Quantcast
Channel: KORTA BISTANG TIBOBOS
Viewing all 374 articles
Browse latest View live

Short Notes...

$
0
0

Ika-18 ng Abril, 2014
Biyernes, 11:37 ng gabi

            Kaninang hapon, magliligpit na dapat ako ng mga gamit… kaso kakakuha ko pa lang ng isang notebook, inantok na ako hahaha. Bumalik na lang ako sa higaan… nakuntento na lang ako sa pagbabasa ng mga short notes na nakasulat dun…taong 2013 pa. Ang orihinal na plano ko sa notebook na iyon ay punuin ng mga short notes araw-araw… ayun hanggang plano lang… naka-pitong (7) entrieslang.

            Here it is…



January 18, 2013 / Friday
            Nagkaroon ng shooting, starring Dianne as the main character. Ang title ng scene ay – “How to Walk Out and Leave Your Bag to Someone” – panalo. Pang Oscars.

January 19, 2013 / Saturday
            Tulala moment… computer the whole day… blog hopping… feeling holiday! So lazy…

January 20, 2013 / Sunday
            Nanuod ng UAAP Women’s Volleyball, talo Ateneo sa Adamson. Nanuod kagabi nung docu about Saudi Arabia and India, kahit pa’no nagbago tingin ko sa bansa nila.

January 21, 2013 / Monday
            Binigay ni Dianne ang notebook na ’to, with a personal letter na pampalubag loob sa pamamalo niya sa ‘min ni Olan. So lazy rin ang emote ng mga studz ngayon, hirap mag-lesson…

January 22, 2013 / Tuesday
            Nakakairita, daming forms na gagawin. Mukhang maha-haggard ako sa Feb! Gudlak… come what may. “I’m bulletproof, nothing to lose.” – Titanium.

January 23. 2013 / Wednesday
            Walang pasok…

Januray 24, 2013 / Thursday
            This is a ‘fly away’ day… nalalapit na ang ‘busyness’… go lang.


x-o-x-o-x


            Nung nabasa ko ang pitong entries na yan, mas lalo ko lang na-realize na di talaga ako masipag na tao. Na siguro, ginagawa ko lang yung mga bagay para matapos na bago pa ako mawalan ng pasensya hahaha. Isa sa pinakaayaw ko ay ang pag-aayus ng mga papel, ewan ko nai-stress ako kapag maraming papel na kailangang ayusin, kaya marahil inaantok ako kapag tatangkain kong mag-ayos ng mga gamit ko galing sa school(parang kaninang hapon lang). Lol.


x-o-x-o-x


“Laugh at yourself before others beat you to it.”


x-o-x-o-x


Question: How do you know if you’re already grown up?

Answer: Kapag namumuhay na akong mag-isa, malayong-malayo mula sa kung nasaan man ako ngayon.


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#PapemelrotiMadeMyDay




Paano ba maging Normal? Nakatanggap Ka na ba ng Isang Mahiwagang Regalo?

$
0
0

Ika-20 ng Abril, 2014
Linggo, 5:23 ng hapon

            Gaano na ba ako ka-normal ngayon?
            Ano na naman bang ginagawa ko sa buhay ko? Lols.

            Ganito.Natutulog ako ng 3:00 AM minsan mga 4:00 AM pa nga, tapus magigising ng 11:00 ng umaga. Dahil tanghali na kakain na ako ng pananghalian. Pagsapit naman ng alas kwatro ng hapon kakain naman ako ng dapat na kanina ko pang kinain na breakfast hahaha, sa katunayan kakatapus ko lang kumain mga isang oras na ang nakalipas bago ako napunta sa gawain kong ito. At mamaya, mga bandang alas-otsoo alas-nuwebe ng gabi ako kakain ng hapunan, at  paniguradong gising pa ako hanggang madaling araw.

            Teka, ang sakit ng ulo ko, naarawan kasi ako kanina… nautusan ako ng tatay ko na kunin yung mga sinampay dahil tuyo na daw ang mga iyon. Balak ko sana mga bandang papalubog na ang araw saka ko iyon gagawin, pero mukhang ‘urgent’ ang utos niyang iyon kaya no choice…

            Matagal ko nang gusto na maging random ang buhay ko. Hindi naman sa hindi siya planado, gusto ko lang na hindi masyadong naka-pattern yung buhay ko sa nakagawian na. Ganun.

            Kaya ko lang naman nagagawa ang gumising ng tanghali at matulog ng madaling araw ay dahil wala dito ang nanay ko hehehe. Masyadong maluwag ang tatay ko sa amin, basta gawin mo ang dapat mong gawin then the rest bahala ka na. Pero ang nanay ko, hindi pwede ang ganun. Kung nandito lang siya, baka naingudngod na ako nun sa burak malapit dito sa palaisdaan hahaha. Ganun talaga ang nanay ko, kahit malaki na kami, kailangan pa rin naming sumunod sa rules of the house kung ayaw mong talakan ka niya ng walang humpay!


x-o-x-o-x


            Noong April 14(Lunes), pagbukas ko ng locker ko para kunin yung mga credentials na dapat kong ipamigay sa mga students, may nakita akong isang gift.Ang laman nito ay wind chimes.




            Nag-alangan akong kunin kasi walang nakalagay kung para kanino at kanino galing, sa isip ko baka nagkamali ng lagay. Kaya sinara ko muna yung locker ko at lumabas ng faculty para mamigay ng mga report cards atbp. Pagbalik ko sa faculty, nandun pa rin sa locker ko yung gift, kaya kinuha ko na, nasa lockerko eh hahaha, eh may name naman ang locker namin, siguro naman nabasa nung naglagay kung kanino yung locker na pinaglagyan niya. Saka yung locker ko kasi kahit nila-lock ko eh iniiwan ko pa ring nakasabit ang susi lol.

            Kaya inuwi ko na siya hahaha. Sa loob ay may kalakip na sulat na nakatupi tulad ng isang tagak. Akala ko malalaman ko na kung kanino nanggaling dahil sa penmanship, pero pagbukas ko, naka-computerizedang letter lols. Mahusay din magpaka-anonymous ang nagbigay. Nadagdagan pa yung duda ko (na baka hindi nga yun para sa akin) kasi sa sulat niya “Sir”lang ang nakalagay, eh marami kaming “Sir”sa faculty hahaha. Ngunit gaya nga ng sinabi ko, dahil nasa locker ko siya, akin yun lols. Saka dama ko ang sulat niya, para sa akin talaga iyon. (Kung hindi man, pasensya nasa akin na hahaha).





                "Sir, hang this up on your locker. Everytime na kukuha ka ng gamit sa loob, kailangan mo marinig ang tunog nito. Para palagi mo kaming maalala. Bali, 'yan yung ingay namin, kahit wala na kami, kailangan pa rin kaming marinig ng buong faculty. Siguro may oras na mabwi-bwisit ka sa tunog, pero alam ko namang may oras din namang mapapangiti. Basta, alalahanin mo sir, sa tuwing maririnig mo 'tong chimes, may isa kang anak sa isang eskwelahan sa malayo, nag-aaral ng mabuti, kasi alam namin 'yun yung gusto mo para sa amin.

                   Thank you for everything, my teacher, friend and father.

                   Never forget about your child who gives light in the dark."


            Gusto ko sanang ibalik ang sulat gaya ng pagkakatupi sa anyo ng isang tagak, pero dahil wala ako masyadong husay sa origami, di ko na siya naibalik.

            Naalala ko tuloy yung tv series na Prison Break. Sa mga unang episodes kasi, yung kuya ni Michael(ang bida) ay madalas mag-iwan ng papel na nakatupi tulad ng isang tagak nang hindi niya nalalaman. Tanda iyon, na hindi man sila malapit sa isa’t isa, lagi pa ring nakamasid ang kuya ni Michaelsa kanya.

            Binalak kong isabit yung chimes sa may bintana, kaso dahil wagas ang hangin, sayang naman kung malaglag lang sa labas, kaya sa may pinto ng kwarto ko na lang sinabit. Kaya ngayon alam ko na kung may pumasok sa kwarto ko dahil tiyak na tutunog ang chimes na iyon.

            Hindi ko pa magagawa yung request niya na ilagay ko yun sa aking locker, dahil sa ngayon ay wala pa akong locker at hindi ko na iyon locker…

            Masayaako kapag naririnig ko siyang tumutunog.


x-o-x-o-x


“If you want a thing done well, do it yourself.”
- Napoleon I


x-o-x-o-x


Question: If you suddenly could look into the future and saw that if only each person took up JUGGLING then all wars would be stopped, what will you do about this knowledge?

Answer: (Ano daw?)… I’ll keep it to myself! Lols. **walang maisagot**


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#Papemelroti
#TheGift


She's Back!!!

$
0
0

Ika-21 ng Abril, 2014
Lunes, 10:59 ng umaga

            Kaninamga 10:30 ng umaga habang naghihilamos ako sa banyo, may naririnig akong tumatalak na boses sa baba. Oh no!...Andyan na siya… Andyan na si mudra!

            Pagbaba ko, kakain na dapat ako, kasi alam mo na tanghali na naman ako nagising, gutom na ako. Alam mo yung unang pagkakita niya sa iyo ang bungad kaagad – “Ano ba yan Jeff, parang walang tao dito sa baba? Hindi kayo naglilinis!”So, kunwari may kukunin ako sa kwarto para maka-eskapo. Di tuloy ako nakakain kasi panigurado lahat ng makikita niya ay sa akin niya ibubunton ang kanyang galit hehehe.

            Mga ilang saglit pa, bumaba ulit ako para kumain nga hahaha, pero bigo pa rin kasi pagbaba ko ibang sermon naman – “Ano ba yang dumi ng aso sa labas, di niyo pa inaalis!”(kahit pa nung oras lang din naman na yun nadumi ang aso). Kaya umakyat na lang ulit ako, nakasabay ko pa siya paakyat sa hagdan at bawat makita niya sa bahay nagagalit siya hahaha. “Ano ba yang mga sinampay, di niyo pa tinupi!”“Yung kumot na nakalagay sa kwarto namin, sa iyo yun ah, nalabhan na ba yun?!” Hala ka, ayaw tumigil. Yung totoo Ma… house inspection?Hehehe. Kaya eto, nakuntento na lang ako dito sa silent sanctuary ko – ang mahal kong kwarto lols.


x-o-x-o-x


            11:16 ng umaga(oras sa cellphone ko), pumasok bigla ang nanay ko sa kwarto sabay sabi – “Yang mga karton mo, di mo pa rin inaayos! Ano ka ba!” Oha bongga hahaha, hindi na ito simpleng house inspection, raid na ito! Raid!Hahaha. Nasakop na niya pati ang space ko, sa’n pa ako nito lulugar?

            Kaya nagpaka-busy na lang ako sa paggugupit ng kuko at sa bisyo kong ito. Grabe, ayokong bumaba kasi nandun pa siya, baka di na ako sikatan ng araw pag bumaba pa ako hahaha.


x-o-x-o-x


            Minsan, di ko alam kung malakas lang bang magparinig si pudra o sinasaktan ko lang ba ang sarili ko hehehe. Kanina habang nasa opensa ng pagtalak si mudra,  todo depensanaman si pudra (at nandun din ako sa eksena, nagmamasid lang). Yung tipong ayan na naman nagtatalo naman sila, soplakan na ‘to hahaha. Tapus biglang banggit ng tatay ko – “Hindi naman ako  naka-TAMBAY lang dito!” Wow hahaha, tumambay sa tenga ko ang salitang TAMBAY, pakiwari ko pahagip yun sa akin bilang nakatambay lang ako dito sa bahay hahaha.

            Gusto ko sanang sabihin na – “Pa, wala talagang pasok ang mga guro tuwing bakasyon, di naman marahil labis ang dalawang buwan para mag-chill muna at relax relax lang.”(kaso baka assuming lang ako sa narinig ko). Kaya yun… tahimik na lang me… tadhanakampihan mo na lang ako lol.

            Naalala ko tuloy yung minsan tinanong niya ako kung ilang taon na ba akong nagtuturo, sabi ko mag-aapat na, ang sabi niya – “Mag-iba ka na lang ng trabaho, turo ka ng turo wala naman nangyayari sa ‘yo.”Heaven!It hurts you know hahaha. Buti na lang noong araw na yun papaalis na ako ng bahay papuntang school, kaya umaga pa lang buona ang araw ko.


x-o-x-o-x


            12:40 ng tanghali(oras sa aming wall clock), sa may hapag, nakaupo na ako para kumain. Pangatlong subok ko na ito hahaha. Sakto, habang nagsisimula na akong kumain, nagsisimula na ring maglitanya ang nanay ko habang abala siya sa paglilinis at pag-aayos sa may kusina. Pa’no ba yan, di ko siya mapigilan.

            Nakita ko na hindi nakabukas ang tv, naisip kong buksan para ma-divert ang atensyon niya. Nang binuksan ko aba gumana, napanuod siya ng kaunti at nagkaroon ng katahimikan. Pero hindi nagtagal, ratsada ulit sa kanyang mga hinagpis sa bahay lols. Kaya habang kumakain, sinasabi ko na lang sa sarili – “Okay lang yan Jeff… ngumuya ka lang dyan, kailangan mong mag-survive, go!”hahaha.

            Ganito ang buhay ko sa bahay… and I love it!


x-o-x-o-x


P.S.
            Kahit ano pa man ang mangyari, sabi nga eh sila pa rin ang iyong mga magulang (kaya no choice hahaha, joke lang). Nangyayari lang naman ang ganito sa bahay kapag galing ng bakasyon si nanay. Eh kasi naman, ako rin ang may kasalanan (ako na, ako na lang hahaha). Kaya baka sa Mayo ay maulit na naman ang mga ganitong eksena. Gagala na naman kasi ang nanay ko next week. Siya na talaga! Ako nga "nga-nga" eh, hahaha. Anyways…


x-o-x-o-x


“Years wrinkle the skin; but to give up enthusiasm wrinkles the soul.”
- Anonymous


x-o-x-o-x


Complete the sentence: You know you made it when ______________________________.

Answer: … I can’t sleep. (hehehe)


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw



Here Comes the Sun!

$
0
0

Ika-22 ng Abril, 2014
Martes, 9:16 ng gabi


            I love the smell of coffee in the afternoon…
            Pakiramdam ko umaga pa lang kahit papalubog na ang araw.
            I realized… di ko na pala madalas masaksihan at ma-appreciate ang umaga.
            I miss that feeling.


x-o-x-o-x


            Nung isang araw, nagising ako ng 5:30 ng umaga. Napansin ko (habang tulala at nakahiga pa rin sa kama) na papasikat na ang araw kasi unti-unti na ring lumiliwanag sa kwarto. It was an amazing experience to see na nagla-lighten upang room dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa mga bintana. Na mula sa malamlam na liwanag ay unti-unting tumitingkad ang sikat ng araw. Ang gaansa pakiramdam. Nasabi ko sa sarili, ganitoang pakiramdam ng mabuhay ng may pag-asa. (Drama?)… Pero ganun talaga yung naramdaman ko nung tagpong iyon.


x-o-x-o-x


            Sabi nga, kung meron mang isang bagay na madalas ay hindi natin nabibigyang pansin marahil isa na ang araw dun. Expected naman kasi na bukas ay sisikat ang araw, kaya ano pa bang bago… Madalas mas napapansin pa nga natin ang init ng panahon kaysa sa ganda ng liwanag ng araw.

            Kahit medyo (medyo lang?) ayaw ko ang nasisikatan ng araw, isa ako sa mga ‘tagahanga’ ng haring araw lols. Kahit gaano pa kaganda ang paligid, kung wala ang kanyang liwanag, hindi mo ito mapapansin (o maa-appreciate).


x-o-x-o-x


            Tuwing uwian, minsan umaakyat kami sa rooftop ng canteen. Masaya kasing mag-picture dun, saka mahangin at may dagdag pang breath-taking view ng sunset! Doon kami nagkukulitan ng mga co-teachers ko, ‘wapakels’ kahit kitang-kita kami ng buong bayan ng Obando hahaha. Ang mahalaga, masaya kami at pampalipas oras lang naman yun bilang pambawi sa isang nakakapagod na maghapon.


Ang 'amazing sunset' sa rooftop ng canteen.


Teacher Roland, Dianne, Clarisse, Sarah at AKO :)


x-o-x-o-x


“God shall be my hope, my stay, my guide and my lantern to my feet.”
- William Shakespeare


x-o-x-o-x


Question: If you were a poet, what would your POEMS be mostly about?

Answer: Thank you ‘Papemelroti: Query 2’ for this wonderful question, I want to answer it in tagalog. (hahaha). Kung ako man ay isang ‘poet’ (manunula ba ang tagalog ng poet?), madalas ang aking mga tulang isusulat ay may kinalaman sa mga bagay-bagay na hindi masyadong napapansin (tulad ko lols). Halimbawa, nagawan ko na ng #shortulaang bolpen, balakubak, lapis, medalya atbp. Ganun. That’s all, thank you!


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#HereComesTheSun
#MahalKoAngAraw



Hanggang Saan Ka Dadalhin ng Iyong mga Salita?

$
0
0

Ika-24 ng Abril, 2014
Huwebes, 1:38 ng madaling araw


            Hindi pa rin ako inaantok. Napasama pa ata ang inom ko ng kape kasabay ng hapunan. Badtrip hahaha. Gusto ko na matulog eh…

            Pero, parang okay din ang oras na ito… madilim… tahimik. Tanging netbook ko lang ang nagsisilbing source ng liwanag… nakakabulag lols. Wala na akong naririnig mula sa mga energetic naming neighborhood, buti naman uso rin pala sa kanila ang matulog. Himala walang videoke marathon? Walang party pipol? At walang mga habulan at eksenang nangyayari sa labas… Amazing! Hahaha.

            Nauuhaw ako… natatamad akong bumaba. Saka madilim na, baka may mag-abot sa akin ng pitsel at baso… hahaha. Bababa muna ako… hindi na ako magti-tyaga ulit sa tubig sa gripo lols. Masisira na naman tiyan ko…

            2:00 AM… Balik na ulit ako sa aking higaan. Oha kinaya kong bumaba, nakapag-akyat pa ako ng isang baso ng tubig pang-reserba hahaha.


x-o-x-o-x


            Napaka-powerfulng mga salita. Kahanga-hanga kung paano nito naita-transfer sa mambabasa ang emosyon o kaisipan na nakapaloob sa isang salita / pangungusap / talata. Na kung iisipin mga pinagsama-sama lang naman itong mga letra… Ang galing di ba? Lols.


x-o-x-o-x


            Mukha ba akong alien? Mukha ba akong di karaniwan? Hahaha.

            Kanina (I mean kahapon ng afternoon), may nakasabay ako sa jeep at nakasalubong sa daan na kung makatingin parang namamangha o naguguluhan sa kanilang nakikita. Pakiramdam ko gusto nila akong tanungin kung tao ba ‘to? Nag-iisip ba ‘to? Bakit mukha s’yang shunga? Endangered species ba ‘to? Hahaha. Ewan…

            Lakas makaloko ng mga tao ngayon…

x-o-x-o-x


            Nakakasawa rin pa lang marinig when people or when we are trying to justify our actions (tama man o mali sa paningin ng iba). Minsan, gusto kong mag-explain pero bakit? I mean, may mga tao na kahit ano man ang sabihin mo, hindi mo mababago kung ano ang nasa isip nila. At ang lagay pa eh pinagmumukha nilang tama ang kanilang mga sarili sa kabila na pinipilit nilang ikaw ang hindi tama. Hay…

            Kaya minsan, ang sarap na lang manahimik. Wala naman talagang may alam o may-ari ng absolute truth sa mundong ito… kaya pakinggan mo na lang ang katotohanang meron ka sa iyong sarili.


x-o-x-o-x


“Sorrow is a fruit: God does not make it grow on limbs too weak to bear it.”
- Victor Hugo


x-o-x-o-x


Question: What SKILL or talent would you like to learn if you had all the time and resources in the world?

Answer: Writing. (Kailangan pa bang i-memorize yan, bisyo na ‘to! Hehehe).


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#GabingWalangLilim
#AntukinSaUmagaGisingSaGabi



May Hihigit pa ba sa Pag-ibig?

$
0
0



Tagpo / Oras: Sa isang maliit na silid. Hapon.
Eksena:Excited si Elsa na iakyat ang kanyang mga pasalubong kay Itok.


            Pagkabukas ng pintuan, dali-daling lalakad si Elsa (habang bitbit ang mga ipinamili) tungo sa isang maliit na lamesa katabi ng higaan ni Itok. Medyo madilim ang silid, bagamat nakatabing ang kurtina sa bintana, may sapat pa ring liwanag na tumatagos mula rito.

            “Oh Itok!... May dala ulit ako sayong mga pasalubong. Binili ko yung mga gusto mo!”pagmamalaki ni Elsa. Isa-isa niyang inilabas sa supot ang mga ipinamiling kakanin. Nais sana niya itong ayusin sa lamesang katabi ng higaan ni Itok, ngunit napupuno pa rin ito ng nakaraan pang mga binili niyang pagkain.

            “Nakakatampo ka naman!... Ang dami ko na ngang binili sa’yo, hindi mo pa rin kinakain. Hindi mo man lang ginagalaw itong mga pasalubong ko… Di bale, bagong luto itong kakanin na nabili ko. Paborito mo ito di ba?”…

            Katahimikan pa rin ang namayani sa silid. Walang ano mang sagot sa kanyang mga nabanggit.

            Naupo na lamang sa isang bangkito si Elsa, nakaharap sa higaan ng dapat sana’y kanyang magiging asawa. Nakayukong pinagmamasdan ang matagal nang bakanteng higaan.

            Ilang taon na ng bawian ng buhay si Itok. Ngunit patuloy pa ring ginagawa ni Elsa ang mga bagay na kanyang ginagawa noong ito’y nakaratay pa…


x-o-x-o-x


#ShortStoryRawEdition
#MgaKwentoSaTagAraw


"...because of gravity."

$
0
0


Ika-04 ng Mayo, 2014
Linggo, 6:00 ng umaga


            Achievement‘to kasi alas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Pero maaga naman talaga ako nagigising at maaga lang din talaga ako bumabalik sa pagtulog, kaya minsan inaabot ako ng alas-dose ng tanghali hahaha. Tulad nito, malay ba nila na gising na ako, na paggising ko ito na kaagad ang inaatupag ko, napaka-productive ko talaga, kaya bumi-bingo ako kay mudra eh.

            Nung May 1 at 2, hindi ako nakatulog ng maayos. Bonggang-bongga naman kasi yung neighborhoodnamin, nag-concert ng 2 days! Dinaig pa pabasa! Grabe.

            Kaya nung natapos sila, siya namang pag-resbak ng nanay at tita ko dito sa bahay. Akala nila nakaganti sila sa pagvi-videoke nila, pero ang totoo, itinuloy lang nila ang ingay ng mundo hahaha.


x-o-x-o-x


            Nung nag-aaral pa ako (elem at hiskul), hangang-hanga ako sa mga science teachers ko. Pakiramdam ko kasi pinili sila ng tadhana para maintindihan ang mundong ito hahaha. Damang-dama ko talaga na sila ay mga espesyal na uri ng tao na kayang ipaliwanag ang mga bagay-bagay sa mundo at buhay.

            Akala ko close talaga nila si Aristotle, Einstein, Newton at iba pa, kasi kung makapag-explain sila ng lessonpara bang na-interview nila ang mga taong ito hahaha. Akala ko pag-uwi nila sa bahay ay gumagawa sila ng mga eksperimento sa mga sarili nilang buhay. Sila ang pinaka-wirdong mga tao sa akin. Dahil nga sa tingin ko ay sila ang mas nakakaintindi ng maraming bagay kaya sila rin marahil ang gumagawa nito sa kanilang buhay.

            Pero akala ko lang pala ang lahat (dala lang marahil ng kamusmusan ko ang mga akalang iyon hahaha). Meron sa kanila na pinapangatawanan ang mga natutunan nila mula sa siyensya. Halos lahat naman tayo gumagawa nun, hindi lang tayo marahil ganun ka-conscious na nagagawa pala natin. Pero na-realizeko, na mga normal lang din pala silang mga tao. Na pag-uwi sa bahay, pagiging nanay / tatay / kapatid naman ang kanilang inaatupag.

            Nakalimutan ko, hindi nga pala sila mga siyentipiko lols. Kaya kung papipiliin ako ng makapangyarihang tadhana, magiging science teacher ba ulit o maging siyentipiko… mas pipiliin ko ang huli, para mas haggard sa kasiyahan at kaalaman.

            Naalala ko minsan nung nanunuod ako ng volleyball game sa school tapus tumabi ako sa isang grupo ng mga estudyante. Friendly game iyon sa pagitan ng faculty members at varsity players. Hindi ako sumali kasi wala naman talaga akong mailalaro dun, matutunghayan lang nila ang ka-shungahan ko sa sports hahaha. Sabi nung isang estudyante – “Sir, bakit di kayo sumali? Pag si Sir nandiyan, kokompyutin pa niya yung velocity ng bola, yung force saka yung projectile,” sabay tawa, tuwang-tuwa siya sa mga nabanggit niya nung araw na yun. Nangiti na lang din ako. At least may natutunan din pala itong batang ‘to. At kung anu-ano na rin ang binabanggit ng mga katabi niya, may mai-relatelang, na siya namang pag-alis ko pabalik sa faculty, baka kasi may marinig akong mali, mairita lang ako hahaha, saka baka marinig ko na naman ang pamosong linya nila (kapag walang maisagot o mai-reason) na “…because of gravity.”Lahat na lang because of gravityhehehe.


x-o-x-o-x


            Hanga ako sa mga marunong at mahusay magsulat ng maikling kwento (na di naman talaga maikli) o kaya ng nobela. Wala lang. Sumusubok lang gumawa kaso, di ko kaya yung ganun kahaba, literal na maikli lang talaga ang nagagawa ko hahaha. Iniisip ko kung saan nila hinuhugot ang kabuuan ng kuwento, kung paano nila nakikita at nahihimay ang bawat detalye at parte nito, kung paano nila nabibigyan ng kulay at imahe ang kwento sa pamamagitan ng mga salita. Ganun.

            Sinubukan ko kasing magbasa ng Harry Potter. Di ko maintindihan hahaha. Buti pa sa mga pelikula madali lang, effortless! Minsan di rin maganda na napanuod mo na at saka mo lang babasahin. Sa libro kasi mas detalyado ang mga eksena kaya hindi ko ma-relatesa movie. Saka ang hirap magbasa ng English hahaha.


x-o-x-o-x


“Don’t make the mistake of letting yesterday use up too much of today.”


x-o-x-o-x


Question: Which of these would you DO (if you REALLY had to)?
                        a. sky dive
                        b. walk on live coals
                        c. sing on national TV
                        d. join a Miss Universe or a Mr. Body Beautiful contest
                        e. join a reality TV show

Answer: Parang letter D– join a Mr. Body Beautiful contest hahaha. UMAY.
Letter E talaga. Kaso ayoko na sa PBB. Buti na lang talaga hindi ako nag-audition. ALAM NA.


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#Papemelroti



SAYUKI

$
0
0

SABURUKO (SERVING GIRLS)


Pangunahing Tauhan: Sayuki (isang ‘saburuko’ na nabibilang sa mababang antas)

Tagpo / Panahon:7thcentury sa bansang Japan kung saan nahahati sa dalawang antas ang mga saburuko. Ang mga nabibilang sa mataas na antas (may mas pinag-aralan) ay nagsisilbi sa mga high-classo aristocratic na mga pagtitipon, samantalang ang mga nabibilang naman sa mababang antas ay nagsisilbi kapalit ng pita ng laman.

Eksena / Oras: Ito ay maikli lamang, walang mga dayalogo na manggagaling mula sa karakter, tanging mga paglalarawan. Isang maulang gabi.




            Lumuluha man ang langit, banayad pa ring pumapatak ang tubig. Natatakpan ng maiitim na ulap ang buwan na dulot ay madilim na kapaligiran… nakikiisa sa kanyang nararamdaman.

            Di malinaw kay Sayuki ang kanyang gagawin. Alam niyang sa pagpasok niya sa silid na ito, ay para na rin niyang itinali ang kapalaran dito. Marahan niyang binuksan ang pinto, naroon na nga’t naghihintay ang isang lalaking nakaupo. Nakangisi sa kanyang pagpasok, para bang nakaamoy ng lamang lalapain ngayon.

            Ang kaunting liwanag sa silid ay para bang nagsasabing maliit na lang din ang pag-asa niyang makaalis. Tumayo mula sa pagkakaupo ang lalaki, humahakbang na ito papalapit, ano mang oras ay handa na siyang sagpangin.

Madali nitong kinalas ang pagkakatali ng kanyang kimono, animo’y isang halimaw ang dumadagan at yumayanig sa kanyang pagkatao. Ang bigat na kanyang nadarama ay di lamang dahil sa nakapaimbabaw sa kanya, nais niyang magalit sa mundo, naibulong niya sa sarili - “Bakit ako nagkaganito?”. Ipinikit na lamang niya ang mga mata, naisip niya ito na marahil ang itinakda ng tadhana.

            Tiniis ang lahat ng hirap, hanggang masiyahan ang halimaw na sumasagpang sa kanyang katawan… Sa matatalim nitong pangil, pagkatao niya'y animo'y nagkagula-gulanit.

            Matapos ang sinapit na delubyo, muli niyang isinuot ang kanyang kimono upang matakpan ang hapo niyang katawan, sa parehas na paraan na kailangan niyang ikubli ang sakit at pighating nararamdaman.

            Kasabay ng paghawi ng maiitim na ulap sa langit ay ang paglabas niya sa mala-impyernong silid. Sa liwanag ng buwan, di maitatanggi ang mapait niyang kapalaran. Ang higpit ng pagkakatali niya sa kanyang damit ay para bang nagsasabing hindi na niya matatakasan pa ang mga pangyayaring sasapit.


x-o-x-o-x


#ShortStoryRaw
#MgaKwentoSaTagAraw
#SubokSubokDinGumawa




Lagi bang may RAINBOW after the RAIN?

$
0
0

Ika-06 ng Mayo, 2014
Martes, 5:35 ng hapon


            Ako lang ba ang mahilig magkapesa hapon? Yung mainit ang panahon pero nagkakape pa rin ako sa harap ng electric fan(na dinugyot ng panahon hahaha). Nakakaantok kasi sa hapon kaya kailangan ko ng pampagising. Oo alam ko na pwede akong mag-ice-cold-coffee, pero parang di ko na kasi ramdam ang kape kapag malamig. Iba ang aroma at lasa ng kape kapag mainit, lalo na kung bagong kulo pa ang tubig! Hmmm!

            Yung pagkatapos mong uminom ay para kang nag-exercise o nag-jogging, tumatagaktak ang aking pawis. Butil-butil na pawis sa mukha hahaha. Ganun.

            Ang problema nito, mamayang gabi ay gising na naman ako, pero okay lang. Mas gusto ko talaga na gising kapag gabi kaysa umaga. Mas naiintindihan ko ang mga ingles na pelikula hahaha, eh kasi naman tahimik ang paligid kaya damang-dama ko ang panunuod.

            Mas masaya rin matulog ng madaling araw kasi parang humahaba ang isang araw. Kita mo natulog at nagising ka ng parehas na petsa kaya magkakaroon ka ng pakiramdam na parang ang haba ng araw na ito. Try mo!

            Kagabi o kaninang madaling araw ang pinanuod ko ay ang pelikulang “Brave”(pambata hahaha). Taong 2012 pa ata ito pinalabas pero ngayon ko lang napanuod, napanuod ko na siya ng palaktaw-laktaw (yung mga piling eksena lang hehe), saka ko siya pinanuod ng buo. Maganda ang story pati na rin ang mensahe nito. Kaso lang ang di ko talaga nagustuhan ay yung naging “oso” yung mother ni Princess Merida, kasi sa trailerng pelikula akala ko lumayas sa kaharian si Meridasa kagustuhan niyang sundin o gumawa ng sarili niyang kapalaran, kaya naging interesado ako kung anong nangyari sa kanya, pero yun pala yun, para maibalik sa pagiging tao ang kanyang inang reyna. Yun lang.

            Akala ko ba mahusay magpalakas ng loob ang ating mga ina. Bakit yung nanay ko parang di naman? Hahaha. Nung isang araw tinanong niya ako – “Oh, ano na nangyari sa in-apply-an mo Jeff?”… Di kaagad ako nakasagot, eh wala pa rin kasi akong balita, sinabi ko na lang – “Wala pa Ma eh…”, sabay sabi niya na – “Naku! Wala na yan, TENGGA ka na!”sabay ngisi pa. Oh di ba? Ayoko na ngang isipin yun eh, pero ganyan ka-sensitive ang nanay ko lols.

            ISANG HILING: Sana may makabasa ng mga gawa-gawa kong short story hahaha. Wala kasi akong pormal na training o sapat na kaalaman sa paggawa nito. Wala lang. Pakiramdam ko kasi isang challenge ang gumawa ng isang maikling kwento o ng kahit ano pang uri ng literary work. Gusto kong makahingi ng review / suggestion/ constructive criticism(hindi mga panlalait hahaha) mula sa mga gumagawa na nito o may kaalaman tungkol dito. Para malaman ko kung itutuloy ko pa ba o ititigil na ang kagustuhan kong gumawa nito hahaha. Tenks!

            May naka-chat akong taga-NZ na nag-aaral ng Chemistry. Syempre tuwang-tuwa ako kasi siya ay alagad ng siyensya. Tanong-tanong at sumasagot naman siya. Kaso di ako makasabay. Nga-nga ako sa level niya hahaha. Kumbaga puro “yes”na lang ang naisasagot ko lols. Meron ding taga-Europa na nagtapos ng environmental engineering na nag-aaral ng psychology, nga-nga rin ako haha, may mga terminologies siyang binabanggit na sini-search ko pa sa google /  Wikipedia para lang magkaroon ako ng “clue” kung ano yun, saka lang ako makakasagot sa kanya. Ang hirap! At meron ding taga-Mexico na nag-aaral ng Biologyna gustong maging bihasa sa field ng Ornithology (birds), medyo nakasabay ako sa kanya kasi di siya masyado marunong mag-ingles hahaha, kinailangan pa niyang gumamit ng google translator para maintindihan ako at maka-reply din, siguro mga tatlong minuto muna ako nag-aantay bago ko ma-receive yung sagot niya, nakakainip hahaha.

            At siguro naman nagkaroon na ng ideya ang sino mang makakabasa nito sa kung anu-ano na ang ginagawa ko sa buhay ko ngayon. May mga tagpong ayaw mong mangyari, pero sabi nga ng idol kong si Paulo Coelho, kung gusto mong ma-enjoy ang bahaghari matuto ka munang i-enjoy ang ulan.


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#WelcomeToMyLife
#AMomentLikeThis



Panahon at Damdamin

$
0
0



PANAHON AT DAMDAMIN

Nauubos din ba ang damdamin,
tulad ng mga dahong tinatangay ng hangin?
Damdamin ba’y di nagwawakas,
kahit pa panahon na ng taglagas?

Bumabalik din ba ang naranasang pait,
dulot ng mga tagpong sinapit?
Damdaming patuloy kang hinahabol,
Kahit pa panahon na ng tagsibol.

O baka naman puso mo’y nanlalamig
at di na kaya pang umibig?
Mga alaalang hindi mawaglit,
 Animo’y nyebeng bumabagsak buhat sa langit.

Tulad ng isang unos,
Damdamin bigla na lang bumubuhos.
Matatapos din ang mauulang araw,
Bahaghari ay iyo ring matatanaw.


x-o-x-o-x


#shorTULA
#TulalangTumutula


Kalam ng Kaluluwa

$
0
0



KALAM NG KALULUWA

Patuloy kang gumuhit,
Ng mga larawang kaakit-akit.
Buong puso mong isulat,
Mga kwentong nakapagpapamulat.

Wag kang tumigil na lumilok,
Ng mga pigurang mapanubok.
Malinaw mong ipinta,
Ang nakikita ng iyong mga mata.

Iparinig mo ang iyong awit,
Hanggang ito’y kanilang masambit.
Buong lakas kang umindak,
Di lamang para sa mga palakpak.

Gawin mo ang iyong nais,
Magpunyagi at magtiis.
Walang hindi magagawa,
Sa kumakalam mong kaluluwa.


x-o-x-o-x


#shorTULA
#SigawNgKaluluwa


Mahirap bang Matuto mula sa Ibang Tao?

$
0
0

Ika-16 ng Mayo, 2014
Biyernes, 9:33 ng gabi


            Isa sa pinagdaraanan ko ngayon – the agony of waiting.
            This too shall pass...


x-o-x-o-x


            Natutuwa at napapahanga talaga ako ng lubos sa mga taong hinubog ng panahon at karanasan upang maging mahusay na hindi nakalilimot kung saan siya nagmula at nananatiling nakaapak ang mga paa sa lupa. Lagi kong sinasabi sa sarili na kapag naging ‘mahusay’ na rin ako, sila ang aking tutularan.

            Nasabi ko ito kasi naalala ko lang yung isang tagpo na may nakausap ako noon… na nasaktan ako pero sa kabilang banda may natutunan din naman ako. Ayoko na i-detalye kasi tapus na ang pangyayaring iyon (baka akalain pa na hindi pa ako nakapag-move on hahaha). At last yearpa ito naganap, ewan ko ba sumagi lang talaga bigla sa isip ko.

            Ayoko lang kasi yung ginawa niyang pasakalye bago niya ako kausapin… na kailangan pa niyang sabihin na nagtapos siya sa ganitong paaralan, na may ganitong degreena siya, na head na siya ng ganitong departamento… na hindi naman daw niya balak o intensyon na ako’y maliitin… nais niya lang daw i-establish ang sarili niya (para ba makilala ko kung sino ang kausap ko?). Pero sa kabila ng sinabi niya na wala siyang ganung intensyon (kahit pa ganun yung naramdaman ko), ay tinanong pa niya sa akin kung saan daw ba ako nagtapos etc…(na habang sinasagot ko ang kanyang mga tanong ay lawak na lang ng pag-unawa ang pinairal ko). Feeling awkward talaga yung moment na yun, hindi pa man din ako sanay ‘makipagpataasan ng ihi’… dahil hindi ko talaga gawain yun.

            Sabihin na natin na may ‘laman’ naman ang kanyang mga sinabi kahit pa ang ilan sa mga ito ay may sangkap ng bumubulang ‘pride’ lols. Naramdaman ko rin (sa gitna ng pag-uusap namin) na marahil napaisip din siya kung bakit sa ganuong paraan pa niya iprinisenta ang kanyang sarili sa akin. Sa loob ko, pakikinggan ko naman siya kahit ano pa ang katayuan niya sa buhay… malalaman at mararamdaman ko naman kung ‘credible’ang mga sinasabi mo kahit sa paraan mo lang ng pagsasalita… marunong din naman akong tumimbang.

            Kahit nasasaktan ako habang nagsasalita siya, pinili ko pa ring maging mahinahon, at mula sa mga namumutawi sa kanyang bibig pilit kong ina-absorbyung mga katagang may matututunan ako (sabihin na natin na ako’y isang martir hahaha). Alam kong mahusay din ang taong ito (base na rin sa kanyang karanasan bilang mas matanda talaga siya sa akin kaya mas pinili ko na lang na siya’y galangin)… kaya nasabi ko talaga sa sarili ko nung araw na iyon na kung magiging mahusay man akong tao hindi ko siya gagayahin.

            At lagi kong tatandaan itong aral na aking natutunan.

May dalawang magkahiwalay na tagpo na nagkasalubong kami sa daan, ewan ko lang kung natandaan niya ako, pero alam kong naabot ako ng kanyang tanaw. Magaan ko talaga siyang nginitian nung mga tagpong iyon dahil nga hindi ko malilimutan yung natutunan ko nung kami’y mag-usap, wala na ang bigat na aking naramdaman. Pero tanging pagtataka lamang ang nakuha kong reaksyon mula sa kanyang mukha… hindi ko alam kung nagtataka ba siya kung bakit nakangiti ako sa kanya (kasi baka hindi na niya ako natatandaan)o kung natandaan man niya ako marahil nagtataka siya kung para saan ang pag-ngiti ko… anu’t ano pa man… salamatsa kanya.


x-o-x-o-x


            Ano nga bang ginawa ko ngayong araw… gumagana pa pala yung scanner namin… kaya naman inubos ko ang oras ko sa pag-i-scan ng mga larawan hahaha. Mula sa mga ID ko noong elementary, high school, college, hanggang nung nasa trabaho na ako. At sari-sari pang larawan mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan.

            Maniwala ka… ang mga larawan ko na mismo ang ebidensya… totoo ang teorya ng ebolusyon hahaha. Gusto ko sanang ibahagi ito kaso nahihiya ako… dahil isa itong matinding ebidensya ng ebolusyonlols. Pag nagkalakas na siguro ako ng loob. Ganun.


x-o-x-o-x


“Yard by yard, life is hard. Inch by inch, it’s a cinch!”
- Anonymous


x-o-x-o-x


Question: By some twist of fate, you have no choice but to be a professional sports player for the rest of your life. What SPORT would you choose to play?

Answer:Volleyball! (with exclamation point haha)


x-o-x-o-x


#WeCanLearnFromPeople
#MgaKwentoSaTagAraw
#Papemelroti



On My Own POV :)

$
0
0

Ika-22 ng Mayo, 2014
Huwebes, 2:29 ng hapon


            “Magsisimba kami, magsisimba ka ba?”… naitanong sa akin ito ng nanay ko linggo ng hapon noong nasa high school pa ako. “Hindi,” ang naging sagot ko sa kanya. Akala ko makukuntento na siya sa maikli kong tugon pero may isinunod pa siyang tanong… “Eh bakit ayaw mong magsimba?”… Di kaagad ako nakasagot kasi baka mabatukan ako ng nanay ko kapag nalaman niya kung ano ang nasa isip ko… pero sinabi ko pa rin… “Ayoko kasi parang inuuto lang tayo ng pari… tatayo, uupo, tatayo tapus luluhod, paulit-ulit,” sinabi ko ito ng hindi nakatingin sa kanya kasi inaabangan ko na ang hampas niya sa akin… but to my surprise (wow ah? hehe), wala akong na-receive na pananakit ng aking mudra. Siguro nagulat din siya sa sagot ko, yung hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa… basta ang alam ko pagtingin ko sa mukha niya medyo nakangiti lang siya… sabay sabi “Parang engot to! Wag ka ngang ganyan,”at umalis na sila papuntang simbahan. Na-shockdin ako kasi di siya nagalit. Nakaligtas! Lols.


x-o-x-o-x


            Nakaka-miss din si Ate Arlene(siya yung katekista namin nung nasa elementarya pa ako). Magaling siyang magturo, malinaw at saka nararamdaman mo ang kanyang mga sinasabi. Hindi nakakaantok, punong-puno ng sigla at nakakabuhay yung napakalaki at buo niyang boses… yung kahit pa nanggaling na siya sa ilang sections bago kami, parang bagong-bago pa rin ang kanyang enerhiya. Siya ang pinakamahusay na katekista na nasaksihan ko sa aking buhay. Mararamdaman mo talaga yung presenceat strength ni God sa kanya. At di siya magdadalawang isip na magalit kapag pasaway ang ilan sa amin, dahil bukod sa “ate”ang turing namin sa kanya ay isa rin siyang “ina”.


x-o-x-o-x


            Di katulad nung mga katekista na natunghayan ko nung ako ay nasa high school na. Hindi ko maramdaman yung tulad ng naramdaman ko kay Ate Arlene… yun bang napaka-inviting ng presence niya, na kahit sino ka pa, bibigyan ka niya ng halaga at pagkakataon na makilala kung sino ang itinuturing niyang Diyos at kung paano ito nakakatulong sa kanyang paglalakbay tungo sa kabanalan.

            Yung mga katekista kasi namin nung high school, bukod sa madalang naman pumunta ay paulit-ulit ang itinuturo. Yung gusto mo pa sanang mapalalim yung kaalaman mo tungkol kay God pero ilang linggo na kayo nagkikita at yun at yun pa rin ang topic na ibinibigay nila sa amin. Kaya para kaming nag-uumpisa sa simula. Lagi.

            At ayoko ng dating nila sa amin. Yung para bang ipinararamdam nila sa amin na ang sama-sama naming tao hahaha. Na sila, dahil mga katekista ay dapat naming tularan. Na napaka-proudnila sa kinalalagyan nila na para bang kailangan namin silang abutin… sa halip na sila ang bumaba sa amin.

            Minsan may isang babae ang nagturo sa amin. Dahil iyon na naman ang aming pag-uusapan natural lang na hindi na kami interesado sa mga sasabihin niya. Kaya salita siya ng salita sa harapan… hanggang mapansin niya na walang nakikinig sa kanyang mga sinasabi. Mukhang nainis siya sa puntong iyon at bigla na lang bumulalas sa kanyang bibig na kailangan naming makinig dahil kailangan namin matandaan at matutunan ang kanyang mga sasabihin. Kaya parang napatingin kami sa kanya. Sabi niya yung ibinibigay niya sa aming impormasyon ay makatutulong upang maligtas kami sa pagiging makasalanan. Hindi raw para sa kanyang sarili ang kanyang ginagawa kundi para sa amin. Hindi na niya raw ito kailangan dahil “nailigtas” na siya. Napa-nganga ako nung sabihin niya yun. Kung meron mang “big word” nung mga oras na iyon, tiyak yun na nga iyon. Ang lagay pala eh, siya ay “nailigtas” na at sure na sure na sa heaven na siya mapupunta, naitanong ko sa sarili ko nung araw na yun, “Paano kami ‘te? Ikaw lang?”…

            Sa kabilang banda humanga rin ako na ganun katindi ang kanyang pananampalataya para sabihin sa harap ng marami na “nailigtas” na siya. Ang ibig ko namang puntuhin sa sarili ko noon ay sige marahil maaari niya itong i-claim pero gaano siya nakasisiguro? At ang ending dahil mukhang magagalit na siya, nagpa-sub na lang siya doon sa kasama niyang lalaki.

            Nung estudyante pa ako, marami sana akong gustong itanong. Kaso nung mga panahon namin, kapag madalas kang magtanong feeling ng mga nakararaming matalino (?) ay ang “bobo” mo hahaha. Saka wala pa talaga akong lakas ng loob noon. Isa lamang akong tulalang estudyante lols.


x-o-x-o-x


            Tulad nung nagtanong ang kaklase ko sa chemistry teacher namin tungkol sa “mole”. Ang tanong niya paano daw ba nalaman ng mga scientists / chemistsna ang isang (1) mole ay katumbas ng 6.02 x 1023 atoms. Hindi ko na rin matandaan kung paano ito nasagot ng teacher namin, ang alam ko lang nagkaroon ng kaunting pagtatalo, hanggang sa nanahimik na lang din yun kaklase ko haha. Siguro hindi lang din naging maganda yung approach ng pagtatanong niya. Sabihin na lang natin na iba kasi yung nagtatanong para manubok at iba rin ang nagtatanong dahil gusto mo talagang malaman.

            Kaya sa klase ko gusto ko talaga na nagtatanong ang mga estudyante ko. Nai-excitekasi ako kung ano yun at kung paano ko ba yun masasagot sa pinakasimpleng paraan na maiintindihan nila. Siguro mapalad din ako na yung mga tanong sa akin ng mga estudyante ay talagang out of their curiosity(o baka feeling ko lang hahaha), na sa loob ko napapangiti rin ako kasi nung ako yung nag-aaral wala akong ganitong freedom na magtanong sa aking teacher. Gustong-gusto ko yung mga makukulit na tanong mula sa mga hetero sections na hindi ko alam kung nakinig ba sila kasi nandun na rin naman yun sa aking discussion hahaha. At lagi kong inaabangan ang mga creative at challenging questions ng cream section kasi natututo rin ako mula sa kanilang mga ideya. At mula sa mga tanong nila doon mo makikita kung na-absorbba nila yung itnuro mo o hindi. Dahil sabi nga kapag nagtanong ka sa klase ng “Any questions?” kapag ang sagot ay “None,” dalawa lang yan, it’s either madali nilang natutunan ang lesson or “none” na lang ang sagot para maka-iskapo na sa mahirap na lessonna yan hahaha.


x-o-x-o-x


            Sabi nga nila maaari mong ituro ang lahat sa bata. Pero yung kagustuhan at pagmamahal nila sa pagkatuto, ito ang dapat na mag-ugat mula sa kanilang mga sarili.


x-o-x-o-x


“Never lose a chance of saying a kind word.”
- William Makepeace Thackeray


x-o-x-o-x


Question:What ANIMAL would you like to see face to face?

Answer: Koala Bear! (Phascolarctos cinereus)


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#MyOwnPointOfView
#ThisIsHowIThink
#PapemelrotiQandA



"... baka nasa nilalaman ng iyong puso." (God is NOT a genie)

$
0
0

Ika-23 ng Mayo, 2014
Biyernes, 1:43 ng hapon


            Sa unang taon ko sa kolehiyo, matapos ang first semester ay kailangang dumaan sa isang qualifying exam ang lahat ng mga education students. Ang resulta ng prosesong iyon ang magbibigay sa iyo ng karapatan para magpatuloy sa majorna pinili mo. Ako ay kabilang sa mga science major. Na kapag hindi ka pumasa sa qualifying exam ng iyong departamento ay kailangan mong mag-shift sa ibang major(kung maipapasa mo ito) o ang pinaka-masaklap ay ang mag-shift ka sa ibang kurso.

            Tandang-tanda ko noong araw na iyon ang nararamdaman ko ay pagkasabik na may halong kaba. Nai-excite ako sa pagdaraanan naming proseso at kinakabahan kasi halos wala pa nga kaming 40 na science majoray mababawasan pa kami (grumaduate nga pala kaming mga science major sa bilang na 28).

            Nagdadalawang isip ako nung araw na iyon kung magdarasal ba ako na sana ay makapasa ako… sa isip ko kasi halos lahat kami malamang ganun din ang ipinapanalangin… pero batid ko rin naman na sa pagtatapos ng araw na yun ay talaga namang mababawasan din kami. Gusto ko na ayaw kong manalangin. Gusto kong manalangin para sa sarili ko pero sa isip ko kapag pinakinggan ako ni God, paano naman yung mga panalangin ng mga kaklase ko?...

            Then, I remember (wow english hehe) yung nabanggit sa akin ng isa kong kaklase. Sabi niya he never prayed para sa kanyang sarili (which I doubted hahaha)… dagdag pa niya mas ipinapanalangin niya daw ang iba kaysa sa kanyang sarili. Kaya nung araw ng qualifying exam namin nasabi ko na lang sa loob ko… “Sana po pakinggan niyo kami.”

            So I have no choice during that time kundi kumapit sa nalalaman ko at sa mga reviewers na dala-dala ko nung araw na iyon (mga test papers nung high school pa ako hahaha).

            Pagkatapos ng exam ay isang interview… isa sa mga tanong ay (ipa-paraphrase ko na lang)“Bakit deserve mong manatili bilang science major?” Hindi ko in-expect na ganun ang tanong… napatanong din talaga ako sa sarili ko ng “Bakit nga ba?”lols. Wala akong maisip na sagot… Ang nasabi ko na lang ay parang mawawalan ng saysay ang pagiging education student ko kung hindi lang din ako magiging science major hahaha. Matapos kong sabihin yun napangiti na lang ako… na hindi ko rin malaman kung bakit ganun yung naging sagot ko… tapus lumabas na ako ng kwarto.

            At nung announcement na ng result, masaya ako na narinig ko yung pangalan ko sa mga pumasa (kahit pa mukhang tanga lang yung sagot ko sa interview). May mga lumuha dahil hindi nila nagawang manatili sa aming departamento… kaya naitanong ko sa sarili ko… kung ipinagdasal nila na sana sila ay pumasa, nagalit kaya sila nung mga oras na iyon nung malaman nilang hindi natupad ang kanilang panalangin?... Syempre hindi ko na yun nagawang itanong sa kanila, napaka-awkward ko naman kung ginawa ko yun… pero yun yung tanong na nasa isip ko habang nakasakay kami sa jeep pauwi ng mga kasama ko.


x-o-x-o-x


            God is not our genie. Yan yung katagang tandang-tanda ko pa hanggang ngayon mula sa nabasa ko sa dyaryo. Madalas napakadami nating hiling kay God, na para bang ang purpose na lang ng panalangin ay para sa ating mga hiling. Kaya minsan, nahihiya ako humingi kay God… kasi alam kong hindi naman din ako sakdal buting tao. Kaya pakiramdam ko minsan, hayaan na lang natin Siyana magbigay sa atin… at magpasalamat kung naibigay ang isang bagay kahit pa hindi natin ito hiniling.


x-o-x-o-x


            Isang school year na ang nakalipas habang nasa faculty, nag-uusap kaming mga co-teachersko. Yung isa kong co-teacher noon ay nagpa-rank na sa public school at sa bakasyon ay malalaman na niya ang resulta. Sabi niya, linggo-linggo na nga daw siya ngayong nagsisimba para sa kanyang hiling na makapasok sa public school, dagdag pa niya gagawin na niya ito ng madalas lalo pa’t kapag siya’y nakapasok na sa kanyang in-apply-an. Gusto ko sanang itago ang opinyon ko sa aking sarili pero nasabi ko talaga na hindi dapat ganun, kasi para siyang nakikipag-bribekay God sa kanyang pagsisimba, sabi ko sa kanya dapat kusa mo itong ginagawa (oh di ba kala mo kung sino akong matuwid haha). Mabuti na lang at marami ring usapan noon kaya nung nasabi ko iyon sa kanya sakto namang biglang nalihis ang usapan. Kaya hanggang ganun na lang.

            Hindi naman sa feeling ko ay tama ako… pero parang napakababaw na mangangako ka sa Panginoon na hindi mo na gagawin ito o kaya gagawin mo na ito para sa isang hiling o panalangin na gusto mong pakinggan Niya at tuparin. Sa aking pananaw hindi ba parang insulto iyon kay God… alam na Niya ang ating mga pangangailangan… at sa kanyang sariling isip at oras ay may mas mabuti siyang paraan.

            O baka sa isang banda… mali rin ang pananaw ko.


x-o-x-o-x


            Sa sarili kong opinyon, mahalaga na magkaroon din ng religious tolerance. Na hindi dahil parte na ito ng tradisyon ay tatanggapin na lamang natin iyon.

            Hindi naman sa hindi ako sang-ayon sa prusisyon ng mga rebulto (pero parang ganun na nga haha), hindi ko lang maintindihan kung bakit ginagawa ito… o baka hindi ko rin kasi inaalam. Pero ano ba kasi yung isang rebulto na dinadamitan at ipinaparada… ano ba ang kahulugan ng pagpahid ng mga panyo sa isang rebulto… ano ba ang nasa isip at puso mo kapag kaharap mo ang mga bagay na iyon?... Sana hindi ito itinuturing na mga Diyos

            Alam kong maselan at mabahang usapin ang tungkol sa relihiyon, paniniwala at pananampalataya. Bilang mga tao hindi naman talaga natin naiintindihan ang lahat. Hindi ko rin alam kung ano ba yung sinasabi nilang sapat na yung alam mong may sarili kang relasyon sa may Lumikha…

            Na napakaraming relihiyon sa mundo pero kita mo hindi naman sila nagkakasundo. Marahil wala talaga sa relihiyong kinabibilangan mo… baka nasa nilalaman ng iyong puso.


x-o-x-o-x


            Isang napakahabang paglalakbay ang alamin kung ano ang katotohanan. Sa akin lang sapat nang dahilan na hindi maarok ng isip ng tao ang lahat para maniwala ako na mayroong isang Makapangyarihang Lumikha sa lahat. Wala namang mawawala kung ikaw ay maniniwala.


x-o-x-o-x


“Trust your hopes, not your fears.”
-David Mahoney


x-o-x-o-x


Question: If at the snap of your fingers, any one of the world’s problems could be SOLVED, which problem would you choose to rid the world of?

Answer:Poverty.


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#MyOwnPerceptionAboutGod
#ILoveToWonderAboutLife
#PapemelrotiQandA



KORNI ideas?...

$
0
0

Ika-25 ng Mayo, 2014
Linggo, 1:11 ng madaling araw


KORNI IDEAS


1. INSIDE-OUT ITSURA

            Naisip ko lang, napaka-judgmental ng isip ng mga tao partikular na sa ating itsura. Halimbawa, inaakala kaagad nating mabubuti o may busilak na kalooban ang mga taong may ‘itsura’ sa madaling sabi mga gwapo at magaganda… at kapag panget ka wala kang karapatang mag-maganda (so mag-panget meron? haha) o mag-inarte, sa iyo ibibintang ang lahat ng krimen at kamalasan sa mundo, ikaw ang magnanakaw, tsismosa, alipin at kung ano-ano pa… saklap di ba?...

Kaya naman kung may kapangyarihan akong baguhin ang mundo (powerful? lols), gagawin nating congruent, tantamount at proportional ang kagandahan o kagwapuhan ng isang tao batay sa kabutihang loob niya, ika nga eh parang ‘magic’, inside-out ang proseso. Nang sa gayun, kapag panget ang itsura ng isang tao ‘automatic’ na alam na natin na kaya siya nagkaganun ay dahil pangit din ang ugali niya! Hahaha. Sa ganitong paraan, madali na nating madi-determine ang mga mabubuti sa masasama, at maiiwasan pa natin ang pagiging mapanlait at mapanghusgahehehe.

Sa madaling sabi, kung napapansin mong pumapanget ka na, ‘wag ka na magtaka dahil ipinababatid lang nito sa sumasama na rin ang ugali mo.

Kaya kapag ang isang pulitiko ay mukhang ‘baboy’o mukhang ‘buwaya’ malamang kurakot yan. Dali-dali na natin silang makukulong, madali na para sa atin na sabihin sa kanila na “it shows you know!”(direct evidence ika nga hehe). Yung nga lang, hindi ganito ang ating mundo…


2. ON BEING A WRITER / AUTHOR

            Kung ako man ay makapagsusulat / makapagpapalimbag ng sarili kong libro(dream lofty dreams?) magpapagawa ako ng ilang libong kopya. Hindi ko ito ibebenta, libre ko itong ipamamahagi sa kahit kanino basta ba interesado siya sa aking libro. Kapag ito ay kanila nang nabasa saka lang nila ito babayaran, ipapadala ang bayad thru LBChahaha, o kaya ay idi-deposito na lang sa aking bank accountlols. Walang partikular na presyo silang babayaran, bahala na ang mambabasa kung magkano ang gusto nilang ibigay batay sa kung gaano ba nila nagustuhan ang aking libro.

            Kung hindi man nila nagustuhan ang aking libro… problema na nila yun. Hindi dapat sila kumuha ng kopya. At kung nagustuhan man nila ngunit hindi nagbayad, alalahanin natin ang mga karatula sa loob ng jeep - “God knows H-U-D-A-S not pay!”hahaha.


3. PAGKAIN

            Alam naman natin na maraming nagugutom sa mundo. At marami sa atin ang walang pakundangan kung mag-aksaya ng pagkain. May mga taong lubos na biniyayaan ng makakain at mayroon ding puro hangin na lang ang inilalaman sa tiyan.

            Kaya naman kung ako ulit ay magiging makapangyarihan na baguhin ang mundo (superpowers?), gagawin muli nating tantamount / proportional / equal ang dami ng pagkain na maaari mong kainin sa isang araw batay sa iyong mga kapaki-pakinabang na gagawin. Iprisenta lamang ang listahan ng mga gawain sa inyong “food officer”(may ganito?) at siya na ang bahala sa iyong mga food stabs sa araw na iyon.

Kung mas kapaki-pakinabang ang iyong gagawin (hindi lamang para sa iyong sarili) mabibigyan ka ng pagkakataon na kumain mula sa mga sosyal at glamorosong mga restaurant; kung hindi naman ay pwede na sa mga fast food o karinderya hahaha. Syempre at the end of the day may mga officers din na magtsi-tsek kung na-accomplish mo ba ang mga iprinisenta mong mga gawain, dahil kung hindi wala kang karapatang kumain bukas hahaha.

            Sa ganitong paraan, lahat ay makakakain basta ba’t kikilos sila sa araw na iyon. Hindi na tayo maku-kunsensya na kumain ng masigla gayong alam nating may mga nagugutom, dahil sa ganitong sistema kapag gutom ang isang kasama mo o kakilala, isa lang ang ibig sabihin niyan, isa siyang tamad at walang naisip na mabuting gawain nung araw na iyon, di ba?

Syempre hindi na kasama sa paggawa ang mga sobrang bata pa o sobrang tanda na para kumilos pati na may mga sakit o kondisyon / kapansanan (at ako bilang nakaisip nito haha), sila ay bibigyan natin ng pribilehiyo.

Pwede na ba akong maging pulitiko? Hahaha.


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#NagKapeKaNaNaman
#TulogLangYan
#BangagIdeas




"For commercial purposes only?"

$
0
0


            ‘Di natin maitatanggi na may mga komersyal pa ring ipinalalabas sa telebisyon na punong-puno ng pambobolaat walang halong katotohanan, o kung meron man, nasaan?

            Halimbawa, isang artista ang mag-eendorso ng isang pampaputing produkto… pero alam naman natin na noon pa man ay maputi na siya!

            Na minsan, masyado na atang OA ang mga commercials na nagiging malayo na ito sa reyalidad. Halimbawa, yung mga komersyal ng pagkain. Ang biskwit na may palaman kapag sa komersyal mo napanuod ay punong-puno ito, lapat na lapat ang palaman hanggang gilid; pero h’wag ka, kapag binili mo na mapapatanong ka kung nasaan na ito napunta… saan pa kundi sa gitna! Hahaha.

            Sa sobrang galing umarte ng mga artista, ang “malutong” ay nagiging “pagkalutong-lutong!” Ang “masarap” ay nagiging “napakasarap”… pero sana ganun din sa totoong buhaylols.

            At hindi ko rin makuha ang dahilan kung bakit kailangan na rin ngayon gawan ng commercialang isang paaralan. Kukuha pa talaga ng sikat na artista para makahatak ng mga estudyante na mag-enroll sa kanila. Tulad na lamang ni Daniel Padilla sa komersyal ng AMA. Sabi niya nga di ba “AMA ako!” paulit-ulit pa hahaha. Siya nga pala baka magalit sa akin ang mga fansni Daniel, I have nothing against him(paglilinaw lamang); ganun na rin sa AMA… ito’y isang opinyon lamang.

            Ang sa akin lang, bakit pa sila kukuha ng isang artista para i-endorso ang kanilang paaralan? Buti sana kung yung artista na yun ay nakapagtapos sa paaralang iyon, kumbaga siya ang buhay na ebidensya ng kalidad ng pagtuturo sa paaralang iyon. Pero kung hindi ganuon? Ano? Bakit? Mas matatanggap ko pa na gumawa sila ng komersyal gamit ang mga nagsipagtapos na sa kanilang paaralan na naging matagumpay na sa kanilang larangan, at least first hand evidence ika nga!

            Dagdag pa, maaaring di pa rin sapat yun… kasi paaralan may komersyal? Ano na ba ang edukasyon sa bansa natin ngayon? For commercial purposes only?

            Baka naman mag-rebolusyon sa akin ang mga creative people behind those commercials(o baka hindi naman kasi sino lang naman ba ako hahaha).

Sa panahon ngayon na isang choice na lang ang pagiging mangmang at naging mas mapanuri pa ang mga audience o manunuod, bigyan naman natin ng bigatang mga ipinalalabas natin sa telebisyon. Iba kasi yung makatotohanan kahit pa sabihin mong may halong creativity o acting, iba pa rin ang isang komersyal na may integridad, iba pa rin ang mga komersyal na nakapagpo-promote ng values kalakip ng pagiging masining o malikhain. Ibang-iba ang isang komersyal na may puso, talino at katotohanan; malayong-malayo sa mga ginawa lamang para kumita at mambola.


x-o-x-o-x


            Parang nakakabobo na rin ang mga tinaguriang “reality shows” na hindi naman talaga “real”hahaha. O mga teleserye na pinapahaba kapag mataas ang rating. Imbes na ma-enjoy mo ang isang napakagandang istorya, nawawalan ito ng saysay… kumbaga parang isang malinamnam na sabaw na nahaluan ng maraming tubig kaya iyon lumabnaw at tumabang… at sa bandang huli sa halip na magmarka ang ang isang soap opera, ayun tuluyan mo na lang itong kamumuhian hahaha.


            Ang TV? Anyare?...


"Isa lang naman talaga ang gusto ko..."

$
0
0

Ika-28 ng Mayo, 2014
Miyerkules, 1:04 ng hapon


            Dati, nagkaroon kami ng isang in-house seminar, isang madre ang naging speaker namin. Natural lang na maging medyo madilim sa audio-visual room para makita ang powerpoint presentation. Pero ayaw n’ya daw kasi ng madilim, kaya pinagilid niya ang ilan sa mga kurtinang nakatabing sa bintana, medyo lumiwanag naman. Ayaw n’ya daw kasi ng gloomy dahil nakalulungkot at nakawawala ng positive vibes.

            Sabi niya kapag punong-puno na ang ating isip ng mga negatibong bagay, ‘wag daw mag-stay sa isang lugar dahil lalo lamang ito mananatili sa iyong loob. Lumabas daw at mag-enjoy sa araw, huminga ng hangin mula sa labas, tumingin sa paligid nang mapalitan ng positive energy ang pagiging nega mo…

            …Madalas akong mag-stay sa aking kwarto. Lumalabas lang ako ng bahay kapag kailangan, halimbawa kung may bibilhin o may lakad o may pasok o kaunting gala. Hindi rin maiiwasan na nakukulob din ang isip ko ng mga worriesat negative thoughts kapag namamalagi lang ako sa kwarto. Kung di na naiibsan ng pagbabasa o pakikinig ng musika, bumababa ako sa sala para kausapin ang nanay ko… ng kahit ano… basta may makausap ako. Minsan gusto ko na yakapin ang nanay ko… kasi kahit di namin direktang pinag-uusapan ang mga gumugulo sa isip, puso at pagkatao ko (lahat na? haha), sa pamamagitan lamang ng mga kwentuhan namin gumagaan na ang nararamdaman ko. Kaya minsan di ko lubos maisip kung paanong binabalewala ko ang mga kwento ng nanay ko… lalo na nung mga panahon na para bang okay lang ako… na feeling ko kayang-kaya ko… pero ano man ang mangyari… tagumpay man o kabiguan… ang iyong pamilya pa rin ang iyong babalikan.

            Minsan kapag nagugulumihanan ako para bang kumikitid ang isip ko… para bang ang hina-hina ko. Na ayokong makita ako na ganun ng nanay ko kasi baka akalain niya na nagkamali siya ng pagpapalaki sa akin, mas gusto kong makita ako ng nanay ko na fightertulad niya.

            Sa isip ko, may pananaw ako na sa ganitong edad dapat ‘ganito’ na ang mga na-accomplish ko… pero kung titignan ko ang sarili ko sa punto ng reyalidad, marami na nasa isip ko ay hindi natupad. Hindi ko rin naman masasabing nabigo… ang alam ko lang may mga nangyari rin na wala sa aking hinagap.          

            Tinatanong ko yung sarili ko kung nahuhuli na ba ako sa destinasyon na gusto kong puntahan… kapag ang sagot ko ay ‘oo’…  ang hirap matulog sa gabi kasi ayaw mo ng pakiramdam na para bang ‘stagnant’ ka lang sa higaan. Pero sa tuwing nakakakita ako ng mga halaman, humahanga ako sa kanila. Bawat isa ay may sariling paraan ng paglago at pamumuhay. Naisip ko ganun din naman sa buhay ng tao... darating din ang panahon kung kailan ka sisibol.

            Madalas kapag nakararanas tayo ng kabiguan, ang hirap maniwala sa mga sarili mong paniniwala, kasi hindi mo alam kung binobola mo lang ba ang sarili mo o gumagawa ka lang ng mekanismo para mas madali mong matanggap ang mga ayaw mong mangyari. Pero maniwala ka… kapag wala ka na makapitan, paniwalaan mo ang mga katotohanan sa iyong puso… maaaring mahirap kasi nakadududa, pero saluhin mo naman ang sarili bago ka saluhin ng iba.

            Tinanong ni Santa si Jack Frost ng “What is your center?” sa pelikulang Rise of the Guardians. Sabi niya, mayroon man tayong iba’t ibang katangian, pag-uugali o personalidad, lahat tayo ay may pinaghuhugutang “center”. Ang sa kanya ay ang mga matang laging namamangha (eyes that can see the wonder in everything) mula sa kanyang mga nakikita. At sana mahanap ko rin ang sa akin.

            Gusto kong maging honestat maging vulnerable as a person para wala na akong dahilan para hindi pa kapitan kung ano ang meron ako. Sa mundong ito na bawal i-display ang mga kahinaan mo kasi it will make you less of a person(?)… na para bang negatibong puntos iyon sa iyo tulad ng wala namang nagpo-post sa fb ng kanilang mga kabiguan at miserable nilang buhay because as much as possible gusto natin i-project ang pinkamaayos at hindi mapipintasang sarili natin at wala rin namang mali doon, yun din naman ang nais nating makita sa ating sarili.

            Natutunan ko na hindi sabay-sabay natutupad ang mga pangarap, na yung iba kailangang tahakin ang ibang ruta o daan para matunton nila ito. Minsan mas mabato at mahabang daan… pero sige lang, bawat isang hakbang kahit pa matinik makalalapit ka rin.

            Maaaring tinatanong natin si God kapag tayo ay nasa ‘down moment’ ng ating buhay. Halimbawa, nagkulang ba ako sa panalangin? Nagkulang ba ako sa paggawa ng mabuti?... Pero ang pananampalataya ay walang binibilang na ‘kota’… higit sa lahat manalig ka lang.

            Naiintindihan ko na hindi talaga ako ‘malakas’ na tao, hinuhugot ko rin ang mga kalakasan ko mula sa aking mga kahinaan. Iniisip ko, ayokong biguin ang nanay at tatay ko sa pagpapalaki sa akin, gusto kong malaman nila sa aking mga gawa at pamumuhay na ‘astig’ silang magulang para magkaroon ng tulad kong anak. Di ko alam ang lahat ng detalye ng pagtitiis at paghihirap nila para mapalaki kaming magkakapatid… pero yung alam kong kami ay may tahanan, may damit, may pagkain na pinagsasaluhan… alam kong katiting pa lang ito ng kanilang lubos na pagmamahal.

            Hindi ko alam kung paano ko pa ii-express ang mga nararamdaman ko sa ngayon, kung pwede mo na lang ako hawakan at automatic na mahahawa ka sa aking nararamdaman siguro maiintindihan mo ako lubusan. Parang lagnat lang. Ganun. Nakakahawa. Lols.

            Masaya akong buong bakasyon akong namalagi dito sa aking kwarto. Maraming mahihirap na pagmumuni-muni sa buhay ang naranasan ko. Maraming pagkakataon na kung pwede mo lang balatan ang iyong sarili para sabihin mong ikaw ay talagang nagbago.

            Iniiwasan ko na ngayong lumingon sa nakaraan. Anu’t ano man ang mga nangyari ay wala ni isa na akong mababago doon. Lagi ko ngayong pinapaalalahanan ang sarili ko na kung ano man ang ginagawa mo ngayon ay ang syang makakaapekto sa akin bukas. Kaya kailangan kong maging conscious sa aking mga ginagawa.

            Inaamin ko isa akong daydreamer. Dun lang kasi madaling matupad ang lahat ng mga ideya mo sa buhay. Isa rin akong manlalakbay sa nakaraan. Pero ngayon, itutuon ko na lang ang mata ko sa aking harapan.


            Isa lang naman talaga ang gusto ko…Gusto kong mangarap ng may puso.

"11. Oh ayan nakainom na ako."

$
0
0

Ika-12 ng Mayo, 2014
Huwebes, 5:19 ng hapon


1.Nakaka-miss ang gumising ng alas-singko ng madaling araw para abangan ang pagsikat ng araw. Nakaka-miss yung experience na nakikita kong unti-unting lumiliwanag sa aking kwarto… yung katahimikan… yung pakiramdam ng bagong simula… yung feeling hopeful(parang fb status lng haha) at yung magbasa ng libro na parang kinukwentuhan ka ng sumulat kahit sa loob lang ng isang oras.

2. Ang manuod ng downloaded movie sa gabi… Naka-earphone… yung volume na sapat na para wala ka na ibang marinig kundi yung pinapanuod mo. Yung damang-dama mo ang pelikula na para bang isa ka sa mga karakter o kakampi ng mga pangunahing tauhan. Yung hindi ka nagwo-worry kung gaano ito kahaba o kung anong oras ka matatapos sa iyong pinapanuod… at kapag matutulog ka na gusto mong ipagpatuloy ang kwento ng pelikula sa iyong panaginip kasi sobra kang na-touch / naka-relate / na-hook sa pelikula lols.

3.Yung makinig ng radyo kaysa manuod ng mga overrated tv programs. Mga ingles na musika na hindi mo alam kung kailan naipatugtog o kung sino ang kumanta. Basta patok sa tunog na nais ng iyong kaluluwa… nakagiginhawa.

4. Ang magbasa ng mga blogs at mag-iwan ng komento dahil nakaka-relate ka at damang-dama mo rin ang sinulat niya. Na minsan, naiisip ko sana hindi lang basta pag-iiwan ng comment ang magagawa ko, yung pakiramdam na natutuwa ka kung gaano katotoo ang kanyang ipinapahayag na gusto mo na rin maging ‘super close’ang mga taong nagsusulat sa blog na iyon. Na kung humihinto lamang ang oras habang ikaw ay nagbabasa ay magagawa mo sanang basahin at maging updatedsa lahat ng mga isinusulat nila… pero hindi kasi ganun hahaha, minsan kailangan pigilan ang sarili kasi may iba ka pang gawain.

5.Minsan naisip ko napaka-diktador ng mundong ito hahaha. Minsan may mga araw na bawal huminto sa pag-iisip at paggawa ng mga preparasyon na kailangan mong gawin para maka-survive ka at kahit pa’no ay masabi mo na parte ka sa ‘galaw’ng mundong ito… para maramdaman mo na kasabay ka rin ng mainstreamcurrent kung saan naroon ang karamihan ng populasyon sa mundo lols. Kaya nakakahanga ang may ‘sariling agos’ at ‘sariling galaw’… sila ang tunay na malaya.

6.Niresetahan na naman ako ng ferrous sulfate dahil anemicna naman ako. Dati ko pa naman itong kondisyon, proud to be laking Tiki-tiki at Incremin ako hahaha. Lumalaklak din ako ng vitamin C nung elementary, at nung college haggard days, hindi pwedeng mawala ang maliliit na tableta ng ferrous sulfate dahil kung hindi baka pulutin na lang ako kung saan lols. Bumalik na naman ang pagiging anemic ko… ramdam ko ang pamamanhid ang mukha ko, pamumutla kasabay ng para bang ramdam ko ang agos ng dugo sa aking bungo lols. Idagdag mo pa na napakahilig kong magpuyat…

7.Nakakatawa na nakakaasar. Paano ko ihaharap ang sarili sa marami para sa sinasabing ‘physical fitness’. Pinagkaisahan ako ng tadhana, parang pang-asar naman ako sa aking kinalalagyan… kung may awkward situation na tinatawag, itong-ito na yun! Grabe! Lols. Kung meron mang misfit / accident / sarcasm / oxymoronito na yun… ako na talaga yun! hahaha. Isa na akong malaking joke, hindi ko kinaya hahaha.

8. Nung nakaraang dalawang linggo, robot-mode muna ako. Bawal makadama o intindihin ang nararamdaman. Kasi ‘pag ginawa ko yun, masisira ang schedule ng obligasyon mo sa diktador na mundong ito. Ganun.

9. Ang sarap sa pakiramdam habang nagsusulat ako dito sa aking kwarto at nakikinig sa radyo. Makulimlim ang paligid kaya medyo malamig. Gusto ko yung mga momentna ganito, na pang-asar din kung ako ay hihiling na “sana di na ito matapos”kasi alam mo naman na hindi humihinto ang oras, hindi ka maaaring mamalagi sa iisang lugar… hindi ka maaaring mag-staysa iyong mundo…

10. Sa mga adik din sa ferrous sulfate, isang oras bago kumain o dalawang oras pagkatapos ang pag-inom nito… 6:06 na, sakto halos isang oras bago kumain ng hapunan… iinom na muna ako ng paborito kong tableta lols.

11. Oh ayan nakainom na ako.


x-o-x-o-x


“Make one person HAPPY each day, even if it’s yourself.”
-Anonymous


x-o-x-o-x


Papemelroti Question: What do you most often DREAM about?

My Answer: I dream about my dreams hahaha.



x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagUlan
#IMissMyself
#ThisIsLife


DARK ROOM

$
0
0



DARK ROOM

Animo’y larawang nakabitin,
Ang pagmamahalan natin.
Sa mga tagpong nakuhanan,
Nakakubli ang nararamdaman.

Mabuti pa ang mga larawan,
Pagkatapos sa dilim ay masisilayan.
Di tulad ng ating damdamin,
Nagtatago’t namamalagi sa dilim.


x-o-x-o-x


#shorTULA

"..lagi mong ikagugulat kung ano ang nasa loob ng bawat isa."

$
0
0

Ika-21 ng Hunyo, 2014
Sabado, 1:03 ng madaling araw


            Iniiwasan ko na ang magkape tuwing Lunes hanggang Biyernes. Nakakaihi kasi… mabuti sana kung malapit lang ang CR kung saan ko hinahanap ang buhay ko ngayon hahaha… pero nalalayuan ako eh… lalakad, bababa ng hagdanan at lalakad ulit. Isipin mo na lang kung maraming beses akong maiihi dahil uminom ako ng kape, malamang hindi ko mako-conserve ang aking energy sa maghapon, dahil yung pagpunta pa lang sa CReffort na.

            Kaya ‘pag Friday at nakauwi na ako sa bahay, excited na ako magkape! Kaya eto gising pa…

            Nagsisimula na ang panahon ng tag-ulan. Lumalamig na ang paligid. Hudyat na ito para mag-emote ang langit. Uso na ang makaramdam ng lamig… na naunuot sa balat, tumatagos sa buto at binabaon mo sa iyong puso. Magagamit ko na ulit ang mga linyang “lumuluha na naman ang langit para sa akin”hahaha. Maitataklob ko na sa nanlalamig kong katawan ang aking kumot… mayayakap ko na ulit ng mahigpit ang isa ko pang unan.

            Paano ba talaga ang maging masaya? Marami akong nakikitang mga nakangiting tao at humahagalpak ng tawa. Minsan naiisip ko bakit sila tumatawa ako hindi, korni ba ako o sila? Lol.

            Ang alam ko lang madalas lang akong mag-smile, ganun lang. Alam kong masaya ako kapag di ko na alam kung hanggang saan umaabot ang ngiti ko, tapus nararamdaman ko ang bilis at parang may lundag ang tibok ng puso ko, ganun… Masaya na ba ang tawag dun? Ano pa ba ang pakiramdam ng higit pa sa masaya?

            Hay… natulala na lang ako bigla. Inaantok na ko. Itutulog ko na lang ito…


Pagpapatuloy…
9:51 ng umaga


            Sa mga oras na ito, kahit pa tirik ang araw, kasalukuyan akong nagkakapehahaha. Naging parte na ata ng buhay ko ang pag-inom ng kape (pero ngayon tuwing weekends na lang)… kahit 3-in-1 lang ang iniinom ko, oks na yan!

            Sa tv ipinapalabas ang tagalizedna pelikulang ‘Chinese Zodiac’… wala lang. Nabanggit ko lang. Nakabukas ang tv pero hindi ko naman ito pinapanuod, pinakikinggan ko lang kasi ito yung inaatupag ko. Pero mas gusto ko nung nakaraang linggo dahil ipinalabas nila ang tinagalog na ‘3 Idiots’… gustong-gusto ko talaga ang mga bitaw ng linya sa pelikulang iyon… yung damang-dama mo ang ilang tagpo dun na gusto mo sana itong ipanuod sa mga taong hirap kang paliwanagan. Kasi nga minsan, sabi nga nila, nakikinig man tayo ngunit ito ay para may masabi rin sa ating napakinggan hindi dahil ito ay iyong naintindihan. Kaya marahil medyo tahimik (o tahimik talaga hahaha) akong tao, eh kasi alam ko naman na di lahat ay marunong makinig at makaintindi (parang ako lang din lols)… baka masayang lang ang effortko sa pag-i-explain.

            Nung nakaraang araw, nagsalita ako tungkol sa emosyonfeeling ko ang plastik ko nung araw na iyon dahil isa akong taong walang emosyon hahaha. Kailangan kong mag-isip ng mga senaryo na common sa marami kahit pa hindi ito common sa akin para lang maiparating ko na ‘nakaka-relate ako you know’hahaha, pero hindi talaga. Mahirap maging isang aktor… kailangan ko pa ng maraming workshops hahaha. May sarili rin naman akong emosyon pero feelingko kaunti lang ang mga species na katulad ko.

            Minsan naisip ko biniyayaan naman tayo lahat ng utak, pero hindi pa rin natin laging nagagawa ang tama. Siguro kasi hindi lang utak ang batayan sa paggawa ng tama o pati na rin ng mabuti.

            Nakatutuwa ang ibang tao. Para silang mga regalo. Maaring yung iba nakabalot sa isang magara at magandang gift wrapper o maaaring simple lang… pero lagi mong ikagugulat kung ano ang nasa loob ng bawat isa.




Viewing all 374 articles
Browse latest View live