Quantcast
Channel: KORTA BISTANG TIBOBOS
Viewing all 374 articles
Browse latest View live

"... alibi." ng buhay

$
0
0

Ika-29 ng Hunyo, 2014
Linggo, 12:37 ng tanghali


            Sa umaga pagkagising ko, ang unang tanong ko sa aking sarili ay “Anong oras na ba?”. Di naman ako makatingin sa wall clock, hindi naman kasi kalakihan, at isa pa ay malabo ang aking mga mata. Wala naman sigurong natutulog ng nakasalamin, kahit nagawa ko na yun nung mga haggard days ng aking buhay hahaha.

            Kapa ng kapa… para mahagilap ko ang cellphone sa aking kama. Minsan di ko alam na nadaganan ko na pala, o kaya ay sumuot na sa ilalim ng sapin kama. Kapag nakita ko na nagising ako ng mas maaga sa itinakda kong oras, matutulog ulit ako… at ang kasunod ay paggising ng huli. O kaya kapag sakto naman ang gising, hihirit pa ako ng “… mga 20 minutes pa,” sabay tulog ulit. At minsan, ‘super-bwisit’ (super? lol) kapag late ka na talaga nagising.

            I don’t wanna caught myself… mmm… you know lol.

 Ayokong makita ang buhay ko sa paraan na araw-araw na lang ay tatanungin ko ang sarili ko ng “Ano bang gagawin ko ngayon?”… Ayokong mabuhay para magtrabaho lang… o hindi ko gustong makita ang buhay na puro trabaho lang. Alam kong masaya kapag nakikita mong nagbubunga ang lahat ng effortmo sa iyong trabaho… pero may mas malalim pa akong dahilan na pinaniniwalaan kung bakit ako narito sa mundo. You know!

Ang gusto kong itanong sa sarili ko pagkagising ay ang mga sumusunod:

“Ano ang gustong-gusto kong gawin ngayon?”

Parang katulad lang naman nung una, nadagdagan lang ng “gustong-gusto” haha. Gusto ko talaga ang magbasa at magsulat. Pero ‘like na like’ din ako ng katamaran.

“Ano kayang bubuo sa araw ko ngayon?”

Tulad halimbawa nung nagpagawa ako ng Art Folio na sa di ko malaman na kadahilanan, bukod sa alam kong hunyango lang ako sa usaping sining hehe, di ko talaga lubos maisip na nagkakasakit na pala ang sining, imbes na Art Folio ang ilagay na pamagat sa kanilang portfolio, ang mahuhusay na bata ay inilagay ang ART POLIO o kaya ng ART FOLOIamazing! Lols. Gusto ko sana ilagay ang larawan ng mga gawa nila hahaha, kaso ang hard ko naman kung ganun. Yung bigla na lang nawala yung pananakit ng likod ko sa pagbubuhat ng mga bagay na iyon, dahil may ‘surprise!’ pala akong makikita.

“Sino kayang mami-meet o makakausap ko ngayong araw?”

Mas marami na ngayon ang nakakasama ko. At hindi sapat ang maghapon para lang mabigyan ko sila ng pagkakataon na kausapin ako. Alam mo naman, napaka-busy kong tao hahaha. Kaya alam ko na may punto o tagpo talaga na nakalaan kung kailan mo sila makakausap, yung hindi lang “hi and hello”, yung something meaningful, deep and sensible than that haha, at masaya ako na kahit pa’no I get to know them, one at a time.

“Ano naman kaya ang bagong matututunan ko ngayong araw?”

Na madalas ay kinakalimutan ko lang din, o di ko ina-absorb mabuti. Baka hindi pa ako ready haha.

Minsan sa sobra kong mapag-isip gusto ko na orasan ang lahat ng aking mga galaw, para lang magawa ko lahat ng sa tingin ko’y kailangan at gusto kong gawin. Halimbawa;

30 minutes lang sa pagbabasa ng libro sa umaga o kaya 1 chapter a day na hindi ko pa rin nagagawa hahaha,

5 to 10 minutes na stretching habang nakahiga sa kama lol,

2 hours na work preparation sa morning bago pumasok,

1 hour na pagkain at ‘me time’ sa umaga,

30 minutes na ligo, 15 minutes na pag-aayos, at 30 minutes before time sa pagpasok sa trabaho,

1 hour na pahinga pag-uwi, 2 hours na paggawa sa gabi para sa iba pang tasks,

7 hours na tulog ngunit dapat may 30 minutes to 1 hour na pagbabasa ng mga blogs o pagsulat kung hindi nasasabaw.

Lahat ng yan ay ‘waley’! Sinusunod ko pa rin ang ‘random oras’ ng buhay ko hahaha. Pakiramdam ko mas mamamatay ako ng maaga kapag ganyan ang buhay. Ayokong orasan ang aking buhay, gusto kong damhin ang mga oras na ako’y nabubuhay.

Yan ang alibi.




"...di na kailangan pa ng starbucks with piktyur-piktyur."

$
0
0

Ika-30 ng Hunyo, 2014
Lunes, 7:43 ng gabi


            May lagnat at sipon… ganyan ang drama ng kalusugan ko noong Sabado at Linggo… hanggang ngayon. Yung naluluha ang iyong mga mata kahit di ka naman nanunuod ng drama, yung ang init ng singaw ng hangin sa ilong mo at ramdam mo yung nanunuot na sipon sa dulong itaas na bahagi ng iyong ilong na nagpapabangag sa iyong mata at nakapagpapa-ngongo sa iyong pagsasalita.

            Gusto ko man gumawa (o pabor rin na di ako makagawa? haha), wala akong choice kundi ang magpahinga. Noong linggo, hindi ko talaga alam kung paano ko uumpisahan ang lunes na ito… wala ako sa mood(lagi naman ‘pag lunes)… wala akong lakas kumilos… wala ako sa tamang wisyo para mag-isip.

            Hindi ko alam kung pa’no ko iha-handle ang mga bata gayong napakahina ko ngayong araw. Akala ko lalo lang akong maha-haggardkapag nakita ko na sila… pero sa di ko malamang dahilan, sila pa yung naging daan para kahit paano ay magkaroon ako ng kaunting lakas. Masokista ba ang tawag dito? Hahaha. Naalala ko tuloy yung kaklase ko.

            Hindi ko rin mawari kung paano ako haharap sa mga nagpapanggap na bata o mga malalaki na pero isip bata hehe, hindi ko alam kung mage-gets ba nila ako ngayong araw o baka pauupuin na lang nila ako dahil baka hindi nila gustong makita akong nanghihina. Pero bigla na lang din, hindi ko rin inasahan, na parang na-enjoy ko pa ang makipag-usap at makipag-tawanan sa kanila.

            Ang weird. Bigla ko na lang nakalimutan yung sakit ko.


x-o-x-o-x


            Pag-uwi, dumaan muna ako sa isang tindahan para bumili ng instant noodles(no cook just add hot water lol). Pero hindi Yakisoba ang binili ko (tulad nung nakagawian namin nung magkakasama pa kami), ang binili ko ay Yakiudon Chili Crab!

            Damang-dama ko dati ang pagkain ng Yakisoba with chicken neck at balot! Ganun kasi yung ginagawa namin matapos ang maghapon na trabaho. Ganun lang kasimple ang pampatanggal namin ng pagod, di na kailangan pa ng starbucks with piktyur-piktyur hahaha. Idagdag mo pa ang kwentuhan at tawanan, wala ka nang hahanapin pa.

Pero sa ngayon ako muna ang gagawa nun mag-isa, saka na lang ulit daragdagan ng chicken neck at balot ‘pag nagkasama na ulit kaming lahat.

            Masakit pa rin ang lalamunan ko ngayon kaya mas pinili kong bilhin ang Yakiudon, di ko pa kasi kaya sa ngayon ang alat ng Yakisoba hahaha.  At least yung Yakiudon parang lantang noodleslang na may kaunting lasa at maanghang, swak na ito sa kalagayan ko bilang may karamdaman lols.

            Hindi ko sinasabing napakasaya ko ngayong araw, pero may mga tagpo na naging masaya ako. Okay na yun! Choosy pa ba? Hahaha.



"At hindi talaga ito diary…"

$
0
0

Ika-02 Hulyo, 2014
Miyerkules, 7:59 ng gabi


            Sa pakiwari ko ay mas okay ang pumasok sa umaga, animo’y nakaka-fresh ang sunshine! Yung makikita mo na nakangiti pa ang mga tao at feeling fresh din (tulad ko). Idagdag mo pa na yung mga taong nakakasalubong mo sa hapon, ‘pag umaga pala ay marunong bumati sa iyo na may kasama pang smile!

Di kahalintulad kung ikaw ay papasok sa tanghali, lakas maka-haggard ng itsura. Yung kakaayos mo pa lang pero paglabas mo parang kagugulo lang din ng itsura mo hehehe. Na yung bawat makakasalubong mo ay nakakunot ang noo, hindi naman dahil sa badtrip siya nang ikaw ay makita (o maaari ring ganun na nga hahaha), at nakakunot-noo ka rin naman dahil sa sobrang init na nakakapagpapawis sa iyo, sa alin mang parte ng iyong katawan na may pores!

            Sa bawat pagtatapos ng isang araw na pakikipag-kame-hame-wave sa mga bubwit na makukulit, pag-uwi ko ay bitbit ang kwento ng kabwisitan o kasiyahan kay nanay. Naging bonding na namin yun ng nanay ko. Kukwentuhan ko siya ng mga nakakagigil na eksena o mga epic fail na moment. At kukwentuhan din naman niya ako ng mga nangyari sa kanya sa maghapon – yung mga napanuod niya o nabalitaan sa tv (tulad ngayon ibinalita niya sa akin na may lung cancer pala sa Miriam), mga usaping pampamilya o kaya ay tungkol sa mga kapitbahay namin na best in reporting and sharing ng patungkol sa buhay ng iba lols.

            Wala lang.

            Na-appreciate ko lang na kahit medyo hapong-hapo na ako sa mga nangyari sa akin buong araw, at least pag-uwi ko ay may makukwentuhan ako ng kung anek-anekna kaganapan sa aking buhay.

            At hindi talaga ito diary… mukha lang.

"Demanding."

$
0
0

Ika-03 ng Hulyo, 2014
Huwebes, 9:21 ng umaga


            Hindi na araw ang binibilang ko para aking malaman kung malapit na ba ang TGIF! Yung bilang ng nakasabit na uniform sa likod ang aking pinto ang tinitignan ko at nagsisilbing hudyat na habang kumukonti ang bilang nila sa paglipas ng araw ay malapit na talaga ang araw ng pahinga. Katulad ngayon, dalawang uniporme na lang ang nakasabit, susuotin ko ang isa mamaya, at pag-uwi, isa na lang ang aking daratnan, at bukas ay katuparan na ng mga katamaran sa buhay hahaha.


Pagpapatuloy…
7:55 ng gabi


            Ewan ko kung ako lang ba… ang hindi excited kapag malapit na ang birthday ko o ng iba. Noong bata pa kasi ako, wala namang tagpo na talagang tumatak sa alaala ko na magsasabing “ganito pala ang masayang birthday!”… di naman sa hindi ako masaya tuwing birthdayko… masaya naman kasi maraming tao noon at may handa, mga regalo at iba pa. Habang lumalaki kasi ako wala na akong ibang nakita sa mga nagsi-celebrate ng birthday kundi handa at mga regalo… naisip ko, wala na bang ibang paraan ng pagdaraos ng iyong kaarawan? Puro paghahanda at kainan na lang?

            Hindi ko naman isinasantabi ang kaisipan na masaya rin talaga kapag nagkakasama-sama kayo para kumain at mag-enjoy… pero sa pinakaloob ko, lagi kong tinatanong at hinahanap kung ano pa ba ang mas hihigit pa rito… sa mga bagay na nakagawian na tuwing ganitong okasyon.

            Sana may iba pa.

            Demanding. Hahaha.


Chapter 25

$
0
0

Ika-06 ng Hulyo, 2014
Linggo, 8:12 ng gabi


            May tatlong makapangyarihang tao sa bahay namin pagdating sa paggamit, panunuod at pagpili ng programang panunuorin sa telebisyon. Pinaka ‘da best’ na ang kapatid ko na magdamag nakabukas ang tvsa kanyang kwarto. Sa sala naman, sa umaga ay ang nanay ko ang reyna ng mga istasyon. Bawal ilipat kapag mga inaabangang palabas niya ang pinanunuod. Sa gabi naman, lalo na kung may laro ng ‘basketbol’ay ang tatay ko ang nagmamaneobra sa remote control, kahit nakapikit na siya, nanunuod pa rin daw siya, kaya di kami nagtatangka na patayin ang tv kung ayaw mong mag-huramentado siya hahaha.

            Eh apat lang naman kami sa bahay, kaya ako… walang naiwan na ‘sked’ sa akin para manuod ng tv. Pero ‘oks’ lang basta may wifi at radyo… pwede na yun sa akin!

            Pero ang totoo niyan…

            …ang hindi ko talaga matanggap ay –

            … bente-singko anyos na ako!

            Tadhana! Parang hindi ko to ‘keri’ ah lols.


"...tumbling." Me :)

$
0
0

Ika-07 ng Hulyo, 2014
Lunes, 11:04 ng gabi


            Ang sakit sa noo (hindi sa bangs, dahil malapad na noo lang ang meron ako) ng mga estudyante ngayon. Straightforward na kung magtanong, parang wala lang, walang pagdadalawang-isip, walang kaabog-abog.

            Mga pasado alas-singko ng hapon (sa huling klaseng pinasukan ko) ang pinag-uusapan namin ay –

            “Embrace a wholesome attitude toward sex matters.” (na parte lamang ng discussion).

            Habang nagpapaliwanag ako bigla na lamang may nagtanong…

            “Sir! Kayo may experience na kayo?”

            Dedma lang ako… tuloy pa rin sa aking sinasabi, pero sa loob ko iniisip ko kung sasagutin ko ba ang tanong ng mga mapagpanggap na isip bata…

            …sinabi ko na lang na –

            “Basta tandaan niyo, ang sex ay dapat lang mangyari after marriage.”

            Sa isip ko napatanong din ako, tama ba yung sinabi ko? Haynaku…

            Eh may humirit pa –

            “Eh sir bakit sa US, parang basketball lang?”

            Napatingin ako sa kanya (gusto ko siyang tunawin sa aking mga tingin haha), nais ko sanang sabihin na “pwede bang paki-explain yung parang ‘basketball’ lang?”. Hindi ko kasi alam kung tugma ba yung nasa isip ko sa sinabi niya o baka namali lang ako ng dinig… pero hindi eh, yun talaga ang pagkakabanggit niya…

            May-I-explainna lang ako ng…

            “Ganito kasi, iba ang kultura natin sa kanila, kaya wag niyo i-compare.”

            Lols.Hindi ko na naman alam kung tama ba yung sinabi ko.

            Hindi ko alam kung awkward moment ba yun. Pakiramdam ko nagka-bangs ako bigla… at ang bigat nun!

            Haynaku ulit... Bakit ganyan kayo… tumbling.


"...ang poker face ko..."

$
0
0

Ika-08 ng Hulyo, 2014
Martes, 8:06 ng gabi


            Siguro… masyado ko na namang ginagamit ang poker face ko… o baka hindi ko na naman namamalayan na iba yung pinapakita ng mukha ko sa nararamdaman ko lols.

            Nang masalubong ko si Sir M kanina sa hagdanan, akala niya marahil ay nakasimangot ako or malungkot, at bigla na lang niya sinabi na “Mag-smile ka naman! Enjoy life! Masaya kaya ang magturo,” napa-smile din tuloy ako na may halong pagka-shock hahaha, naisip ko kasi “ay naku, naka-poker face na naman ako”. Hindi naman kami close ni Sir M, pero approachable pa rin siya as a person lalo na sa aming mga bago, at laging mataas ang kanyang energy.

            At kanina naman pag-uwi, nakita ko ang makulit na batang si Morgan na nakasakay sa L300, sa bandang unahan at nakabukas ang window. Napalapit ako sa sasakyan dahil papatawid ako sa kabilang kalsada, at medyo ma-traffic. Bigla na lang lumapag ang kamay ni Morgan sa aking balikat, nagba-byeat walang anu-ano’y sumigaw pa ng “Sir kaya mo yan!”. Habang papalayo, napa-big smile na naman ako na may kahalong pagtataka na “ano ba 'tong mga mensahe na nababanggit sa akin ngayong araw.” Hindi ko alam kung bakit ganun ang mga natatanggap ko.

            Bakit nga kaya?...

            Abangan.


"...daanin na lang sa lotion."

$
0
0

Ika-10 ng Hulyo, 2014
Huwebes, 8:48 ng gabi


            “Almusal?”… pag-uuyam ng nanay ko sa binili kong tapsilog ngayong gabi hahaha. Nawala sa isip ko na “ispageti” nga pala ang iluluto niya; ang natandaan ko lang sa sinabi niya kaninang umaga ay hindi siya magluluto ngayong gabi ng ulam at kanin… sana pala “pidza”na lang inuwi ko. Ang ending, hindi ako nakakain ng luto niyang “ispag” dahil nabusog na ako sa inuwi kong pang-almusal na “tapsi”.

            “Kaw ah, isnabero ka,” ang nabanggit sa akin ng nakasalubong kong kasama sa hanap-buhay ngayon. Gabi na kasi… saka nanibago yung mata ko kasi sanay akong makita siyang naka-uniform. Idagdag pa na buntis pa siya nung huli ko siyang makita mga 4-5 taon na ang nakaraan, kaya yun na yung tumatak sa isip ko haha(‘gang ngayon dapat buntis?). Kahit pa nga naka-uniform na siya, mga ilang segundo pa bago ko ma-recognize na siya na pala yun dahil iba na talaga ang itsura ni ma’am ngayon.

            At saka madalas naman akong masabihan na ‘isnabero’ porke ba minsan ay hindi ako nakasalamin, malay ko ba kung kinakawayan nila ako o papalapit na pala sila sa akin hehe.

            Nawalan bigla ng tubig… pinagkasya ko ang isang timbang tubig para maligo… parang bitin… daanin na lang sa lotion.




"may bumisitang superstar..."

$
0
0

Ika-17 ng Hulyo, 2014
Huwebes, 7:51 ng gabi


            Parang may bumisitang “superstar”kung maghiyawan ang aming mga kapitbahay kagabi dahil nagkailaw na matapos ang halos isang araw na kawalan ng kuryente. Kahalintulad ng mga araw na may laban si Pacman sa tv! Nag-celebrate talaga sila hahaha(syempre ako din, pasimple lang habang nilalamok sa kama). Tandang-tanda ko, 8:44 pm nangyari yun (oras sa papa-lowbat kong cellphone).

            Si Mareng Glenda kasi daig pa super saiyan! Kitang-kita ko sa mga palaisdaang nakapalibot sa lugar namin kung paanong kumukurba pailalim ang tubig sa lakas ng hampas ng kanyang hangin. Animo’y bumababa si Goku sa tubigan at nahahawi ang tubig sa lakas ng kanyang puwersa. Ganun.

            Akala ko dati OA ang mga howling soundsng hangin sa mga pelikula. Pero, totoo pala! Minsan napakatinis na tunog tulad ng boses ng mga nagtitiliang bata, o kaya naman ay tunog ng boses ng isang lalaking may napakalaki at mababang boses. Ganyan.

          Grabe. Mabuti na lang at hindi bumaha sa amin. At hindi naman malaki ang pinsala. Kaya magpasalamat tayong mga hindi masyadong nasalanta at ipanalangin na makabawing muli ang mga lubos na naapektuhan.

            At sana tumingkad na ulit sa sikat ng araw ang langit.

            Kasi nakakatamad kapag makulimlim. O baka sadyang tamad lang ako.

            Eh ano.



"There Is a Light That Never Goes Out"

$
0
0


Ika-19 ng Hulyo, 2014
Sabado, 7:37 ng gabi


"There Is a Light That Never Goes Out"
The Smiths

Take me out tonight
Where there's music and there's people
Who are young and alive
Driving in your car
I never never want to go home
Because I haven't got one anymore

Take me out tonight
Because I want to see people
And I want to see life
Driving in your car
Oh please don't drop me home
Because it's not my home, it's their home
And I'm welcome no more

And if a double-decker bus
Crashes in to us
To die by your side
Is such a heavenly way to die
And if a ten ton truck
Kills the both of us
To die by your side
Well the pleasure, the privilege is mine

Take me out tonight
Take me anywhere, I don't care
I don't care, I don't care
And in the darkened underpass
I thought Oh God, my chance has come at last
But then a strange fear gripped me
And I just couldn't ask

Take me out tonight
Oh take me anywhere, I don't care
I don't care, I don't care
Driving in your car
I never never want to go home
Because I haven't got one
No, I haven't got one

And if a double-decker bus
Crashes in to us
To die by your side
Is such a heavenly way to die
And if a ten ton truck
Kills the both of us
To die by your side
Well the pleasure, the privilege is mine

Oh, there is a light and it never goes out
There is a light and it never goes out
There is a light and it never goes out
There is a light and it never goes out
There is a light and it never goes out
There is a light and it never goes out
There is a light and it never goes out
There is a light and it never goes out
There is a light and it never goes out


x-o-x-o-x




            Dahil pakiramdam ko ay masyado na atang mainstream ang selfie sa facebook, kaya dito na lang para makabawas suya sa mga nakikita sa newsfeed hahaha.

            Ganito ang “haggard-saturday-look”… hindi nagsusuklay, walang pakialam kung may balbas o bigote. Mukha talaga akong makaluma hahaha. I feel like an old soul... Lahat na lang ng kanta ng The Smiths napagtitripan ko.

            Ang mukhang ito ay bilang ganti kay Glenda. Lols.



"Drops of Jupiter"

$
0
0

Ika-20 ng Hulyo, 2014
Linggo, 10:30 ng gabi


"Drops Of Jupiter"
By: Train

Now that she's back in the atmosphere
With drops of Jupiter in her hair, hey, hey, hey
She acts like summer and walks like rain
Reminds me that there's a time to change, hey, hey, hey
Since the return from her stay on the moon
She listens like spring and she talks like June, hey, hey, hey
Hey, hey, hey

But tell me, did you sail across the sun?
Did you make it to the Milky Way to see the lights all faded
And that heaven is overrated?

Tell me, did you fall for a shooting star–
One without a permanent scar?
And did you miss me while you were looking for yourself out there?

Now that she's back from that soul vacation
Tracing her way through the constellation, hey, hey, hey (mmm)
She checks out Mozart while she does tae-bo
Reminds me that there's room to grow, hey, hey, hey (yeah)

Now that she's back in the atmosphere
I'm afraid that she might think of me as plain ol' Jane
Told a story about a man who was too afraid to fly so he never did land

But tell me, did the wind sweep you off your feet?
Did you finally get the chance to dance along the light of day
And head back to the Milky Way?
And tell me, did Venus blow your mind?
Was it everything you wanted to find?
And did you miss me while you were looking for yourself out there?

Can you imagine no love, pride, deep-fried chicken?
Your best friend always sticking up for you even when I know you're wrong
Can you imagine no first dance, freeze dried romance, five-hour phone conversation?
The best soy latte that you ever had and me

But tell me, did the wind sweep you off your feet?
Did you finally get the chance to dance along the light of day
And head back toward the Milky Way?

And tell me, did you sail across the sun?
Did you make it to the Milky Way to see the lights all faded
And that heaven is overrated?

And tell me, did you fall for a shooting star,
One without a permanent scar?
And did you miss me while you were looking for yourself?

Na, na, na, na, na, na, na, na, na, na, na

And did you finally get the chance to dance along the light of day?
Na na na na na na na na na na na na na na
And did you fall for a shooting star, fall for a shooting star?
Na na na na na na na na na na na na na na
And now you're lonely looking for yourself out there.


x-o-x-o-x


            Ano na ba ang tema ng blog ko ngayon? Lyrics na ng mga kanta ang laman.

            May naisip akong proyekto sa sarili ko… na dati ko pa naman ginagawa. Nahinto lang kasi lahat ng files ko noon ay nawala. Sayang yung ilang taong pagtitiyaga ko sa pagkuha ng larawan ng mukha ko para lang ma-document ko ang proseso ng aking pagtanda… araw-araw isang picture… ibig sabihin, araw-araw na pampasuya lols. Ngayon uumpisahan ko na ulit siya… at isi-shareko na sa aking blog hahaha, dagdag kasuklaman sa mundo!

Eh ano. Hehehe.


Dalampu't limang taon at labing-apat na araw.
Medyo nakapagsuklay na. Haggard pa rin.
Kakauwi lang ng bahay. Amoy usok...
...ang kalsada. Lols.




"Somewhere Only We Know"

$
0
0

Ika-21 ng Hulyo, 2014
Lunes, 8:27 ng gabi


"Somewhere Only We Know"
Keane

I walked across an empty land
I knew the pathway like the back of my hand
I felt the earth beneath my feet
Sat by the river and it made me complete

Oh simple thing where have you gone?
I'm getting old and I need something to rely on
So tell me when you're gonna let me in
I'm getting tired and I need somewhere to begin

I came across a fallen tree
I felt the branches of it looking at me
Is this the place we used to love?
Is this the place that I've been dreaming of?

Oh simple thing where have you gone?
I'm getting old and I need something to rely on
So tell me when you're gonna let me in
I'm getting tired and I need somewhere to begin

And if you have a minute why don't we go
Talk about it somewhere only we know?
This could be the end of everything
So why don't we go
Somewhere only we know?
Somewhere only we know?

Oh simple thing where have you gone?
I'm getting old and I need something to rely on
So tell me when you're gonna let me in
I'm getting tired and I need somewhere to begin

And if you have a minute why don't we go
Talk about it somewhere only we know?
This could be the end of everything
So why don't we go?
So why don't we go?

Ah-ah-ah
Ah-ah-ah

This could be the end of everything
So why don't we go
Somewhere only we know?
Somewhere only we know?
Somewhere only we know?


x-o-x-o-x



Dalawampu't apat na taon at labing limang araw.
10:45 ng umaga. Damang-dama ko pa ang 'sunshine'.
Pampa-'good vibes' bago pumasok sa eskwela.

'Feeling fresh' kahit di naman hahaha.


7:04 ng gabi... kauuwi lang.
Ano pa bang bago?
Haggard.
Lols.

"Yellow"

$
0
0

Ika-22 ng Hulyo, 2014
Martes, 8:23 ng gabi


"Yellow"
By: Coldplay

Look at the stars,
Look how they shine for you,
And everything you do,
Yeah, they were all yellow.

I came along,
I wrote a song for you,
And all the things you do,
And it was called "Yellow".

So then I took my turn,
Oh what a thing to have done,
And it was all yellow.

Your skin,
Oh yeah your skin and bones,
Turn into
Something beautiful,
You know,
You know I love you so,
You know I love you so.

I swam across,
I jumped across for you,
Oh what a thing to do.
'Cause you were all yellow,

I drew a line,
I drew a line for you,
Oh what a thing to do,
And it was all yellow.

Your skin,
Oh yeah your skin and bones,
Turn into
Something beautiful,
And you know,
For you I'd bleed myself dry,
For you I'd bleed myself dry.

It's true,
Look how they shine for you,
Look how they shine for you,
Look how they shine for,
Look how they shine for you,
Look how they shine for you,
Look how they shine.

Look at the stars,
Look how they shine for you,
And all the things that you do.


x-o-x-o-x


            May mga bagay na gusto mong seryusohin pero ‘wag na lang. Kasi nakaka-nega lang ng buhay. Minsan di ko alam kung paano ako nakaka-survive sa bawat paglipas ng araw. Ang alam ko lang kahit may mga alalahanin, lagi pa rin namang natatapos ang araw at bukas ay panibagong simula ulit… ng hirap at pasakit hahaha… ng mga dapat isipin… ng mga surprises ng buhay sa’yo… at ng mga hindi mabilang na blessings!


            Kaya ngumiti ka na lang… kaysa mag-alburuto… kaysa magreklamo.


Dalawampu't limang taon at labing anim na araw.
7:44 AM... inaantok pa.
Pero kailangan pumasok ng maaga.
Gusto ko na matapos ang week na ito.
'More power to myself hehehe.'


"I love my neighbors! So much."

$
0
0

Ika-27 ng Hulyo, 2014
Linggo, 10:48 ng umaga


            Every month ay may “videoke festival”dito sa aming lugar. Tulad ngayon, actuallykahapon pa, walang tigil sa pag-atungal ang mga pipol dito sa amin. At ang mas matindi, may mga neighborhood din kaming magsa-sound trip pa, basagan ng eardrums ang tema.

            Daig mo pa ang may psychosis, kapag nandito ka sa lugar namin. Naririnig mo na ang paghiyaw ng mga nagvi-videoke, maririnig mo pa ang mga basag na sound system ng ilang ayaw magpadaig na neighborhood namin. Nasa gitna pa man din kami. Ikasasakit lang ng ulo mo kung magtatangka ka pang manuod ng tvo makinig ng radyo, o magpatugtog din… dahil super halo-halo na ang iyong maririnig. Parang dagdag asar pa sa iyong sarili kapag ginawa mo yun. Lols.

            Kakaiba na ang panahon ngayon. Maambunan ka lang, lalagnatin ka na. O baka ako lang ang ganun. Ang init-init ko ngayon, pero di pa rin ako hot. Hahaha.

            Nakakabaliw yung ingay. Di ko alam kung saan ako pupunta. Kapag sa kwarto, kahit isara mo na lahat, maingay pa rin.

            Bonggatalaga ‘tong mga kapitbahay namin.

            I love my neighbors! So much.

            Ang sarap magreklamo sa barangay. Hahaha.


Para sa mapagpanggap kong lamesa...

$
0
0

Ika-29 ng Hulyo, 2014
Martes, 9:27 ng gabi


            Sa panahon ngayon, bihira na kaming magsabay-sabay sa pagkain. Kaya kagabi, damang-dama ko yung tagpo na nagkasabay kaming kumain ng nanay at tatay ko ng hapunan. Pakiramdam ko bumalik muli ako sa pagkabata… nung panahon na lagi pa kaming sabay-sabay kung kumain. Magiliw akong nakinig sa kanilang usapan… ganun pa rin ang lenggwaheng ginagamit nila… bikolano… natutunan ko na lang na makaintindi ng bikol dahil na rin sa mga pag-uusap ng nanay at tatay ko.

            Mabuti na lang parehas silang good mood kagabi… kaya kwentuhan talaga ang aking natunghayan… hindi bangayan hahaha.

            Kaninang umaga naman ay sumama ako kay nanay sa palengke. Alam niyang sumasama lang ako kapag meron akong gustong bilhin. Natawa lang siya kasi akala niya sa Mercuryako bibili ng kung anek-anek… yun pala cactus lang ang gusto ko lols. Naisipan ko kasing maglagay ng halaman sa lamesa ko (na parang hindi naman lamesa), pero ayoko ng may dahon, saka dapat hindi mahirap i-maintain, kaya naisip ko na cactus na lang. Kaso, nabigo ako… hindi nakapag-alaga ng magagandang cactusyung binibilhan namin ng halaman. Pero sakto naman na may lakad si Mudra… iuuwi niya daw ako ng cactus pagbalik niya. Hangsweet hahaha.

            Mga bandang tanghali naman ay gumagawa kuno ako ng mga paperworks, para mapigilan ko ang sarili kong mawalan ng pasensya at focus nakikinig ako sa 98.7na istasyon na nagpapatugtog ng mga klasikong musika… nakakaaliw hahahafeeling ko ang bagal ng oras… bukod pa dun nakaka-relax. Tuwing linggo naman ng gabi ay nakikinig ako sa Jam 88.3 different Sunday!

            Madalas napapansin ang isang tao kapag maingay siya… pero ako napapansin dahil ang tahimik ko daw. Very unusualna ba ang maging tahimik? Lols. Nangingibabaw na naman ang pagiging introvertko. Sa isip ko kung naiintindihan lang ng mga tao kung ano ang behavior ng isang introvert na tao, siguro hindi na sila magtatanong kung bakit ang tahimik namin… pero higit pa kami sa pagiging tahimik. Ayoko mag-explain. Basta! Hahaha.

            Habang papauwi ako kanina mula sa sarili kong gawa na roadtrip may isang batang nanlilimos na bigla na lang sumampa sa jeep. Nangungulit na makahingi ng barya. Grabe… di pa nakuntento… pumulupot pa sa mga binti ko… di ko alam kung anong gagawin ko. Yung isang pasahero kasi sinungitan na s’ya eh pano medyo nakakaasar din ang pangungulit niya. Gusto ko na sana siyang i-kame-hame–wavepara makawala sa pagpulupot niya sa aking binti. Pero wala akong magawa. Hinayaan ko lang. Mukha kaming mag-bestfriendkanina hahaha. Mabuti na lang naisipan rin niyang bumaba, akala ko di siya bibitaw sa akin. Bumaba siyang yamot kasi wala siyang nakuhang barya. At limang bata sa buong byahe ko ang nagpanik-panaog sa jeep. Kawawa naman. Ganito na ba ngayon ang mukha ng kahirapan?...

            At pag-uwi ko, fresh na fresh pa mula sa usok mula sa mga tambutso, nadatnan ko sa bahay ang 3 cactuseses hahaha. Nakabili nga si Mudra! Ako na daw ang magsalin sa maliliit na paso kasi mabigat daw ang kanyang kamay sa mga halaman. At itong isa ang inilagay ko sa nagpapanggap kong lamesa:






"Wala bang ano? You know..."

$
0
0

Ika-03 ng Agosto, 2014
Linggo, 8:42 ng gabi


            Ngayong oras pa lang ako kakain ng hapunan… bale dalawang empanada (chili beef at tuna mula sa Yumpanada lols) at isang mug ng malamig at namumuong inumin na Milo! Napagod ako sa alay-lakad namin ni mudra… na medyo nakakainis mula umpisa hanggang gitna, bandang huli na lang ako medyo natuwa hahaha.

            Sa pagod ko, parang di ko na ramdam pa ang kumain ng ulam at kanin.

            Wala namang espesyal na nangyari sa aming lakad. Maliban na lang sa pagka-soplak ko sa mukha ng isang bata, syempre di naman sadya. Hindi ko naman kasi siya napansin habang naglalakad ako sa gitna ng maraming tao… bilang animo’y zombieako kung maglakad, tumama ang aking galamay sa kanyang face, nung nilingon ko mukhang nasaktan siya kaya binilisan ko na lang ang paglakad hahaha. Bad!

            *ngumunguya habang naghihintay ng susunod na ita-type…*

            Ang masasabi ko lang… masarap naman ang tuna at chili beef flavor na empanada ng Yumpanada! Hindi ko alam kung gutom lang ako pero swak naman ang lasa, lalo na’t mainit-init pa. Pasok din ang Milo pampatanggal suya o pambali ng lasa.

            Food blogger na me? Lols…

            Wala lang… damang-dama ko lang na… ngayon ay nakikinig din ako sa “Different Sunday on Jam 88.3”. Try niyo… emote-emote ang peg… pero sa akin kasi nakaka-relaxat nakakapag-muni-muni. Isa ito sa mga dahilan kung bakit parang ayokong matapos ang Sunday night!

            Ang dami ko na na-promote. Yumpanada. Milo. 88.3!

            Wala bang ano? You know!... kahit kaunting bagyo ng biyaya hehehe.


"Iba pa rin kapag..."

$
0
0

Ika-05 ng Agosto, 2014
Martes, 11:09 ng gabi


            Matutulog na sana ako… kaso sa di ko malamang dahilan, bigla ko na lang naalala ang mga “kowtabol kowts” ni nanay nung nasa ‘hiskul’ pa ako.

            Kapag nakikita niyang naha-haggard na ako sa pagri-review para sa exam(at mukhang parte na ata ng buhay ko ang maging haggard hahaha) sasabihin niya –

            “Hay naku! Bukas ka na mag-review, gabi na! Wala nang papasok d’yan sa utak mo. Gumising ka na lang ng maaga, para fresh pa yang memorya mo; madaling-araw ka mag-review.”

            Tapus babanatan pa niya ng –

            “Ako nga nung nag-aaral ganun ginagawa ko!”

            Sa isip ko, “Weh? Hindi nga Ma?” hahaha. Pero sinusunod ko rin naman ang payo niya, at effective din naman. Kaya ngayon, lagi kong iniisip na mas okayna yung matulog ng maaga at gumising na lang din ng maaga kung marami kang gagawin. Mahirap kasing sundan ang panibagong araw ng puyat.

            At mahilig pang mang-asar ang nanay ko kapag naaaligaga na ako sa mga projects. Ilan sa mga linya niya ay –

            “Oh ano? Bakit ngayon mo lang ginagawa yan? Wala ka talaga! Ang haba-haba ng tinulala mo tapus ngayon nagkukumahog ka. Lagi kang LAS-MI-NIT gumawa.”*with ngiti at tawa niyang nang-aasar lols*

            Naiinis talaga ako noon kasi nagmamadali na nga akong tapusin yung mga ginagawa ko, tapus parang nadi-discourage pa ako sa mga sinasabi ng nanay ko hahaha. Pero ‘pag natapos ko naman at mataas pa rin ang nakuha kong gradesa project, ipinapakita ko yun sa kanya at sa loob ko gusto kong sabihin na “Kala mo ah!”hehehe.

            Wala lang. Siguro na-miss ko lang na pagsabihan ako ng nanay ko. Ngayon kasi na may trabaho na syempre ikaw na ang may hawak ng iyong oras, at hindi na rin naman ako bata (feeling lang). Ako na lang ang nagagalit sa sarili ko sa aking mga katamaran hahaha.

Iba pa rin kapag si mudra.


"Gray Matter"

$
0
0

Ika-09 ng Agosto, 2014
Sabado, 9:08 ng gabi


Pamagat:         “GRAY MATTER”
Ni:                    David I. Levy, MD with Joel Kilpatrick

            Ito ang unang libro na natapos kong basahin ngayong taon whahaha. Bakasyon pa nung nabili ko ang libro (sa Booksale, P155 lang), pero dahil sa ubod ako ng sipag magbasa, ngayon ko lang siya natapos (mga 30 minutes pa lang ang nakalipas) pati mga footnotesat epilogue!

            Ito ay hango sa totoong-buhay. Mga pangyayari sa isang neurosurgeon na si Dr. David I. Levy. Nagkaroon ako ng interes na basahin ang libro dahil sa linya nito na – “A neurosurgeon discovers the power of prayer… one patient at a time.”

            Nakaka-amaze basahin kasi para ka na ring nanuod ng mga “medical drama” tulad ng Grey’s Anatomy(minus the mahaharot part dahil walang ganun sa libro hahaha) o kaya ng House MD.

            At nakakatuwa kung gaano ka-detalye yung mga procedure na ginagawa kapag halimbawa ay may aneurysm ang isang tao; ang daloy ng kwento ay hindi nagmu-mukhang textbook na pang-medisina. Aliw na aliw din akong sa pagme-memorya ng mga medical conditions/terms na nababanggit sa libro. Sa mga unang chapter kasi buo pa ang pagkakasulat sa mga termino pero sa mga sumunod na kabanata ay naka-abbreviate na ito.

            Para siyang koleksiyon ng mga na-encounter na pasyente ni Dr. Levy. Mula mga bata hanggang matatanda, ‘from different walks of life’ ika nga. Damang-dama ko ang drama mula sa buhay ng mga pasyente at sa loob ng operating room. Ang pagiging matagumpay ng bawat operasyon at ilang pagkabigo. Mga pagdududa at pagkapit sa pananampalataya mo sa Diyos. Yung nari-realize mo kung gaano ka-diverse ang buhay ng mga tao. Lahat ay may pinanggagalingan, lahat ay may kanya-kanyang tadhana at kwento.

            Ang pinakamaganda marahil sa libro ay kung paano ginawang parte ni Dr. Levyang pagdarasal para sa kanyang mga pasyente. Na yung bawat isa sa kanila, pati na rin siya, ay gumaling (although meron ding hindi) mula sa kanilang pisikal sa karamdaman kasabay ng kanilang paglago sa kanilang espirituwal na buhay.

            Parang “siyensya plus pananampalataya”. Ganun.





“Nong ideal d8 mgsuicide?”

$
0
0

Ika-10 ng Agosto, 2014
Linggo, 7:57 ng umaga


Pamagat:          “LIGO NA U, LAPIT NA ME”
Ni:                      Eros S. Atalia


            Unang kabanata pa lang, na-hook(or nahayok hahaha) na agad akong basahin nang tuloy-tuloy ang libro, pero pinigilan ko ang sarili ko, ayoko matapos agad ang binabasa ko. Naisip ko, mas mabilis ako magbasa ng tagalog kumpara mga ingles na babasahin. Lalo na sa estilo ng pagsusulat ni Sir Eros, simple lang at madaling maintindihan at nakaka-relate ang madlang pipol tulad ko. Kapag ingles kasi, naiinis ako kapag may salitang noon ko pa lang na-encounterhahaha, kahit pa alam ko naman ang kahulugan sa pamamagitan ng contextual clues(na turo ng English teacher ko nung high school), hindi ko matiis na hindi hanapin ang eksaktong kahulugan niya kay Merriam.

            Ngayong araw, unang kabanata pa lang ang binasa ko – Himagsik at Lantik ng Physics. Bilang science major(daw), naka-relate agad ako sa unang parte ng kwento… ang paggamit ng “index card” para sa mga formula na magsasalba sa iyo sa exam. Naalala ko kapag examnamin sa Physics, bukod sa lamang ang may nabasa at talino, yamado ka rin kapag kumpleto ang set of equations ng index card mo! Hahaha.

            Saka yung moment na kapag tapos na yung exam, bigla na lang susulpot ang “tanungan-here-tanungan-there” portion na pagkukumpara ng mga sagot, na matutuwa ka na kapag may kaparehas ka ng sagot, basta parehas kahit di muna tama hahaha. Ang saya ng unang kabanata, parang nakita kami ni Sir Eros nung nag-i-exam kaming mga magka-klasmeyt at bigla na lang niya ikinuwento. Ganun.

            “Nong ideal d8 mgsuicide?”– tanong na Jen kay Intoy. Na ang daming rason ang ibinigay ni Intoy, na lahat na lang inirason, pero wala naman siyang na-rekomendang araw o buwan. Di ko alam kung sadyang ganun para pahagip na mapigilan ang balak ni Jen.

            Excitedna ako sa next chapter. Sa mga nakabasa na. Kayo na. Lols.


"Hanggang kailan may bukas?"

$
0
0

Ika-11 ng Agosto, 2014
Lunes, 7:46 ng gabi


            Kaninang umaga ay katatapos ko pa lang basahin ang ikalawang kabanata ng libro ni Sir Eros na Ligo Na U… ang pamagat ng chapter two ay – Got to Believe in Ethics.

            Sa totoo lang hindi pa masyadong nagsi-sink in sa akin ang karakter ni Intoy… kasi sa mga pahayag niya pakiramdam ko si Sir Eros pa rin ang nagkukwento… napakanatural lang kasi ng daloy. Hindi ka maninibago, parang dati mo na ring kakuwentuhan ang nagsasalaysay.

            Nakakatuwa kung paano niya diniscribe ang karakter ni Ma’am Ethics… na malayo naman sa naging prof namin noon sa BioEthics. Mas malaya kami kay Ma’am BioEthics kumpara kay Ma’am Ethicsni Intoy.

Masaya yung subject namin na yun, lalo na kung may debate na nagaganap. Nakakaaliw panuorin ang mga klasmeyt ko na nagtatalo sa kanilang mga ideya. Minsan parang kuntento na akong makinig sa kanila, lalo na dun sa mga klasmeyt ko na noon ko lang din naringgan ng opinyon o ideya, yung mapapabilib ka na “aba may punto siya” na di mo inakala hahaha.

Ang paborito ko sa kabanatang ito (Got to Believe in Ethics) ay yung iba’t ibang social issues na nabanggit dahil lamang sa usaping “himala”. Da best yung part na bakit nga ba walang nagra-rally para pigilan ang mga pagra-rally? Lols. Napa-“oo nga ano”ako… kaso ano naman ang ipinagkaiba nila sa mga nagra-rally eh nag-rally din naman sila, yun nga lang ang punto ng kanilang pagra-rally ay para pigilan ang pagra-rallyhahaha… ewan.

            Saka yung bakit walang mga atheist na nagtitipon tuwing linggo at magbabahay-bahay halimbawa para magpatotoo kung paano nabago ang kanilang buhay mula nang sila’y maging atheist hahaha… ilan lamang ito sa mga makukulit na ideya ni Sir Eros.

            Oh siya… sa ibang araw na lang ulit ako magbabasa.

            Ang ikinaiirita ko lang ngayon ay ang walang katapusang “bukas” ng mga estudyante sa pagpapasa ng dapat nilang maipasa. Hanggang kailan may bukas?...


Viewing all 374 articles
Browse latest View live