Quantcast
Channel: KORTA BISTANG TIBOBOS
Viewing all 374 articles
Browse latest View live

Mula sa 'Selda'

$
0
0
“NANDITO AKO”
(Lyrics by: Paolo Villaluna / Music by: Pike Ramirez / Sung by: Veena Ramirez)

Sana may kasama ako sa paggising
May kasalo sa pagod ng araw ko
May kasama tuwing natatawa
Sabay sa sarap ng ligaya
Alam niya bang nandito ako’t kailangan ko siya
Alam niya bang napakalungkot dito
Alam ba niya?
Di ko kayang isipin na ako’y nag-iisa
At hindi ko siya kasama
Sana may kasama ako sa pagtulog
Katabi kapag maginaw ang gabi
Kaagaw sa kumot ng kamang masikip
Sabay sa sarap ng ligaya
Paano na?
Paano siya?
Paano na ang gabi?
Paano’ng umaga niya?
Nag-iisa na siya
Walang katabi, walang kakampi
Paano na ngayon?
Paano siya ngayon?
Alam niya bang nandito ako’t kailangan ko siya
Alam niya bang napakalungkot dito
Alam ba niya?
Di ko kayang isipin na ako’y nag-iisa
At hindi ko siya kasama…

x-o-x-o-x

1. May bago na akong pampatulog / pampakalma na kanta, ito ay ang “Nandito Ako” mula sa indie film na “Selda”. Pinalitan ko na ang kanta ng The Smiths na “Sing Me to Sleep” hehe. Kumbaga, gasgas na sa aking tenga ang tugtog na yun, saka di na siya nakakaantok, medyo nakakatakot na ang “Sing Me to Sleep” dahil baka di na nga ako tuluyang magising lols.

2. Sa mga hindi pa nakakapanuod ng “Selda”, madali lamang itong hanapin sa YouTube. Rated SPG para sa mga bata (o nag-iisip bata) na manunuod. Gayundin naman, mahahanap din ang kantang “Nandito Ako” sa nasabing website para sa mga gusto itong marinig (kaysa abangan pa habang nanunuod ng pelikula). At hindi naman halatang todo promote ako sa bago kong natipuhang kanta. Di naman di ba?

3. Marami pang iba akong napakinggan na mga soundtrackng pelikula na hindi madaling hanapin (o sadyang kulang pa ang aking skills sa pag-google lols) tulad ng mga sumusunod: (sana pag nahanap niyo, bigay niyo naman sa akin, thanks! hehe):
           
            “But I Do(Written and Performed by Roxanne Hale)

            “What I Want(Written and Performed by Roxanne Hale)

Hopia!

$
0
0
Hindi naman halata na sa larawan pa lang ay isa na ako sa mga ‘die-hard-fan’ ng hopia haha. Kaya nga kung mabubuhay lang sa totoong mundo si Doraemon, magkakasundo kami!

            At isa nga sa mga ‘peyborit’ kong hopia ay ang murang-mura lang at ‘afford’ ng lahat na ‘Baker’s Fair Specialty Hopia’ (ube at mongo, mapa-dice or round pa yan), Php 100 lang per box! Mainit-init pa kung bibilhin, so freshly madetalaga. Hindi naman ako binayaran ng Baker’s Fair dito, pero kung mabasa man nila ito, pwede na ang ‘one year supply’ ng hopia lols.

            So, temang kababawan lang naman ang post na ito na patungkol lang sa ating mga minamahal na ‘comfort food’, yung tipong kapag sobrang pinagkait na ng kapalaran ang kaligayahan ay ikakain mo na lang ito ‘to the patay-gutom level’ haha.

Kwentong ‘comfort food’…

1. Kapag badtrip, tatlong pagkain lang ang binibili ko- root beer, potato chips at syempre pa ang hopia! Yang tatlo ang masarap at masayang combi!

2. Meron pa akong isang brand ng hopia na binibili (bukod sa Tipas Hopia, ayan ah promotion na naman), nakalimutan ko yung pangalan, basta 5 pirasong siksik na hopiang mongo yun (meron ding hopiang baboy). Kapag yun ang binibili ko, I challenge myself na ubusin yung 5 na yun, pero hanggang tatlo lang talaga, kasi nakakabusog na. One time, pinilit kong maubos yung lima, ang ending masuka-suka na ako at nakakabundat ng tiyan hahaha.

3. Yung tipong, kahit malayo ang bilihan ng Baker’s Fair Specialty Hopia (todo promote na yan ah), magbibyahe pa rin ako after school makabili lang. (at todo effort pa yan ah, baka dedmahin pa rin ako ng Baker’s Fair lols).

4. Dati ayoko ng hopia mongo ng Baker’s Fair kasi kapag mainit pa, parang lasang ‘cerelac’ - yung pagkain ng mga baby haha, pero masarap pa din! (kaunting kabig, baka di ako mabigyan ng ‘one year supply’)

5. At para sumakto hanggang panlimang bilang, masarap din ang hopia ka-partner ng mainit na kape o tsaa lalo na kung tag-ulan. Nakakaginhawa talaga sa pakiramdam, yung feeling mo may ‘tea ceremony’ sa bahay haha.

The End. Sa mga may-konek sa Baker’s Fair baka magkalimutan, ano po? Haha. Ikaw, anong kwentong Baker’s Fair mo? (parang Rebisco lang lols)

Kwentong Key Chains

$
0
0
           Isa lang naman ang susi ng locker ko sa school pero sampung key chains ang nakasabit dito hehe. Nakahiligan ko kasi ang pangungulekta ng ‘key chains’. Halimbawa, kung makapunta man ako sa isang lugar, ang hinahanap ko kaagad ay kung saan makabibili ng key chainpara remembrance na rin o souvenir na bukod sa mga larawan, ang mga key chains ang nagpapaalala sa akin tungkol sa lugar na yun. Okaylang din kung minsan ay bigay ng mga kamag-anak o kaibigan, yung kahit di pa ako nakapunta kung saan man nagmula ang key chain na ibinigay nila ay okay na rin kasi baka sa hinaharap ay marating ko rin yun.

            Lahat ng nakolekta kong key chains ay inilagay ko sa isang lalagyan. Ni hindi ko nga sila binalak na gamitin para wag maluma o masira, pero nung binagyo yung bahay namin, nung Ondoy pa ata yun, ayun nabulok sa pagkababad sa baha ang lahat ng mga key chains ko, na karaniwan ay gawa pa naman sa kahoy. Mula nun ay itinigil ko na ang pangongolekta ng key chains, nanghinayang kasi ako.

            Kaya sa tuwing may nagbibigay sa akin ng key chain ay isinasabit ko na sa susi ng locker ko. Narito sila hehe:


01. Yung maliit na rosary ay ibinigay sa akin ni Ma’am T.S.A. noong birthday ko. Feeling ko safe ang locker ko dahil sa rosaryong ito. (kahit wala namang kayamanan sa locker ko kundi mga papel at libro)

02. Ang bangkang key chain naman ay bigay ni Ma’am C.A.A. Pasalubong niya yan sa amin nung nag-swimming sila sa Subic.

03. Ang JEFF na key chain ay bigay ng isang estudyante bilang pasasalamat niya sa lahat ng mga guro. Siya ang valedictorian ng kanilang batch. Nakakatuwa lang dahil di ko naman siya naging estudyante pero lahat kami ay binigyan niya ng key chain na may mga pangalan namin.

04. Yung Singaporekey chain naman ay bigay ni Ma’am V.O. Minsan naghahalungkat siya sa locker niya tapus nakita niya ang mga key chains na ito, ayun mapalad akong nabahagian haha. Di ko lang alam kung galing nga ba talaga sa Singapore ang key chain na ito lols. Nanggaling man o hindi, ‘it’s-not-a-big-deal’.

05. Pero itong elephant na key chain ay galing talagang Thailandna bigay ni Sir D.G. nung siya ay naglamyerda doon.

06. Ang Pagudpodkey chain ay binili ko lang nung mapadpad ako sa lupain ng Ilocos. Pampasalubong lang talaga ang bibilhin ko nun, pero di ko napigilan na bumili ng isa para sa sarili ko lols.

07. Si Bonie ay bigay ni Ma’am D.A. bilang nakunsensya siya nung minsan ay nabagsak niya ang heavy weapon kong key chains at nabiyak sa dalawa ang Pagudpod key chain ko. Dahil di siya nakuntento sa pagra-rugby ng key chain ko na yun, ayun ibinahagi na niya sa akin si Bonie na napigtas na ang isang paa dahil di na niya kinaya ang pakikipagbanggaan niya sa iba pang mga kasaping key chains hehe.

08. Di ko na talaga matandaan kung sino ang nagbigay sa akin ng sapatos na key chain na yan, nalilito ako kung sino haha. Oh baka magtampo.

09. Ang ‘God will watch over your life’ ay bigay naman ni Sir E.N. nakalimutan ko na rin kung anung meron at namigay siya ng mga key chains na may quotes.

10. At ang panghuli, ay ang nag-iisang survivor ko na Jeffkey chain na nabili ko pa sa Pandayan nung college pa ako haha! Somga 7 years na yan sa akin, kaya kita naman na dugyutin na di ba hehe.

            At kapag pinagsama-sama sila, heto ang kalalabasan:

(Hanapin ang nag-iisang susi…)

            Dati, kapag pinagmamasdan ko ang koleksyon  ko ng mga key chains, palibhasa’y binili ko lang kung saan man ako mapadpad, tanging mga alaala ng lugar na iyon ang aking nababalikan. Ngayon, kapag kinukuha ko aking susi kakabit ng mga ibinigay na key chains sa akin, pakiramdam ko di ako nag-iisa. Dahil minsan, sa punto ng aking buhay ay nakasama ko rin sila… (makapag-drama lang lols)
            Ikaw, anung kwentong key chain mo? (parang rebisco lang ulit)

Sembreak Notes

$
0
0
Ika-27 ng Oktubre, 2013
Linggo, 5:18 ng hapon

            Unang araw ng sembreak. Hapon na pero wala pa rin akong plano kung paano ko uubusin ang isang linggo para naman maging makabuluhan ang sembreak ko, hindi yung lagi na lang akong ‘tulala’ at tulog. Marami naman akong naiisip gawin pero di ko masimulan. Sabi nga eh, ang pagsisimula ng isang gawain ang pinakamahirap lalo na kapag mas pinapaboran mo ang katamaran hehe.

            Hindi naman ako makapanuod ng tv, dahil yung nag-iisa naming tv ay nasa kwarto ng ‘best enemy’ kong kapatid. Kaya radio lang at mga music sa cellphone ang napakikinggan ko sa maghapon, pati na rin pala yung ingay ng mga butihing kapitbahay lalo na ang kanilang ‘never-ending-concert’sa kanilang videoke. Anyway, di naman talaga ako madalas manuod ng tv

            Bukas ay eleksyong pang-barangay. Parang nadarama ko na huwag nang bumoto (bad example hehe). Sila-sila rin naman ang tumatakbo (ni hindi ko pa nga kilala yung iba), tapus pare-parehas lang din ang sinasabi na sila’y maglilingkod kuno, daming sinasabi, di na lang gawin. At saka ‘same-old-ways’ pa rin naman ang pangangampanya dito sa aming lugar, libakan ng mga partido, kala mo naman kaylinis nilang lahat hehe.


Ika-28 ng Oktubre, 2013
Lunes, 4:14 ng hapon

            Kailan kaya darating ang Bayantel para ayusin na ang telephone at internet connection namin. Sayang naman ang sembreak. Ito na nga lang yung panahon na pwede akong makapunta kahit saan basta may wifihehe. Kainis!

            Kaunti lang ang nagawa ko ngayong araw. Ninanamnam ko kasi yung katahimikan dito sa bahay at saka yung banayad lang na init ng hapon. Simula nang dumating yung pamangkin ko dito sa bahay, di na nagkaroon ng katahimikan at kaayusan, kaya ngayon na natutulog siya, payapa dito sa aking lugar. Sapat lang din ang ingay ng kapitbahay, baka naka-rest mode lang, tapus mamyang gabi bibirit na naman sa videoke lols.

            Bale, tatlong araw na akong di lumalabas ng bahay. Nawiwili na naman ako sa bisyo kong ito ng pagkukulong. Kaya nga gusto ko talagang mag-auditionsa ‘Bahay ni Kuya’ kasi feeling ko may advantage ako dun, dahil sanay na sanay na (as in expert level na) akong makulong sa bahay sa loob ng ilang araw hehe. Kaya pakiramdam ko, pagnakapasok na ako dun, wala lang, ‘nothing is new’ ika nga lols.


Ika-31 ng Oktubre, 2013
Huwebes, 10:49 ng umaga

            Huling araw na ng Oktubre. Kaya kahit sa Nov. 4 pa ang resume ng klase, itinuturing ko na itong huling araw ng aking sembreak.

            So anung nangyari? Ayun, kinarir ko ang pagtatago dito sa loob ng bahay haha. Kaya minsan kapag lalabas na ako nasasabihan ako ng-

“oh nandyan ka pala, kala ko nagbakasyon ka di kasi kita nakikita”
(yung medyo nakakainis kasi sa loob nga lang ako ng bahay nagbakasyon haha)

“parang pumuti ka!”
(na di nila alam, namumutla lang ako kasi di ako naaarawan lol)

Gayunpaman…

Sana bago ang pasukan ay maigala ko naman ang katawang lupa ko hehe. Nagkaroon na ulit kami ng internet sa bahay kaya isa siguro isa yun sa mga dahilan kung bakit lagi lang akong nasa loob ng bahay. Pwede namang makipag-socializesa virtual world lol (pampalubag loob lang).

Gusto ko sanang sumama nung nag-aya na mag-bike-athonyung mga estudyante ko kaso wala na kaming bike(sayang lang). Kaya nakuntento na lang ako na tignan sa facebook at kanilang masayang bonding, at least naging masaya sila, masaya na rin ako (showbiz).

Napakalaki ng pagkakaiba nung 7 months kaming nawalan ng internet kumpara sa ngayon na meron na ulit. At ito ay ang mga sumusunod: (parang lecture lang)

a. Nung nawalan kami ng internet, tuwing linggo bumibili ako ng Manila Bulletin. Ito na yung pang 1 week kong balita, minsan kasi yung mga nasa pang- linggong labas ng Manila Bulletin ay isang linggo ring binabalita sa tv… kaya binabasa ko na lang haha.

b. Tapus, napagtyayagaan kong magbasa ng mga luma kong libro (paulit-ulit lang) o kahit pa ng mga ebook, dahil di naman ako makapag-surf para makapagbasa ng mga blogs.

c. Na medyo gusto ko nang makipag-usap ng madalas sa mga taong nakakasalamuha ko o kaya sa mga co-teachers ko dahil di na ako nakkikipag-chat sa mga nakakabaliw na random people sa mundo haha.

d. Na nakahiligan ko nang manuod ng mga movieso tv series (tulad ng Prison Break) dahil mahirap pag walang internet, walang mapanuoran ng mga pelikula o documentaries (feeling smart lang).

e. At ang pinakamahirap sa lahat ay ang makigamit lang ng wifi sa school. Kasi hanggang 5pm lang ang wifi, paglampas ng 5pm OFFna as in pinapatay na haha, kakaloko talaga! Kaya kapag vacant o 1 hour bago umuwi, nagda-download na ako ng mapapanuod o ng kung anong mababasa. Kaya tuwing vacantlang din ako nakakapag-blog hoppingkaso bitin pa, syempre marami ka rin dapat tapusin habang nasa school.


Kaya, ngayon feeling connected na ulit ako sa mundo…  sa sarili kong mundo.


Ako at ang Aking Cross Stitch :)

$
0
0
         Noong isang araw (umaga), habang nagliligpit ako ng kumot at unan, iniabot ng nanay ko ang projectkong ito, nakita niya nung nag-ayos siya ng mga gamit namin. First year high school ko pa ‘to ginawa. At hindi ko malilimutan ang cross stitch project na ito dahil hindi ko yan tinulugan makaabot lang ako sa huling araw na ibinigay sa amin ni Ma’am Z. para makapagpasa.

            Medyo napatingin ako ng sandali sa project kong ito (hindi dahil sa sobrang ganda o husay ng pagkakagawa), na-amaze lang ako kasi naluma na pala siya haha. Sampung taon na ang nakalipas, nasa bahay pa pala namin ang cross stitchkong ito (parang ang tanda ko na lol).

            Dati kasi naka-frame pa yan, pero kita mo naman after 10 years, wala na yung frame, medyo madungis na at niluma na ng panahon ang sinulid at tela.


           Naitanong ko tuloy… ano ba ang natutunan ko sa cross-stitch projectna ito? Hindi naman kasi talaga ako pala-submitng mga ganitong project lalo na yung pananahi at paggagantsilyo.

            Tiningnan ko ang mga detalye… puro ‘EKIS’ ang nakikita ko (malamang kasi cross stitch lol). Pero ang ikinamangha ko ay kung paano nabuo ang larawan sa tela gamit ang mga ‘EKIS’ na pagtinignan mo sa kabuuan ay di naman halatang mga ‘EKIS’ ang mga iyon…

            Naihalintulad ko tuloy ang project kong ito sa aking sarili. Maraming pagkakataon na hindi ko matanggap ang mga ‘EKIS’ na meron sa aking buhay- mga FAILURES, FRUSTRATIONS at INSECURITIES. Na nagagalit ka sa sarili mo kung bakit kailangan mong maranasan ang mga iyon… lalo na kung paulit-ulit itong nangyayari. Gayunpaman, tulad ng mga ‘EKIS’ sa cross stitch, ang mga ito pala ang maaaring BUMUO sa ating sarili. Na sa bawat ‘EKIS’ na nadarama natin, sa paglipas ng panahon, ito ang magbibigay dagdag na detalye upang lubos nating makita at maunawaan ang ating sarili sa parehas na paraan kung paanong nakikita at naa-appreciate natin ang larawang nabubuo mula sa mga ‘EKIS’ ng cross stitch

            Kaya nais kong payuhan ang sarili ko na wag matakot magkamali, dahil baka dumating ang panahon na hindi ko lubusang makita at makilala ang sarili dahil lang sa ayokong magkamali. So. ‘EKIS-EKIS’ din pag may time! (but not most of the time, haha)

PAPEMELROTI

$
0
0

1. Hindi naman siguro nakakahiya kung aaminin ko na… panatiko ako ng Papemelroti hehe.
2. Kapag may nagbibigay kasi sa akin ng kahit anong bagay na galing sa Papemelroti, napaka-thoughtfulng dating para sa akin. Nagustuhan ko yung ideya na gumagamit sila ng mga recycled materials.
3. Basta, hindi ko alam kung pa’no ko idi-describe yung feeling, parang napaka-warm ng mga items nila dun.
4. Napaka-creative ng pagkakagawa at inspiring pa yung iba, at syempre very affordable!
5. First time kong bumili sa mismong store nila sa SM Manila, gusto ko nga sanang magpa-picture kasama nung mga itemsnila sa store, kaso baka ma-weird-duhan sa kababawan ko ang mga namimili dun hehe.

Ito yung nakasulat sa isa sa mga notebook na nabili ko:

            Xvxn though my typxwritxr is an old modxl, it works quitx wxll xxcxpt for onx kxy. Thxrx arx twxnty-ninx kxys that function wxll xnough. But just onx kxy not working makxs thx diffxrxncx.
            Somxtimxs it sxxmx to mx that our group is somxwhat likx my typxwritxr. Not all thx kxys arx working propxrly. You may say, “Wxll, I am only onx pxrson, it won’t makx much diffxrxncx.” But you sxx, thx group to bx xffxctivx nxxds thx activx participation of xvxry pxrson.
            So thx nxxt timx you think you arx only onx pxrson and that your xffort is not nxxdxd, rxmxmbxr my typxwritxr and say to yoursxlf, “I am a kxy pxrson and nxxdxd vxry much.”

Nakaka-inspire lang!

(On a lighter side…) Hindi naman sa umaasa ako ng gift certificate o ng kahit ano mula sa Papemelroti… pero bilang panatiko ng Papemelroti sana meron hahaha… pasko naman lol.

Hello sa mga taga-Papemelroti! Ako yung kumaway at nag-smile pa sa harap ng inyong CCTV habang hawak ko yung mga notebook na yan hahaha, paki-review ang video lol. I never thoughtna magagawa ko yun sa sobrang tuwa ko sa inyong store hehe. Sana mapuntahan ko pa yung mas malalaking branch… hopefully!

My Thoughts and Issues :)

$
0
0
            Hindi ko alam kung awkward bang masasabi kapag gumagala akong kasama ang nanay ko hehe. Eh kasi naman, mga ilang buwan ding hindi ko nakasama ang nanay ko sa galaan, hindi na rin kami masyadong nakakapagkwentuhan dahil lagi na lang akong nakaharap sa netbook, may ginagawa o gabi na kung umuwi.

            Nasabi kong awkward kasi hindi pala magandang gumala kasama ang iyong nanay tuwing araw ng sabado. Yung eksenang nakasakay kami sa jeep at mga 55% ng pasahero ay mag-dyowa haha. Yung mari-realize mo na wala kang lovelife, na isa kang nga-ngang nilalang pagdating sa usaping relasyon o pag-ibig, na yung tanging pampalubag-loob mo na lang ay maaari nilang isipin na kaybuti mong anak dahil sa edad mong bente-kwatro ay kasama mo pa rin sa galaan ang nanay mo lols.

            Gayunpaman, kahit nakakainggit sa puso ang mga nakikita mo sa paligid, masaya pa rin ako dahil nakasama ko ulit ang nanay ko (pampalubag loob haha).

            Moving on sa panibagong topic… dahil sa Disyembre na ngayon, uso na naman ang mga bigayan ng sobre habang nakasakay ka sa jeep. Yung mga nanlilimos sa daan na hindi na palad ang ginagamit sa panlilimos na bigla na lang sasakay ng jeep at magbibigay ng sobre sa’yo (sosyal naka-sobre na). Pero, nakalulungkot talaga yung ganung eksena. Yung hindi mo alam kung kukuha ka ba ng salapi sa iyong bulsa para may maibigay sa kanila gayung alam mo na kapag ginawa mo yun ay para mo na ring sinabi na okaylang na gawin nila ang istilo ng panlilimos na iyon na maaari rin nilang ikapahamak lalo na yung mga bata na bigla na lang sumasampa sa jeep.

            Hindi man masyadong socially relevant na sabihin kong Ms. Venezuela na naman ang nanalo sa Miss Earth 2013 ay babanggitin ko pa rin hehe. Natuwa lang ako sa comment ng isang ka-fb, sabi niya- nakuha na nga ng Venezuela ang Miss Universe, pati Miss Earth kanila pa rin! Ewan ko nga rin kung ano bang meron sa mga taga-Venezuela, marahil yun na ang ultimate essenceng pagiging isang babaeng taga-Venezuela- ang makapag-uwi ng korona mula sa iba’t ibang beauty pageant. Lagi na lang sila, sila na! lols.

            At nung malaman ko na plano ng isang congressman na taga-Valenzuela(magkatunog lang, maipasok lang ang issue hehe) na bigyan ng lifetime tax exemption si Manny Pacquiao napaka-comment talaga ako ng- parang hindi naman dapat! Grabe naman kasi kung bibigyan siya ng ganung privilegedahil sa siya ay nakapagbigay ng karangalan sa ating bansa. Napakakitid naman. Si Pacman lang ba ang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas? Naku, maraming makikipaglaban diyan!

            At the end of the day, ang masasabi ko lang- live your life the way you imagine it!

            Namayapa na pala si Nelson Mandela. Hindi ko siya personal na kilala, di rin masyadong marami ang kaalaman ko tungkol sa kanya, ang alam ko lang isa siyang lider sa Africa na nagdulot ng pagbabago sa lugar na iyon. Ang alam ko lang talaga ay yung mga quotes na nababasa ko na galing sa kanya, at masasabi mo talagang siya’y isang tao na punong-puno ng wisdom!RIP Nelson Mandela…

My 'Krismas Istori'

$
0
0
Ika-25 ng Disyembre, 2013
Miyerkules, 12:03 ng madaling araw

Ganito ang Pasko sa amin...

1. Hindi kami yung cheesy type na pamilya na pagsapit ng noche buena ay magpapalitan ng pagbati ng merry christmas, with beso-beso at bigayan ng gifts… No! No! No! haha. Pag ginawa mo yan sa aming pamilya, para kang matutunaw sa kakornihan, walang makiki-ride on sa’yo. Kung hindi man ganun ang mangyari, palilipasin na lang ang mga ganung tagpo haha. Mapapaisip ka na lang kung bakit sa ibang pamilya o sa pelikula ay okay naman ang mga ganung moments, pero pag sa amin parang ang awkward lol.

2. Dahil ang totoo, kahit pa may handa kami tuwing pasko, hindi naman talaga kami nagno-noche buena, naghahanda lang talaga eh kasi nga pasko… yung iba sa amin ay tulog na sa mga oras na ito, kinabukasan na lang kumakain ng sabay-sabay eh kasi naman almusal haha.

3. Ganun pa rin naman ang mga tagpo, solid pa rin sa kaingayan ang neighborhood namin, yung akala mo new year na kasi bidang-bida na naman ang videoke nila na basag naman ang tunog, na ayaw nilang paawat kahit pa sumuko na yung mga kasabayan nila sa pagvivideoke, go lang ng go!

4. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-simbang gabi. Never in my life ko talaga na-experience ang bagay na ito. Nahiya naman ako sa status ng isang ka-fb, sabi niya bakit daw napakaraming nagsisimbang gabi pero kapag linggo hindi naman ganun kasing dami. So ipinapalabas niya, ayon sa aking hinuha, na di naman pagsisimba ang pakay ng marami. So, nahiya naman ako, kasi di nga ako linggo-linggo nagsisismba tapus magsisimbang gabi pa ako haha. Napapaisip tuloy ako if mapupunta pa ba ako nito sa heaven lol.

5. Kung hindi siguro ako teacher, baka hindi pa ako makatatanggap ng mga regalo haha. Malaki na rin kasi ako nakakahiya namang mamasko! Saka malayo na rin sa amin ang mga ninong at ninang ko. At kahit may trabaho na ako, wala pa rin akong binibigay na regalo sa mga pamangkin ko haha. Eh sabi naman ni Santa di makaka-receive ng gifts ang mga salbaheng bata, eh mga salbahe naman mga pamangkin ko, so bilang pagsunod sa rule ni Santa, no gifts for them haha.

6. Napaka-usual lang naman ng selebrasyon ng pasko sa amin. Hindi masyadong alinsunod sa mga tradisyon at nakagawian ng maraming pamilyang Pilipino. Parang ordinaryong araw lang din na nagkaroon lang ng munting kasiyahan.

            Kaya napapaisip din ako kung bakit ba talaga ipinagdiriwang ng mga tao ang pasko? Nauunawaan ba ng marami kung ano ang pasko? Na hindi lang ito basta kapanganakan lang ni Hesukristo… Ang pasko ba ay nangangahulugan lamang ng mga handaan sa hapag at mga regalo? Wala na bang ibang paraan para i-celebrate ang krismas? Ano ba talaga ang sini-celebrate? O tayo lang talaga ang nagpapakasaya tuwing pasko? Paki-explain. Lols…

Last na 'to for this Year! :)

$
0
0
Ika-30 ng Disyembre, 2013
Lunes, 11:28 ng gabi

            Meron na lang akong isang araw para pagbigyan ang pagiging ‘tulala creature’ ko sa mundo. Dahil pagsapit ng bagong taon, balik gawa na naman ng kung ‘anek-anek’ na preparation at paper works. Di ko na ulit mapagbibigyan ang sarili ko na tumunganga sa maghapon, kaharap ang netbook, di na rin ako makakatulog kahit na anong oras na gusto ko, makakalimutan ko na naman ang saya ng panunuod ng telebisyon hehe. Pero okay lang, sapat na sa akin ang panahong binigay ko sa sarili para maging ‘tulala creature’ di naman kasi maaaring maging ganun na lang.

            Sabi nila, para magkaroon naman ng direksyon at purpose ang buhay mo, dapat alamin at gamitin mo ang mga ‘gifts’ na ipinagkaloob sa iyo, di para sa iyong sarili, kundi para sa iba. Ang mundo ay mas magiging mabuti kung lahat ay matututong wag maging makasarili.

            Kaya naisip ko sana makapagbahagi rin naman ako sa mundo para naman magkaroon ng silbi ang pagiging nilalang ko hehe. Kung ano man yun, ay maaaring di ko rin alam o hindi lang ako sure haha, kung may nakukuha man na mabuti ang iba mula sa akin, ipinagpapasalamat ko yun ng lubos.

            Masaya ako kasi isang taon na naman ang matatapos. Masaya ako kasi may mga bagay akong nagawa na hindi ko akalain na magagawa ko o dahil kasi hindi ko man lang pinu-push ang aking sarili hehe.

            Ayoko nang gumawa ng tema ng aking buhay para sa taong 2014. Mas maganda kapag surprise! Napakaarte ko naman kasi para bigyan pa ng theme ang buhay sa bawat taon, eh wala namang nasunod haha. Ang alam ko lang ngayon ay gusto kong mas maging masaya sa susunod na taon!

            Halo-halo ang nararamdaman ko. Mahirap na talikuran o iwanan ang mga nakagawian na pero exciting naman sa kabilang banda yung mapunta naman sa ibang tagpo ang iyong buhay. May kanya-kanya lang talagang time-frame ang bawat bagay o tao sa buhay natin. Hindi talaga marahil lahat ay mananatili pero di naman nangangahulugan iyon ng paglimot.

            Hindi ko alam kung bakit parang ang saya ko kahit hindi naman dapat haha, o kung bakit parang gustong-gusto ko yung buhay ko nitong taon na ito kahit pa di ko naman taglay ang lahat, basta di ko alam.

            Hangad ko na mabuhay ang bawat isa sa paraang gusto nila… gusto ko lang maging masaya yun lang!

            Gusto ko sana gumawa ng year end post tulad ng ibang bloggers, pero di ko masimulan kasi kaunti na lang ang naaalala ko haha. Nakalimutan kong mag-take note o kung meron man baka kasi ako lang din ang maka-relate haha. Kaya hanggang ganito na lang muna…

            Maraming salamat sa taong 2013!!! At halina 2014!!! Hehe.

Jepbuendia

11:54 ng gabi

Missing Them, The Smiths, Inuman, New Year at Japan :)

$
0
0
Ika-01 ng Enero, 2014
Miyerkules, 9:45 ng gabi

Bigla ko lang naalala…

            Na-miss ko lang yung panganay kong ate. Sa kanya lang ako kumukuha ng maturity hehe. Ibig kong sabihin, siya yung ginagawa kong example sa kung pa’no ba maging mature. Dahil siya nga yung panganay, malaki na siya nung bata pa ako lols, kaya never ko siyang nakita as‘childish’… sa tingin ko astig din ang buhay niya dahil mabarkada siya at maraming kaibigan, at higit sa lahat matatag.

            Kaya naalala ko na rin yung pangalawa kong ate. Hindi ko makakalimutan yung pagtuturo niya sa akin kung paano gamitin ang LCD (least common denominator) para ma-add ang dissimilar fractions, kaya ang yabang ko nung itinuturo na yun nung teachernamin nung grade 3 dahil alam ko na yung lesson haha. Na-miss ko na rin makipag-tadyakan sa kanya bilang siya lang naman ang pumapatol sa kaharutan ko nung bata. Damang-dama ko talaga yungflying kick niya na halos ikasira ng cabinetnamin noon, ganun pala yung feelingng lumipad sa ere literally.

            Syempre di rin pahuhuli yung pangatlo kong ate, siya lang naman ang ka-bondingko sa pagbabasa tuwing gabi. Kaya siguro nahilig din akong magkwento dahil nakahiligan ko rin ang magbasa noon ng maiikling kwento. Dati tuwang-tuwa ako sa makakapal na libro ng ate ko sa Filipinonung high school pa siya kasi marami kang mababasa doon, di tulad ngayon, ang ninipis na ng mga libro. Kaya nung wala na rin siya sa bahay, parang nakakatamad na ang magbasa, kasi parang ako na lang ang gumagawa ng ganun ngayon. Siya lang din ang kaagaw ko nun sa dyaryo kasi parehas kaming matagal magbasa dahil binabasa namin lahat ng section sa dyaryo para lang mainis namin ang isa habang naghihitay sa kanyang chance makapagbasa ng dyaro lols.

            Ngayon kasi… iba-iba na ang priority nila sa buhay, dahil nga may mga pamilya na rin sila. Iba na rin ang mga usapan, di na kasing simple nung dati. Ngayon, yung mga makukulit nilang anak ang nakakasama ko kapag bumibisita sila sa bahay, na ayoko namang laging kasama dahil di na ako natutuwa sa mga kaharutan nila haha. Cute lang talaga ang mga bata kapag baby pa sila, pero kapag lumalaki na, nakakairita lols.

The Smiths…

            Nahihilig na naman ako sa mga awitin ng The Smiths. Para sa akin, sila yung foreign version ng Eheads. Di ko naman sila inabutan, dahil sumikat sila nung 80’s hanggang early 90’s. Nung napanuod ko yung The Perks of Being a Wallflower, dun lang ako nagsimulang maging familiar sa mga kanta kanila. Pero ewan ko, pakiramdam ko dati ko pa sila napapakinggan, siguro sa mga inuman nung mga matatanda sa amin hehe. Para silang astigna version ng The Beatles, ganun.

Speaking of inuman…

            Nung Noche Buena, nasa bahay ang pamilya ng ate kong panganay, habang kumakain, nag-iinuman ang tatay ko at ang aking bayaw, tapus inaya nila ako at hindi ko alam kung anung gagawin ko haha-

            Umeksena na lang yung ate ko ng- “Wala pa yan sa bokabularyo niya…(kahit 24 na ako haha) na muntik ko nang ikinasamid habang kumakain hahaha… Awkward!!!

            Ang weird pala ng feeling yung umiinom ka naman (occasionally) kapag kasama ang mga kaibigan o katrabaho, pero di mo alam kung bakit di mo yun magawa sa loob ng bahay kahit pa ang kasabayan mo naman ay mga kapamilya mo hahaha. Grabe naman din kasi sila mag-inuman, hanggang mabangag, di pa naman ganun ang level ko haha.

So kamusta naman ang new year?

            Uhm… hindi naman ako nag-expect ng todo-todo. Yung tipong paggising mo o pagsapit ng bagong taon pakiramdam mo dapat lahat ay bago na hindi naman talaga maaari. Natuto na akong tanggapin (I hope so) ang mga bagay na nandyan na, dahil kalendaryo lang talaga ang napapalitan pagsapit ng new year. The rest will depend sa mga gagawin at nais mo for this year!

JepBuendia
10:36 ng gabi

P.S.

            At hindi ko alam kung bakit lagi akong nakakapanuod ng docu about sa Japan tuwing bisperas ng bagong taon. Ganung oras din, mga 2 hours bago mag-new year, habang naghihintay. Last year ang napanuod ko ay yung tungkol sa pagsu-suicide ng mga Japanese, ngayon namang taon ay tungkol sa Love Industry sa Japan. Ang weird na hindi na pala gusto ng mga Japanese na mag-asawa at magkaanak kaya tumatanda na talaga ang kanilang population. Mas mabenta pa nga daw ang mga adult diapers kaysa mga baby diapers. At maraming mga kung anu-ano na lang na gawain ang meron para lang kahit paano ay ma-suffice nila ang kanilang need sa pagmamahal. Halimbawa, yung mga love dolls, virtual gf, mga pubs na binabayaran ang mga host/hostess para sa isang gabing kwentuhan, may mga place din para may makasama kang matulog at kayakap at marami pang iba, para lang dagli nilang mapunan ang kawalan ng karelasyon. Habang tumatagal tuloy, mas nagiging interesting ang bansang Japan sa akin.Ang unlad niyang bansa pero ang dami rin niyang kawirdohan. Bagay ata ako dun hehehe.

Dirty Friend

$
0
0
Ika-02 ng Enero, 2014
Huwebes, 7:13 ng gabi

Binigyan ako ni dirty friend ng ganito…


Isang bote ng lalagyan ng gamot,
Ang nakasulat sa label ay…

DR. ARDIE PEREZ
FOR DEPRESSION, DIZZINESS
AND UGLINESS
“TAKE ONE CAPSULE A DAY!”
PATIENT: JEP BUENDIA

Hiyang-hiya naman ako
doktor na pala
ang kaibigan kong
mukhang konduktora
hahaha!
nagmumukha tuloy akong masama ngayon
pero ganun talaga ang magkakaibigan
naglalaitan! Lols
  
Sa loob nito ay makikita…


Mga capsules at isang sulat,
na nakatupi na parang isang damit
(na trademark na niya pag nagbibigay siya ng letter)

At buong akala ko ay ganun na lang yun,
matapos kong basahin ang sulat.
Akala ko talaga props lang yung mga capsules na yun.

Lumipas humigit-kumulang isang buwan,
mula nung ibigay niya yun sa akin.
Bigla kong naisip yung mga capsules sa loob,
bilang ako ay may sakit ngayon.

Naisip ko baka may pakulo sa loob ng bawat capsules
at heto ang nakita ko…


Sa bawat capsule pala ay may nakalakip na mensahe,
mga pampa-good vibes at pampalubag-loob ang nilalaman.
Susundin ko sana ang payo niya na 1 capsule a day,
pero ang totoo ay binuksan ko na lahat haha!

 Sa una kong nabuksan ang nakasulat-

“YABANG NI JEP IBANG LEVEL NA ANG PAGHO-HOST!
KEEP IT UP!”

At natawa na lang ako mag-isa,
kasi ayokong alalahanin yung mga program / activity sa school
na isa ako sa emcee / nag-host lol -
(Awarding of Certificate, Seniors’ Night, Graduation, Variety Show)
Yun yung isa sa mga bagay na di ko akalaing
Gagawin ko nung taong 2013!

Masaya ako na na-experience ko ang bagay na yun.
Pero ang di nila alam, sa tuwing maibibigay yun sa akin,
lagi kong tinatanung ang sarili ko-
“Bakit ako?”
“Wala na ba kayong ibang choice?”

Hahahaha.
But it was a nice experience!
(kahit medyo stressful at ka-pressure)
At ano naman kaya ang bago for 2014?

So, this is something that made my day.
Sana everyday okay! (yakult?)
And get well soon to myself.


P.S.
            Na-excite ako na ipaalam sa kanya na alam ko na na may mga kalakip na mensahe ang bawat capsule na binigay niya sa akin, kaya nagtext ako ng-

“Whahaha, now q lng nbuksan yung isang message s capsule,
Kala ko kasi props lng tlga yun, naisip ko kasi baka may message s loob,
Tapus meron nga, haha.
Anyway, ty.”

Then the dirty friend replied-

“ang tanga naman haha, bat ka ganyan?
Pinapatunayan mong bobo ka haha; akala ko pa naman matagal mo ng nbasa,
Baliw ka tlga..”

            So, ganyan ang makipagkaibigan sa amin, bawal ang bobo haha. Kung alam niyo lang kung anung sagot niya sa 9 x 7 at sa 20% of 150… magigimbal ka haha. Pasasalamatan mo si God na brainy ka pa rin lols.

and Aubrey was her name...

$
0
0
           Natatandaan mo pa ba yung eksena sa klase na naka-upo ka lang habang ang professor / instructor ninyo ay walang tigil sa pagbibigay ng lecture? Yung kailangan mong magtiis ng isang oras o higit pa para mapakinggan siya, gayung pwede mo namang basahin ang lahat ng sinasabi niya sa hawak-hawak niyang libro hehe. Pero maaaliw ka na lang sa kung paano niya nakabisa ang bawat detalye ng pahina, walang mintis / walang impormasyong hindi mababanggit!

            Kaya para maibsan ang hirap na ito ay kanya-kanya na lang kayo ng mga kaklase mo sa paggawa ng ‘teknik’ kung paanong magpapanggap na nakikinig lols. Yung pinipilit ko na lang na gumawa ng outline mula sa mabilis niyang pagsasalita kahit pa alam ko na magpapa-photocopy pa rin naman ako ng libro para makasagot sa kanyang quiz hehe. Para lang masabi ko na di ko naman binalewala ang kanyang effortna maibahagi ang kanyang kaalaman sa amin. (nagpapanggap na mabait)

            Na akala mo yung katabi mo ay busy rin sa paggawa ng lecture, pero yun pala busy pala siya sa paggawa ng sulat haha. Not once but twice akong nakatanggap ng kanyang sulat kapag di niya trip makinig, narito ang isa ---



Sept. 3, 09
hi ‘nhong,

            La kasi aqkung magawa kaya ryt nalang acu sau, haha, akalain mo yun magkatabi pa tau sinusulat qo to. hmf. anu bang sasabihin cu. hmf. Lapet na taung maggraduate, mamimiz cu kayo, huhu, cry cry. wew. drama di naman naiiyak.

            Nakikinig kba kay sir? acu kasi indi kaya nga nasusulat cu to ee, haha. wafu ni sir ngayon mukha xang malinis. Inspired ata kay mam shammy, tse. Si Donnie nagkakamot ng ulo, wew namumula ang labi, san kapa. hehe share cu lang naman sau ‘nhong ee.

            ayan ah, lang purpose at sense yung sulat cu sau. basta makasulat lang. Nga pala kita nalang tayo sa abroad ha. hahaha. paggraduate naten sana me reunion agad. Til here nalang tinitingnan mo kasi sau naman to mapupunta. haha…

            INGATZ            Study Hard fo!!!

            Godblessyou.

always,
‘Nhang
Aubrey : )


            Hahaha! Oh di ba ang galing ng kaibigan kong ito. Nagsusulat siya sa gusto niyang sulatan kapag medyo naiinip na siyang makinig sa klase lols. Hindi ko naman ito ginawa para mabuko siya (gayung parang ganun na nga haha). Pero higit sa lahat gusto ko lang kamustahin ang kaibigan kong ito na sinusuportahan namin kapag may mga singing competition sa school at kilala namin bilang matatag at may talino lalo na sa math!


x-o-x-o-x


Today’s Query:
Describe yourself at age 90?

            Uhm… kung aabot man ako ng age 90 siguro ang tanda-tanda na talaga ng itsura ko. Puting buhok, kulubot na balat, lawlaw ang pisngi haha, nakapustiso lols, sobrang malabo na ang mata (eh ngayon pa nga lang hirap na ako kapag di nakasalamin), mas payat pa at limitado na ang kakayahang kumilos.

            Pero bukod sa pagbabago sa katawan. Gusto kong maging malakas pa rin sa edad na 90. Siguro mai-enjoy ko na yung pag-inom ng kape kasabay ng pagbabasa ng dyaryo (with magnifying glass lols) tulad nung mga matatandang nakikita ko sa umaga. Ang sarap siguro sa pakiramdam na matanda ka na at hindi mo na kailangan pang magtrabaho, na na-fulfill mo na ang lahat ng gusto mong mangyari sa buhay mo.

            Kung aabot man ako ng 90 years old, dun na ako magchi-chillax ng todo sa buhay! Panahon naman yun para sa akin na ihanda ang sarili sa kabilang buhay sa heaven!(wow sa heaven talaga ako mapupunta haha). At syempre gusto ko at 90, ako ay nagba-BLOG pa rin! Lols.

Nakalalasing ba ang Rootbeer? :)

$
0
0
Ika-18 ng Enero, 2014
Sabado, 12:11 ng madaling araw

1. Masaya na ako kapag naisasalba ako ng musika at pagsusulat (pati na rin ng mga random quotes na nababasa ko) mula sa mga harsh realities ng buhay. Mahirap din kasing laging panatilihin ang sarili mo sa iisang mundo lang, minsan kailangan mong ikubli ang sarili sa isang lugar na ikaw ang maylikha nang sa gayon mabawi mo naman ang iyong lakas at mapanghawakan mong muli ang lahat ng katotohanang iyong tinanggap at mga prinsipyong dumadaloy na sa iyong katawan.

2. Napakahirap magdesisyon kapag napakadami mong iniisip. Minsan itutulog mo na lang o ilalamon ng marami haha (lamon talaga?).

3. Mahirap ding panghawakan ang mga salita. Dahil naniniwala ang mga tao na ikaw at ang iyong mga sinasabi ay iisa. Hindi mo rin masisisi. Yun lang ang paraan para magtiwala.

4. May lungkot at kaba sa ngayon. Pero nakaka-excite pa rin at the same time, depende sa kung paano mo titignan ang sitwasyon. Wala namang mali. Meron lang masyadong nadadala ng mga sabi-sabi ng ilan. Pero di naman sila ang nagpapatakbo ng buhay mo… hindi sila… kundi ikaw!

5. Inaantok na ako. I-rootbeer na lang ito. Cheers! Lols.


Rootbeer: My Anti-Stress Drink hehe...

42 Students 6 Questions: Meet IV-St. Peter 13-14 :)

$
0
0


Apatnapu’t dalawa silang lahat,
Sampung buwan ay di sapat.
Pa’no ba sila lubos na kikilalanin?
Di naman maaaring isa-isahin.

Gamit ang isang palabunutan,
Mga tanong ang nilalaman.
Hiniling kong sagutan,
Lagyan man nila o hindi ng pangalan…



WHAT (OR WHO) MAKES YOU SMILE?

  • “Food.” – MJF
  • “Volleyball talaga eh, ewan ko po basta parang yung feeling passion ko siguro. Nagpapangiti sa akin siguro sa tuwing inistalk si Pia Gaiser favorite player ko po kasi sya, magkamukha po kasi kami.” – JM
  • “My family and friends always make me smile.” – MEPS
  • “My friends, my family especially my dogs HAHAHA! syempre PETER din and kayo.” – L’IAGALLARDO
  • “I guess it’s the people who smile at me. Goats make me smile, as weird as that sounds. Buffets make me smile even more. Cozy jackets in the rainy season. Animated movies. Percy Jackson. Art. AMMB. Books."– PLA
  • “Oishi Plain Salted Potato Chips.” – THE CG
  • “Everytime I see my friends / family / loved ones smiling, I smile too."– Karen


IF YOU COULD COMMUNICATE WITH ANIMALS, WHAT WOULD YOU SAY?

  • “Are you happy on being a pet?” – DIANA
  • “I always talk to animals, especially to my dog. If my brain doesn’t function well and my ‘kulang-kulang’ sickness goes I always talk to them about my problems and it always help me relieve depression.” – Anonymous
  • “Kung di ka hayop, pipiliin mo bang maging tao?” – Keyayem
  • “How’s life?” – MR-A-Z
  • “I’ll ask them how they see us and what they feel and think about us.” – Trisha
  • “Nothing.” – Anonymous
  • “Talk in language that they won’t understand. I know it makes the ability useless. But hey! I want them to be the troubled side this time around. Now, I would actually ask them about their history and their own legends, myths and some stories they made about humans.” – Dalle yow!




ONE DAY, YOU SUDDENLY WOKE UP AND FOUND THAT YOU WERE A HOLLYWOOD CELEBRITY. WHAT IS THE FIRST THING YOU WILL DO?

  • “I will call my Hollywood celebrity friends and ask them to have a party. And while on the party, I’ll take one picture with them.” – Rochelle
  • “Inaamin ko po idol ko si Miley Cyrus dati. Kaya ang una kong gagawin, hahanapin si Miley at tatanungin kung anong nangyari sa kanya.” – JRRC 
  • “Magpipicture ako kasama yung mga Hollywood celebrity at magpopost sa fb. OMG, I’m a Hollywood celebrity na.” – Ana May 
  • “Scream? LOL XD tour my house haha.” – Anonymous 
  • “I will go to the Hollywood sign and open the entrance to the boat of Charon to hell.” – Anonymous 
  • “Omahgah! I will tweet about it. It’s so twitter-worth-it. HAHAHA.” – Anonymous 
  • “HAHAHA. Bibilhin ko po ang lahat ng luho ko bago pa ako magising sa katotohanan XD.” – Valerie




WHAT IS THE CURRENT THEME SONG FOR YOUR LIFE?

  • “Dream by Priscilla Ahn.” –HOLLY 
  • “Some Nights by fun. Finding myself and what not.” – Jolo 
  • “Perfect.” – Darwin Kho 
  • “Let Her Go.” – James 
  • “I have no idea. Whatever it is, probably something dramatic and sad because I have the tendency to like being dramatic and sad and pessimistic.” – Anonymous
  • “C-A-M-P Fire Song. They don’t know about us.” – One D.
  • “Baliw.” – Jo




WHAT THING WOULD YOU LIKE TO TRY BUT ARE AFRAID TO?

  • “Sometimes, I’m afraid to try to tell my parents how I feel because I’m afraid of how would they react. That’s why I’m not open to them. And it is hard to keep what you feel.” – Marge. XD 
  • “Maging independent. Yung tipong ako po yung maghihirap para sa sarili ko. Pero ayokong iwan yung mga loved ones ko.” – Mae Abad 
  • “Pagsuway sa rules? Haha. But it’s really hard to do something against your own principle, kaya baka di ko pa rin po itry. Haha. I-engage ang sarili sa sports.” – Anonymous 
  • “Skydiving I guess. But I’m not afraid though.” – Ainiel 
  • “Hold my breath until I die.” – PolPol
  • “Tumalon po sa building.” – The Phenom


IF YOU WERE AN EMOTION, WHAT WOULD YOU BE?

  • “Blank emotion. Hindi ko po alam pero siguro po scared…XD. Pero blanko lang po talaga.” – Anonymous
  • “Hapiness because I want that to achieve for myself. As a ‘happiness’, I want to share ‘myself’ or what I’m feeling right now. Because everything is at ease of being happy.” – JOHNWIL CHRISTIAN MAMING
  • “Sarcastic. When I tell you something, it doesn’t really what I mean. LoL.” – Mel
  • “Happiness. Cheerfulness.” – Chelsie Santos
  • “I would be a big bowl of sunshine and rainbows (huehue). Well maybe with a little bit of sour puss XD. Translation: Most of the time I’m cheerful but I can be grumpy at times.” – Anonymous
  • “If I were an emotion, I would be happiness so that all would want to welcome in their lives.” – Camille
  • “Happiness.” – MAGDAMIT, Raine Kristel R.


St. Peter ang kanilang pangkat,
Tunay na angat sa lahat! (sabe?hehe)
Marurunong at madadaldal (lols...)
Umaapaw sa talento at husay.

Bawat isa'y may kakayahan,
Na mga pangarap ay makamtan.
Hawak nila'y kani-kaniyang susi,
sa kinabukasang minimithi...

x-o-x-o-x

#50 People 1 Question
#Query 2 of Papemelroti

Laking CRAYOLA ka ba?

$
0
0
"Larawan sa mga lumang libro,
binigyang kulay gamit ang mga Crayola ko.
Ngunit pa’no kung pudpod na ang mga ito?
Saan pa maaaring gamitin ang mga crayolang ito?"

      Parte na ng pagiging estudyante ko ang pagkakaroon ng crayons. At ang isa sa mga popular na brand ng crayons hanggang ngayon ay ang Crayola. Kasama lagi ang Crayola 24 pack crayons sa listahan ng mga school supplies na binibili namin bago magpasukan (hanggang 24 pack crayons lang kasi magagalit yung nanay ko kapag lampas pa dun ang pinabili ko hehe).

Yung paramihan pa kayo ng mga kaklase mo (nung elementary) ng mga crayons, na kapag mas marami, mas sosyal at mas astig ka sa klase! Lol. At hindi mo rin maiaalis ang mga ‘parasitiko’ mong kaklase na kung makahiram ng crayons akala mo ay ‘hayok’ sa pagkulay lalo na kapag Arts ang subject niyo. Na kapag ibinalik sa iyo ang mga crayons daig pa ang pambura ng bagong mongol pencil sa pagka-flat o kaya naman ay lasog-lasog na at putol-putol pa! Na wala ka na lang masasabi kapag nakuha mo na ulit ang box ng crayons mo, na hindi ka makapag-reactsa sobrang pagka-shockhahaha. Na parang kanina lang ay bago pa ang iyong mga Crayola pero pagbalik sa iyo ay naluma na!. At wala kang magagawa kundi tasahan na lang ang mga buo pa (oha nung panahon namin, uso ang pantasa ng crayons).

            Pero pa’no nga ba kapag ang mga ito ay sobrang pudpod na? Yan naman ang pinoproblema ko nung high school na ako (ang lalim ko mag-isip di ba lols.) Nanghihinayang kasi ako kung itatapon na lang ang mga ito, kaya ito ang trip ko sa mga pudpod kong mga crayons:

1. Ipunin ang mga ito at tadtarin sa maliliit na piraso. (tadtarin talaga para pino hehe).
2. Ilagay sa bond paper. Ibudbod na parang mga toppings sa pizza (ikaw na bahala kung paano mo ipupwesto ang bawat kulay, mas maganda kung random ang pagkakaayos).
3. Takpan ng isa pang bond paper.
4. At plantsahin!
5. Paghiwalayin ang dalawang papel at patuyuin.
6. At charan! Ikaw na ang bahala kung ano ang nais mong gawin sa mga bond paper na tinunawan ng mga lumang crayons, maaaring gupitin at ayusin sa kung anong imahe ang nai-imagine mo.

Ito ang ilan sa mga gawa ko nung high school (feeling artist lang lols):

“Every child is an artist. The problem is how to remain an artist once we grow up.”
- Pablo Picasso

MUSHROOM (June 03, 2004)

FLOWER (June 03, 2004)

BANCA (June 03, 2004)

BUTTERFLY (June 03, 2004)

BIRD (June 03, 2004)

LEAF (May 23, 2005)

WILD ROSE (May 23, 2005)

P.S.
Mga taga-Crayola! Hello! Hahaha.
Kahit isang buhos lang ng mga Crayola products lols.

x-o-x-o-x

#ILoveCrayola
#MyCrayolaDays
#MyArtWorks10YearsAgo
#WhenImBoredWithMyCrayons


BOLPEN

$
0
0


BOLPEN

Bawat taong nakasalamuha ko,
ay kahalintulad ng isa sa mga bolpen ko.
May MANIPIS at MAKAPAL,
meron ding MURA at MAHAL.

May kani-kaniyang KULAY at TATAK,
Sariling tingkad at gayak.
Malabo man o hindi ang TINTA,
Lahat ay mag-iiwan pa rin ng MARKA.


x-o-x-o-x


#shorTULA
#MyBallpensInMyBlackPencilCase
#BakitPencilCaseAngTawagKungMayBallpenDinNaman


BALAKUBAK

$
0
0

BALAKUBAK

Tulad mo’y isang balakubak,
Na hindi ko mabakbak.
Kaydikit sa anit,
Di maialis sa isip.

Balakubak ay panandalian,
Ikaw nama’y walang hanggan.
Maglaho man ang balakubak sa anit,
Sa puso at isip ko’y di ka mawawaglit.


x-o-x-o-x


P.S.
            Hindi ko alam kung bakit binabalakubak na naman ako. Di naman ako ganun ka-stress, normal lang ang stress level na nararamdaman ko (according to myself haha). O baka naman dehydratedlang ako, lagi kasing kape at softdrinksang iniinom ko. O baka sa shampoonaming Palmolive(haha kontra-promotion pa) o baka ‘uso’ lang ang ‘dandruff’ngayon, so naki-uso na ako lols
  
x-o-x-o-x


Tanong:

              Alin sa mga shampoo na ito ang mabisa laban sa ‘balakubak’? (as recommended by my co-dandruff-victims)

A. Head and Shoulders Smooth and Silky
B. Head and Shoulders Cool Menthol
C. CLEAR Men Anti-Dandruff Shampoo
D. GARD Anti-Dandruff Shampoo


x-o-x-o-x







#ShorTULA
#AngKatiMoSaAnit
#BakitPatiKilayKoMayBalakubakDin



LIEBSTER AWARD 2014

$
0
0
Intro:
            Salamat kay Ma'am Yccos para sa LIEBSTER AWARD! Sana lang ako talaga yung Jep Buendia sa list mo haha, kasi baka may kapangalan ako, tapus ang labas eh 'assuming' pa pala ako lols. Narito ang aking mga sagot para sa mga nilikha mong tanong:


1. Bakit ka nga ulit nagboblog?

            Hindi naman talaga ako matutuloy sa pagba-blog kung hindi nagkaroon ng computer at internet connection sa bahay. Dati kasi sa mga notebooks lang ako nagsusulat ng kung anu-anong naiisip ko. Eh para hindi naman masayang ang computer at internet, nag-try na rin akong gumawa ng animo’y online journal ko.

            At bakit ba ako nagba-blog? Una, di naman lahat ng nasa isip mo ay maaari mong sabihin ng direkta sa mga kausap mo. Halimbawa, pag may naisip kang maikling tula, hindi mo naman ito iri-reciteagad-agad sa kausap mo para malaman niya na may naisip kang tula hahaha. At di naman lahat ng topics or issues sa mundong ito na interesado ka ay kahalintulad ng sa iba, kaya ginagawa ko itong outletpara sa lahat ng nararamdaman ko at naiisip.

            Sa madaling sabi, nagba-blog ako dahil masaya itong gawin!Nakalilikha ka ng sarili mong mga katha, nakabubuo ka ng mundong ikaw ang ‘super bida’hahaha, nakakapag-share ka ng iyong thoughts sa mga kapwa blogger o mambabasa, nati-treasure mo ang mga magagandang tagpo sa iyong buhay, naitatala mo ang mga natutunan mo sa mundong ibabaw, at nakatutulong na makilala mong lubos at mapaunlad pa ang iyong sarili.


2. How do you mend a brokenheart?

            Hindi ko alam. Wala pa akong karanasan sa mga ganyan hahaha. Totoo walang halong biro! Di ko alam kung abnormalba ako para sabihin ko na kuntento na ako sa pagmamahal ng aking pamilya at mga kaibigan (weh? hahaha).   

            Pag may nakikita nga ako na brokenhearted na mga estudyante at umiiyak pa, iniisip ko kung gaano ba kasakit yung nararamdaman niya para magmukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa na para bang wala nang ibang tao na magmamahal sa kanya… na wala akong magawa kundi patahanin na lang yung umiiyak kasi mahirap din naman magsabi ng payo ifNOT based on experience hahaha. So hanggang ‘words of wisdom’ at ‘move on’statements lang ako.


3. Have you ever wondered kung bakit di ka crush ng crush mo? Anong napala mo sa pag-iisip?

            May mga gusto ako na alam kong gusto rin ako whahaha (kakapalan na ito lols). Pero kung may gusto man ako at di niya ako gusto, siguro kasi we are not meant for each other! Gawin na lang nating ganun ka-simple. Kasi masisiraan ka lang ng bait kung ipipilit mo pa, eh ayaw nga… so wag na lang kaysa maging awkward or unfair para sa isa.


4. If you're not human, what are you? Why?

            Kung hindi ako tao… siguro ako ay isang multo. Gusto ko kasi yung nasasaksihan ko ang mga nangyayari sa paligid pero di nila alam na nandun pala ako. Mang-trip kung minsan lalo na sa ayaw maniwala sa mga ‘mumu’o kaya maging witness (pa’no kaya yun)sa mga bigating personalidad na nadadawit sa ilang mga kaso. Dun ako magmumulto sa bahay nila para mamamatay sa takot ang lahat ng mga masasamang tao hahaha. At least kung maging multo man din sila, di na nila ako magagantihan dahil pare-parehas na rin kaming mga walang buhay hahaha.

            Actually, anghel sana ang isasagot ko, kaso nahiya naman ako sa kabaitan at kabanalan ko lols.


5. Tent Camping or Hotel staycation? Why?

            Hotel staycation na lang. Maganda rin sana yung tent camping kaso ayokong maging uncomfortable (kaartihan?). Saka depende siguro sa kasama. Kung ako lang din, hotel staycation na lang.


6. Quickie or Take your time? Why?

            I want to take my time. May mga tagpo sa buhay na napakadalang lang mangyari, kaya kung sakaling nandun na ako sa tagpong iyon, gusto kong sulitin ang oras ko hehehe.


7. What's the best lesson in life you've learned so far?

            Na maraming paraan para mabuhay. Na hindi mo kailangang maging kaparehas ng iba o sumunod sa mga nakagawian na. Napakasarap mabuhay kapag nagagawa mo ito sa sarili mong paraan, dahil sa huli, hindi mo naman madadala ang lahat ng material na bagay, higit sa lahat mas gusto kong maging mayaman sa karanasan at kaisipan.


8. What's your ultimate goal this 2014?

            Uhm… parang napakalaking bagay naman ng ‘ultimate’ goal, na ang saklap kung hindi naman matupad.  Ang gusto ko lang ay masulitang bawat araw ko para sa taon na ito. Yun lang.


9. What food do you hate the most?

             Ayoko ng mga exotic foodhahaha, tulad ng kamaro at anu-ano pang mga insekto, mga bayawak, ahas at iba pang hayop na madalang kainin. Pero kung may Php 1 million prize tulad ng sa Fear Factor o Extra Challenge, why not hahaha.


10. Coffee or tea?

            Coffee. Mas nakasanayan ko na kasi, at sa tingin ko mas marami kasing pwedeng gawing ‘pakulo’ o ‘paandar’ sa kape kumpara sa tsaa.


11. What is the Theme Song of your life?

            No Boundaries by Kris Allen (para sa lahat ng mga ‘lofty dreams’ ko).
            For Good from Wicked (para sa lahat ng taong naging bahagi ng pagiging ‘tao’ ko).


x-o-x-o-x


        Narito ang mga ginawa kong tanong: Pakilagay ang sagot sa comment section o pakisagutan bilang isang blog post.

1. Ano ang pinakagusto mo sa iyong sarili? Ipagyabang mo ito ng lubos.
2. Bakit mga magaganda lang ang may pageant? Bakit walang ugly pageant?
3. Okay lang ba ang same-sex marriage? Ipaliwanag.
4. Kaya mo bang lumahok sa Oblation Run? Nang walang takip ang mukha?
5. Anong pelikula ang malapit na representasyon ng iyong buhay?
6. Kung ikaw ay manunulat, tungkol saan ang iyong magiging mga likha?
7. Kung may bubuhayin ka kapalit ng sarili mong buhay, sino siya? At bakit?
8. Kung papangalanan mo ang (mga) patay mong kuko, anong pangalan ang ibibigay mo?
9. Kung makakausap mo si God ng harapan, buhay ka pa ba nun o nananaginip lang?
10. Bukod sa ‘world peace’, ano ang magiging ambag mo sa mundo?
11. Ano ang gusto mong itanong sa iyong sarili? Sagutin.


x-o-x-o-x


Note: Nahirapan akong mag-nominate na 11 bloggers, dahil halos lahat sa mga gusto kong bigyan ay nakatanggap na rin naman nito, at kaunti lang din ang 'circle of friends' ko (na baka assuming na naman ako haha) sa blogosphere, pero kung ganun talaga ang rules, narito po sila:

1. Jonathan
2. Geosef Garcia
3. Ignored Genius
4. Mecoy
5. Jei Son
6. Rixophrenic
7. Archieviner
8. Kamilkshake
9. Jay Rada Rafol
10. Mr. Tripster
11. Kulapitot



MALAY MO...

$
0
0



MALAY MO

Lunurin ang sarili,
Sa mga bagay na makasarili.
Malay mo bukas,
Kalungkutan mo’y magwawakas.

Ngunit ‘wag mong hayaan,
Na sarili’y pabayaan.
Malay mo bukas,
Kalungkutan mo’y di na mababakas.


x-o-x-o-x


#shorTULA
#EmoteKasiPebreroNa

PANGUNGULILA

$
0
0



PANGUNGULILA

Paano ko kamumuhian,
Itong tanawing lagi nating pinagmamasdan.
Na siya rin pa lang babawi,
Sa pagmamahal na kaytagal kong minithi.

Paano ko malilimutan,
Matagal nating pinagsamahan.
Kailanma’y di ka na maibabalik,
Kahit pa sa dagat ako’y humalik.


x-o-x-o-x


Ang larawan ay kuha ni Donnie Tzaneva.


x-o-x-o-x


#shorTULA
#EmotePaRinSaPebrero

Viewing all 374 articles
Browse latest View live