko, di na ako bagay sa lugar kung nasaan man ako ngayon. Sa loob ko, matagal ko nang alam na meron pang mas magandang lugar kumpara sa kung nasaan ako.

                Bakit nga ba ako nagtagal dito?...

                Tinanong ko na rin yan sa sarili ko. At parang wala akong tiyak na maibibigay na sagot. Ang alam ko lang, naging masaya ako kaya wala na muna akong inisip pang iba. Hanggang sa maglaon, di ko na rin pala magugustuhan pa ang magtagal dito.

                Natatandaan ko pa kung gaano ako ka-excited magturo noong unang taon ko pa lamang bilang isang guro. Yung pakiramdam na akala mo ikaw na ang may dala ng solusyon sa katamaran ng mga estudyante sa pag-aaral. Yung tipong kahit gaano pa karaming barumbado at mga pasaway na estudyante ang dumaan sa iyo, nananatili ka pa rin at naniniwala na balang araw mare-realize din nila kung bakit mo iyon ginagawa. Na kahit ano pang hirap ang dinanas mo sa kalikutan at kalokohan nila, umaasa ka pa rin na lahat ng ginawa mo ay magbubunga, maaaring di ganuon kabilis pero makikita rin sa hinaharap.

                Yung pagnanais na paunlarin at pagyamanin pa ang sarili mo sa bawat paglipas ng taon kahit pa minsan ay nagiging ‘hard’ ka na sa iyong sarili kasi nga pinipilit mong tumugma sa kung ano ang sa tingin mong tama.Yung nauubos ang oras mo kakaisip sa kung ano ang mas maganda at mabuti para sa kanila sa kabila nang marami ka na rin pa lang naiiwanan na di mo na talaga nagagawa.

                Sabi nga ng isang pari, ang pagtuturo ay hindi dapat ituring na isang pagsasakripisyo. Dahil sa pinili mo ang pagtuturo, ito dapat ay gustong-gusto mong gawin. Kung ikaw nga ay isang guro, ang pagtuturo dapat ang pinakananais mong gawin… ika nga eh ito ang iyong vocation at passion.

                Hindi ko alam pero, habang tumatagal, hindi ko mawari kung ako ba ay nasa eskwelahan pa rin. Hindi na bumibilis ang tibok ng aking puso sa tuwing papasok ako sa gate ng school na nangangahulugan ng pagkasabik ko sa pagpasok. Ngayon, parang nayayamot ako sa tuwing papasok na ako sa eskwelahan lols. Pakiramdam ko, ikukulong na naman ako sa loob ng maghapon hehe.

                Masaya pa rin naman ako kapag nakikita ko ang mga estudyante. Pero kapag naiisip ko na araw-araw akong papasok sa iisang lugar, nawawalan ako ng gana. Nandun pa rin naman yung kagustuhan ko na matuto ang mga bata sa pamamagitan ko, pero di ko alam kung saan nanggagaling ang pagnanais ko na makawala sa mga ‘usual’ na bagay na nagagawa ko.

                Para bang napakabagal ng takbo ng mundo ko ngayon.

                Ayoko ko munang bolahin ang sarili na napakaganda ng buhay. Dahil ang totoo, ang buhay ay depende sa kung paano mo ito tignan. Gusto ko munang maramdaman ang pagkayamot at kahit na ano pang negatibo sa loob ko. Gusto ko munang makita ang pangit… pambalanse sa positibo kong pananaw.

                Naiinis ako sa kung paanong di naman talaga napanghahawakan ng mga tao ang kanilang mga sinasabi. Tulad ko, maaaring ang mga sinasabi ko ngayon ay gamitin ng iba o mismo ng sarili ko laban sa akin. Sasabihin nila na hindi dapat ginagawa ang ganito, pero sila rin naman ang gumagawa, na kapag iba ang gumawa nun kala mo naman napaka-righteous na nila para sawayin at batikusin ang iba. Pag iba hindi pwede? Pag sila okay lang? lols. Hindi rin ako naniniwala na kailangan mong magmukhang matatag sa paningin ng iba para lang magkaroon ka ng acceptance at maging maganda ang impresyon ng marami sa iyo. Nalulukot lang ang mukha ko sa mga taong gumagawa nun, di ko sila kayang tignan.

                Ang mas nakakalungkot pa ay kung paano iniaangat ng iba ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagkukumpara sa iba. Mabuti sana kung napakahusay o napakagaling ng taong ginagamit nila bilang reference… matatawa ka na lang na tuwang-tuwa ang iba na mas mahusay sila sa mga hindi naman talaga nila ka-level.

                Maniniwala lamang ako na hindi na mapanghusga ang lipunang ito kapag ang bawat ay isa ay malaya nang nakalalabas ng tahanan nang hubad…

Hubad sa lahat ng dapat nating isuot para maging kakulay at kamukha ang marami.


-jepbuendia

5:07 ng hapon

Random Buhay

$
0
0
Ika-29 ng Mayo, 2013
Miyerkules, 6:18 ng gabi

                Madali lang talaga mawala ang buhay. Kanina, habang nasa Obando pa ako, naging usap-usapan ang isang tindero ng manok sa Polo na binaril. Akala ko nung una ay kung sino lang ang pinag-uusapan ng mga tindera nung nagpa-load ako bandang alas-nuebe ng umaga. Tapus, pag-uwi ko ng hapon, nabanggit ng nanay ko ang balitang iyon… saka ko napagtanto na parehas pala sila ng tinutukoy. Kaybilis ding kumalat ang balita mula Polo hanggang sa kalapit na bayan ng Obando.

                Kaya nga ninanais ko na damhing mabuti ang buhay. Kahit na di ko pa lubos na nakukuha o naisasakatuparan ang mga nais ko, sinisiguro ko na bawat araw na lilipas ay magiging masaya ako. Maaring hindi sa buong araw, pero tinitiyak ko na may isang bagay akong nagawa at nakahalakhak ako ng lubos, okay na yun!

                Ikinalulungkot ko ang nangyari sa nabaril. Hindi ko man lubos na nauunawaan kung bakit iyon nangyari, halimbawa kung may kaaway ba siya o ano pa man, hindi ko maisip na di man lang nila nahuli agad ang bumaril. Marami naman sigurong tao ang nasa palengke at di naman ganun kalaki ang palengke ng Polo, maaring maharang pa yun ng mga taong naroon. Nakakahinayang. Nakakatakot.

                Di ko rin lubos maisip na may nakagagawa ng pagkitil ng buhay ng iba. Ano kaya ang nararamdaman niya sa ngayon? Di na ba siya binubulabog pa ng kanyang konsensya? Paano ba sila nabubuhay ng ganun? Bakit kaya nila pinili ang ganung tipo ng pamumuhay?... ang pumatay.

Sa kabilang banda…

                Ano pa bang meron sa buhay ko ngayon?

1. Una, sinabi na June 3 ang pasukan… tapus mauuna pa sa amin ang ilang estudyante na malaman na iniusog na pala sa June 10 ang opening ng klase. Yan ang ilan sa mga bagay na nakayayamot! Mas nauuna pang ma-inform ang mga students kaysa mga teachers. Kahit nga suspension ng klase, minsan mga estudyante pa ang nag-iinform sa amin lols. Minsan kasi sa school namin, kahit nagsuspende na ng pasok ang mga kalapit na lugar, hala sige may pasok pa rin haha. Tsk!

2. Naalala ko lang tuloy ang pagkayamot ko sa PRC! Alam mo yung hindi ka makalalabas ng PRC nang hindi ka haggard! Grabe talaga. Nakaka-stress ang lugar na iyon. Ayoko talagang magpabalik-balik sa PRC. Ang daming maiinit ang ulo, di masyadong epektibo ang mga proseso, siksikan ang mga tao sa isang masikip na palapag, hindi naa-accommodate ang lahat ng may kailangang gawin. Basta, feeling ko, di ako nagmumukhang propesyunal pag pumupunta ako dun, bagkus nagiging dugyot lamang ako lols.

3. Napapadalas ang paggastos ko gayung wala naman masyadong kita. Para kasi akong mahihimatay kapag sobrang nagtitipid, feeling ko nalilimitahan ko ang sarili na mabuhay.

4. Hindi na pala kasya sa akin ang pantalon na size 29! Pilit kong pinagkakasya yung slacks na sinukat ko kanina, sa bwisit ko, di na ako bumili haha. Pakiramdam ko kasi, bakasyon kaya siguro nagkalaman ako, papayat din naman ako sa pasukan kaya magkakasya din sa akin yun. O kaya baka busog pa ako kanina kasi katatapos lang din namin nun kumain.

5. Sana ma-target ko naman ang paglalakbay. Ang sarap sa pakiramdam kapag nakapupunta ka sa iba’t ibang lugar. Pakiramdam ko, tao talaga ako na marunong mag-appreciate ng mga tanawin, ng kultura, ng ibang tao at marami pang iba. Kahit di na ako yumaman, makapaglibot lang, oks na!
-jepbuendia

6:57 ng gabi

Wala Akong ‘Pake’ kay Dan Brown, kay Charice Meron Pa :)

$
0
0
“Wala Akong ‘Pake’ kay Dan Brown, kay Charice Meron Pa”
-jepbuendia-

                Sabi ni Dan Brown, kung hindi man nagustuhan ng iba ang ‘taste’ niya sa pagsusulat- “I cannot do anything about it.” Oo nga naman, may punto siya dun. Dahil kung didiktahan natin siya sa kung ano man ang dapat niyang isulat, eh di sana hindi na lang siya naging manunulat. Gayunpaman, tulad ng kanyang sinabi, wala rin talaga siyang magagawa kung marami ang nag-react sa kanyang isinulat tungkol sa Manila na binansagang “gates of hell”sa kontrobersyal niyang akda na “Inferno”.

                Eh ano ngayon kung sabihan man niyang “gates of hell” ang Manila? Ang librong isinulat niya ay nasa kategorya ng mga akdang “fiction”. Ibig sabihin, likhang-isip lamang at hindi makatotohanan. At kung may nais man siyang iparating na kahit na anong mensahe ukol sa ating bansa… wala akong pakialam. (parang may galit lang? lols).

                Una sa lahat, kung inilarawan man niya sa Inferno ang Manila bilang isang lugar na marumi o mabaho, ma-traffic na umaabot ng 6 hours, larawan ng matinding kahirapan at kung saan nagaganap ang pagbebenta ng ‘laman’, sa tingin ko, wala tayong dapat ipaghimagsik sa mga paglalarawang iyon. Alam natin, at hindi talaga natin maitatanggi, na maaaring nangyayari talaga ito sa kasalukuyang panahon. Ang gusto ko lang puntuhin, wag naman nating angkinin ng sobra at ‘damang-dama’ ang mga ‘paglalarawan’ na kanyang ginawa. Dahil ang katotohanan, hindi lang naman ito sa Manila nangyayari. Kahit pa nga sa ilang mauunlad na bansa ay may mga ganito ring ‘eksena’. Kaya kahit ano pa ang ibigay na paglalarawan sa Manila ng kahit sino pa mang manunulat, inuulit ko, wala akong pakialam lalo na kung hindi pa naman talaga siya nakapunta rito sa ating lugar.

                Pangalawa, bakit ba parang napaka-‘big deal’ ng mga statement ni Dan Brown? (kahit di naman talaga). Na para bang sobrang masisira ang imahe natin dahil sa naisulat niya. Ang ibig kong sabihin, kung talagang kilala na ang ating lugar bilang isang maganda at ligtas para sa lahat, may dapat pa ba tayong ipangamba? Kung confident tayo sa mga lugar sa ating bansa, kahit ano pa mang pambabatikos o panlilibak ang ibato sa atin, di dapat tayo maaapektuhan nang lubos, o baka kasi gumagawa tayo ng isang di makatotohanang imahe para lamang takpan ang hindi dapat makita ng iba sa atin…

                Mas malulungkot pa ako at maapektuhan nang lubos kung mismong ang mga kababayan nating naninirahan sa Manila ang magsasabi na ang lugar kung nasaan man sila ngayon ay para bang isang ‘impyerno’. Dahil nangngahulugan lamang iyon, na sa itinagal ng panahon na pamumuno ng ilan sa gobyerno ay wala man lang silang nagawang tulong para sa pagbabago. Yun talaga ay higit pa sa isang sampal. Di tulad ni Dan Brown (na epal? Joke lang lols).

                At nung mag-tweet naman itong si Paulo Coelho ng- “…your souls lead to the gates of heaven,”parang lahat na lang ay kumampi sa kanya hehe. Nadadaan na ba tayo sa mga pambobola?

                Sa dulo ng mga pahayag na ito, mataas pa rin ang pagtingin ko kay Dan Brown bilang isang manunulat at syempre pati na rin ay Paulo Coelho… sino ba naman ako diba? Kaya ‘no hard feelings, I have nothing against them,’ parang ‘showbiz’ din pala ang mundo ng mga manunulat, at mahirap din talagang magpaka-‘showbiz’!

x-o-x-o-x

                Kung tungkol naman kay Charice, heto may ‘pake’ ako rito. Di naman sa kumakampi ako kay Charice, pero sana hayaan na ng mga mapanlibak na tao ang kung ano man ang pinili ni Charice para sa kanyang sarili. Malay ba natin kung anong ‘laya’ o ‘saya’ ang kanyang nararamdaman sa pinili niyang ‘kasarian’. Hindi natin lubos na nalalaman at nauunawaan ang lahat ng kanyang pinagdaanan. Ang mga nakikita natin sa kanya sa telebisyon ay hindi sapat na obserbasyon para sa isang di makatarungang konklusyon. Pero, kung ‘close’ kayo ni Charice, eh di ikaw na! (ititigil ko na ‘tong sinusulat ko lols).

                Pero hindi. On a serious note, nasaan na ba yung mga taong kung makapag-comment noon sa youtube ng #ProudtobePinoy! nung kasagsagan ng kasikatan ng mga video ni Charice na akala mo kulang na lang gawin na nilang ‘pamato’ si Charice laban sa lahat ng mga singers sa mundo para lang ipagsigawan at ipagmalaki na may ‘Charice Pempengco’ tayo? Yung iba, nagpaka-‘nega’ at umasa na kung pa’no nila nakita ang kanilang ‘idol’ noon ay ganun pa rin ito sa ngayon… hindi na ba pwede ang salitang ‘pagbabago’?

                At sa malalim pang pagtalakay, sumasalamin lamang ito na ang ating lipunan ay hindi pa rin sanay tumingin at tumanggap sa kung ano mang lihis sa inaakala nating ‘normal’. Ibig kong sabihin, ang isyu ni Charice ay nakadikit din sa kung paanong hindi pa rin tanggap ng lipunan ang mga nabibilang sa ‘third sex’ o yung mga LGBT (lesbian, gay, bisexual at transgender). Dahil kung tanggap na nga ito ng marami sa atin, eh di sana hindi na nahirapan si Charice na ipakita ang totoo niyang sarili.

                Sa opinion ko lang naman, ang ‘diskriminasyon’ na ito ay hindi sana mangyayari kung hindi natin inilagay sa kategoryang ‘third sex’ ang mga LGBT. Alam na nga nating ‘makitid’ umintindi ang lipunan, binigyan pa natin ito ng isang konsepto na para bang inihiwalay natin ang mga LGBT sa lalaki at babae. Dahil anu’t ano pa man, talaga namang lalaki at babae lang talaga ang nilikha ng Maykapal. At hindi rin naman nangangahulugan na kung ‘malambot’ ang isang lalaki ay di na siya talagang ‘lalaki’, gayundin naman sa mga babae na ‘matikas’ kung kumilos. Hindi ba natin ito pwedeng tignan bilang parte ng ating ‘pagkakaiba’? Marahil masyado lang tayong napako sa ‘stereotype’ na ideya na ang lalaki o babae ay dapat na ‘ganito’ at ‘ganyan’ kumilos…


                At alam ko naman, na kahit gaano pa kahaba ang isulat ko tungkol dito, ang usaping ito ay di pa rin matatapos. Kaya eto na, tapos na ang pagpapahayag kong ito. Kung meron man akong mga pananaw na hindi naging ‘swak’ sa iba, eh ganun talaga haha!

Hiyang-Hiya Naman Ako Sa'yo

$
0
0
“Hiyang-hiya Naman Ako Sa’yo”
-jepbuendia-

                Hiyang-hiya naman sa atin ang sarili nating bansa. Dati halos ubusin na natin ang mga telenovelang di sakto sa bibig ang dialogue na mula sa madalas nating kalaban sa boxing- ang Mexico. Tapus ngayon, mula umaga, hapon at gabi, kulang na lang lahat ng time slot eh may Koreanovela… requirement na ba yun sa isang tv station?

                Ano na bang nangyari sa sarili nating identity? Wala na bang kakayahan ang mga NoyPi na gumawa ng orig?

                Sa pangalan pa lang eh nalalabnawan na ako sa ating pagka-Pilipino. Di naman sa nais kong manatili sa mga makalumang pangalan tulad ng Kurdapia, Procorpio o kaya tulad ng pangalan na Makisig at Mayumi. Ang pinupunto ko lang ay yung bakit OA kung makapag-react ang iba sa pangalan ng kanilang kapwa. Halimbawa, kung ikaw ay isang anak na napag-tripan ng magulang na gawing ‘Junior’ o isinunod ang pangalan mo sa mga butihin mong lolo o lola, malamang na tunog ‘makaluma’ ang pangalan mo, kaya ang iyong gagawin ay gagamit ka ng alyas o nickname na kay layo sa orihinal mong pangalan para lang makasunod ka sa iba na ‘kaybango-bango’ ng pangalan kasi tunog ‘amerikano’ o kaya ‘koreano’. May mali ba sa pangalang makaluma? Mabantot ba pakinggan? Eh bakit naman ang mga taga-Thailand? Halos di na nga mabasa ang kanilang mga pangalan eh at kakaiba pa ang tunog kapag binasa mo na, pero kita mo naman, kapag nakabasa ka ng pangalan na Nattapong Charayvarat o kaya Prathomkrit Sudrasa alam mo na agad na sila ay taga-Thailand. Ganun din ang mga maiikli at parang mga salitang nababanggit lang ng mga bulol o utal pero makahulugan na pangalan na pala yun para mga taga-China o Japan. Pero pag tunog Pilipino, ‘kay-baho-baho’? Ayaw mo? Takip-ilong? Hehe.

                Ganun din sa pagporma. Kapag mas sunod ka sa pormang pang-hollywood, ikaw na ang ‘sosyal’/ ‘glamorosa’/ ‘mayaman’/ tagapagmana lols. Yung mga uma-attend ng red carpet halimbawa sa isang awards night na pampelikula, laging basehan ang mga rumarampang ‘stars’ ng Hollywood. Kapag mas mukha kang mala-hollywood star, ikaw na ang bida! Sa isa pang banda, mayroon ding pormang ‘K-pop’ o kaya ‘J-pop’ at kitang-kita yan sa mga ‘hairstyles’. Kapag pang-korean ang hairstyle mo , ‘wow cool’ ang dating natin niyan hehe. Pero bakit walang ‘P-pop’? O meron na ba? O ginaya na lang din sa iba? Masabi lang na meron. Baka naman pag-isipan ako ng iba na, ‘eh di ikaw na ang gumaya sa buhok ni Rizal!’, naku wag mong mababanggit sa akin yan, dahil nung nasa elementary ako ‘Rizal style’ ang buhok ko haha. Marahil naghahanap lang ako ng sabihin na natin na ‘sariling pauso’ naman natin, hindi yung lagi na lang tayo ang sumusunod sa mga banyagang pauso. At parang nakakainis din kapag nakakakita ako ng all-male-group na akala ko ay mga Korean… yun pala copy-cat lang. ‘Nu ba yan…

                Kaya nga pati na rin sa pagpili ng pakikinggang musika, bentang-benta ang mga di naman naiintindihan na lyrics ng mga K-pop groups. Hindi naman ako against sa pagpunta nila dito at pagko-concert, yung tipong nilalangaw yung local music industry natin kasi mas pinipili nating makisigaw sa nagpeperform na grupo na di mo naman mawari ang sinasabi tapus sa dulo sasabihin mo na ang saya-saya mo dahil ang ga-gwapo nila, yun lang at wala nang iba. Wala naman akong sama ng loob dun lols. Ang sinasabi ko lang, suportahan din natin ang mga kababayan nating musikero. Kasi kapag sila ang pinapunta mo dun at kakanta ng OPM, tingin mo ba makikipagrakrakan din sila sa atin?... Poporma din ba sila tulad ng sa atin?... Wag sana tayong masyadong lamunin ng kanilang ‘trip’, wag kang mag-Gwiyomi ng todo, sige ka nagmumukha ka nang *toot* lols.

                Minsan tuloy kapag nakapapanuod ako ng isang napakagandang pelikulang Pilipino na may temang ‘love story/romance’ o kaya naman ay ‘horror movie’ di ko mapigilang maghanap ng mga nakalipas na korean, thai o american film, kasi baka ‘ginaya’ na naman ang konsepto dun haha. Alam mo yung gandang-ganda ka sa istorya tapus malalaman mo na kinuha lang pala ang konsepto sa isang banyagang pelikula, may binago lang ng kaunti para di halata haha. Parang yung mga remake ng mga ‘soap operas’ ngayon… bago pero dati pa talaga yun. Mabuti pa mga indie films- low budget, high quality. Kapag mainstream, ‘copy-paste concept = dami kita’ lols.

                At marami pang iba na hiyang-hiya na talaga si Inang Bayan ngayon! : )

                Nailahad ko ‘to hindi para insultuhin tayong mga Pilipino.
                Pilipino tayo eh, pero bakit para tayong mga Amerikano, Espanyol, Mexicano o Koreano?
                Tapus sasabihin ng iba, ‘eh kasi nga ang Philippines ay melting pot ng maraming kultura, lahi etc.’

                Pero kahit pa… di yun dapat mangahulugan ng pagkawala ng sarili nating pagkakilanlan.

The Stranger

$
0
0
‘ESTRANGHERO’
-jepbuendia-


Dalawampu’t tatlong taon na kitang kasama,
ngunit di pa rin lubos na magkakilala.
Napakadalang nating mag-usap,
hindi nga rin magawang mayakap.

Alam kong sa trabaho, ikaw ay abala.
Kami rin naman kasi ang iyong inaalala.
Sa iyong pagsisikap, marami kaming natatanggap,
ngunit higit pa dun ang aking hanap.

Sa iba, di ko maiwasang mainggit.
Sila, na sa kanilang ama’y malapit.
Iniisip ko kung paano kaya madarama,
ang pagmamahal ng isang ama.

Araw-araw man tayong nagkikita,
di naman natin madama ang isa’t isa.
Maraming kwento ang lumipas na,
mga tagpong di man lang kita nakasama.

Ayokong isipin na ang ama ko
ay para bang isang estranghero.
Sana’y magkakilala pa tayo,
ako na anak mo, ikaw na ama ko.

x-0-x-0-x

P.S.
                Father’s Day, pero di ko man lang mabati ang aking ama. Hindi ko alam kung bakit di ako naging close sa kanya. Natatandaan ko pa noong nasa kolehiyo, may binasa kaming akda sa subject namin na World Literature na may pamagat na ‘The Stranger’, sa huli ay inatasan kami ng aming instructor na sumulat ng isang sanaysay patungkol sa kung sino ang itinuturing naming ‘stranger’ sa aming buhay… malungkot man pero ang aking ama ang una kong naisip, pangalawa ay ang sarili ko. Pakiramdam ko, mas naging buo sana ang aking pagkatao kung naramdaman ko rin ang pagmamahal ng aking ama.


                Marahil, sa kagustuhan niyang magkaroon ng maayos na buhay, kinuha na ng trabaho ang mga oras na dapat sana’y inilaan niya sa amin. Gayunpaman, alam kong di naman niya kami pinabayaan. Kung sino man at ano man ang narating ko ngayon, parte siya ng lahat ng mga bagay na yun…

Sing me to Sleep

$
0
0

"Asleep"
The Smiths
Sing me to sleep
Sing me to sleep
I'm tired and I
I want to go to bed

Sing me to sleep
Sing me to sleep
And then leave me alone
Don't try to wake me in the morning
'Cause I will be gone
Don't feel bad for me
I want you to know
Deep in the cell of my heart
I will feel so glad to go

Sing me to sleep
Sing me to sleep
I don't want to wake up
On my own anymore

Sing to me
Sing to me
I don't want to wake up
On my own anymore

Don't feel bad for me
I want you to know
Deep in the cell of my heart
I really want to go

There is another world
There is a better world
Well, there must be
Well, there must be
Well, there must be
Well, there must be
Well...

Bye bye
Bye bye
Bye...

x-o-x-o-x

  • nakaka-haggard na ulit ang mga moments ng buhay...
  • marami na namang kailangang tapusin...
  • natutulog na naman akong katabi ang lesson plan, mga libro at mga papel...
  • nasasabik na naman ako sa pagtulog ng mahaba at mahimbing...
  • pampatulog ko ang kantang ito ng The Smiths...
  • kahit pa isa daw 'to sa pinakamalulungkot na kanta...
  • pero iba pa rin ang effect nito sa akin, nakapagpapakalma at nakakaantok talaga lols
  • lumilipad na naman ang aking persona... naglalakbay...
  • gusto ko pag nawala ako sa mundo, ito ang itutugtog habang nasa prosisyon ang aking labi patungo sa sementeryo lols :)
  • hay naku... busy-busyhang buhay... matatapos din...

Usapang Half-Half & Bisaya Accent :)

$
0
0
Mga Usapang ‘Half-Half’

            Tandang-tanda ko pa noong nasa elementarya pa ako, kapag napag-uusapan naming magkaka-klase ang tungkol sa kung anong lahi meron sa aming mga sarili o pamilya, para bang hindi mo pwedeng sabihin na isandaang porsyento na ikaw ay Pinoy! Dapat meron kang ibang ‘blood line’ ika nga, para astig at sosyal lols. Mas magandang lahi mas bida, parang mga ‘aso’ lang…

            Ang pinaka talamak na sagot sa aming magkaka-klase ay ang pagiging ‘half chinese’, at dapat may pruweba para maniwala sila sayo. Halimbawa, gagawin mong mapungay ang iyong mga mata para naman makita nila na ikaw nga ay singkit (kahit di naman talaga lols) o kaya dapat ay makabanggit ka ng ilang mga salita para mapatunayan mo na ikaw ay may dugong ‘banyaga’, o kaya naman, kung hindi talaga lumabas sa ‘itsura’ mo ang lahing ibinibida mo, dapat kahit picture man lang ng iyong lolo o lola ay may maipakita ka para kapanipaniwala.

            Nakakatawa at nakakainsulto din minsan ang mga ganitong ‘eksena’. Yung kitang kita at dinig na dinig naman na mukha at puntong Pilipino ka eh pilit mo pa ring pinagmumukha ang iyong sarili na ‘imported’ lols.

            Kaya minsan, kapag may umpukan ng usapan tungkol sa mga ‘lahi issues’, medyo walk out na ako sa mga ganyang usapan, dahil panigurado walang katapusan ang mga ‘pabida lines’ at ‘show your proof’ ang magiging tema ng kanilang ‘dream lofty breed’…


Ang Bisaya Accent

            Hindi ko alam kung bakit parang napaka ‘big deal’ ng pagkakaroon ng accent sa tuwing ikaw ay mag-iingles. Sabihin na natin na marahil sa mga call center agents ay kailangan nila ito para maintindihan sila ng kanilang mga kliyente, pero sa mga usapan tulad halimbawa sa paaralan, sa pananaw ko dapat nating tanggapin kung ano man ang ‘punto’ ng dila ng iba, kaysa naman nagpupumilit tayo na magpaka-British o Australian accent na ang sakit mong tignan kapag nagsasalita dahil hindi lang dila mo kundi buong mukha na ang naghihirap sayo lols.

            Bakit naman ang ilang mga Europeans, kaytigas nga ng kanilang punto eh, pero di naman tayo nagre-react, hangang-hanga pa nga tayo eh as if pagkaganda at pagkagaling nilang bumigkas ng mga salita. Kahit pa nga mga Indians na parang ‘chinop-chop’ na Ingles ang punto ay tanggap pa rin ng sanlibutan, tapus kapag ‘bisaya accent’ kung makatawa ang iba ay wagas lols.

x-o-x-o-x

On a personal note…
·         Adik pa rin ako sa panunuod ng ‘Fifty People,One Question’ sa youtube. Nakakatuwa kasi panuorin ang iba’t ibang sagot ng mga ‘random people’ sa iisang tanong. Dun ko mas nare-realize at naa-appreciate ang pagkakaiba-iba natin bilang mga ‘indibidwal’ na malayang nabubuhay dito sa mundo.
·         Sana, ma-feature din ako dun lols!

jepbuendia

07202013

TITSER

$
0
0


               “Mahirap maging teacher sa Pilipinas, kasi dito mababa ang sweldo…

            Eh kasi naman… di ko na lang sana napanuod yung ‘the making’ ng isang serye sa channel 11 na pinamagatang “Titser”. Ayan tuloy, mas lalo ko lang nare-realize kung gaano ‘kalaki’ ang kinikita ng isang guro sa kabila ng lahat ng paghihirap at pagsisikap niya sa araw-araw. Ang totoo, humahanga ako sa mga gurong nagtagal sa kanilang propesyon… puso at hindi pera ang dahilan kung bakit sila nananatili sa pinili nilang trabaho.

            Ramdam ko ang sweldo na yan lols. Yung tipong kapag bagong sahod ka, mga isa hanggang tatlong araw mo lang mararamdaman na may kinita ka pala… pagkatapos nun, kusa na lang na mag-i-evaporateang sweldo mo… at ito ay isang natural phenomenon hehe.

            Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng trabaho, eh ang pagiging titser pa ang sinapit ng kapalaran ko…

            Sabi sa tv- ang pagiging guro ay isang vocation, pinipili ng uniberso ang magiging mga guro.”

            Kaya naman, kung ako nga ay napili o napili-tan, hangad ko na may magawang mabuti para sa propesyong ito. Kahit gaano ka-stressful at ka-haggardang trabaho ng isang guro, sa tingin ko, hangga’t may puso kakayanin ko (pero sana may pera din, kahit konti langhehe).

            On a serious note, kung tatanungin mo ang mga mag-aaral ngayon, ilan ba sa kanila ang minimithi na maging isang guro? Marahil kaunti lamang. Lalo na kung ang mga tatanungin mo ay yung mga kabataang matatalino o ika nga eh mga achievers… Bakit nga naman sila mag-aaral sa kolehiyo para maging titser langgayong napakarami nang kurso ang pagpipilian sa ngayon…

            Para bang ang pagiging guro ay last option na lang… kapag wala nang choice, sige mag-titser ka na lang. Nakakalungkot. Lalo na kung ikukumpara mo ang kalagayan ng ibang guro sa ibang bansa… ang laki ng pagkakaiba.

            Pero ganun talaga… minsan nakakasawa na rin intindihin ang mga ganitong issues.Hindi naman dahil wala nang pag-asa na mabago ang mga problema na kinakaharap natin pagdating sa edukasyon, marahil gawin na lang natin ang ating parte upang huwag nang dumagdag sa mga kasalukuyang problema. Sabi nga eh, kahit mahirap, just do it! Malay mo, bukas super-unlad na ng Pilipinas lols… malay mo lang naman. Who knows?!


x-o-x-o-x

Bakit pa Babasahin ang isang Same-Old-Story?

$
0
0
            Tatlong araw na walang pasok.
            Ang saklap naman kung magtsi-check lang ako ng mga papel.
            At lalong mas masaklap ang computation ng grades

            Lalo na kung wala ka naman talagang mapiga, ma-record at ma-compute na grado mula sa mga batang pinagpala ng katamaran sa pag-aaral. Wala namang grade ang attendance at mas lalong walang puntos na maibibigay sa ingay at kadaldalang walang saysay.

            Pag binagsak mo naman, sa’yo rin ang sisi. Ako na nga nagturo, ako pa rin mag-aaral? Lols.

            Anyway, lumang tugtugin na ang mga ganyang eksena sa akin. Kung dati naniniwala pa ako na nasa kamay ko ang kasipagan ng mga mag-aaral, ngayon ‘konti na lang’. Kapag binigay mo na ang lahat ng pasensya at pagtitiyaga sa isang mag-aaral na tamad, mahilig mangopya at walang kahit katiting na interes sa pag-aaral, sa bandang huli, kung ayaw pa rin niyang magkusa at magsikap na matuto, hayaan mo siyang matuto sa ibang paraan… hayaan mong makita niya ang epekto ng mga ka-engotan na ginagawa niya sa kanyang buhay lols. At kung di pa siya matauhan sa mga nangyayari sa kanya, haynaku, sabi ng nanay ko walang milagro sa mga ayaw tulungan ang sarili.

            Pero ganuon talaga ang life, kahit ayaw mo na sa mga batang hanggang pagsusuot lang ng uniform ang ibubuga sa eskwela, kailangan mo pa rin silang tanggapin nang buong-buo… malay mo, mali ang nanay ko, baka posible rin naman ang miracle! Tiyaga-tiyaga rin hangga’t kaya, kapag ubos na pasensya, bahala na lols.

            Di naman talaga lahat ay magiging mahusay at matalino sa eskwela. Maaaring magaling sila sa ganyan, pero mahina naman sa ganito. Kaya kung ganun talaga, bakit ba natin pipiliting banatin ang isang banat na banat nang lastiko? Maaaring maging mas mahusay kumpara dati, pero parang hindi maaring gawing mahusay tulad ng iba… Labo nun.

            Kaya, pwede bang ang grade ay narrative report na lang? hehe. Isalaysay na lang natin ang mga kahinaan at kalakasan ng isang mag-aaral, nang sa gayon, walang nang babagsak at ang tunay na hangarin na lamang ng pagpapaunlad sa sarili ang maiiwan sa bawat mag-aaral. Dahil ang mga grado, para sa akin, ay di isang direktang reflectionng kakayahan at kalagayan ng isang estudyante. Mas marami pang dapat ayusin sa isang indibidwal higit pa sa pagpapataas lamang ng marka…

x-o-x-o-x

            Super tamad ako ngayong araw. Sulat-sulat din para alibi sa katamaran. At least di halatang nasasayang ang oras ko. At least binobola ko ang sarili na may nagagawa rin naman akong makabuluhan bukod sa pagtunganga sa bintana. ( at di ko talaga matanggap na pag-alis ko sa keyboard ay mga papel na ang hahawakan ko… no choice! )

Jepbuendia

20130810

Nuod-nuod din ng FIBA-Asia :)

$
0
0
FIBA-Asia…

            Mas nakaka-excite talagang manuod ng basketball kapag mga international teams ang naglalaro, lalo na kung kasali ang Pilipinas. Parang boxing game lang ni Manny Pacquiao kung makatutok ang mga energetic naming kapitbahay, may kasama pang mga hiyaw sa tuwing makakapuntos ang ating koponan.

            Malaki na nga ang naging improvement ng ating team, malaking tulong na rin siguro yung tayo ang nag-host ng laro kaya ano pa ba ang aasahan natin, syempre pukpukan ang suporta ng maraming noypi sa ipinapakitang gilas ng Pilipinas.

            Masaya na ako nung natalo nila yung Korean team, kasi naman mapa-Asian games o kahit ano pa mang tournament, kapag sila na ang kaharap natin, lagi tayong olats sa kanila. Pero ngayon lang natin sila natalo, at mas marami ang mga larong naging talo tayo sa kanila, kaya di pa natin masasabi na nalampasan na nga natin ang husay ng mga Koreans sa larong basketball.

            Sapat na rin na nakapasok tayo sa finals ngayong taon, dagdag pa yung may ticket na tayo sa FIBA-World Cup 2014. Di ko talaga hinangad na mag-champion pa ang Pilipinas hehe. Hindi naman sa kampi ako sa Iran, pakiramdam ko kasi baka ma-pressurelang sila sa world cup kung sila ang nag-champion sa FIBA-Asia; akalain mo yun, kapag nasa atin ang titulo ang laki ng dapat nating patunayan, kaya baka hindi sila makapaglaro ng maayos. Gaya na lang nung nangyari sa finals, alam nating gustong-gusto nilang manalo, lalo pa at naglalaro sila sa harap ng ating mga kababayan, at dahil dun pumanget ang laro nila hehe, kasi effort na effort tayong magpakitang gilas laban sa mga Goliath na Iranian players. Kaya okay lang ang silver medal at ‘da best’ pa rin naman ang buwis-buhay na laro ng ating team.

            Kaya maraming good luck sa kanila next year, alam kong hindi ganuon kalaki ang tsansa nating makuha ang championship sa FIBA-World, ikaw na ang bumangga sa mas malalaki pang teamstulad ng US at Spain, ewan ko na lang hehe. Pero sana kung tatalunin na rin naman tayo ng ibang mga koponan, sana mahirapan naman sila sa ating team at gamitin ang experience natin sa FIBA-Worldpara mas mapahusay pa ang ating laro sa mga susunod pang paligsahan!

            And I know, at ito ay isang prediksyon, maibabalik din natin ang kinang ng tagumpay sa mahal nating bayan, marami pang mahuhusay na manlalaro ang uusbong at kailangan lang alagaan nang sa gayon darating din ang panahon na di na natin kailangan pang kumuha ng mga naturalized players o mga half-half kunwari na Pinoy para lang maging malakas ang ating team, kung pwede namang sariling atin! Lols.

Jepbuendia

20130812

Just a Thought...

$
0
0
Hindi ko alam kung ano na ba ang lagay ng lipunan natin ngayon pagdating sa usapin na may kinalaman sa sex. Ang ibig kong sabihin, kung dati ay para bang napakalaking kahihiyan kung meron tayong nabalitaan na kumakalat na sex videong isang kilalang personalidad o kahit na sino pa man, bakit ngayon para bang usual na balita na lamang ito sa marami. Yung tipong ‘alam na namin yan’… yung para bang ikaw pa ang mahihiya sa sarili mo kapag huli ka na sa balita (at kung di mo pa napapanuod ang video lols).

Alam ko naman na marami na ang updated (at nakapanuod na rin, pero di ko pa napanuod-promise!) ng scandalnila Chito at Neri… happy fiesta sa internet ika nga. Di ko ito isinulat para i-promoteang video, nag-alala lang ako sa mga estudyante o menor de edad na marahil nakapanuod na nito. Hindi naman lingid sa atin na isa si Chito sa mga hinahangaang vocalistng banda. Ano na lang kaya ang iisipin o tumatakbo sa isip ng mga batang yon… Ang generation pa naman ngayon ay masyadong exposed sa paggamit ng internet, at marami sa kanila ang hindi naman nabibigyan ng kaukulang gabay ng mga magulang.

Baka lang kasi nagiging mababaw na ang ating pang-unawa tungkol sa sex. Baka dumating ang araw na mas maging sarado pa ang ating isip para pag-usapan ito pero gustong-gusto namang i-explore sa mga di makatwirang paraan.

Sabi nga ni Chito sa isang panayam, wala na rin naman siyang magagawa sa pagkalat ng video, dahil totoong hindi mo naman mapakikiusapan ang bawat tao na wag gawin ang kanilang nais- ang panuorin ito at i-share pa sa kung anu-anong social network… Matuto na lamang tayo mula sa ating mga pagkakamali, at wag namang manghusga ng todo-todo dahil baka mahiya naman ang sansinukob sa kabutihang inangkin mong lubos! Lols.

Jepbuendia
20130814


Mareng Maring :)

$
0
0
2013 08 20

            Parang tumigil na naman ang takbo ng buhay dahil sa pagkansela ng mga pasok sa eskwela dahil sa malakas na buhos ng ulan na nagdulot ng pagbaha. Parehong buwan din noon, Agosto, noong halos tumambay na nang husto ang baha sa bahay namin, yung pakiwari mo na bigla na lang nawala sa kabihasnan ang buong komunidad at bigla na lang nag-transform ang buong bayan sa ‘water world’… at wag naman sanang maulit. Kaya sana naman mahabag itong si ‘Maring’ na wag naman pumares kay ‘Habagat’, dahil ‘kokonyatan’ ko talaga siya kapag nag-anyong tao ang bagyong yan! Lols.

            Pero mahirap talaga kapag ang Inang Kalikasan na ang nagdikta ng kanyang lakas. Saan mang lugar, mayaman man o mahirap, kapag hinagupit ka ng lakas ng ulan, wala ka nang magagawa. At parang sirang plaka na lang din ang mga balita na nagsasabi kung anu-anong mga lugar ang binaha, wala namang nabago sa listahan bagkus may nadagdag lang, syempre laging ‘present’ sa listahang iyan ang aming lugar. At in fairness, nauunahan pa kami ng ibang lungsod sa pagsu-suspendng klase, dati-rati ang aming lugar ang laging ‘first-to-suspend-the-class’ dahil expected na siya tulad ng seasonalna baha.

            Nakalulungkot na mas marami pa ngayon ang binabahang lugar tulad nang sa amin. Ibig sabihin, magkaka-level na lang din ang mga drainage system ng iba’t ibang lugar, na marahil ay puro barado o depektibo. Wala na rin talagang malinis na lugar, lalo na sa Metro Manila, dahil kung pa’no magreklamo ang sambayanan sa mga nagkalat na basura tuwing tag-ulan, eh ganun din naman ang ating kapabayaan bago sumapit ang panahong ito.

            Ilang taon na ang lumipas, pare-parehong problema pa rin ang hinaharap ng bawat lugar na nasasalanta ng bagyo. Baha in the past… baha sa kasalukuyan… at baha pa rin darating na panahon. Anyare? Tradisyon na ba ito?

            Na-miss ko tuloy yung lugar kung saan ako lumaki. Sa Quezon City, sa di kapansin-pansin na Anahaw Street, bumuhos man ang pagkalakas-lakas na ulan ang baha doon ay hanggang talampakan mo lang at kasabay ng pagkawala ng ulan ay ang mabilis ding paglisan na tubig. Never akong na-trauma sa tubig-baha doon. Ngayon kasi, kung nasaan kami (ayaw banggitin lols), mistulang isang kwentong alamat lang ang ga-talampakang baha, dahil ang usual baha dito ay mula tuhod, pa-hita, hanggang dibdib up to the highest level na pwede ka nang mamangka at mag-scuba diving! (walang halonghyperbole).

2013 08 22

            Totoo ngang nauulit ang kasaysayan. Isang linggo nang walang pasok dahil kahit medyo  tumitila na ang pag-ulan, tambay pa rin ang baha… Ganito rin ang nangyari noong nakaraang taon, halos walang ipinasok sa buwan ng Agosto.

            Kaya isang linggo na rin na dito lang sa loob ng bahay umiikot ang mundo ko. Na gagawin mo na lang ang maaari mong gawin wag ka lang ma-boredmaghapon. Okay na rin kahit ganito, feeling sembreak lang sa haba ng bakasyon. At least ngayon, pwede kang magpuyat sa gabi, dahil di naman kailangang gumising ng maaga kinabukasan, saka na-eenjoy ko na ulit ang pakikinig ng radio tuwing 8am at 9am- Tambalang Balasubas at Balahura (Nicole Hyala at Kris Tsuper) hehe. Sila lang ang pinakikinggan ko mula pa noong college.


            Napakalawak ng sinalanta ng bagyo. Ang malaking ipinagpasalamat ko ngayon ay hindi naman pumasok sa loob ng aming bahay ang baha. Yun nga lang isang baitang na lang talaga ang pagitan at feeling bwisita na naman ang baha sa amin. Hangad kong makaraos din ang lahat ng nasalanta ng bagyo. Makabangon sanang muli ang lahat…

Wala nga bang Basagan ng Trip?

$
0
0
            Dulot na rin ng modernong panahon, may dalawang paraan na ng pagi-existsa mundo: una masasabi mong ikaw ay nabubuhay sa real world at pangalawa ay ang pagiging totoo o pagpapanggap ng panibagong pagkatao sa virtual world. Ano na nga ba ang naging epekto ng social media sa ating buhay? Totoo nga bang ‘walang basagan ng trip’ sa virtual world? Gaano ba dapat kababaw o kalalim ang paggamit natin sa iba’t ibang social media tulad ng facebook, twitter, instagram at sangkatutak pang iba?

            Noong hindi pa masyadong uso ang mga ‘eklat’ na yan hehe, texting ang ‘boom na boom’ dati. Kaya nga naglipana noon ang maraming text clan na nagpapasabog  ng gm (group message) sa inbox mo. At aminado naman ako na nakiuso rin at naki-clankung kani-kanino, pero di ako sumusulpot sa mga EB (eyeball) dahil nakakatakot din lalo pa’t di mo naman personal na kakilala ang mga ‘pipol’ na iyong nakakatext sa clan. So, ganyan lang kasimple dati, kaya nga tayo nabansagan na ‘texting capital of the world.’

            At sa mabilis na pag-usad ng panahon, para bang walang saysay ang buhay mo kung hindi ka makagagawa kahit isa man lang na account mula sa maraming pagpipiliang social media. Para bang putol ang buhay mo kapag di mo ito naitawid sa virtual na mundo. Naunang sumikat ang friendster, hanggang sa ‘binukbok’ na ang mga testimonials nito at pinalitan na ng palasak at parang IDmong facebook, kasabay ng pagsulpot pa ng ‘many-to-mention’ pang iba. At sa lahat nang yun, dalawa lang ang meron ako- facebook at blogspot. (maisingit lang ang sarili lols)

            Kaya di na rin nakapagtataka kung ngayon ay binansagan na rin tayong ‘social networking capital of the world.’ Tayo pa ba ang papatalo sa padamihan ng facebook o twitter account? Tayo pa ba ang papahuli sa pagpapa-trend ng kung anu-anong mga hash tag? Syempre hindi! Hilig ata ng mga noypi ang magpa-trending! Kaso, ‘eh ano?’ kung tayo na nga ang ‘social networking capital’ ng mundo, nagdulot ba ito ng positibong pagbabago? Ewan ko. Parang tulad lang yan ng economic growth na pinagmamalaki natin (o nila?), nakikita sa numero pero hindi sa pamumuhay ng mga Pilipino.

            Totoo na walang basagan ng trip. Yung wala akong magagawa kung umaapaw na ng pagmumukha ng iba ang news feed ko haha, akalain mo yun nag-facebook pa ako pero ikaw at ikaw lang ang napagmamasdan ko tuwing mag-oopen ako ng aking account lols! (Bakit di ko i-unfriend? Dahil parte na yun ng katotohanan ng buhay haha.)

Na mas pipiliin ko na lang na mag-offlinelagi sa chat (pwera na lang kung may kailangan talaga akong i-chat) dahil annoying naman talaga yung icha-chat ka tapus ang ending ‘pa-like’ naman po nito ‘tenkz!’ haha. Ano na ba ang gamit ng chat ngayon? Para sa sapilitang pagpapalike? Yung di mo alam nai-add ka na pala sa mga facebook group na mahahalay, at ang batayan ng pagkakaibigan ngayon ay kapag ni-likeninyo ang post ng isa’t isa hanggang parehas ninyong pasabugin ng sariling mga notification sabay print-screen at sharelols!

Yung pati ba naman simpleng ‘gudmorning XD’ ay ipo-post mo pa, for what reason? Hehe. At yung ibabalita mo pa sa buong mamamayan ng facebookna ‘wag na kayong magpapahiram ng rice cooker kung ibabalik din naman ng sira’ (with tag dun sa mga pipol concerned), bakit di mo na lang i-pm? Or i-text? Lols.

            Ilan lang yan sa mga na-obserbahan kong paraan ng paggamit sa facebook. Lahat naman ata tayo ay guilty sa ganyan. Marami na sa ngayon ang naghahanap ng instant gratification mula sa paramihan ng friends sa facebook (as if real friends mo sila), paramihan ng like, makapagpa-trending man lang ng hash tag kahit nonsense kung minsan, yung gawing chat ang pagko-commentwith bastusang ‘i-kwento mo sa pagong’ at ‘tanong mo sa buwan’ na mga tugon sa komento. Isipin mo na lang kung ang lahat ng ito ay naitawid na rin sa real world, matino pa kaya nating makakausap ang isa’t isa? At sa tingin ko ay nangyayari na nga rin ito, lalo na sa mga kabataan (tulad ko hehe).

            So, hanggang sa ganitong level na lang ba natin gagamitin ang iba’t ibang social media? Eto na ba ang ibig sabihin ng pagiging ‘social networking capital of the world’? Applicable pa rin ba ang rule na walang-basagan-ng-trip? Hanggang kailan natin pagkakatuwaan ang mga ginagawa ng mga internet bashers? Pati na rin yung mga nambu-bully? Hangga’t trending  ba ay okay pa rin?


            Alam kong marami pa tayong magagawa. At hindi naman maikakaila na kaya nating gawin iyon. Wag puro ‘selfie’, that is ‘so makasarili’.  Marami na ang nagpasimula for a change, tara na baguhin natin ang takbo ng buhay sa social media! (parang campaign lang lols).

Pauna Lang para Sa Oktubre :)

$
0
0
            Dahil sa tagal ng panahon na hindi na naman ako nakapagsusulat, medyo nahihirapan na ulit akong makapagsimula. Pero okay lang ganun talaga marahil. Eh di naman sa lahat ng oras ay magkakaroon ka ng panahon para gawin ang mga bagay na gusto mo. Inaamin ko na may mga pagkakataon na naipamumuhay ko yung buhay sa paraang kung paano ko siya nai-imagine. At oo, masarap sa pakiramdam, kahit pa di mo alam kung magpapatuloy ba yun hanggang kinabukasan o maghihintay ka na naman ulit ng panahon para maranasan mo iyon. Ang ipagpapasalamat mo na lang ay kahit paano, hindi man palagi, maaari rin pa lang matupad ang buhay na nasa isip mo…

            Nakakatuwang isipin na bawat tao ay gustong magkaroon ng marka o bakas na maaari nilang iwan dito sa mundong ibabaw. Na lahat ay may ganung klase ng struggle. Na alam mo at ramdam mo na kung nasaan ka ngayon ay hindi mo deserve kung meron ka lang ibang choice… yun nga lang hindi lahat ng mapipili mong choice ay dapat o agad-agad na mangyayari… minsan o madalas, kailangan mong maghintay muna. Tulad ko, naghahanap ako ng ibang trabaho bukod sa pagiging guro, yung tipong bukas sana o sa makalawa ay nais ko nang palitan ang aking trabaho pero di ko magawa kasi nga di ko naman pwedeng iwan bigla ang mga estudyante ko at di rin naman pwedeng magpabaya kahit ayaw mo na dahil sila naman ang magsa-suffer kung gagawin mo yun. Kaya nga kahit aandap-andap na ang apoy, pagtyagaan na lang muna sa ngayon. Ayoko rin naman wakasan ng ganun ganun lang angcareer na ito. Kapag naiisip ko na baka ito na ang huling pagkakataon na makapagtuturo ako, saka naman parang nadadagdagan yung desire mo na ‘sige pa, baka may topak ka lang’ lols. Kung magkaganun nga baka sa iba naman ako pumunta.

            Napakadami mong pwedeng gawin sa buhay na to. Yun nga lang kung di ka naman kikilos para gawin yun, wala rin, parang hanggang ‘window shopping’ lang ang ginagawa mo. Tingin lang ng tingin pero wala namang nakukuha. (mag-shop lift na lang kaya? Lols)

            Dati naniniwala ako na dapat may magpakitang isang kakaibang tao para maimpluwensayahan ang mga tinatawag nating common people- ito yung mga tao na laging nasa mainstream ideology ng society. Yung mga kakaiba naman ay yung mga taong nasa kabilang direksyon ng mainstream current, lumilihis sa daloy ika nga. Pero, hindi pala ganun… dapat ikaw mismo sa sarili mo ang gumawa ng pagbabago sa mundong ginagalawan mo. Sabi nga ni Paulo Coelho, ang mundong ito ay magbabago sa pamamagitan ng iyong mga example, hindi dahil sa mga opinyong pinuputak ng mga nagsasabing sila’y kakaiba, na magddulot sila ng pagbabago, na hindi sila tulad ng marami. Shut up! Hehe. Paniniwalaan ko lang sila kapag may nagawa na sila ayon sa kanilang mga paniniwala, prinsipyo at pilosopiya. Hangga’t wala pa, ang mga salita’y mananatili lamang na mga salita.

            Kaya nga nakakainis ng todo-todo ang mga pulitiko sa ngayon. Sa kanilang mga commerciallalo na nung campaign period akala mo ang titino at walang bahid dungis ng pulitika, yun pala mga nakakasuka! Puro corrupt din pala… Yung kapag nakita mo sila sa daan, sana pwede mo nang bangasan nang walang humpay ang mga mukha nila haha. Akalain mo yun, ang hirap kumita ng pera sa ngayon at maraming naghihirap tapus sila nagpapasasa sa ating mga pinagsama-samang buwis na dapat sana ay ginagamit nang matiino sa pagpapaunlad ng ating bansa… Pero dahil mga baboy sila, ayun nilamon ng mga gahaman ang salapi ng bayan.

            Parang ang korni at ang sakit sa tenga kapag nakikipatol ka pa sa mga isyung alam mo namang ang tagal tagal as in patay ka na ata ay di pa rin malulutas lols… tulad ng korupsyon na yan at mga pulitikong puro porma. Kung totoo lang sana ang magic at sumpa, how I wishbigla na lang sana silang mag- vanish! Hehe. As in, now na…


            Sana, araw-araw ay maaraw.
Viewing all 374 articles
Browse latest View live