Quantcast
Channel: KORTA BISTANG TIBOBOS
Viewing all 374 articles
Browse latest View live

Apat na shorTULA, sa Klasrum Nagmula

$
0
0



TROPHY

Paghihirap ay di mababalewala,
Makakamit din ang gantimpala.
Huwag sumuko sa laban,
Pag-asa'y laging nariyan.

Walang kasing taas at kintab,
Tagumpay na umaalab.
Nasa amin na ang 'trophy,'
Inangkin namin ang 'victory!'

_ _ _ _ _ _ _




NAT (Test Booklet)

Mga tanong na makukuNAT,
Pilit na inuungkat.
Lahat ay pasasagutan,
'One to sawa,' walang ayawan.

Tunay na kaalaman,
Mayroon ba talagang sukatan?
Kung ma-'perfect' namin ang NAT,
Kami ba'y magiging ANGAT?

_ _ _ _ _ _ _




LAPIS

Lapis na matulis,
Mukhang kanais-nais.
Animo'y bago,
Walang naidulot na pagbabago.

Lapis na pudpod,
Niluma ng ubod.
Tunay na ginamit,
maraming nakamit.

_ _ _ _ _ _ _




ANSWER SHEET

Apat na letra,
A, B, C at D ang makikita.
Itiman ang napili,
Tama man o mali.

Buhay ay naglaan,
Ng mas maraming pagpipilian.
Malaya kang pumili,
'badtrip' nga lang magkamali.


x-o-x-o-x


KWENTO: Sa sobrang inip ko sa pagbabantay sa Mid-Test ng aking advisory class, minabuti ko na lang na gumawa ng 'pauso' kong #shorTULA. Sa katitingin ko kanina sa loob ng classroom, napagdiskitahan ko ang mga sumusunod na bagay:

1. Sa unang larawan: TROPHY. Ito yung nakamit nila sa Intrams! Kahit alam nilang kulang sila sa mga 'sporty' na tao ay nagawa pa rin nilang manalo. Hindi na rin masama, biniyayaan na rin naman kasi sila ng talino at talento (kaya pinaubaya na namin sa ibang section ang Intrams hehe). At ang 'pambansang laro' nila ay volleyball; kahit mainit, kahit masita, tuloy pa rin ang hampas sa bola lols.

2. Yung NAT (Test Booklet) na alam kong nagpasakit sa ulo nila, dahil mula sa harapan ay kitang-kita ko ang pagkunot na kanilang mga noo, pagsalubong ng mga kilay at pagkalukot ng mukha (ganyan sila sumagot tuwing may exam). Minsan gusto kong matawa, kung nakikita lang nila ang kanilang mga itsura hahaha(bad).

3. Ang LAPIS at notebook na ginamit ko para makagawa ng mga shorTULA habang sila ay abala sa pagsagot.

4. At ang kanilang ANSWER SHEET na 'shade the circle' ang peg.


Blogging sa Lesson Plan :)

$
0
0


"Kapag ako'y nababato,
nagba-blog sa lesson plan ko.
Sarili'y tinatanong,
ng kung anu-ano."


2 / 27 / 14 (while in my class… morning schedule…)

Q1: Where do you want to go?
A1: I want to be in a place where there are many people who are busy living their life doing passionately the thing that they want to do.

Q2: Who do you want to meet?
A2: I want to meet an old guy who is about twice of my age, full of wisdom and has many stories to share.

Q3: What are you thinking today?
A3: I’m thinking of the people I’m going to meet in the future… I’m thinking of traveling with some fellow bloggers.

Q4: If you were a writer, what do you want to write about?
A4: I want to write about how it feels to love and be loved, and be hurt because of love.

Q5: Are you feeling good today?
A5: I’m not feeling well actually… I have a sore throat… I have ‘low tolerance’ on ‘sweet things’…

Q6: Are you living the life of your dream?
A6: Not exactly because I feel like being contained and limited here inside the classroom.

Q7: What’s your problem?
A7: I have a problem with my mind lols! Whenever I don’t have anything to do other than supervising my students while doing their electric circuit activity, my mind thinks of a lot of things. It’s so spontaneous haha I can’t handle it.

Q8: Where are you now?
A8: I am often out of my physical body hehe or out of my mind maybe. I’m always thinking out of where I am currently situated. Like now, I feel like being out of this monotonous routine life in school. I don’t know why I always believe that I deserve to be on another place.

Q9: What is something that you have observed unusual today?
A9: While I’m writing here, it’s unusual that my students are all busy doing their activity without doing unnecessary noise (miracle?).

(Continuation… 2:10pm… afternoon schedule… break…)

Q10: What do you want as of this moment?
A10: I want to go home, finish my exam and read books (wow? haha). I am currently reading “Gray Matter” by Joel Kilpatrick.

Q11: Where do you want to sleep?
A11: I want to sleep in a bus. I like the idea of moving on from one place to another while sleeping. I want to be seated near the window.

Q12: How do you want this day to end?
A12: I want to end this day in a “haggard mode” or by watching the movie “127 Hours” before I sleep.

Q13: What do you want to eat?
A13: Hot fudge sundae hahaha but I’m afraid of tonsillitis.

Q14: Are you bored?
A14: I don’t know. I just don’t know what to do that will make my life more than productive.

Q15: How many questions would you like to ask to yourself?
A15: As many as I can, for as long as it is still my break! (20 minutes more before my next class…)

-nothing follows haha-

_END_


Hello March! Malapit na Matapos ang Pagiging Guro Ko :)

$
0
0


Ika-08 ng Marso, 2014
Sabado, 11:27 ng umaga

            Habang naliligo kagabi bago matulog, bigla ko na lang naalala sa gitna ng paliligo ko yung naging usapan namin ng isa sa mga co-teacher ko sa jeep dalawang taon na ang nakalipas… very timely ang memorya ko di ba hahaha, di ko alam bakit sa ganung tagpo ko pa yun naalala… siguro kasi Marso na… at unti-unti na nanunuot sa akin ang mga gawain tuwing dumarating ang nakakapikon na buwan na ‘to hahaha.

            Habang nasa jeep kami nun pauwi, sabi niya bakit ko daw binagsak si Frank, ano daw bang malay ko kung siya ang susunod na Presidente. Tandang-tanda ko pa ang sinabi ko noon sa kanya, Eh baka hindi siya maging Presidente kung di ko siya ibabagsak!… at nagtawanan na lang kami lols.

            Sa apat na taon ko ng pagtuturo… palagay ko mas nagkaroon na ako ngayon ng puso na nakauunawa di lamang sa propesyong pinasukan ko kundi pati na rin sa kalagayan ng mga estudyante ko. Dati, di ako nagdadalawang isip sa pagbibigay ng bagsak na grado, hindi dahil sa naniniwala akong bobo yung bata na yun, hindiko tanggap ang ganung konsepto. Natatandaan ko kasi yung nabanggit sa amin nung instructor namin sa psychology, sabi niya, iba-iba ang paraan ng pagkatuto… ang ilan ay mas pinipiling matuto ‘the hard ways’ dahil hindi sila nakukuntento sa mga payo o paalala lang… kaya ang pagbibgay ko ng bagsak na marka ay para ipaalam sa estudyanteng yun na kulang pa ang kanyang ginagawa… na kailangan niyang matutothe hard way’… na ngayon na bagsak siya ay wala na siyang ibang patutunguhan kundi pataasin ang kanyang marka.

            Dati yun… di na ngayon.

            Ngayon, nakakaawang magbagsak ng estudyante. Di rin naman karangalanang ibagsak sila, at hindi rin naman naging ganun ang pananaw ko. Pwerana lang sa mga super kapal ng mukha na di naman talaga nagsisikap mag-aral na nagagawa pang mag-cutting na animo’y kaytataas ng mga scores na puro pagpapaganda, pag-aayos ng buhok at pagdutdot sa cellphone ang inaatupag!!!hahaha. Kapag pasok sa ganitong kategorya ang estudyante mo… may karapatan ba silang pumasa?!!! Nasaan ang katarungan?!!! Lols.

            Naaawa ako hindi sa mga estudyanteng ipinagwawalang bahala ang kanilang pag-aaral. Naaawa ako sa kanilang mga magulango sino mang nagsasakripisyo para makatapos sila ng pag-aaral. Kung ang mga tamad na estudyante ay parang mga karakter lang sa isang ‘play’ na maaaring palitan ano mang oras ng mga nais makapag-aral, mas naging makabuluhan pa siguro ang panantili nila sa eskwelahan.

            Pero, ang katotohanan- iba’t ibang uri ng bata ang makikilala sa mo sa paaralan. Hindi mo makukuha ang hinihingi mong mga karakter sa kanila. Marami sa kanila ay perfectly imperfect (tulad ko) na marahil kaya kami nasa loob ng paaralang ito ay upang sabay-sabay na lumago bilang mga indibidwal… mga taong magdudulot ng pagbabago… sa aming sarili at pati na rin sa iba.

            Marami na ang nagbago sa takbo ng paaralan ngayon at ito ay batay lamang sa apat na taon ko ng pagtuturo, maaaring hindi ito totoo sa iba, maaaring isolated case rin ang obserbasyon kong ito. Di ko inasahan na ang eskwelahan pala ay magiging ‘showbiz’ din. Nung nag-aaral pa ako, laging ipinapaalala sa amin ng aming guro na respetuhin at tratuhin ng maayos ang lahat ng aming mga guro, maging mabait man o masungit. Kaya ganun na lang din ang naging respeto ko sa mga naging guro ko, lalo na sa mga masusungit na sa iilang tagpo ay nakakikitaan ko rin ng kalambutan ng puso (tao rin pala sila hahaha).

            Ngayon, hindi mo na ito makikita o maaaring bihira mo na itong makita. Pinipili na ng mga estudyante ang kanilang mga rerespetuhin at pakikitunguhan ng maayos. Di dahil ang mga gurong ito’y di dapat irespeto, ito’y dahil maaaring hindi lang nila ‘type’ o ka-‘good vibes’ ang mga gurong ito. Showbiz na showbiz kung ‘plastikin’ ng mga estudyante ngayon ang kanilang mga guro. Mabait kung may kailangan, umaangil kung mapagsabihan o mapagalitan na para rin naman sa kanilang ikabubuti. Personal kong ikinalulungkot ang mga bagay na ito. Gayong alam kong sa bawat puso ng sino mang guro ay kabutihan at positibong pagbabago lamang ang hinahangad nila para sa kanilang mga mag-aaral.

            Kung ito man ay maituturing mong social skills… mukhang mahirap atang makita ang katotohanan sa hinaharap, at baka puro pagbabalatkayo na lang ang iyong masasaksihan.

            Kapag nakakakita ako ng ganung tagpo, kulang nalang madurog ang aking puso.

            Ngunit sabi nga, baka hindi pa umuusbongang mga naitanim naming binhi. Malay mo nga naman, paglipas ng panahon ay hindi na rin tulad ng kahapon.

            Sabi nga ng isang child prodigy programmer na si Santiago Gonzalez, “Learning should be as essential as eating.” Sana nga ganoon. Pero, mukhang literal na pagkain lang ang mahalaga sa ngayon.

            Ang isang pinanghahawakan ko na lang na pag-asa ay ang kanilang mga natatanging husay at talento. Na kahit sila ay pasaway o makukulit sa klase, kung nakikita mo namang ang batang ito’y may talent sa pagsulat, pagguhit, pakanta, pagsayaw at husay sa paglalaro ng sports, mas gumagaaan ang aking kalooban. Kasi naniniwalapa rin akong baka nga ‘bata’ pa lang sila ngayon, baka nga ‘immature’ pa ang kanilang attitude sa ngayon.

            Kung kaya ko lang silang ilagay kung saan sila dapat pumaroon, marahil ginawa ko na iyon. Pero may sarilisilang buhay. At kailangan mong hayaan na sila ang pumili kung saan o ano mang landas ang nais nilang tahakin. Bitbit ang lahat ng kanilang natutunan mula sa paaralan pati na rin ang kanilang mga natatanging kakayahan, umaasa ako sa magandang kapalaran na kanilang kahihinatnan.

            Totoo nga… ang paaralan ay diisang perpektong lugar. Maging mga guro ay dirin perpekto. Dahil ito ang totoo. Matuto tayong mabuhay sa katotohanan at hindi sa isang ideyal na lugar na wala kahit sino man ang naninirahan. Minsan, isang araw magugulat ka na lang na lahat ng nakita mong mabuti at hindi maganda ay magdudulot din pala ng kakaibang resulta, higit pa sa iyong inaasahan. Surprise!ika nga.

            Masaya akong naging guro sa loob ng apat na taon. Masaya hindi dahil puro kasiyahan lang ang naramdaman ko. Masaya ako kasi nagkaroon ako ng pagkakataon na ma-frustrate, mainis, mabigo, magalit kasabay ng pag-ngiti, pagtawa at di pagbitiw na umasa. Kaya hanggang sa muli nating pagkikita!

_JEPbuendia
12:44 ng hapon

P.S.


            Teka, mabalik nga pala tayo kay Frank. Ayun, hanggang ngayon ay di pa rin naman siya Presidente ng ating bansa at baka malayo namang mangyari yun hahaha. Pero, sa kabila ng pagbibigay ko sa kanya ng bagsak na grado (isang quarter lang naman yun, noong third year pa siya) minsan ay nasasalubong ko pa rin naman siya sa labas ng eskwelahan. Malaya na niya ngayong napapahaba ang kanyang buhok with blonde color dahil siya ngayon ay nag-aaral na sa kolehiyo kumukuha ng kurso na may kinalaman sa computer na kinahihiligan din naman niya noong siya’y nasa high school pa. Nakangiti at laging bumabati tuwing magkakasalubong kami. Wala akong naramdamang bigat ng loob sa kanya… magaan ko siyang nakikita bilang siya.



SUNSET

$
0
0



SUNSET

Bawat paglubog ng araw,
Paulit-ulit aking pagpanaw.
Liwanag na nawaglit,
Ibinabalik na pilit.

Sa mapupulang langit,
Laging may sinasambit.
Isa lamang ang hiling,
Ikaw ay makapiling.


x-o-x-o-x


#shorTULA
#GawaNaLangNgTula
#LaloNaKungBadtripKa


MEDALYA

$
0
0



MEDALYA

Wala sa laki o ningning,
Upang masabing ika’y magaling.
Hindi sa bilang o dami,
Para masabing ika’y mabuti.

Tayo’y higit pa sa ‘ting medalya,
‘Wag magpadala sa sinasabi ng iba.
Mabuhay ka bilang IKAW,
Magtatagumpay ka balang araw.


x-o-x-o-x


About the photo…

            Ang nasa larawan ay personal kong mga medalya nung ako’y nag-aaral pa. Kaunti lang naman dahil di naman ako katalinuhan… aral-aralan lang kumbaga lols. Wala pa yan sa mga halimaw kong kaklase, pati na rin sa mga nag-evolve na ‘mamaw’ na mga estudyanteng nasasaksihan ko ngayon hehehe.


Ang Kwento…

            Bilang ang aking #shorTULAay tungkol sa medalya, hinalungkat ko ang mga iyan sa ‘baul’, inayos ng ganyan at ‘piniktyuran’.

            Marso na kaya uso na naman ang pag-ani ng mga medalya. Dati nakakatampo, kasi tuwing ‘recognition day’ ay lagi na lang ‘ordinary day’. Ganyan ka-proud ang mga magulang ko… walang handa at walang selebrasyon hahaha! Dalawa lang ang natatandaan kong may handa o kumain kami sa labas, yan ay nung una akong magka-‘sabit’ noong grade 4at nung college graduation. First and last ika nga, pero ‘in between’ wala hahaha.

            Nung wala pa akong muwang sa mundo, hindi ko maiwasang magtaka sa mga magulang ko, dati gusto kong itanong sa kanila ang mga ito:

            “Mommy (sosyal haha), bakit sila sinasabit nila ang kanilang mga medals sa wall? Isn’t it amazing?”

            “Papa (lols), bakit di tayo nagpipiktyuran tuwing isasabit sa akin ang medal? Hindi pa ba naimbento ang camera?”

            “Mudra, bakit sila nagpapa-fiesta kahit isa lang naman ang medal ng kanilang anak? Bawal ba maghanda pag more than one?”

            “My parents, ipakilo na lang kaya natin ang mga ito? Kikita pa tayo!” hehehe…

            Wala kang makikitang nakasabit na medalya sa aming bahay. Ni hindi nga ako na-congratsman lang ni nanay… ang nasasabi lang niya “Oh may medal ka? Very good!” Yung totoo ‘nay? Teacher ka na rin at ‘bumeberi gud’ ka pa (pero di ko yan nasabi noon dahil baka ma-soplak naman ako hahaha).

            NGUNIT sa kabila ng lahat ng yan…

            Mapalad ako kasi ni hindi ako nakaramdam ng kahit anong pressure sa pag-aaral. Ako lang talaga ang nagiging ‘hard’ sa aking sarili kung minsan. Ang mahalaga lang talaga sa aking mga magulang ay ang makapasa at makapagtapos ng pag-aaral.

            Kahit kailan hindi naging ‘medal’ ang tingin ng mga magulang ko sa akin. Hindi nila ginawang batayan ang pagkakaroon ng medalya sa pagiging mabuting anak. Kung ang ibang magulang ay ‘binibeybi’ ang kanilang mga ‘supling with flying colors’, ako ay lagi pa ring napagsasabihan ng nanay at tatay ko. Hindi ko noon maintindihan kung bakit ganun sila, pero ngayon lubos kong tinatanggap ang kanilang mga ‘words of wisdom’.

            Salamat kila Mama at Papa dahil di nila sinukat kung sino ako, kung ano ang nalalaman ko o kung gaano ako kahalaga sa kanila sa pamamagitan ng mga medalya. Naging maliwanag sa akin habang ako’y lumalaki na ako’y higit pa sa ano mang makukuha kong ‘sabit’.

            Salamat din sa mga poker face na reaction kahit matataas na ang grade ko sa card nung high school! Ako nga eh hindi makapaniwala na pwede pala yun mangyari, pero nung pinakita ko yun sa kanila… wala man lang nasabi hahaha! Kala mo may nakita lang na puting kapiraso ng papel na may mga numero lols. Kulang na lang i-describe ko pa na, Hello Ma! Napansin mo ba 97 ako sa Physics?o kaya Ay nakita niyo ba 99 grade ko sa values? Ang bait ko di ba?hahaha. Pero waley dedma lang sila.

            Oh di ba ang saya? Pero ipinagpapasalamat ko ang mga iyan.

            Kaya kung ako man ay magiging isang magulang, hindi ko ipi-‘pressure cooker’ ang aking anak sa pag-aaral. Malay ko ba kung ‘shunga’ talaga siya, eh di pangatawanan na hahaha.

            Pero seryoso, ang ipinupunto ko lang, sana’y lahat ng magulang ay ipakita ang lubos na suporta at maigting na paggabaysa kanilang mga anak. Tanggapin natin ang kanilang mga kahinaan at kahusayan. Wag natin silang ikulong sa mga expectations. Wag nating punuin ang tahanan ng mga trophiesat medals, higit sa lahat punuin natin sila ng pagmamahal.


She's Simply Amazing and Surprising!

$
0
0


          Siya ang unang magte-text para ipaalam sa akin na naiwanan ko yung salamin ko… na pag-uwi ko sasabihan niya ako ng - “Naiwanan mo yung salamin mo, tanga!” Oha wagas maka-tanga lols.

            At ngayon may bago na siyang pauso… akala mo kaylaki ng bahay namin at kaytaas para hindi niya ako maakyat sa kwarto para sabihin na i-google ko kung anong magagandang lugar ang pwede nilang puntahan ng tita ko sa Tagaytay… na aakyat din pala siya sa kwarto para sabihan ako ng- “Hoy! Na-receive mo ba yung text ko!”

            Na akala mo napaka-urgent ng pinapagawa niya eh sa Mayo pa naman sila maglalamyerda lols.

            Siya lang din ang mag-i-effort na maglagay nito sa banyo -


            Para daw di na ako mahuli sa pagpasok. Hindi naman niya ipinamumukha sa akin na matagal akong maligo lols, lagi ko lang naman naririnig ang - "Sus! Anong oras na? Ang tagal mo maligo, late ka na!" 

            Yan ang nanay ko… simply amazing and surprising! Isn’t it? Hehehe…

x-o-x-o-x

Sponsors:
#SalamatpHCare
#SalamatPantene
#SalamatPalmolive

Time of Our Lives (Tyrone Wells) feat. IV-St. Peter :)

$
0
0


This is where the chapter ends
A new one now begins
The time has come for letting go
The hardest part is when you know
All of these years - When we were here
Are ending, but I'll always remember


We have had the time of our lives
Now the page is turned
The stories we will write
We have had the time of our lives
And I will not forget
The faces left behind
It's hard to walk away
From the best of days
But if it has to end 
I'm glad you have been my friend
In the time of our lives


Where the water meets the land
There is shifting of the sand
Like the tide that ebbs and flows
The memories will come and go
All of these years
When we were here
Are ending
I'll always remember


We say goodbye
We hold on tight
To these memories
That never die


We have had the time of our lives
Now the page is turned
The stories we will write
We have had the time of our lives
And I will not forget
The faces left behind
It's hard to walk away
From the best of days
But if it has to end 
I'm glad you have been my friend
In the time of our lives
I'm glad you have been my friend
In the time of our lives

x-o-x-o-x

#GraduationSong

The First Day We Met...

$
0
0



I just don’t know if they could still remember. The first three questions that I asked them on the first day we met. Hirap mag-english (hahaha), kung nakalimutan man nila, sa pamamagitan ng blogpost na ito, baka ito’y kanilang maalala. Itinago ko ang kanilang mga sinagutang papel sa loob ng humigit-kumulang sampung buwan, sila lang ang makahuhusga kung natupad man ang mga naisulat nila.

            Ito ang tatlong tanong ko; (noong June 10, 2013)
                        1. How do you want IV-St. Peter to be remembered?
                        2. What can you contribute to make our section a remarkable one?
                        3. How is your first day?

            Narito ang kanilang mga sagot: (in random order)



KAREN said…


1. I want this section to be remembered as ‘one’ – unity and cooperation is what we need.
2. I can contribute my cooperation and ideas to my classmates.
3. My first day was fine. I enjoyed talking to my classmates. And my adviser, he’s nice, and I think he can handle our section. I didn’t have the chance to talk to my new classmates but soon, I’ll get to know them and make friends with them.




 KIM said…


1. This is my last year in this school. So, I decided to do childish things before I go to college. I want my last year to be memorable together with my friends.
2. As a member of IV-St. Peter, I will follow the rules and regulationsnot only as a model of this batch but as a student.
3. I felt excited because of a new classmate and teacher.




DIANA said…


1.I want IV-St. Peter not only to be the cream section that used to stay in classroom and just study. I want it to be an active section in a positive way.
2.I can contribute my skills in arts and leadership which can lead us to our very best.
3.My fist day was so great even if there are only 3 new faces and majority of my classmates are my long time companions. I am glad that they trust me to be their Vice President.




 REY said…


1.Uniqueness.
2. My not-so-creative ideas.
3. Fine. Fun. Unexpected things happened.




POELEEN said…


1. As the batch that made a difference; not just your average first section.
2. My creativity (lol, how mediocre is that?) (IRONY)
3. It was like any other day in the school year except we had to introduce ourselves and we have a new adviser.




 HOLLY said…


1. I want our section to be remembered by unity.
2. By having my bright ideas to make our section a remarkable one.
3. NICE.




CHELSIE said…


1. Being the role model for being the cream section of the batch and being the good Ate’s and Kuya’s for the lower batches.
2. I will obey the rules and regulations of the school as well as my teacher. I will lessen the noise that I create so some students will do such things like mine.
3. First day? Well, I’m pretty sure that I enjoyed it. It’s nice to have the same classmates and it’s better to have an adviser who is a good person and open-minded. I’m lucky that I belong here, St. Peter SY 13-14.




 GRACE said…


1. Fourth year St. Peter should be remembered by their attitudes like honestyand being competitive. We must act as one.
2. As the class president, I want them to enjoy their last school year being in high school. I’ll give them such freedombut I don’t want to be abused.
3. This year’s first day was unexpected.




 CHASTINE said…


1. A section oozing with different ideas and personalities.
2. I can contribute to my section by participating actively in the section and the school’s activities and program.
3. It was fun and way better than I expected it. But I still can’t grasp the fact that this will be my last yearhere on CSPB. I’m also getting use to the idea of being the eldest people in campus.




 KYRA said…


1. I want this section to be remembered to be a section that made a difference; one that’s not like the norm and can actually make things happen.
2. I can probably help with most things related to multimedia arts and speaking in English.
3.Better than expected even though I’m still not completely used to interacting with my classmates.




 VALERIE said…


1. I want this section to be remembered as an awesome one. Why? Because I want them to realize that the cream section is not only good in academics but also in bonding with other people and working as one.
2. As a student, I can bring happiness to other people and to socialize with others.
3. Um, it’s okay.




 KYLA said…


1. I want people to remember us as the most solid section in the history of CSPB.
2. I wouldn’t be a passive member and I’ll be cooperative with every activity in school.
3. It’s kinda great. I’m happy with who I’m with and of course the teachers who will be teaching us.







MARIEL said…


1. We want to show to everyone that we’re not exactly what they’re thinkingna kapag nasa cream section ka, mahirap kang lapitan o kaya masyadong mataas ang tingin sa sarili. We want to be different in a way na kahit just for once, ma-realize nila na we are one of them. I want them to know kung gaano kasarap or let’s say kung paano kami magmahalan. Hehe.
2.I can be the bridge. Lol. But I think yun nga, parang I can be one of those guys na magiging way para maging okay yung relation namin sa ibang section. Hopefully, that’s enough to make it remarkable.
3. It’s been a great day! And I had so much funwith them.




CAMILLE said…


1. I want IV-St. Peter to be remembered as a section full of happiness; a section with bright students who are humble, friendly and God-fearing. Lastly, a section that is not passive.
2. I can contribute my skills in academics especially in Math. I want our section to be the best in whatever we do.
3. I was so glad today because I met my friends whom I did not see for the last two months.




 LIA said…


1. To be the best section ever!
2. Hmmm. To be a good girl.
3. It’s fun because I’m very excitedto be in star section again. It’s nice to be back. Pero sir feel ko nung una baka di sila masaya kasi may nawala sa star, pero ngayong first day ay okay na po.




 AYIZ said…


1. I want IV-St. Peter 2k13-2k14 to be remembered as an active class and a section who work as one.
2. I think the contribution that I can give here is to be active and to be cooperative.
3. My first day is well. I met my friends again. And I’m glad to be in star section. I’m happy that Sir Buendia is our adviser.




 RAINE said…


1. I want IV-St. Peter to be remembered as an enjoyable class. So that in the future, every time I think about my HS life, this section will be awesome.
2. What I can contribute in this section is being a truthful classmate.
3. I enjoyedmy first day because I met my friends and I met our adviser. We had a lot of fun this day.




 CHARINA said…


1. Worst star section EVAAAHRR. No, just kidding. Mehehee. I think I want us to be remembered as the “friendliest” star section ever because almost all hetero thinks that we’re not approachable, we’re “mayayabang” because we are smart, something like that. There are no boundaries!!! WOOOO!
2. Yah know, I’ll be participating in all “FUNS” that we’ll have and make FUN. HA HA. I really don’t know what to say actually. XD.
3. FUN. Because we saw a spider and named it ‘Peter’ and my friends were scared and I’m not, so I’m scaring them for how many minutes and also it is an honor to be one of the class officers again. I feel so loved.




 JOLO said…


1. St. Peter – inside their hyper, semi-barbaric and talkative manner is the matureand intelligent person.” This is how I want people to remember us; not just the outside but also the inside.
2. I will try to have a friendly relationship with each and everyone in the class. Cooperation, suggestions and expressing my ideas will help. (I think).
3. Fun.




 JET said…


1. I want IV-St. Peter to be remembered as a section with unity, cooperation and respect to everyone.
2. I can contribute anything to make our section a remarkable one; I must say that it is my whole self. I will do my best to do things that will benefit not only myself but also other people, our whole section. I will help make our section a remarkable one in my own little things.
3. I can say that my first day is completely fine and an enjoyable one. I was given time to see and interact with my classmates, as well as expressing myself.




 CLOI said…


1. The most awesome section. I want to change the image “cheater” given to us.
2. I will be a role model to others. Start and end this school year doing my best and not ruin the image of IV-St. Peter.
3. My first day was great, no pressure. We miss you sir!




 JERE said…


1. I want his section to be remembered as the best section ever.
2. Being good. And being a role modelto everyone.
3.Betterthan last year.




 ROSS ANN said…


1. I want this section to be remembered as good and well-mannered students and not being the “worst”.
2. I can contribute by being respectful and responsible and being confidentin joining different activities.
3. I’m happy that they are still my classmates. I think this section will function well, though I’m late.




 TRISHA said…


1. I want my section to be remembered as the coolest section. And for being the section who gives all their best in every competition.
2. I think the least thing I can contribute in our section is my ideas.
3. My first day is so exciting. Because I will meet my new teacher and old friends, also I’m excited to meet new friends.




 DALLY said…


1. I want our section IV-St. Peter to be remembered as a very close group of people. People who are filled with confidence. For now, we are still young and brimming with talent. At the end of the school year, I wish that we have all grown and closer than before.
2. I will try my best to be one of those people who will connect my friends to our classmates whom they aren’t close to, making stronger bonds on the way. Of course, I will also try my best to help myself and my friends stronger in every possible way.
3. I find this first day back to school as something very fun and exciting right from the start. I was also able to converse with almost all of my classmates so that’s a good start for me.




 DARWIN said…


1. I want my section to be successful this school year.
2. I will contribute happiness in our class. I will make the classroom clean.
3. I’m happy because I met my new and old classmates.




 CG said…


1. For the fun that our section will have.
2. To give energy and make the room lively.
3. It’s fine.




 PAUL said…


1. I want my section to be remembered as a good role modelsection.
2. I will contribute money to the class fund.
3. My first day is good and I’m happy for my classmates.




 REUTER said…


1. I want IV-St. Peter to be remembered as an energetic class.
2. I will contribute all. I will make the classroom clean.
3. GOOD.




 JANTEN said…


1. By the achievements that we will get.
2. Maybe I will discover it soon and I will try to discover it.
3. I don’t know; I am feeling sleepy right now.




 ANA MAY said…


1. I want IV-St. Peter to be remembered as the best section in the fourth year.
2. I think being responsible and cooperativeare the things I can contribute. Also some of my talents, I will do my best to make our section remarkable.
3. My first day is enjoyable because I was seated beside my friends. Our adviser is nice and good even though I think he is a strict person.




 JOANNA ROSE said…


1. In the past few years, I had been in the star section. I think every year there is always a bad issue about us. This year, I want us to be recognized as a real role model of the whole school. I want them to see the good side of us.
2. The usual things like obeying the rules and regulations, practicing my leadership and building more confidence.
3. It’s good and I’m really looking forward for the whole school year.




 ROCHELLE said…


1. Since this is our last year in CSPB as a high school student, I want it to be specialand unforgettable one. As much as possible, I want our section to be one of the happiest and a responsiblesection.
2. I know, as a normal student like me, I can contribute something even if it’s just a little thing. Like being one of the responsible students inside the classroom, respecting one anotherand following instructions inside the campus, so that in a little way I can show my contribution to make our section a remarkable one.
3. My first day was fine. And I’m looking forward for the whole year.




 REMAYLYN said…


1. I want IV-St. Peter to be remembered by being the MODEL of all the sections not only for being smart but also for the attitude of what students should be.
2. I think the only contribution I can give is by simply following all the rules and regulations commanded in our room. And by cooperating with my colleagues.
3.It’s fun! Because of my friends; we saw each other again. New teachers, new learning.




 JOANNA MAY said…


1. This is my last year so I want it to be a memorable one.
2. Maybe happiness because if you want it to be remarkable, the best way is to make it a happy section with respect to others.
3. My first day is good as I expected. Somehow, I am happy to see my classmates and friends, also my teacher is nice and I hope he will be nice until the end of the school year.




 AINIEL said…


1. I want IV-St. Peter to be remembered not in a way like we are the “noisy ones” or the “grade conscious students” but in a way that we are who we are.
2. I would give my time, the very best that I can be to help this section stand up and be a remarkable one.
3. My first day went good. From the start to the end because we got new comrades and I get to meet our new teacher / adviser.




 JOK said…


1. I want IV-St. Peter to be remembered by all of the high school students because we will do our very best to be active in this school year.
2. I’m going to do what I can.
3.Boring. I think I’m going to get sick because I don’t have someone to talk to.




 KYLE said…


1. I want IV-St. Peter to be remembered in terms of our relationship with our adviser and the other subject teachers. A kind of relation that is full of excitement, good manner and being trueto yourself.
2. I will cooperate with our class officers, respect our adviser and do my best if ever they will be needing my help.
3. Well it’s nice. Being with you, Sir Buendia, as our adviser. I still miss my vacation like I still want to sleep all day lalo na po yung half-day. Joke lang po. I hope this section / batch will be joyful and full of excitement. Have a nice day po.




 MIGO said…


1. IV-St. Peter will do our best. We will stand tall against other section. I’m sure our section has this special ingredient that makes us uniqueand remarkable.
2.I or we will inspire you.
3. Awesome.




 RUSSELL said…


1. By how creative we are and differentto others which will make IV-St. Peter to be remembered.
2. By giving ideas in such things to build an awesome thing for our section.
3. My first day in school was good. I missed my classmates so I’m happy to see them again and our adviser is very interesting.




 JC said…


1. I want this section, IV-St. Peter to be remembered not only as the cream section this school year. I want it to be remembered on how we express ourselves, that we’re not just studious people; we also know how to be with different kinds of people. We want to be remembered that we also belong to the rest of the batch.
2. I will do anything I can in order to make the image of this section good to other people and as a student outside the school. Every year, I can contribute mostly through the cleanliness of our classroom.
3. It is a normal school day for me because we already knew each other.

x-o-x-o-x

#BecauseIKnewYou
#IHaveBeenChangedForGood
#AbsentSiEuniceNungFirstDay



Like a Puzzle...

$
0
0

Ika-31 ng Marso, 2014
Lunes, 9:16 ng gabi

            Mahalaga para sa akin ang pagtatapos na ito. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang haba ng pasensyaat lawak ng pag-unawa sa lahat ng naranasan ko sa apat na taon ng aking pagtuturo… sa unang paaralan na nagbigay sa akin ng pagkakataon para makita, kahit pa sa isang limitadong anggulo lamang, kung ano at paano ba talaga ang maging isang guro.

            Sa isip ko ay may malinaw akong plano sa kung saan ako dapat pumaroon… kung ano ang dapat kong gawin… malinaw sa isip ko ang mga bagay na iyon… hindi ko lang marahil masisiguro kung tutugma iyon sa mangyayari sa akin.

            Kung totoo man ang ‘tadhana(kahit parang ang ‘korni’)… pipiliin mo na rin ang ganitong ideya kung nasa katulad mo akong sitwasyon. Sabi nga ‘tiwala’ lang… kaya ngayon, wala na akong iba pang mapipiling gawin kundi ang ‘magtiwala’. May mga pansarili tayong plano sa ating buhay… sana lang ay ganun din ang plano Niya sa akin.

            Gusto kong maramdaman ang puso ko sa araw-araw. Sundin kung saan man ako dalhin ng bawat pagtibok nito. Gusto kong makita ang buhay gamit ang aking isip sa iba namang paraan. Dapat bago. Dapat nakakapanibago.

            Mapunta sa lugar kung saan ang pinakaimportante ay ang pagkilala at pagtanggapmo sa iyong sarili. Hindi sa kung anong meron ka. Higit pa sa kung paano ka nila nakikita.

            Para akong malulunod sa pagkasabik. Parang di normal na sabihin kong ‘ramdam’ ko ang aking sarili ngayong gabi hahaha.

       Ang sarap sa pakiramdam kapag ganito ka-korni. Simple lang. Wala kang dapat ipaliwanag.

            Abrilna bukas. Simula na ng pagtanggap sa katotohanan.

           Masayaakong aalis. Bitbit ko lahat ng masasayang pangyayari. Marami akong nakilala. Marami ang sa akin ay nagpasaya. Mananatili sila sa aking magagandang alaala.


x-o-x-o-x


            Hindi ko malilimutan yung tagpo na naglalakad ako kasabay ng maraming tao. Nalulula ako. Natutulala ako hahaha. Pero patuloy pa rin ako sa paglakad. Yung para bang kusa na lang kumikilos ang aking mga paa. Sa isip ko, nagtatanong ako kung bakit parang di ako ‘katulad’ ng mga taong nakakasalubong ko. Naitanong ko sa sarili kung napapansin ba nila ako. Halata ba nila yung di ko ma-explain na pagiging awkward ko hahaha.

            Muntik na akong maiyak dahil gusto kong maging tulad nila. Yung nabibilad na ako sa sikat ng araw, pero parang wala lang ang init sa aking pakiramdam. Dahil mas dama ko yung gulo sa loob ko.

            Yung may mga matang umiilag dahil parang bigla mo na lang nabasa kung ano ang meron sa likod ng mga makikinang nilang mata. Iiwas na lang. Ako naman takang-taka.

            Na kung may lakas ka lang ng loob na tanungin ang bawat tao ng “bakit ka ganyan?”, para naman ma-justifyko kung bakit din ako ganito lols.

            Pero baka kasi pinipilit ko lang na buuin ang mga pira-pirasong kaisipan ko ngayon. Na di ko pa marahil napagtatanto. Yan tuloy, nagmumukhang walang punto ang mga sinasabi ko.

            Parang puzzle. Magulo. Pero mabubuo.



x-o-x-o-x


Mahal Ko Rin ang Eggpie

$
0
0
Ika-01 ng Abril, 2014
Martes, 7:48 ng gabi

            Napakainit kanina… yung tipong lahat na lang ng likido mo sa katawan ay maaari na mag-evaporate. Dagdag pa sa sakit ng ulo ay ang maya’t maya mong pagpasok at paglabas sa faculty na ‘de aircon’. Nga pala, di magtatagal, di na rin ako mapupunta sa isang pamilyar na lugar.

            Posible pa lang pakinggan mo ng paulit-ulit… at paulit-ulit ulit… ang iilang kanta na di mo naman mabigyan ng isang rasyonal na dahilan kung bakit mo ginagawa yun. Ang alam mo lang, minsan nakakaantok silang pakinggan, na kahit patugtugin mo sila ng ilang beses ay parang wala lang… o kaya naman naiintindihanmo lang talaga marahil kung tungkol saan ang kanta.

            Di naman ako tulad ng neighborhood namin na rak-en-rolkung magpatugtog… tulad ng pagkanta nila ng walang humpay sa videoke lalo na kung merong okasyon. Oh di ba pag sinabing okasyon dapat minsan lang? Pero dito sa amin ang okasyon ay kasingkahulugan ng mga pangyayaring ‘always’lols.

            Brave (Sara Bareilles). Cover ng di ko kilala kung sino
Let Her Go (Passenger). Birdy cover
            Six Degrees of Separation. The Script
            Stay (Rihanna). The Script cover
            We Can’t Stop (Miley Cyrus). Bastille cover

            Yan yung limang kanta na ipinagsisiksikan ko sa eardrums ko. Ipinanghehele para makatulog.

            Di ako masyadong kumakain pag gabi. Kahit pa gaano kasarap, kahit pa bagong luto ang pagkain… singlamig ng bahaw na kanin ang kagustuhan kong kumain. Naisip ko yung batang nag-aabot ng kapirasong papel tuwing nakasakay ako ng jeep, ang nakasulat –

            “Ate/Kuya kahit kaunting barya lang po, pambili ng pagkain. Salamat po.”

            Ang totoo di ko binigyan ang bata ng pera. Sa murang edad niyang yun, obviousnaman na hindi siya ang nagsulat nun… sulat matanda… dikit dikit pa… naisip ko napakapabaya naman ng mga magulang nitong batang ‘to, hinayaan nilang manlimos sa kalsada ang anak nila. Di ko maiwasang maitanong kung bakit pa sila nag-anak?...

            Speaking of jeep… nauntog ako sa handle o hawakan ng jeep kanina hahaha. Di ko kasi namalayan na mababa lang pala yung bubong ng jeep kaya para akong may stiff neck kanina… kailangan kong umanggulo ng kaunti dahil sasadsad ang ulo ko sa bubong ng jeep kung magmamatuwid pa ako sa pag-upo… alam na… iba na may ‘height’lols.

            Akala ko may tatawa sa pagkakauntog ko kanina… buti na lang wala. Takang-taka naman ako kasi yung mga kasama ko sa jeeptuwid na tuwid ang pagkakaupo, para akong na wow mali… bakit ako lang ang nahirapan, gusto ko na ngang bumaba eh kaso nakabayad na ako hahaha. Kaya pagbaba ko ng jeep… nangalay na yung leeg ko.

            Nakita ko ang isang nanay kasama ang isang batang babae nung paakyat ako sa overpass. Parehas silang madungis… nanlilimos din sa mga tao. May dala akong eggpie nun, pero sa di ko malamang dahilan ay di ko nagawang abutan siya ng eggpie

            Paano ba ang pakiramdam ng magutom? Yung walang makain? Yan ang gusto kong maranasan kahit saglit lang. Nung mga nakaraang araw, ganun yung ginagawa ko. Di ako kumakain. Pero iba pa rin pala yung walang-wala kang makain sa pinili mo lang na kumalam ang iyong sikmura dahil di ka kumain.

            Hinding-hindi ko mailalagay ang sarili ko sa sitwasyon nila. Hindi ganun kadali. Ganun pala.

            Kaya hindi mo masasabing nauunawaan mo ang isang tao. Hinding-hindi mo s’ya mauunawaan… ng lubos… tulad ng iyong inaakala.

            Nga pala… siguro bukod sa hopia, mahal ko rin ang eggpiehahaha.

            8:36 ng gabi… inakyat ako ng nanay ko sa kwarto… “Hindi ka ba kakain?”tanong niya. Sabi ko, “Hindi. Busog pa ako.”Nagsinungaling ako hahaha. Marahil kung may Earth Hour dapat meron ding “Hungry Night” yung minsan damayan mo naman, kahit isang gabi lang, ang ilang nagtitiis na matulog dahil wala silang makain. Yan ang gagawin ko ngayon. Gusto kong maunawaan ang pakiramdam na yun.

            Pero pag di ko na kinaya… may chocolate naman akong binili… pwede na yun lols.

            Napakaganda ng mga mata mo. Higit pa sa pisikal at literal na eyeball ang nakikita ko hahaha. Pakiramdam ko sa likod ng iyong mga mata ay isang uniberso… na ikaw lang ang nakakikita… at isa lang ako sa nakatatanaw. Gustong-gusto ko ang ganung mga mata. Tumatagos sa kawalan. Gustong-gusto kong tumitig sa ganung mga mata. Sing-init ng araw ang nadarama. Ang saya…


x-o-x-o-x

#MgaKwentoSaTagAraw

S'an ang Daan Patungong Araw?

$
0
0
Ika-02 ng Abril, 2014
Miyerkules, 5:56 ng hapon

            May isang babae sa may Manila Bay… lumpo, nakaupo sa wheelchair. Parehong oras habang sinusulat ko ‘to… yung oras na papalubog na ang araw na parang magtatago na ito sa ilalim ng tubig. Bago yun, akala ko may inaabot siya habang nakaupo, habang nakamasid sa langit.

            Datidalawa raw silang gumagawa nito. Inaabot ang papalubog na araw na animo’y lumalapit pababa sa kanilang mga palad… Ngayon,mag-isa na lang niya itong ginagawa. Hindi naman daw nagbago ang kanyang nararamdaman. Parehas pa rin nung mga araw na magkasama sila.

x-o-x-o-x

            Kabaligtaran naman niya yung lalaking nasa Divisoria. Isa siyang elevator operator sa Tutuban. Paulit-ulit ang pagpapataas at pagpapababa niya sa elevator… kahit pa wala naman itong ibang sakay… bukod sa kanya. Nakaupo sa kanyang upuan malapit sa ‘buton’ na makailang beses na niyang pinipindot.

            Bagot na bagot…

            Patunay na kung nasa ‘taas’o ‘baba’ka man na parte ng iyong buhay, pakiramdam mo’y wala ka pa ring narating, lalo na nung malaman mong nasa iisang lugar ka pa rin.

x-o-x-o-x

            Kaninahabang malapit na ako matapos maligo, napatingin ako sa orasan na nilagay na nanay ko sa banyo lols. Limang minuto bago mag-ala singko ng hapon.

            Bigla kong naalala yung inulit kong panuorin kagabi na pelikulang Titanic. Limang minuto na lang din bago mag alas-dose ng tanghali at aalis na ang barkong Titanic, yung eksenang naglalaro pa ng baraha sa Jack at nung manalo siya ay kumakaripas na sila ng takbo ng kasama niya para umabot bago lumisan ang barko sa takdang oras.

            Natawa ako kung paano ko ginusto na sana ay isa ako sa mga ‘ekstra’ sa pelikulang yun nung bata pa ako hahaha. Ang simple lang kasi ng gagawin, magpapatianod ka lang sa tubig, may life jacket naman kaya di ka mahihirapang lumutang, tapus ayun na, mahahagip ka na ng ‘kamera’ habang umaakting ka na isa sa mga bangkay na lumulutang lols.

x-o-x-o-x

            Sa siwang ng bintana nakita kong tumatagos ang liwanag ng araw. Hindi ko alam lang kung ako lang ba ang mababawna ipinagpapasalamat ko na parang pinipilit pa rin akong abutin ng liwanag sa kwarto kong ito hahaha.

            Alam naman natin na higit pa sa libo-libong milya ang pinangagalingan ng sikat ng araw… pero nagawa pa rin ako nitong matagpuan.

            Saan ba ang daan patungong araw?...

x-o-x-o-x

            Isang araw nung high school… di ko alam kung bakit ang dami kong binayaran at ang dami kong binili. Akala ko may natira pa akong pera… pagdukot ko sa bulsa, dalawang piso na lang pala. Liningon ko ang paligid manghihiram sana ako sa mga kaklase ko, kaso pagtingin ko bigla na lang sila naglaho lols. Naramdaman ba nilang manghihiram ako ng pera? Hahahaha.

            Naisip ko kung paano ako makakauwi ng dalawang piso na lang ang natitira kong salapi. Dalawang jeep ang kailangan kong sakyan para makauwi ako, at hindi ko yun magagawa sa dadalawang piso. Naalala ko bigla yung masungit kong science teacher nung nasa elementary pa ako. Sabi niya kailangan ng katawan natin ng glucosepara magkaroon ng energy.

            Nakita kong may nagtitinda ng ‘kendi’sa tabi. Tatlo dos… dun ko ginamit ang dalawang piso ko. Bumili ako ng ‘Frutos’hahaha. Alam kong maglalakad ako pauwi, kaya bumili ako ng kendi para may energy hehehe.

            Dun ko nalaman na masaya rin palang maglakad mag-isa. Yung marami ka rin pa lang kasabay sa kalsada. Na okay lang din palang mausukan at maarawan. Na yung mga kalsada na hindi man lang nasasayadan ng mga paa mo ay nagawa mo nang lakaran. Na damang-dama ko ang pagkaluskos ng swelas ko sa kalsada dahil alam kong minsan ko lang ito madadaanan.

            Ayun, nakauwi naman ako noong panahon na yun na haggard. Yung halos maubos ko yung isang pitsel na tubig sa sobrang pagkauhaw, na hindi ko magawang ipagtapat sa nanay ko na hindi ko na-budgetyung binigay niya sa aking baon nung araw na yun, dahil baka sabihan na naman niya na ako ng ‘tanga’hahaha.

x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw 

Bizarre World...

$
0
0

Ika-03 ng Abril, 2014
Huwebes, 6:47 ng gabi

            Kagigising ko lang. Napasobra ang idlip ko dahil sa init sa maghapon. Naalala ko, kailangan ko magkwento. Pumasok lang ako saglit sa banyo, pagtingin ko sa salamin namumungay pa ang aking mga mata… at ang mukha ko… ‘wow-so-oily’hahaha. Kaunting ayos… tapos balik sa kwarto… binuksan ang netbuk at ‘presto!’ ano na naman kaya ang aking makukwento?

            Nakasuot ako ng puting t-shirt kanina. Tamang-tama sa matinding init. Pasado alas-dos ako lumabas ng school, tirik pa rin ang araw. Nagliliwananag ako sa suot kong damit… feeling ko napaka-dalisay kong tao habang naglalakad ako para makaabang ng jeep lols.

            Di ko sinuot ang aking salamin sa maghapon. Naisip ko kasi yung disenyo ng suot kong puting t-shirtmukha ng aso na naka-shades na may nakasulat na salitang ‘spectacle’. Baka sabihin kasi nila ‘redundant’ ako sa disenyo ng damit hahaha. Kaya pinangatawanan ko, tutal mas nakakakita naman ako kapag sobrang maliwanag ang araw hahaha.

            Pero hindi… kailangan ko i-justify ang di ko pagsusuot ng salamin. Uhm… kasi masakit sa mata kapag nakasalamin ka habang tirik ang araw… at saka nakakapawis sa bandang may ilalim ng mata… at magmumukha na namang lubog ang mga mata ko sa pagsusuot ko ng salamin. Yan, pwede na ang mga rason na yan.

            Pagsakay ko ng jeep, may dalawang ‘emo’ na lalaking kabataan akong nakasabay. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng sasakyan. Sila ay magkaharapan. May pinag-uusapan. Naririnig ko pero ayokong makinig, kasi di naman ako maka-relate.

            May mga sumakay pa kaya napausog ako papalapit dun sa isa. Napansin ko ang kanilang mga kuko sa paa. Nahagip ko lang ng tingin ng di naman sadya. Naisip ko, kapag ba ‘emo’ ay marami ring patay na kuko? Ibinaling ko na lang sa iba ang aking tingin… mukhang kapwa naman nila di nahalata ang aking napansin.

            Biglang huminto ang sinasakyan kong jeep. May papasalubong sa amin na karo at isang mahabang linya ng mga tao. Parang ‘premonition’ lang ang nangyari sa akin.

            Sumilip ako sa may bintana. Naririnig ko ang isang malungkot na kanta. Inaabangan ko ang mga mukha ng mga naka-linyang tao. Nakaputi rin sila tulad ko. Gaano ba kasakit ang maghatid ng isa sa mga mahal mo sa huling hantungan nito? Naisip ko, kahit kailan di ko pa ito nararanasan. At parang hindi ko matatanggap ang ganitong tagpo sa aking buhay.

            May mga babaeng lumuluha habang marahan silang lumalakad. Napakainit sa daan nung mga oras na yun. Pero hindi man lang sila naka-payong. Siguro, ganun na lamang ang kanilang pighati. Matindi pa sa naraaramdaman nilang init.

x-o-x-o-x

            Pag-uwi ko sa bahay pinanuod ko yung dalawang documentaryabout ‘porn addiction’ na na-download ko habang nag-uubos ng oras sa school. Muli ay uulitin ko, ang pinanuod ko ay ‘docu about porn addiction’ at hindi mismo ‘porn’hahaha.

            Ang title ng isa ay ‘BBC Documentary – The Science of Porn’ at yung isa naman ay ‘BBC Documentary – The Dark Side of Pornography’.

            Akala ko naman ay ipaliliwanang nito kung bakit may mga taong nagiging ‘addict’sa panunuod ng mga pornograpiya, ang mga ‘epekto’ nito at kung paano ‘malulunasan’ang pagkalulon sa ganitong sitwasyon.

            Pero nabigo lang ako kasi hindi ang mga nabanggit ko ang naging focus nito. Parang mali naman yung mga title na nakita ko… parang iba yung pamagat sa mismong content nito.

            Dahil dun sa ‘BBC Documentary – The Science of Porn’, ang tinalakay ay ang buhay ni ‘Lolo Ferrari’– siya pala yung babae na may pinakamalaking hinaharap sa mundo (di ko alam kung paano ko sasabihin lols), sa katunayan napabilang pa pala siya sa Guinness Book of World Records. Binanggit dun ung paano ang naging takbo ng kanyang buhay, ang pagkasabak niya sa mundo ng pornograpiya, ang pagka-addict niya sa pagpapa-opera at ang lagim o misteryo ng kanyang pagkamatay.

            Dun naman sa ‘BBC Documentary – The Dark Side of Pornography’, ang tinalakay naman ay ang industriya ng pornograpiya sa Estados Unidos. Nakalimutan ko yung lugar na tinatawag nilang ‘porntown’– dahil sa lugar na ito may pinakamaraming isinu-shoot na mga eksena na parang sa pelikula, ganun. Binanggit lang dun kung paano nagambala ang ganuong uri ng industriya dahil sa paglaganap ng HIV.

            Samakatuwid, nauwi sa wala ang pag-download ko sa mga docu na ito dahil di ko naman nito nasagot ang mga target questions ko, naks!

            Parang ang ‘weird’ talaga na sa mundong ito ay may industriya ng pornograpiya. Ano naman kaya ang nagtutulak sa isang tao na gustong pumasok o sa mga taong naging parte na nito? Anong mabigat na dahilan ang meron sila? Pera? Kahirapan? Karangyaan? Kasikatan?

x-o-x-o-x

            Napakadaling malason ng isip ng mga kabataan ngayon. Ngayong panahon na para bang lahat na lang ay mayroon na silang ‘access’ saan man o ano man ang gusto nilang makita o mapanuod. Basta may internet, maaring malulon sa mga gawaing liko.

            Kaya mahalaga ang pagiging bukas ang isip at pagiging responsable sa lahat ng ating mga aksyon.


x-o-x-o-x

#MgaKwentoSaTagAraw

Mahal Ko Na Rin Ang DUBAI...

$
0
0

Ika-04 ng Abril, 2014
Biyernes, 8:42 ng gabi

            Halos kauuwi ko lang at katatapos lang kumain. Sobrang nakaka-dehydrateang init kanina sa rehearsal namin ng graduation. Di ko alam kung mapipiga ko pa ba ang sarili ko na magkwento lols. Pero pipilitin ko.

            Kaninang umaga, sobrang bagot ako sa faculty. Yung hinihintay ko kasing mga gawain ay di pa dumarating. Yung nakakainis at nakakainip na wala kang ginagawa sa kabila ng halos lahat ng nakapaligid sa iyo ay mayroong pinagkakaabalahan, parang nakakahiya naman di ba hehehe.

            Yung nasusuya na ako sa mga pinakikinggan kong musika, kasi alam ko na pag-uwi ko mamayang gabi ay pakikinggan ko na naman sila. Nakapagbasa na rin ako ng mga bagong blogpost ng mga bloggersna sinusubaybayan ko, na halos minu-minuto ko na nga niri-refresh yung dashboard ng blog ko para lang makita ko kung may nakapag-post na ba ng bago. Kaso wala.

            Kaya naisipan ko na lang na panuorin ang isa na namang docu na na-downloadko kahapon. Ang title ay “Dubai: The Greatest City on Earth”. Talaga pa lang nakamamangha ang Dubai! Isipin mo na lang na ang isang lugar na dati ay puro disyerto lamang, ngayon ay isa na sa pinakamodernong syudad sa mundo na may pinakamatataas na istruktura. Grabe ang kaalaman nila sa engineering!Talagang pinag-aralan nila ang lahat – mula sa kung paano magagawan ng pundasyon ang mga nagsisitaasang gusali, kung paano magkakaroon ng water supply ang lugar sa kabila na ito nga ay isang disyerto, at ang mga materyales na ginagamit na kayang tumagal sa matinding kondisyon ng panahon. Kahanga-hanga! Nakakabilib!

            Hindi ko tuloy maiwasang maisip na sana ganun din ka-detalyado ang mga pagpaplano natin sa pagtataguyod ng isang lungsod. Kaya nakakainis na pinapangarap ko na ngayon na mapunta sa Dubai! Grabe, gusto kong pumunta sa Dubai, ngayon na!Hahahaha.

            Nadagdagan na tuloy ang lugar na gusto kong mapuntahan. Dati talaga solidong Germany lang ang gusto kong mapuntahan. Kaya ko naman gustong mapunta sa Germany kasi hinahangaan ko kung paano nila binibigyan ng halaga ang ‘science research’ sa kanilang bansa. Yun bang naging parte na ito ng kanilang pag-unlad. Napakadami nilang research institute doon, na hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ako ng chancena maging parte man lang ng isang research team sa bansang yun. Grabe! Pagpasensyahan na ang pagiging ambisyoso ko hahaha. Kasi dito sa atin, hindi naman masyadong research oriented ang ating bansa, Yung para bang nakakaasar na lagi na lang mga natutuklasan mula sa ibang bansa ang ating ibinabalita. Nasaan na ang sarili nating mga research o pag-aaral? Para saan pa ang mga thesis sa M.A. at Doctoral? Hanggang sa pang-akademiko na lang ba natin gagamitin ang ating nalalaman sa research?

x-o-x-o-x

            Bukas na ang graduation. Kaybilis ng panahon. Nakatutuwang isipin na yung mga naging estudyante ko noong OJT / Practice Teaching ay ga-graduate na rin sa college. Grabe, isipin mo yun, kung maghahanap ako ngayon ng bagong trabaho maaari ko pa silang maging katunggali bilang aplikante kapag nagkataon hahaha. Ang weird ng feeling, dati estudyante mo, ngayon katrabaho mo na lols. Tapus yung mga naging estudyante ko naman ngayon sa high school ay magsisipagtapos na rin, mga 3 o apat na taon pa, pwede na rin kaming maging magkatrabaho hahaha, bale bata pa rin naman ako nun, mga 28 years old.

            Hay…Kaybilis talagang lumipas ng panahon!


x-o-x-o-x

#MgaKwentoSaTagAraw

Tulala Moments...

$
0
0

Ika-08 ng Abril, 2014
Martes, 11:19 ng umaga

            Wala pa rin ang hinihintay kong gawain. Tulala lang ako dito sa faculty. Ayoko ng ganitong moment. Pakiramdam ko nasasayang ang buhay ko hehehe. Kaya ito, habang busy ang lahat, kwento-kwento rin pag may time.

            Nakakainip. Ayoko ng naiinip.

            Kanina naghahanap ako ng mga tanong na kahalintulad sa isang slam book. Kaso nakakatamad kasi napaka-common ng mga tanong. Gusto ko yung kakaiba. Yung masaya at challenging sagutan.

            Di ako nakapagsulat nung mga nakaraang araw. Nakakatamad yung init ng panahon. Nakakaantok. Idinadaan ko na lang sa tulog. Wala na akong naisulat na matino. Puro na lang random thoughts ng buhay ko lols.

            Bumabalik na naman ako sa abnormal kong schedule. Matutulog sa hapon at magigising ng madilim na. Tapus mag-oonline hanggang madaling araw, magbabasa ng mga blogs at makikipag-chat sa random people hahaha. Walang humpay na makikipag-inglisan. Makikipagpalitan ng mga kuru-kuro. Makikipagtalo sa mga maka-western na mundo.

            Nakakatuwa makipag-usap sa mga random people. May mga mapanlait, may mga cool lang, mga makasarili, mga sobrang bilib sa sarili, mga mahahalay hahahaeste maiingay. Pakiramdam ko, nilibot ko na rin ang mundo. Ganun pala mag-isip ang mga taga-ibang parte ng mundo.

            Wala pa kong plano sa bakasyon na ito. Heto nga oh, nandito pa kami sa schoolsa kabila ng lahat ng mga nakapalibot na schoolsa amin ay halos wala na ginagawa… kami meron pa, bongga! Hahaha.

            Mas gusto ko ang matulog sa hapon kaysa gabi. Di ko matanggap yung init ng panahon sa gabi. Kahit pa nakatutok na yung electric fan sa akin.

            Napagdidiskitahan kong panuorin yung mga videos about sa International Sapce Station. Ibang-iba ang paraan ng pamumuhay ng mga astronautat cosmonaut dun. Nakakatuwa at nakakabilib. Parang ang husay na ng tao para makayanan nating mag-survive sa outer space. Taong 1998 pa pala unang nailatag ang ISS sa outer space. At marami na ring mga siyentipiko ang nagpabalik-balik na doon matapos ang ilang buwan na pananatili para sa kanilang mga eksperimento at pag-aaral. Parang hindi kapanipaniwala na may mga taong nasa labas ng ating mundo at nakakabalik din naman dito. Sana may mga Pinoy din na makapunta doon. Sana ako yun hahaha.

            Ayoko ng mga moment na nganito. Grabe. Grabe.

            Gusto ko laging naaaliw at naa-amaze. Inaantok ako.

            Di ko na-feel ang gumawa pa ng kung anu-ano na may knalaman sa school. Ang tagal ko na inanticipate ang mga gawain sa school. Nakakatamad kapag naaantala.

            Ang bakasyon ay panahon ng pagtulog. Pahinga na dapat ang bakasyon hehehe.


x-o-x-o-x

#MgaKwentoSaTagAraw

Kape Pa!

$
0
0

Ika-09 ng Abril, 2014
Miyerkules, 1:16 ng madaling araw

            Napakainit. Hindi ako makatulog.

            Gusto na pumikit ng mata ko, pero ayaw pang mahimlay ng diwa ko. May gagawin pa ako bukas, bawal pa naman magkamali dun. Panigurado, tulog na naman ako nito sa hapon.

            Manunuod sana ako ng docu tungkol kay Chris Hadfield, kaso nagloloko ang internet. Isa si Chris sa mga naging commander ng International Space Station(ISS). Isa siya sa pinaka-popular na astronaut sa kasalukuyan. Siya ay mula sa bansang Canada. Naging popular siya dahil sa paggamit niya ng social media para maibahagi niya ang ilang tagpo sa kanilang buhay sa ISS - ilang daang milya mula sa lupa, sa labas ng ating mundo. Ibinahagi niya ang kanyang mga saloobin, sa katunayan nakapagsulat pa nga siya ng libro. Ipinakita niya rin sa mundo ang mga natatangi niyang kuha na mga larawan mula sa outer space. Dagdag pa ang mga nakatutuwa at napakainteresanteng mga videos niya – kung paano mag-toothbrush habang nasa outer space, ang uminom, ang kanilang mga kinakain, kung tutulo ba ang luha mo kung iiyak ka sa outer space at marami pang iba tulad ng nagawa pa niyang mag-record ng isang music video habang nasa space station.

            Nakatulong ng malaki yung mga napanuod kong videos tungkol sa ISS para maintindihan ko ng madali at lubos ang pelikulang Gravity. Kung paano nakapupunta ang tao dun at pati na rin ang proseso na kailangang gawin para makabalik ka sa mundo – walang lugar para sa kahit isang maliit na pagkakamali, dahil kung magkaganun man, tiyak na hindi na makababalik pa o mabubuhay ang mga astronaut. At dahil isang pelikula lamang ang Gravity, natural lang na may mga eksena doon na hindi naman talaga makatotohanan. Pero nakakabilib ang pagkakagawa ng pelikula, lalo na ang mga special effects.

            Manunuod pa sana ako ng iba pang pelikula… pero baka wala na akong panuorin sa susunod na mga araw kundi mga docu na lang.

            Speaking of tag-init, napakabilis kong ma-dehydrate ngayon. Naalala ko kahapon ng umaga, gumising ako ng super-dehydrated. Mga tatlong baso lang ata ng tubig ang nainom ko sa buong maghapon. At mga tatlong baso (hindi tasa hahaha) ng kapeang naubos ko sa buong araw. Kaya kulang na lang ay lahat ng likido ko sa katawanan ay mai-flush ko na. Kaya paggising ko kanina, nanunuyo yung labi ko, ang hapdi na parang nahiwa ng blade. Tapus yun balat ko sa mukha ay ramdam kong dikit na dikit sa bungo ko hahaha, yung tipong nagpulbos ka at parang tipak ng semento ang nangyari sa pulbos dahil halos wala na ang moisture sa mukha para kahit paano ay kumapit ang pulbos lols. Ramdam ko na hindi na gaanong elasticyung balat ko sa mga braso at binti ko… pero nung breakfast ay nag-kape pa rin ako hahaha.

            Kaya pagdating ko sa faculty, inom ako ng inom ng tubig. Kada ihi ko sa banyo, binabawi ko ulit ng inom ng tubig. At unti-unti ko na nararamdaman yung paghiwalay ng balat ko sa buto hahaha. Elastic na ulit siya. Hydrated na kung baga. Para maiba nag-softdrinks na lang ako.

            Naisip ko, napakadaling maging pabaya ng tao s kanyang kalusugan. Madalas iniisip natin bata pa naman tayo at hindi tayo tatablan ng sakit. Pero ang hindi natin alam, ano mang oras, maaaring mawala ang pinakaiingatan nating yaman.

            Kaya ngayong summer, iwasang mag-adik sa kape. Magtubig muna mga pre! (mai-rhyme lang).

            Di pa rin ako inaantok… matutulog na lang ako na dilat ang mga mata. Goodluck!


x-o-x-o-x

#MgaKwentoSaTagAraw


Chris Hadfield :)

$
0
0

Ika-10 ng Abril, 2014
Huwebes, 11:30 ng umaga

            May mga bagay na gusto mong ipag-welga pero hindi mo magawa, kasi iisipin mo na lang, pagpasensyahn mo na, kaunting panahon na lang naman. Wag ka na umangal, manahimik at magbasa ka na lang lols.

            Kaysa isipin ang mga di-ko-ma-gets-kung-bakit-ganunna mga bagay, lulunurin ko na lang ang sarili ko sa mga inspiring quotes ni Chris Hadfield(big fan na ako ng astronaut na ito). Sana mahanap / mabili / may magbigayhahaha sa akin ng libro niyang “An Astronaut’s Guide to Life on Earth”. Wish ko lang lols.

            Narito ang ilan sa mga inspiringquotes mula kay Chris Hadfield:

1.Decide in your heart of hearts what really excites and challenges you, and start moving your life in that direction… Look at who you want to be, and start sculpting yourself into that person.

2.It’s not enough to shelve your own competitive streak. You have to try, consciously, to help others succeed.

3.If you start thinking that only your biggest and shiniest moments count, you're setting yourself up to feel like a failure most of the time.

4.Focus on the journey, not on arriving at a certain destination.

5.In any field, it’s a plus if you view criticism as potentially helpful advice rather than as a personal attack.

6.My optimism and confidence come not from feeling I'm luckier than other mortals, and they sure don't come from visualizing victory. They're the result of a lifetime spent visualizing defeat and figuring out how to prevent it.

7.No one ever accomplished anything great sitting down.

            Ang mga quotes ay mula sa www.goodreads.com.

x-o-x-o-x

         Narito naman ang ilan sa mga cool pictures niya mula sa International Space Station (ISS). (Ang mga larawan ay mula sa www.google.com.)



Ito yung gusto kong libro! :)


Gita-gitara rin pag may time! :)


Ano kaya yung feeling na makita mo ang mundo mula sa ISS?


Di ka makapagpipiga sa outer space. :)


Sana noon ko pa nabasa ang quote na ito! :)

x-o-x-o-x

#MgaKwentoSaTagAraw
#BigFanAkoNiChrisHadfield

Ako lang ba ang Ganito? :)

$
0
0

Ika-12 ng Abril, 2014
Sabado, 8:11 ng gabi

            Unti-unti kong inimpake ang mga gamit ko mula sa faculty. Bale, naka-tatlong hakot ako. Di ko naman kasi pwedeng gawin ng isang hakutan lang… kasi magmumukha akong mangangalakal lols. Kaya paunti-unti ko lang yung ginawa… hanggang nung biyernes nga ang huling paghahakot ko. Sabi ko, ilalagay ko ang mga gamit ko sa kahon, pero, kung saan ko ito nilapag, naroon pa rin sila hanggang ngayon hehehe. Mukhang tambakan na ang aking kwarto.

            Nitong nakaraang linggo, (to be honest hahaha), hindi ko maramdaman kung bakit nagsisimula nang magdrama ang isang co-teacher na maiiwan namin sa school. Hindi sa dahil hindi siya sincere, hindi ko lang maramdaman pa (ako ang may problema hahaha)… siguro kasi alam kong may mga araw pa naman na magkikita kami.

            Pero nung biyernes, nung huling hakot ko (bitbit ang dalawang paper bag na siksik sa gamit), dun ko naramdaman ang lungkot. Habang tinutunton ko ang daan palabas ng gate ng school, para bang biglang sumulpot sa isip ko ang lahat ng alaala. Yung pinigilan ko na lang na maalala at maramdaman ang lahat ng mga istoryang nabuo mula nang ako ay unang dumating sa paaralang iyon.

            Ganun pala. Ngayon ko palang naiintindihan ang nararamdaman nung isa kong co-teacher. Malungkot nga pala ang maiwanan… at malungkot din naman ang lumisan.

            Kaya pag-uwi ko nung Friday, nilapag ko lang sa sahig yung dalawang paper bag na dala ko at natulog na ako. Napakadaming kwento kasi ang nagbabalik sa loob ko… kaya tinulugan ko na lang, tutal inaantok na rin naman ako.

x-o-x-o-x

            Hindi ko alam kung mabuti ba akong kaibigan hahaha. Hindi ko alam kung kapag ba lagi kang present sa mga event ng mga friends mo ay ‘good’ ka na as a friend. Minsan kasi ayoko na magkikita lang for bonding. Hindi naman sa hindi ko sila nami-miss… pero alam mo yung pakiramdam na ‘fresh’ pa rin naman ang mga pinagsamahan niyo sa isip at puso ko, kaya parang pakiramdam ko okay lang kahit di muna kami magkita-kita sa ngayon. O baka ako lang ang ganun lols.

            Yung isa ko pa kasing circle of friends na mga guro din ay nag-aaya for bonding. Yung tinext na ako at nag-missed call pa (or di ko lang talaga nasagot lols), tapus wala man lang akong reply hahaha. Sabi ko naman sa kanila, pag wala akong reply, that means‘NO’… kasi kung gusto ko namang sumama, nanginginig pa ako sa pag-textng “YES! SAMA AKO!” pero madalas kapag nag-aaya itong grupo ng kaibigan ko ay hindi ako sumasama. I don’t know why. May isang beses nga na parang na-badtripna ata sila sa akin kasi ang hirap ko daw ayain, which is true hahaha. Hindi ko rin talaga alam. Kapag di ko feel… hirap akong makumbinsi ang sarili ko.

            Kaya baka nagtatampo na sila. Kasi itong current group ang lagi kong kasama. Masaya kasi ako kapag kasama ko sila. Saka hindi mahirap mag-aya dahil pare-parehas naman kami ng mga ‘sked’kumbaga. Alam namin kung kailan may pera sa wala hahaha, alam namin kung saan pupunta kung ‘ito’ lang ang budget, alam namin kung saan magpi-fit ang lahat para ‘everyone is happy’. Alam namin na kung hindi man pwede ang isa ay dapat namin intindihin at hindi yun nangangahulugan ng ‘nagkalimutan na’. Ito marahil ang kaibahan.

x-o-x-o-x

            Hindi ko lang din alam kung ako lang din ba ang ganito o ano ba hahaha. Yung kapag tumitingin ako ng mga larawan sa facebook… nabababawan ako. Siguro kasi dati, lalo na nung ‘de-film’pa ang mga camera, napaka preciousng bawat ‘shot’. Yung bilang na bilang lang talaga, walang dapat sayangin. Kaya mga precious momentslang talaga ang dapat makunan… na kapag napa-develop mo na ang larawan at inilagay mo na ito sa photo album, kahit isang picture lang, o kahit iilang shots lang nung happening na yun, isang buong istorya, sari-saring emosyon na ang iyong matutunghayan at mararamdaman.

            Eh ngayon kasi, dahil digital na, kapag panget ang ‘kuha’ pwedeng i-delete at ulitin. Kahit ilang kuha pwede. Kahit gaano karami. I-share sa fb at kahit saan pang social media. Patok pag maraming likes. Da best din kapag nai-share pa. Ganun na ngayon. Ang biglang pagtingin ay kasingbilis na rin ng biglang ‘click’.

            Ewan ko lang. Siguro napaka-arte ko para hanapin pa ang saysay, kwento o kabuluhan sa mga larawang nakikita ko. Wala lang. Nagpapaka-deep lang siguro ako… Pasensya lols.

x-o-x-o-x

            Gumising ako na ako lang mag-isa dito sa bahay. Naalala ko ginising ako sandali ng nanay ko kagabi. Nung oras na yun, dumating na ata yung sundo nila papunta sa Cavite. Hindi ako sumama kasi ayokong makita ang mga mahaharot kong pamangkin. Ayoko ng maiingay at magugulong mga bata hahaha. Kaya pinili ko na lang maiwan. Hanggang ngayon ako lang din ang nandito. Bukas pa ata sila uuwi. At ano pa bang bago, sana’y na ako sa ganitong eksena. Enjoy pa nga ako mag-isa hehehe.

            Ang sarap kapag tahimik dito sa bahay. Yung nagiging madrama ang liwanag ng araw na sumasabay sa payapang paligid. Na habang naliligo ako, naririnig ko yung lagaslas ng tubig, nakaka-relax.

            Ganito lang ang buhay ko ngayong sabado. Nanunuod. Nagbabasa. Nakikinig. Nagkakape. Kakain. Matutulog. Mag-iisip. Magku-kwento. Masaya na ako.

x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw

Ang Pamilyar na Init at Ang Hilig kong Makikain

$
0
0


Ika-13 ng Abril, 2014
Linggo, 10:23 ng gabi

            Kaninang hapon, sa sobrang katamaran kong kumuha ng inumin sa baba, tyinaga kong uminom ng tubig sa banyomalapit sa kwarto ko. Mabuti nga at sa may lababo ko pa naisipang uminom ng tubig at hindi sa inidoro hahaha. Eeewww!

            Dun kasi sa isang pelikulang napanuod ko kung saan ang sitwasyon ay puno na ng kakapusan sa pagkain at tubig, nagawa ng isang karakter na mag-survivesa pamamagitan ng pagkain ng toilet tissue at pag-inom ng tubig mula sa toilet bowl. Sa’n ka pa?

            Pero syempre di naman aabot sa ganung punto ang katamaran ko. Ayoko kasing kumilos kapag mainit, parang nakakapanghina ang panahon. Oo, alam ko na kasiraan sa pagkatao ko ang katamaran, pero tuwing weekend lang naman ito, tuwing weekdays naman, wala akong pakialam kahit maarawan pa ako… dati yun noong may pasok pa… eh ngayon kaya? Hahaha. Ewan.

            Buong araw lang akong nakahiga sa kama. Nanunuod ng mga kung anong mahahalukay sa netbook ko… pero wala naman talaga dun ang pokus ko. Maaaring nakatingin ako sa screen pero iba yung tumatakbo sa aking isip.

            Kanina, habang nakahiga pa rin sa kama, dinadama ko ang init sa kwarto. Sarado ang pintuan at hinayaan ko lang na bukas ang mga bintana para sumingaw kahit paano ang init, pero nakaladlad pa rin ang mga kurtina gayong wala naman akong makikitang magandang view sa labas kundi ang mga wagas naming kapitbahay hahaha.

            Sa isip ko, pamilyar ang init na nararamdaman ko sa aking kwarto. Ganito yung init na nararamdaman ko nung bata pa ako noong madalas pa akong maglaro sa labas. Ganitong-ganito yun,nasabi ko sa aking sarili. At lumutang na lang bigla sa isip ko ang mga alaala. Ipinikit ko ang aking mga mata… tapus… ayun nakatulog na ako lol.

            Paggising ko madilim na… ano pa bang bago? Dumiretso na ako sa banyo at naligo.

x-o-x-o-x

            Bigla ko lang naalala na nung bata pa ako, mahilig pala akong makikainsa ibang bahay hahaha. Hindi naman sa wala kaming makain lol, ganun lang talaga ako kagala nung bata na kabaligtaran naman sa ngayon. Sa sobrang pagkalayas ko noon, madalas akong abutan ng oras ng pagkain sa ibang bahay, tanghalian man o hapunan.

            Ewan ko pero masaya ako noon kapag nakikisalo ako sa ibang pamilya. Ganun pa siguro kakapal ang mukha ko na kapag inayang kumain ‘go lang’hahaha, kahit pa pwede naman akong umuwi muna sa amin at kumain. Pero, naisip ko baka dun na rin nagsimula yung pagiging mapagmasid ko (wow?).

            Iba’t ibang lamesa ang natunghayan ko nung bata pa ako – may hugis rectangle, square at bilog. May gawa sa kahoy, plastic at glass. Iba’t iba rin ang paraan ng pagkain – may gumagamit ng serving spoon, meron namang kung ano yung pinangsubo mo ay yun din ang ipangkukuha mo ng pagkain hahaha. May gumagamit ng placemat meron ding hindi. May pamilya na nakaupo talaga sa paligid ng lamesa at sabay-sabay kumakain, meron namang nasa lamesa lang ang mga inihandang pagkain at doon kumakain sa may sala kaharap ang tv.

            May mga palaalok, yung tipong may laman pa nga yung plato mo, nang-aalok na agad ng iba pang makakain. Meron namang ‘bahala ka na dyan, tutal nakikain ka lang namanhahaha. Meron akong nasaluhan na isa lang ang ulam pero masarap, meron ding marami nga pero ang tatabang naman lol, may simple tulad ng mga pritong ulam.

            Meron ding hindi plato ang ginagamit sa pagkain, kapag bata ang binibigay ay bowl. Parang ‘beybi’ ganun. May pamilya na kumpleto ang mga kubyertos, meron namang swerte ka kung abutan hahaha, kung hindi baka kutsara o tinidor lang. May pamilya akong nasaluhan na nagkakamay, kaya nakikamay din ako, nakakahiya naman di ba hahaha. May naghuhugas ng kamay bago kumain, mayroon ding wapakels kung saan nagmula ang mga kamay lol.

            May mga kalaro akong binobola pa para kumain ng gulay. Yung gagamitin pa ako para kumain ng gulay yung anak nila. Sasabihin – “Oy tignan mo nga si Jeff oh kumakain ng gulay, tapus ikaw hindi. Sige nga Jeff pakita mo nga”, tapus subo naman ako ng isang bulto ng ampalaya hahaha!“Oh di ba, hindi naman mapait di ba Jeff?”, oo na lang ako, kahit naluluha na ako saa kapaitan hahaha.

            May mga partikular sa pagkakaayos ng ginamit na kutsara at tinidor pagkatapus kumain. Tandang-tanda ko pa, tinuruan pa ako ng maldita kong kalaro nun. Sabi niya – “Tapus ka na ba?”, oo naman ako kasi tapus na talaga ako kumain.“Eh bakit di pa nakaayos yung kutsara at tindor mo? Dapat ganito”, at tinignan ko na lang ang ginawa niya. Ganun pala sa kanila hahaha.

            Siya nga pala mayroon ding nagdarasal muna bago kumain, kaya ako, ayun panggap-panggap din pag may time lol.

            Kaya siguro ako nawili makikain kasi iba’t iba ang natututunan ko mula sa pakikisalo sa ibang pamilya. Pero syempre ‘da best’ pa rin sa bahay kung saan pwede akong kumain ng nakataas ang paa hehehe.

x-o-x-o-x

            Hindi nga pala ako palakamaykapag kumakain, kahit pa ang ulam ay dapat kamayin. Tandang-tanda ko kasi yung pangalawa kong ate na maarte, kahit pa alimango na o hipon ang ulam namin, hindi pa rin siya nagkakamay, todo kutsara at tinidor pa rin siya. Kaya yun ginaya ko siya hahaha. Hanggang ngayon, nakuha ko yun sa kaniya lol.

x-o-x-o-x


 #MgaKwentoSaTagAraw

Huli man daw... ikatuTUWA mo pa rin! :)

$
0
0

Ika-14 ng Abril, 2014
Lunes, 6:57 ng gabi

            Tandang-tanda ko pa noong Grade 6, pagkatapos ng klase sa umaga, umuuwi muna ako sa amin ng tanghaling tapat para kumain at magbihis, dahil bandang ala-una ng hapon ay babalik na ulit ako sa eskwela para sa aming training sa campus journalism. Bitbit ko ang isang binder na binalutan ko ng kulay orange na kartolina na ginuhitan ko ng mukha ni Garfield at naka-plastic cover pa hahaha. Hindi ko alam kung bakit si Garfield ang iginuhit ko dun, ang alam ko lang malapit kasi sa orange ang kulay ni Garfield lol.

            Ang laman ng binder ay ilang piraso ng papel at isang bagong People’s Journal na dyaryo. Araw-araw bago sumakay ng tricycle pabalik sa eskwela, bumibili muna ako ng tabloid sa gilid ng terminal. Ako kasi ang naka-assign sa sports writing kaya kailangan kong pag-aralan kung paano ba isinusulat ang isang magandang balitang pampalakasan. Lagi kong kasama noon ang kapareha ko sa pagsulat ng sports, ako sa English yung kasama ko naman ay sa Filipino.

            Sa totoo lang, wala naman talaga akong natutunan sa training namin na iyon sa journalism hahaha. Dahil ang totoo, huli na nang sumali ako sa grupo bilang hindi naman talaga sports writing ang target ko. Sabihin na natin na second best lang ako para sa target kong feature writing. Yung kaklase kong katunog ng apelyido ko ang mas pinili ng gurong tagapagsanay namin noon. Siguro, nanghinyang lang siya sa akin, kaya ako na lang ang ginamit niyang pampuno sa lupon na ilalahok niya sa larangan ng pagsulat, dahil nung oras na yun, kulang na lang siya ng sports writer, soako na lang ganun lol.

            Pagdating ko sa klasrum kung saan kami nagsasanay, uupo lang ako sa isang upuan, ilalatag ng guro na nagsasanay sa amin ang isang bulto ng broadsheet newspapers. “Oh ayan, hanapin niyo na yung section nyo dyan, basahin niyo at pag-aralan, tapus sumulat kayo ng gawa ninyo, ipakita niyo sa akin pagkatapos.”Ganun lang kaikli ang kanyang instruction, matapos yun ay babalik na siya sa kanyang lamesa at magtsi-check at magre-record. Lalapit naman ako sa kung saan niya nilapag ang mga dyaryo, kukunin ang sports section, at ilalapat sa mukha ko ang isang malaking pahina… nakakalula para sa akin ang mga malalaking dyaryo.

            Nanghihinayang ako kasi hindi ko inabutan yung unang yugto ng pagsasanay nila nung ako ay hindi pa parte ng campus journalism club. Sabi nila (ng mga kaklase ko), noong una daw ay tutok sa kanila ang guro namin, dumaan sila sa proseso kaya nung naituro na niya lahat, panahon naman daw ng pagsulat. Sa loob-loob ko, “Eh pa’no naman ako? Ma’am turuan mo ako, bago lang ako, hugot lang ako hello! Sports ‘to, hindi ko ‘to alam”hahaha. Pero tuwing aattendako ng pagsasanay, parehong mga instructionlang ang sinasabi niya, “kunin ang dyaryo, basahin at magsulat ng sarili mo”. Kaya madalas sa kasama kong sports writer ako nagtatanong, na hindi ko naman din maintindihan ng lubos. Hindi ko rin magawang magtanong sa kanya (sa aming guro), kasi lagi siyang abala.

            Kaya yung dala kong People’s Journal na tabloid ang ginagamit ko. Kinokopya ko yung nakasulat na isang sports news doon sa aking burador, ipakikita ko sa kanya, tapus titignan niya lang ng ilang saglit, sabay lagay ng isang malaking tsek!Sasabihin pa niya, lalo na kung hindi pa alas-tres (oras ng tapos namin sa training)“Oh sige gumawa ka pa”, ako naman “oh sige kokopya pa ko”hahaha. At ganun palagi natatapos ang trainingko sa maghapon hahaha. Minsan kasi sakto yung balita sa broadsheet, kumbaga parang buod yung nasa tabloidna dala ko lol.

            Parang nakakatampo pa dahil sa cartoonist namin todo sipat siya sa ginagawa. Samantalang yung sa akin (at pati na rin sa iba) wala lang. Hindi ko nga alam kung alam niya bang hindi ko yun gawa, o sinasadya nya lang talaga yun para daw marami kaming ma-encounter na sample. Hindi ko talaga noon maintindihan.

            Kaya nung araw ng kompetisyon…ayun, nagmala-feature writer at ako… at ano pa nga ba…“nga-nga”… ligwak sa aking kategorya!

            Kaya nung nasa high school na ako, hindi na ako muli pang sumali. Pero dala na rin na kailangan kong lumahok lalo na’t  4thyear kami noon at kailangan kong magkaroon co-curricular activities para sa ‘honors’, ayun sumubok ako sa huling taon ko sa high school, na sabi ko sa sarili, ito na rin marahil ang huling pagkakataon na gagawin ko ito.

            Sumubok ako sa pagsulat ng lathalain… at parang dejavu… bilang dati na siyang manunulat ng lathalain sa aming school publication, siya (kaklase ko) pa rin ang nanatili sa pwesto. Pumangalawa lamang ang gawa ko sa kanya sa pamamagitan ng mga boto.

            Nariyang sa pagli-lay-out na lang daw ako sumali o kaya sa ganito, o kaya sa ganyan. Tiyak pa rin naman daw na makakukuha ako ng panalo. Pero… ayoko na. Umuwi na lang din ako nung araw na yun. Tinanggihan ko ang lahat ng kanilang alok. Ayokong malagay sa hindi ko gusto, kasi baka maulit na naman yung nangyari sa akin nung nasa elementarya pa ako.

            Kaya sa tuwing babasahin ko ang mga gawa ng mga manunulat namin sa official newspaper ng aming eskwelahan (noong high school), minsan naiisip ko sana man lang nakagawa ako ng isang mailalathala dito. Pero mula nung ganun nga ang aking mga naging karanasan, medyo tumamlay ako sa nais kong magsulat. Naisip ko baka hindi lang talaga ako mahusay… iba ang hilig… iba ang mahusay sa hilig lamang gawin.


x-o-x-o-x


            Bigla ko lang naalala ang lahat ng mga ito. Ngayong araw kasi ibinahagi ang huling official newspaper ng eskwelahan (kung saan ako nagtuturo o nagturo lol)para sa school year 2013-2014. Nakakatawa na kung kailan di na ako estudyante saka ko naman nakita ang ilan sa mga gawa ko na nailimbag sa isang babasahing pampaaralan. Nakakatuwa na yung nais kong mangyari noon ay ngayon lang nagkatotoo hahaha. Mabuti nga’t nangyari pa kahit sa pinakahuling pagkakataon…


x-o-x-o-x


P.S.
            Siya nga pala, wala akong sama ng loob sa gurong tagapagsanay namin sa journalismnoong nasa elementarya pa ako. Marahil ay di lang talaga siya nagkaroon ng oras sa akin. Bilang huli na rin ang aking pagdating. Marami rin akong natutunan sa kanya sa Englishclass namin, gustong-gusto ko kapag nagpapagawa siya noon ng essay na binabasa namin sa harap ng aming mga kaklase, ang pagre-reciteng tula at ang pagbabasa ng mga short stories. Sa kanya ko natutunan ang halaga ng pagiging palabasa(wide reader). May kasalanan din ako sa kanya, dahil kung anu-ano ang binabasa ko noong kami’y nagsasanay pa. Hindi talaga mga sports news ang kinukuha ko mula sa mga bulto ng dyaryo na binibigay niya sa amin, mga showbiz news at mga cool na cool na science newsang pinagkakaabalahan ko noon hahaha. Lol.


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#Salamat



Don't Ask Me Why...

$
0
0

Ika-18 ng Abril, 2014
Biyernes Santo, 4:03 ng hapon

            Hindi ko ang alam kung akolang ba… ang may ayaw ng Holy Week. Siguro, parang napakasama ko naman para sabihin yun pero… that’s how I feel. Ayoko kasi ng pakiramdam ng holy week… ang lungkot… ayoko ng malungkot.

            Na kung bakit sa mga panahon lang na ito nagkakaroon ng mga madadramang palabas… yung mga mabibigat sa damdamin… yung mga palabas na patungkol sa faith o pananampalataya o kahit ano pang may kinalaman sa kabutihan.

            Nakakaloko ang media. Dahil ba sa ganito ang panahon kaya mga ganung palabas din ang ipinalalabas nila? Kung talagang concernsila sa usaping moralidad at pananampalataya sana noon pa at dati pa nila ito inumpisahan (kahit pa hindi holy week). At sa lahat ng kanilang programa dapat ito ay makikita, pero alam mo naman na pagkatapos ng linggong ito balik na naman ang media sa mga dating gawi kung saan walang lugar ang moralidad at pananampalataya dahil ang totoo ang higit na mahalaga ay karangyaan, kasikatan at ang walang humpay na “Number 1 kami sa ratings! Salamat po!”Lol.


x-o-x-o-x


“When all is said and done, it is best to leave it that way.”
- Anonymous


x-o-x-o-x


Question:You were chosen to represent the whole mankind to a newly discovered planet inhabited by ALIENS. You could bring 5 people with you, who would you bring?

Answer:
1. Chris Hadfield
2. Preston Chaunsumlit
3. Miriam Defensor-Santiago
4. Sarah Sechan
5. Chris Hansen

*** walang ‘Why?’, meaning I cannot explain my answer, kahit gusto ko hehehe ***


x-o-x-o-x


#LibanginAngSarili
#Papemelroti



Viewing all 374 articles
Browse latest View live